* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Welcome to Finland, hinirang bilang the happiest country in the world, pinakamasayang bansa.
00:07.0
Ngunit tila nababalot ito ng takot at pangamba dahil napakaraming bunkers dito.
00:13.0
Ang bunker ay underground na taguan ng mga tao sa panahon ng gyera.
00:18.0
Ito ang Helsinki, ang capital ng Finland, pangkaraniwang larawan ng isang European city.
00:25.0
Ngunit hindi ito basta-bastang syudad dahil sa ilalim nito ay makikita ang 5,500 na mga bunkers.
00:33.0
Kayang magtago dito ang 900,000 katao.
00:37.0
Sobra ito sa populasyon ng syudad na nasa 660,000 lamang.
00:42.0
Yung iba ay hindi halata.
00:44.0
Lagusan na pala ng isang bunker.
00:46.0
At isa sa pinakamalaking bunker sa Finland ay ang Merihaka Shelter.
00:51.0
6,000 katao ang maaaring tumira dito.
00:54.0
Matatagpuan 20 meters sa ilalim ng syudad.
00:58.0
Para itong underground city dahil sa loob ay merong malawak na sports hall, playground,
01:04.0
Olympic-size swimming pool, cafes, parking area at gym.
01:09.0
Sa kapal ng lupa at mga bato na nakapalibot sa shelter ay hindi daw ito kayang wasakin ng nuclear bomb.
01:16.0
Ang radiation at gas ay hindi rin makakapaso.
01:20.0
At hindi lang sa kapital.
01:22.0
Ang buong bansa ay puno ng mga bunkers.
01:25.0
Tinatayang na sa 50,500 na mga bunkers ang makikita sa buong Finland.
01:31.0
Ano ba ang kinatatakutan nila?
01:34.0
Bakit ganito katindi ang paghahanda ng Finland?
01:37.0
As of 2022, tinatayang umabot na sa 50,500 civil defense shelters o bunkers ang naipatayo ng Finland.
01:46.0
Layuning magbigay depensa at proteksyon sa sino mang sisilong dito.
01:51.0
Ganito katindi ang kanilang paghahanda dahil napakalakas ng bansang kanilang posibling makalaban.
01:58.0
Walang iba kundi ang dambuhan ng kapitbahay nila, ang Russia.
02:02.0
Magkatabi lang kasi ang Finland at Russia.
02:05.0
At sa nangyayaring pagsakop ng Russia sa Ukraine,
02:08.0
ay talagang nangangamba ang Finland.
02:11.0
Sinasabing nagsimulang magpatayo ng mga bomb shelters ang Finland noong 1960s.
02:16.0
Ito raw ay dahil sa naging karanasan nila noong Winter War,
02:20.0
kalaban ang Russia na nooy Soviet Union pa.
02:23.0
Taong 1939, nagsimula ang Winter War,
02:27.0
Sa panahong iyon, malaki ang lamang ng pwersang militar ng Russia.
02:31.0
Pero kahit dihado ay lumaban ang Finland,
02:34.0
na nagresulta sa 380,000 casualties ng Russia
02:39.0
at 65,000 naman sa Finland ayon sa History.com.
02:43.0
Makalipas ang 105 days na labanan,
02:46.0
ay ipinatupad ang mga kamitlan na naibigay,
02:50.0
kung saan pinuwersa ang Finland na lumagda at sumangayong ibigay
02:54.0
ang approximately 10% ng kanilang teritoryo sa Russia.
02:59.0
Kaya kahit nang mabuwag ang Soviet Union,
03:02.0
kung ang ibang bansa ay nagluwag sa kanilang military defense,
03:06.0
ang Finland naman ay hindi tumigil sa pagpapalakas neto.
03:10.0
Bukod sa pagkakaroon ng mga civil defense shelters,
03:13.0
ang mga mga kamitlan na naibigay na naibigay
03:17.0
Bukod sa pagkakaroon ng mga civil defense shelters,
03:20.0
marami pang naging paghahanda ang bansa.
03:22.0
Nasa batas na dapat bahagi ng disenyo ng lahat ng tunnel, overpass o mga tulay,
03:28.0
ang pagkakaroon ng malaking hukay na pwedeng paglagyan ng explosives.
03:33.0
Ito ay para mapasabog ang mga pangunahing daanang ito
03:37.0
na magpapabagal sa paglusob ng kalaban.
03:40.0
Ang ilang mga kalsada ay dinisenyo rin upang magamit na pansamantalang paliparan
03:45.0
kung sakaling masira o malagay sa panganib ang mga airport.
03:49.0
Nasa 21,000 lamang ang active na sundalo ng Finland.
03:53.0
Ngunit kung sakaling may digmaan ay aabot ito sa 280,000 na sundalo
03:59.0
dahil mayroon silang 900,000 reservists.
04:02.0
Ang mga reservists, ito yung mga mamamaya na dumaan sa military training
04:07.0
at tatawagin para lumaban sa panahon ng digmaan.
04:11.0
Sila rin ang may pinakamalaking military capability sa buong Western Europe.
04:16.0
Pero ang pinakamahalagang hudyat ng kanilang pagpapatibay ng depensa
04:20.0
ay ang pagsali sa NATO.
04:22.0
Dahil sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine,
04:25.0
pinangangambahang baka sakupin rin ng Russia ang Finland.
04:29.0
Kaya noong May 17, 2022,
04:31.0
ay nagsubmit ang Finland ng kanilang membership application sa NATO.
04:42.0
Sa Finland, ang mga bunkers ay tinatawag nilang civil defense shelters.
04:48.0
Malayo nga sa imahe ng doomsday bunker ang mga defense shelters ng Finland.
04:53.0
Kung inaakala mong ito ay madilim, masukal at nakakatakot na taguan sa ilalim ng lupa,
04:59.0
dyan ka nagkakamali.
05:01.0
Ang karamihan sa mga shelters sa Finland na matatagpuan 18 meters ang lalim
05:06.0
ay maliwanag, malinis at maaliwalas.
05:09.0
Kompleto din ito sa mga pasilidad na maaaring magbigay ng normal na pamumuhay sa mga sisilong dito.
05:15.0
Mayroon itong sports field, cafeteria, playground at car park.
05:20.0
Pero higit na mahalaga sa mga pasilidad na ito ay ang kakayahang magbigay proteksyon.
05:25.0
Handa ang mga ito sa anumang bantanang panganib.
05:28.0
Ipinagmamalaki ng Finland ang kanilang blast-proof at gas-proof shelters.
05:34.0
Kaya din itong dumipensa sa bantanang radiation at toxic chemicals.
05:39.0
Isang halimbawa ay ang Merihaka Shelter na isa sa pinakamalaking defense shelters sa Finland.
05:46.0
Ito ay may laking 14,750 square meter at capacity para sa 6,000 na tao.
05:53.0
Mayroon itong two layers ng blast doors na may 30 centimeters ang kapal.
05:59.0
Ang unang pinto ay kayang pigilan ang impact ng pagsabog.
06:04.0
Ang ikalawang pinto naman ay ang nagseselyado para hindi makapasok ang anumang kontaminadong hangin.
06:11.0
Sa oras ng emergency, ay nakatakdang tumunog ang 40 emergency sirens
06:16.0
na nakakalat sa buong Helsinki bilang hudjat na pumunta sa pinakamalapit na shelter.
06:22.0
May sapat na tubig sa bawat shelter para sa tatlong linggo.
06:26.0
Ang mga mamamayan ang inaasahang magdala ng sarili nilang pagkain, gamot at sleeping bag.
06:32.0
Mahabang panahong naging neutral ang Finland.
06:35.0
Pero ngayon ay handa na silang manindigan para sa kapakanan ng mamamayan,
06:40.0
para sa pinangangalagaang kalayaan.
06:43.0
Kung nagustuhan niyo po ang content ngayon, mag-comment ng big yes.
06:47.0
This is your Ati O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!