Close
 


IM SAMA = QUEEN LILY?! 1084 | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1084 Episode 1062
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 11:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nagumpisa nga itong chapter 1084 sa pagpapatuloy ng flashback ni Sabo sa Reverie, ipinakita nga na inatake ni Sabo yung mga kawal ng Pangea Castle, hanggang sa nagkita na nga sila ni Jewelry Bonnie.
00:14.4
So mukhang kilala nga nila Sabo at Bonnie ang isa't isa, since may knowledge nga itong si Bonnie sa activities ng tatay niyang si Kuma sa Revolutionary Army, same as Sabo na may knowledge din patungkol sa anak ni Kuma.
00:29.0
Bali dahil nga sa similar ng layunin itong sila Bonnie at Sabo, which is iligtas si Kuma e pinaubaya na nga ni Bonnie itong mission na to sa Revolutionary Army.
00:39.8
Dahil oo nga naman, mas capable nga itong sila Sabo kaysa sa kanya, kaya naman tinanong nga ni Sabo itong si Bonnie kung anong na daw ba ang susunod netong gagawin.
00:50.8
Ang sinabi nga lang ni Bonnie e pupunta daw siya sa Egghead Island para kay Vegapunk. Susubukan nga daw niyang iparestore kay Vegapunk yung utak ng tatay niya.
01:01.0
At habang naguusap nga itong dalawa na to e biglang dumating itong crow ni Karasu. Ibinigay nga ni Sabo yung suse sa crow na to at sinabing iligtas na daw nila ni Morley si Kuma.
01:13.7
Susunod na nga lang daw siya pagtapos ng gagawin niya. So ano ba itong gagawin ni Sabo? Bale biglang may dumating na mga kawal. At syempre dahil sa awareness ni Sabo o sa observation hacking niya,
01:27.3
e biglang nga niyang binuhat si Bonnie at nagtago. At dito e narinig nga ni Sabo yung mga kawal na naguusap, pinaguusapan nga nila yung patungkol sa sinasabing legendary Phantom Room.
01:39.5
Nung marinig nga yung ni Sabo e kitang kita sa muka niya yung curiosity, at malamang e ito yung sinasabing niyang gagawin. Kaya hindi siya sasama sa pagsagip kay Kuma. Hanggang sa tuluyan nga nagpaalam si Bonnie at pupunta na sa Egghead Island.
01:55.8
Sa sumunod na panel naman e nandito na nga tayo sa masasabi kong pinakahighlights ng chapter na to. At ito nga e yung payakipagusap ni Cobra sa mga Gorosei. Nagumpisa nga itong pagtatanong ni Cobra sa history.
02:10.2
Sinabi nga niya na tinatag daw ang world government 800 years ago, kung saan e tinalaga daw sila ng 20 kingdom na nagsama-sama. Itong mga kingdom nga daw na to e nagsilipatan ang mga pamilya at tumira na sa Meridua.
02:25.8
Sila nga daw currently itong mga Celestial Dragons, at ever since nga daw e ito na yung paniniwala ng marami. Sila nga daw ang nagru-rule over sa mundo. At para nga daw walang maging diktador o leader na sasamantalahin ang kapangyarihan, e binuo daw nila itong tinatawag na Empty Throne.
02:44.9
Itong mga armas nga daw na nakapaligid sa Empty Throne, e nilagay ng 20 kingdom bilang panata na walang uupo sa Empty Throne. Kumbaga pinaparating ni Cobra na pantay-pantay lang itong 20 kingdom na to sa pamumuno ng mundo.
03:00.7
Anyway nabangit nga rin ni Cobra na yung mga iniwang kingdoms nga daw ng mga royal families na tumira na sa Meridua e pinili nila kung sino ang susunod na mamumuno sa iniwan nilang kingdoms. At mapasa hanggang ngayon nga daw e sila pa rin ang namumuno sa mga kingdoms na to.
03:19.2
So baka malito kayo guys ha? Ang example nga dito e yung Dressrosa. Originally nga or 800 years ago, e Don Quixote family talaga ang namumuno sa Dressrosa. Pero dahil nga sa kasama itong Don Quixote family sa 20 kingdoms na nanayrahan sa Meridua, e in-assign nga nila itong Rico family na mamuno na sa Dressrosa.
03:42.1
At ito nga yung point kaya tinarget ni Doflamingo yung Dressrosa, ang ibalik sa Don Quixote family yung rulership sa bansa na to. Bali mabalik nga kay Cobra, e dinagdag pa nga niya na nangyari daw talaga yung pagtatalaga ng 20 kingdoms sa susunod na magruhul ng mga iniwan nilang bansa, maliban nga lang daw sa Alabasta.
04:04.5
Dahil hindi nga daw gaya ng 19 kingdoms na nag-agree na manayrahan sa Meridua, e itong reina nga daw ng Alabasta which is si Queen Lily, e hindi daw pumayag na tumira sa Meridua. At mas pinili nga daw niyang bumalik sa Alabasta. Yes guys, isa nga itong si Queen Lily sa 20 founding members ng world government. Kaya nga daw itong mga weapons sa paligid ng empty throne e labing siyam lang.
04:31.4
Bali bago pa nga ituloy ni Cobra yung sasabihin niya e kinat nga siya na itong isa sa Gorosei, at tinanong kung ano daw ba ang pinupunto ni Cobra. Sinagot nga lang ito ni Cobra na base nga daw sa pony clips na hawak nila, pati na rin sa iba't ibang history na meron sila, e nagtataka nga siya kung bakit hindi man lang daw nababanggit yung pangalan ni Queen Lily.
04:54.0
Mukhang nung time nga daw na nagdesisyon itong si Queen Lily na hindi tumira sa Meridua, e bigla daw itong nawala at hindi na nakauwi pa sa Alabasta. Since yung namuno na nga daw sa Alabasta nung panahon na to, e yung kapatid na netong si Queen Lily. Bali biglang ang natigilan itong si Cobra at sinagot siya na itong kilala nating Gorosei na si Saturn.
05:16.9
Sinabi nga ni Saturn na totoo daw itong mga pinagsasabi ni Cobra patungkol sa 20 kingdoms, naniniwala nga rin siya na bumalik daw sa Alabasta si Queen Lily. Pero yung motibo nga daw netong si Queen Lily kung bakit hindi siya pumayag na manirahan sa Meridua, e hindi nga daw nila alam, since wala nga daw ito sa history. Nung marinig nga yun ni Cobra e parang hindi siya satisfied sa sagot netong si Saturn.
05:43.1
Kaya naman out of nowhere e bigla nga niyang tinanong kung ano daw ba ang ibig sabihin ng D, nung marinig nga ito ng Gorosei e para silang naalarma. Pero sinagot pa nga rin si Cobra netong kalbong Gorosei, at sinabing yung D nga daw e isang short letter lang na sinulat ng dating Reina, pinasapasa nga daw ito True Generations. Bali hindi nga in-specify kung sinong Reina itong tinutukoy ng Gorosei, at dito e bigla nga ngang naputol yung panel.
06:12.2
Sa kabilang banda naman e nalipat na nga yung scene sa pagliligtas ng Revolutionary Army kay Kuma. Ipinakita nga sa labas ng Pangea Castle itong si Shirahoshi, nakita nga natin na hawak siya ni Kuma at nakakadena. So in-emphasize nga na nung oras na ito e nagaganap na yung reverie, meaning e wala yung tatay ni Shirahoshi sa tabi niya.
06:34.5
Bali ang may pakana nga neto e si St. Charles pa rin, hanggang sa bigla nang ang dumating itong kapatid ni Shirahoshi, syempre para iligtas siya. Kaso nga lang e biglang umatake itong si Kuma ng laser beam. Doon nakailag nga itong kapatid ni Shirahoshi, e patuloy pa nga rin itong si St. Charles sa pag-utos kay Kuma na umatake.
06:55.9
Kaya naman nakita nga natin itong si St. Mosgaard na inutos kay Sai na pwede niya daw atakihin si St. Charles. Sagot nga daw niya si Sai mailigtas lang si Shirahoshi. Pero itong kapatid nga ni Shirahoshi e pinigilang umatake ni St. Mosgaard. Sinabi nga niya na sila Sai na lang daw ang bahala, since mga perata naman daw sila, huwag nga daw dungisan ng kapatid ni Shirahoshi yung kamay niya, dahil itong sila Sai nga daw e wala naman daw bansa na pinapatakbo.
07:25.5
Kaya pwede daw silang magtago pagtapos ng insidente na to, which is may point nga itong si St. Mosgaard. Sa abilang banda naman e nanghingi rin ng tulong si Shirahoshi kay Rebecca. Kaya naman itong si Leo nga e nakita nating readyng ready na naatakihin si St. Charles. At dahil nga sa gigil na gigil itong si Leo at Sai sa uhuging celestial dragon na to, e nakita nga natin na binuhus nila yung galit nila sa ataking ginawa nila.
07:52.9
Halos mapipinga yung muka na itong si St. Charles sa ataking ginawa nila Sai at Leo. Pero kung inaakala nga natin na tapos na e hindi pa pala, dahil umakmanga ng atake itong si Kuma, na agad rin namang napigilan ni Morley. At finally e nailigtas na rin ng revolutionary army itong si Kuma.
08:13.6
Sa sumunod na panel naman e nabalik nga yung scene kila Cobra at sa Gorosei. Nung time pala na tinatanong ni Cobra itong mga Gorosei e nakikinig lang pala itong si Imsama. Kaya naman ngayon nga e bigla siyang nagpakita. Naglakad nga siya papunta sa empty throne at biglang umupo. Nung makita nga yun ni Cobra e kitang kita sa muka niya yung takot at pagkagulat.
08:37.0
At sa huling panel nga ng chapter na to e binanggit ni Imsama yung pangalan ni Queen Lily. At dito na nga nagtatapos itong chapter 1084.
08:47.0
Bale ngayon e pag-usapan naman natin ang mga pangyayari sa chapter na to. Unahin na natin itong scene nila Bonnie at Sabo. As stated nga sa chapter na to e mukhang hindi nga talaga nagkita yung magamang Bonnie at Kuma. At yung hinala nga natin na pinalipad ni Kuma itong si Bonnie mula sa Meridjua papunta sa Egghead Island e hindi pala nangyari.
09:09.2
Physically nga na pumunta lang itong si Bonnie sa Egghead Island. So nakakatawa nga yung part na kilala nila Bonnie at Sabo yung isa't isa, since may koneksyon nga sila. At it makes sense na nga kung bakit ganun nalang katiwala si Bonnie kay Luffy nung una silang magkita sa Egghead Island, since alam nga niya na kapatid neto si Sabo.
09:30.3
Sa part naman ng pagkuhan ni St. Charles kay Shirahoshi, e nakakatawa nga na nagstep up itong sila Sai at Leo. Kumbaga yung naudlot nilang pagtulong sana nung una e ngayon na natuloy. Bilib nga rin ako sa tapang na itong kapatid ni Shirahoshi, yung tipong wala siyang pake sa consequence. Ang importante lang sa kanya e mailigtas yung little sister niya. Itong si St. Mouseguard naman e kudos din sa kabaitan niya.
09:56.6
Dito nga natin makikita na totoo ang good karma, dahil alam naman natin nung pumunta siya sa Fishman Island e niligtas siya ng nanay ni Shirahoshi at ngayon nga e parang binabalik niya yung pabor dito. Sa part naman ng pagtatanong ni King Cobra patungkol kay Queen Lily, e maraming ang possibility sa kung anong relevance na itong si Lily sa kwento, dahil maaaring siya mismo si Im-sama.
10:21.7
Sin sinasabi nga na pagtapos niyang tumanggi na maging Celestial Dragon at manirahan sa Maridjowa e hindi na daw siya nakita pa, maaari din na meron siyang ginawa prior sa pag-uwi niya sa Alabasta, kaya hindi na siya nakabalik pa. Maybe e kung anuman itong ginawa niya e pwedeng related kay Joy Boy, o maaari din naman na misdirection lang ito sa part ni Oda. So maraming ngang posibilidad, kaya naman gagawa na nga lang natin ito ng separate video.
10:51.3
Na i-upload rin naman natin sa next video natin. Anyway dito na nga nagtatapos itong chapter review natin para sa latest chapter ng manga na Chapter 1084. Ipapaalala ko nga na break next week kaya naman asahan nyo na sa next next week pa yung susunod na chapter. So yun lang, peace!