Close
 


YT NILARUAN NG BALYENA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 07:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Itong si Daniel Dux ay talaga namang hirap sa pagkilala sa salita ng limitasyon.
00:06.0
Nang taong 1996 ay naging obses ito sa larong tinatawag na Ultima.
00:11.0
Sa panahong iyon, ang larong ito ay ang pinakasikat at ang pinakakinagigiliwan ng mga kasing edad niya.
00:17.5
Sa sobrang pagkahumaling nito sa laro, ay hinanap nito mismo kung saan nakatira ang gumawa ng Ultima.
00:23.5
Kaya naman, tag-sibol ng parehong taon, nag-decision ito na ang bahay nito ay kanyang pupuntahan.
00:30.0
Sa kanyang pagdating, ay kumotok ito sa pintuan ng tahanan.
00:33.0
Ngunit sa tarangkahan, ay walang sumagot sa kanya.
00:36.0
Inis na inis man ito, ito muna ay lumisan.
00:39.0
Matapos ang dalawang oras, hindi ito nakatiis at muli ang bahay ay kanya na naman napinuntahan.
00:45.0
Ngunit wala pa rin naman na sa kanya ay nagbubukas pa.
00:48.5
Tila ba wala talagang tao sa bahay na kanya naman napakay?
00:53.0
Ngunit sa pagkakataong ito, imbis na umalis, ay binasag nito ang bintana ng tahanan.
00:58.0
Pumasok ito sa loob, umakyat sa ikalawang palapag, at saka naman sa kama, ay doon mismo natulog siya.
01:05.5
Kinabukasan akala niyang walang taong bahay, ay nandoon pala ang mayari at nahihimbing.
01:11.5
Kaya naman, nang ito ay magising, agad nitong napansin
01:15.5
ang natutulog na si Daniel sa isa sa mga silid ng bahay niya.
01:19.5
Agad itong nag-histerikal, at siya ay walang habas na pinagsisigawan at pinalalayas.
01:25.5
Ngunit hindi natinag itong si Daniel.
01:28.0
Ang nais lamang niya ay bumalik sa pagkakahimbing niya.
01:32.0
Dahil dito, tumawag na agad ang mayari ng bahay ng kapulisan,
01:36.0
na agad naman narumespunde sa tawag niya.
01:39.0
Nang dumating ang mga otoridad, naabutan nila si Daniel na natutulog pa rin sa tahanan na pinasok niya.
01:46.0
Matapos na siya ay makaladgad palabas, ay inaresto ito ng mga rumespunde ng mga otoridad.
01:52.5
Isang taon matapos ang insidenting ito, ay nahuli na naman ito namuli.
01:57.5
Sa pagkakataon namang ito, ay pumasok sa Sea World sa kulungan ng mga hayop na tinatawag na mga manatees.
02:05.0
Matapos na ito ay magsara, ay lumangoy itong si Daniel kasama ng mga manatees.
02:11.0
Nang siya ay arestohin ayon sa kanya, na nais lamang niya na makalaro ang mga hayop sa kulungan nila.
02:17.0
Ngunit kahit ano pa nga at kung ano-ano ang pinagagawa niya, ayon sa mga nakakikilala sa kanya,
02:23.5
hindi ito masamang tao.
02:25.5
Sa katunayan, isinalarawan nila ito bilang isang tahimik mahiyain at higit sa lahat ay chilang nauri ng tao.
02:33.5
Higit sa lahat napakahilig nito sa mga hayop.
02:37.0
Pagsapit ng taong 1999, si Daniel ay 27 taong gulang na.
02:42.5
Sumapi ito sa reliyon na tinatawag na ang Hari Krishna.
02:46.5
Ito ay paniniwala ng mga Hindu at sa pananalig na ito, wala naman siyang naiambag sa templo
02:53.0
o kahit pa sa mga kasama niya maliban sa pag-aabala at pagtatala ng mga ibon na dumatapo sa templo ng pananalig na sinalihan niya.
03:03.0
Sa kanyang kwaderno o notebook, detalyadong nakatala kung anong uri ng ibon ang dumapo o pumunta sa kanila,
03:09.5
kasama na kung gaano karami ang pinakakain niya, at kung ano rin ang mga kulay nila.
03:14.5
Kung ilang beses na sila ay lumipad, wala itong pakialam sa ibang bagay na inuutos sa kanya,
03:20.0
basta ang trabaho niya ay ang ibon na dumapo sa templo nila.
03:25.0
Matapos ang isang buwan, inanunsyo nitong si Danielle na sa mga kasama at katemplo niya na siya ay manunumpa ng katahimikan
03:33.0
o sa salitang ingles ay ang vow of silence na kinataka naman ng mga kasama niya.
03:38.5
Sa kanilang paniniwala, hindi naman ito pinapayo o ginagawa.
03:42.0
Ito ay dahil sa panunumpang ito, walang sinuman ang pwedeng magsalita pa,
03:47.0
walang kahit na anong salita ang mamumutawi sa labi nila.
03:51.5
Kasama sa mga sinabi niya sa mga kasamahan niya na siya ay lilisan na sa templo nila.
03:57.0
Kaya naman matapos ang panunumpang ito, ng katahimikan ay agad itong nag-empaki at tuluyan na na ang templo nila ay kanyang nilisan.
04:05.0
Nung dumating itong muli sa Amerika, ay gumawa ito ng hindi naman mga kabigatan na kasalanan,
04:10.5
katulad nalang ng pang-uumit o pag siya shoplift.
04:14.0
Hindi lamang sa isang Estado niya ginawa ito, kundi sa iba't ibang bahagi ng bansa ng Amerika.
04:20.0
Nang nahuli ito minsan sa Florida dahil sa pang-uumit niya ng isang pirasong candy sa 7-11 sa korte,
04:27.5
dahil nga ito daw ay nanumpa na walang salita ang mamumutawi sa labi niya,
04:32.5
ay isinulat nito ang pagtanggi niya sa ginawang pang-uumit ng candy.
04:37.0
Sa dulo, lahatulan ito na makulong ng tatlong araw sa piitan.
04:41.5
Matapos na makalaya, ay bumalik itong muli sa Orlando, Florida,
04:45.5
kung saan ilang taon na ang nakararaan ay naaresto ito nang pumasok na iligal at lumangoy kasama ng mga manatees.
04:53.0
Nang papunta na ito sa kulungan ng mga manatees,
04:56.0
napadaan ito sa lugar kung saan nakakulong ang mga hayop na tinatawag nila na ang mga killer whale.
05:02.5
Nang pumasok ito sa parke, ay bukas pa ito at may mga show na nagaganap.
05:07.0
Sa panahon iyon ay tampok ang pinakamalaking killer whale sa parke na tinatawag nila sa pangalan na si Talikum.
05:14.0
Ang hangmangha si Daniel.
05:16.0
Ayon sa mga nakasaksi na nakatanga ito at hindi kumukurap sa kanyang panonood.
05:21.5
Si Talikum ay isang uri ng balyena na may habang dalawampu at dalawang talampakan at may timbang na higit pa sa 5,000 kilo.
05:30.5
Natupadang plano nitong si Daniel, nakapagtago ito hanggang saang parke ay tuluyan na na magsara.
05:36.5
Saka naman ito ay lumabas habang nakasuot ng panglangoy.
05:41.0
Ito ay dumiretsyo sa kulungan ng mga killer whale kung saan nakakulong itong si Talikum.
05:46.5
Dahil malamang nais niya na ito nakalaroin.
05:50.0
Ninais din naman ni Talikum na siya ay maging kalaro nito.
05:53.5
Ngunit sa hindi inaasahan na pamamaraan, agad hinatak ni Talikum ang salawal na suot ni Daniel pailalim ng pailalim.
06:02.0
Ngunit hindi naman nakahihinga sa tubig ang tao.
06:05.0
Nang makarating sila sa pinakailalim ng kulungan ni Talikum ay tuluyan na naubusan itong si Daniel ng hangin.
06:12.5
Na siya namang naging sanhi ng kanyang ikinasawi.
06:16.0
Matapos ay saka ito pinaglaruan pa ng baliyena.
06:19.5
Hagis dito, hagis doon hanggang sa matanggal ang braso ng walang buhay na na si Daniel.
06:26.5
Simunod namang kinapitan ni Talikum ang mga paan nito.
06:30.0
Tila ba ito ay isang basahang manika na pinaglalaruan ng excited na bata.
06:35.5
Nang mapagod si Talikum ay inangkas nito ang gula gulanit ng katawan ni Daniel sa kanyang likuran
06:42.0
hanggang sa maabutan ito ng mga trabahador kinabukasan.
06:46.0
Hindi nila agad makuha ang katawan nitong si Daniel mula kay Talikum dahil ayaw nitong ibigay ang laruan niya.
06:53.0
Kinailangan pa na iangat ito sa tubig gamit ang espesyal na makina
06:57.5
para lamang makuha nila ang katawan ng nasawi na nakikipaglaro na binata.
07:03.0
Lumabas sa embestigasyon na aksidente ang nangyari dahil na rin sa sariling desisyon ng binata.
07:09.0
Mga katinagalog ko, naniniwala po ba kayo na tila ba parang may kakaunting sakit sa kaisipan itong si Daniel?
07:15.5
O sa dyang talaga naman ang kanyang desisyon ay kanya lang dapat na pagbayaran?
07:21.0
Isulat po ang inyong saluobin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
07:27.5
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.
07:51.0
Thank you for watching!