Close
 


BAGO KA KUMAIN NG KASOY o CASHEW NUTS, PANOORIN MO MUNA ITO!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
GRABE! Ito pala ang MATINDING EPEKTO sa katawan ng pagkain ng KASOY o CASHEW NUTS #kasoy #cashewnuts #kasoybenefits #cashewbenefits =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: πŸ‘‰πŸ‘‰ https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:πŸ‘‰πŸ‘‰ https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:πŸ‘‰πŸ‘‰ https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== References: https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-10/cashew https://www.healthline.com/nutrition/are-cashews-good-for-you#heart-health https://www.organicfacts.net/health-benefits/seed-and-nut/health-benefits-of-cashews.html https://arbiemazingspot.blogspot.com/2017/11/7-health-benefits-of-cashews-kasoy.html =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din kame ng mga recipes na may
Tey Telly
  Mute  
Run time: 10:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Masarap na on-the-go snack ang kasoy o cashew nuts, at sa dami nitong benefits sa kalusugan ay talaga namang isa itong superfood.
00:09.0
Kaya sit back, grab ka na ng kasoy nuts at pag-usapan natin ang mga benefits na makukuha natin sa amazing nuts na ito.
00:18.0
Number one, maganda itong weight loss snack.
00:21.0
Challenging ba ang pagbabawas mo ng timbang dahil gustong gustong mong nagii snacks?
00:27.0
Huwag ka nang laging bumili ng mga unhealthy snacks gaya ng maalat na chips or sugary candies dahil unhealthy ito para sayo.
00:36.0
Pwede mong itry ang kasoy nuts. Maganda itong alternative na snack. Ito kasi ay mayaman sa protein at fiber.
00:44.0
Ang protein ay importante sa pag-build at pag-repair ng ating muscle tissue.
00:50.0
Habang ang fiber naman ay tumutulong sa pag-regulate ng digestion at para ma-fill mo ang pagkabusog sa mas mahabang oras.
00:59.0
Kaya naman mababawasan ang urge mo na kumain ng mas marami.
01:03.0
Pero keep in mind na mataas din sa calories ang cashew nuts. Kaya naman kumain lamang nito in moderation.
01:12.0
Ang ΒΌ cup nito ay kaya nang mag-provide ng 160 to 180 calories.
01:18.0
Kaya naman kung kakain ka nito ay pwedeng isang small handful lang para hindi ka ma-over calories.
01:29.0
Ang kasoy nuts din ay magandang source ng magnesium at calcium na mahalaga sa mabuting kalusugan ng ating mga buto, muscle, tissues at organs.
01:40.0
Sa katunayan, ang 100 gram ng cashew nuts ay approximately meron ng 292 mg ng magnesium at 37 mg ng calcium.
01:52.0
Maliban pa dito, ang magnesium din ay nakita na nakakatulong sa pag-maintain ng magandang nerve function sa ating katawan.
02:00.0
Ito ay dahil ang magnesium ay piniprevent ang calcium na rushly pumunta sa ating mga nerve cells.
02:08.0
Dahil dyan, napapanatili nitong relax ang ating nerves, pati na rin ang ating mga blood vessel at muscles.
02:16.0
Kapag masyadong kaunti kasi ang magnesium sa katawan, mas malaki ang chance na maraming calcium ang pumunta sa nerve cell na pwedeng maging sanhipa ng contraction nito.
02:29.0
Number 3, Tulong sa May Type 2 Diabetes
02:32.0
Ang isang ounce ng serving ng kasoy nuts ay may 1 gram ng fiber.
02:37.0
Maliban sa maganda ito para sa ating digestive health, ang fiber din ay may kakayahan na i-prevent ang bigla ang pagtaas ng blood sugar ng ating katawan.
02:49.0
Dahil dito, maaari itong masarap na snack ng mga taong may type 2 na diabetes na prone sa bigla-biglang pagtaas ng blood sugar.
02:59.0
Napakita ng isang pag-aaral na ang mga taong kumakain ng cashew nuts na katumbas ng 10% ng kanilang daily calorie intake
03:09.0
ay may overall na mas mababang insulin levels kumpara sa mga hindi talaga kumakain ng cashew nuts.
03:17.0
Maliban pa dito, ang prutas na ito ay mababa lang din ang sugar content.
03:23.0
Ang 8 grams ng net carbs ng isang porsyon ng kasoy ay may less than 2 grams ng sugar.
03:29.0
Kaya naman kung may diabetes ka, hindi mo na kailangang mag-alala pag nakakain ka ng kasoy.
03:36.0
Number 4, Tulong sa Puso
03:38.0
Ang kasoy rin ay matagal nang nalilink sa mas mababang risk ng heart disease at stroke.
03:44.0
Kaugnay ng naunang pag-aaral tungkol sa mga may type 2 diabetes,
03:48.0
nakita din na ang mga taong kumakain ng around 10% ng daily calorie intake nila mula sa kasoy
03:56.0
ay mas mababa din ang LDL o bad cholesterol kumpara sa HDL o good cholesterol.
04:04.0
Ang ratio ng LDL sa HDL ay madalas na tinitingnan bilang isang sign ng magandang heart health.
04:11.0
Marami ng pag-aaral tungkol dito at nagpapakita ng iba't ibang resulta.
04:17.0
May ilan na nagsasabi na may nakikita silang pagbabago sa ratio ng LDL sa HDL,
04:24.0
samantalang wala namang nakitang epekto ang iba.
04:27.0
Pero sa kabila nito, malawak pa rin ang assessment na mas malaki ang mga beneficyo nito
04:34.0
at walang masama kung isama ito sa ating daily diet.
04:38.0
Number 5. Support sa immune system
04:41.0
Ang kasoy ay good source din ng zinc.
04:44.0
Ang 28 grams nito ay may 15% na ng daily recommended intake of zinc ng adult.
04:52.0
Critical ang role ng zinc sa ating immune system function.
04:56.0
Kailangan ito para sa development at pag-function ng maayos ng ating immune cells,
05:02.0
kasama na ang white blood cells na tumutulong labanan ang infections at mga sakit.
05:08.0
Ayon sa mga pag-aaral,
05:10.0
ang mga taong may zinc deficiency ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng weak immune system
05:17.0
at mas mataas ang risk sa pagkakaroon ng infections.
05:21.0
Kaya nga naman ang pagkain ng mga zinc-rich foods gaya ng kasoy
05:25.0
ay nakakatulong para suportahan ang immune system at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
05:32.0
Number 5. Improvement of brain function
05:36.0
Ang vitamin B6 ay present din sa kasoy.
05:39.0
Ang nutrient na ito ay malaki ang role sa sintesis ng mga neurotransmitters
05:44.0
gaya ng serotonin, dopamine, at norepinephrine na importante para sa mood regulation,
05:52.0
pagtulog, at overall function ng brain.
05:55.0
Ayon sa isang pag-aaral na ipinablish sa Journal of Nutrition, Health, and Aging,
06:02.0
ang mga elderly Japanese adults na may mas mataas na intake ng vitamin B6
06:08.0
ay mas maganda ang cognitive performance.
06:11.0
At gaya din ang naging risulta sa isang pag-aaral na isinagawa sa mga healthy young adults.
06:18.0
Do nangangailangan pa ng mas malawakang pag-aaral para mas maintindihan ang kaugnayan ng vitamin B6 at cognitive function,
06:27.0
ang pagkain ng mga vitamin B6 rich foods gaya ng kasoy ay isang magandang way para masuportahan ang iyong brain health.
06:36.0
Ang 28 grams ng kasoy ay meron ng 10% ng daily recommended intake ng vitamin B6 for adults.
06:45.0
Number 6, Skin Health Improvement
06:48.0
Meron ding copper ang kasoy.
06:50.0
Ang mineral na ito ay importante para sa production ng collagen at elastin na siyang tumutulong para manatiling healthy at youthful ang skin.
07:01.0
Isa pang main functions ng copper ay ang involvement nito sa production ng red blood cells na siyang nagdadala ng oxygen sa ating buong katawan.
07:11.0
At ang copper din ay importante sa pagmenting ng healthy bones dahil tumutulong ito sa bone growth at development.
07:19.0
Lastly, ang copper din ay involved sa metabolism ng iron na isang essential mineral na malaki ang role sa ability ng katawan natin na magtransport ng oxygen.
07:32.0
Ang 28 grams ng kasoy ay meron 31% ng ating daily recommended intake ng copper.
07:39.0
Kaya nga naman, ang pagsama ng kasoy sa inyong diet ay makakatulong sa healthy red blood cell production, collagen formation, bone health, at pag-aid sa iron metabolism.
07:52.0
Number 7, Anti-Inflammatory Effects
07:56.0
Mataas sa oleic acid ang kasoy.
07:59.0
Isa itong mono-unsaturated fatty acid na napatunayang may mga anti-inflammatory effects sa katawan.
08:07.0
Mayama din ito sa antioxidants gaya ng vitamin E at ibat-ibang polyphenols.
08:13.0
Tumutulong ang mga antioxidants na ito na in-neutralize ang mga free radicals na maaaring mag-cost ng inflammation at damage sa mga cells.
08:24.0
Number 8, Support Eye Health
08:27.0
Ang dalawang carotenoids na importante para mapanatiling malusog ang ating mga mata ay ang lutein at siyasantin.
08:36.0
Ang kasoy ay merong small amounts na mga carotenoids na ito na maaaring makatulong para maprotektahan ang mata laban sa blue lights.
08:46.0
Ano-ano ang mga posibling side effects ng kasoy?
08:50.0
Gaya ng lagi nating sinasabi sa channel na ito, lahat ng sobra ay masama.
08:55.0
Kaya naman kahit masarap ang kasoy, tandaan pa din na kailangan nating ikontrol ang intake dito.
09:02.0
Ang labis-labis na pagkain nito ay maaaring maging sanhipa ng kabaliktaran ng mga benepisyong nabanggit ko kanina,
09:10.0
kagaya ng bloating, constipation, weight gain, at joint swelling sa ilang mga tao.
09:16.0
Pero bihira lang naman ang mga ito.
09:19.0
Kapag pinahid naman sa balat ang hilaw na kasoy, ay pwede kang magkaroon ng skin irritation, redness, at paltos.
09:28.0
Pero hindi naman madami ang kaso tungkol dito.
09:31.0
Maliban pa doon, dahil isang nut ang kasoy nuts, possible din na may mga taong allergic dito.
09:38.0
Mabuting alamin kung bawal ka sa nuts bago ka kumain nito,
09:42.0
para lang maiwasan ang mga kaso kagaya ng anaphylactic shock na galing sa labis na pagkonsumo ng pagkain na may allergy ka.
09:52.0
Kaya naman nirecommend na kung kakain ka ng kasoy nuts,
09:56.0
siguraduhin na hindi lalagpas sa 11% ng total calories ng diet mo ang dami ng kakainin mo,
10:05.0
para lang sure tayo na hindi ka susobra sa kain at makasama pa sa iyo.
10:10.0
Pero in conclusion, ang kasoy o cashew nuts ay napatunayan na isang masarap at masustansyang pagkain para sa maraming tao.
10:20.0
Kaya nga isa ito sa mga favorite snacks ko at hindi nawawala sa aking grocery list
10:26.0
at madalas nga binibili ko pa ito online dahil mas mura.
10:31.0
Ikaw, gusto mo din bang snack ang kasoy nuts?