Close
 


LTO Chief Tugade, umayaw sa gitna ng laban... delicadeza o pulitika?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
LTO Chief Tugade, umayaw sa gitna ng laban... delicadeza o pulitika?
Tune In Kay Tunying
  Mute  
Run time: 59:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:30.0
... Ang oras po natin 5.06 ng hapon dito sa Pilipinas. Anong oras ba sa lugar kung saan naroon kayo? Lalo ang ating mga kababayang OFW at ang mga Pilipinong nag-migrate sa ibang bansa pero hindi kinilimutan ang kanilang sariling bayan.
00:58.0
... Ang totoo nabalitaan ko na mas nauuna pa pala kayo sa mga update dito sa ating bansa kesa sa amin. Magagaling din kayo. Apakalayo, thousands of miles away pero nauuna kayo sa amin. Magagaling talaga kayo pagdating napakalaking bagay ng social media at online news.
01:28.0
Ito po ang palatuntunang mabagal, ang pinaka-boring na palatuntunan sa balat ng social media. Ayos ba kayo dyan? Ayos!
01:58.0
Mapakapihan, kainan, at sa diglaang yayaan, sagot ko na ang kwentuhan. Dito lang yan sa PINAKAMABAGAL AT PINAKABORING NA PROGRAMA SA BALAT NANG SOCIAL MEDIA, UNCUT TUNYING.
02:28.0
Ito ang mga unang taga-subaybay na nanonood sa atin sa Youtube at Facebook. Thank you po sa inyo. Marami na kagad eh.
02:59.0
Malya Gohit, sa wakas nag-notice ng me live ka po from Cabuyaw, Laguna. Thank you po sa inyo. Sinep Pangilinan, Randy Manuel, El Deleon Talens, kamag-an ako to Talens.
03:15.0
Tom Buanga, itong si Taga Hongkong, itong si Milva Alayban, Teresita Valencia from Down Under. Uy makapunta nga dyan, malamig ba dyan sa Down Under? Mga bandang Agosto, okay po ba ang lamig natin dyan?
03:34.0
Tapos sabi nitong si Maribel Spilok, bagong tina ang buhok ni Kato? Hindi po eh. Alam niyo po ba, hindi po ako nagtitina si Kato niyan kaya ang dami ko ng puti.
03:48.0
Sabi kasi nila kapag nag-umpisa kang magkulay ng buhok, magagalit daw ang buhok mo at lalong bibilis ang pagputi. Kaya hindi ako nagpapatina.
04:18.0
Itong si Ferrero Rocher. Parang masarap yan. Chocolate ba yan? Southern Late eh. Taga Marikina, itong si R. Ambaz, Francis Abad, ito si Alfonso Failano.
04:36.0
Yan po ang mga ka-kristian, ka-ponso. Anyway, marami-marami na rin po ito, hindi ko lang mababasa lahat. Dito pala si boss Ryan Sifra. Boss Ryan, hello.
04:50.0
Ito taga Vietnam, Joffreine Villasencio. Alam niyo ba Joffreine Villasencio, bago mag-pandemic, bago mag-lockdown, may ticket na kami papunta ng Vietnam, ang aming mga empleyado ng Kato Ngings at Outbox Media. Hindi pa natuloy dahil sa lockdown na yan pero matutuloy ulit kami dyan.
05:20.0
Naka-plano na yan kaya inunahan na pag-resign. Naka-plano si Baken, unahan na kita.
05:51.0
Shoutout din kay Redentor Nuki dyan po sa Hong Kong. Ito, Kaya Gerber. Kaya Gerber, nasa Kuwait pala. Kumusta ba kayo dyan sa Kuwait? Sana okay lang po kayo dyan.
06:08.0
Ito si Lou Barrera, si Faye, si Karl, taga San Antonio si Karl, si Dory Caro at maraming iba pa. Maraming iba pa. Okay? Maraming maraming salamat po sa inyong pagsabay.
06:29.0
Sabi ni Walochub, di kinaya ni LTO Chubb ang corruption sa DOTR. Sinabi niya yan pero wala namang tayong nababanggit na corruption, nagtatanong lang tayo dyan.
06:47.0
Okay. At magandang ahapon din po kay Kuya Ruel Pili. Kuya Ruel, alam ba tayong natirang ulam dyan sa birthday ni ating Giselle? Dyan sa San Pedro, Laguna. Maraming salamat po sa inyong. At itong si Charlie Whiskey, watching from Alaska.
07:08.0
Alaska? Wala pa rin tatalo sa Alaska? Okay. Umpisahan na po natin mga kababayan ang ating huntahan pero mabilis lang ito. Meron akong lakad.
07:38.0
Okay. At ang notification letter sa Malacanang. Ito po ay pagbibitiw bilang pinuno ng Land Transportation Office. Masayang-masaya pa siya dyan. Nung in-appoint siya ng Pangulo, siya po ay nanumpa kay DOTR Secretary Jimmy Bautista around November, mga 2nd week ng November 2022.
08:08.0
Masaya pa sila dyan. Pero sila pala magbabakbakan. Pero tingin ko hindi si Secretary Jimmy nung umpisa yan pero nung bandang huli si Secretary Jimmy Bautista na po.
08:38.0
So ito po yung lakad. Pinupila po ang ilang party ng resignation letter. Yan po. Ang sinasabi dito, even as DOTR and LTO both aim to succeed in serving the public pareho daw po may layon, ang DOTR at LTO na magtagumpay sa pagsisilbi sa bayan are methods,
09:01.0
may mga pamamaraan to achieve that success para makamit ang tagumpay na ito, differ, ay magkaiba. For this reason, dahil dito, I am stepping down. Ako ay bumababa. Bakit daw po?
09:23.0
Nagulat ba kayo? So Secretary Jimmy Bautista will have the free hand to choose who he can work best with para makapamili si Secretary Bautista ng kanyang gustong makatrabaho.
09:44.0
Yung ibang party na hindi nating babasahin. So siya nag-resign dahil medyo sa intindi po natin doon, hindi sila magkasundo ni Secretary Jimmy Bautista.
09:59.0
Puntahan nga natin mismo yung resignation letter niya. Dahil may kopya po tayo ng kanyang resignation letter na noong una akong binasa, mukha hindi resignation letter. Mukha hindi resignation letter. Mukha po itong terminal report.
10:22.0
Eto po mga kababayan. Ito po yung unang pahina. Ito po may pechang May 22, naka-address kay Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ni Secretary Jimmy Bautista,
10:36.0
nakalagay po dyan at natanggap po ng opisina ng Secretary ng oras na 8.41 ng umaga. Ang nakatanggap ay si Dante. Si Dante ay nakatanggap.
10:54.0
So andito ang kanyang resignation letter na tingin ko parang terminal report. Dear Mr. President, I am forever grateful for giving me the opportunity to serve our great country.
11:12.0
Ako po ay walang hanggang nagpapasalamat sa pagbibigay sakin ng pagkakataon na magsilbi sa ating dakilang bansa. Since I assumed office on November 17, 2023, parang maliitong pecha na ito.
11:42.0
November 17, 2023 ang sinabi. Pero tinutukoy siguro doon 2022. Almost six months. Pinakita po niya rito, sinasabi po niya rito, ang mga pagtatagumpay na kanya ginawa. Isa-isa po niya yan.
11:58.0
Alimbawa ang pagpapatupad ng IRR sa mga lumang kotse ba, mga vintage na sasakyan. Sila nakapagpatupad din ng single ticketing system na nagumpisa ng labor day.
12:17.0
Nakapagpatupad din daw sila ng cap or limit sa singil ng mga driving schools. Nakapag-extend daw sila ng discount sa motor vehicle user charge for battery and hybrid electric for 30 percent, et cetera.
12:33.0
Natanggal daw po nila ang periodic medical exam na nire-require po sa mga 5 taong lisensya at 10 taong lisensya. Tapos in-extend daw po nila ang registration ng mga bagong motorcyclo na ang engine displacement ay mas maliit 200ccm below. Dati 1 year naging 3 years.
12:56.0
So sa madaling salita, ang sinasabi niya rito sa kanyang report, meron siyang mga ginawang ubog ng dami. Ito pa, tuloy ang basa. Basahin lang po natin yung pagina 1 at pagina 2.
13:27.0
At tinanggal din daw po nila yung change venue fee among many others. So inisa-isa po niya yun. Sa digitalization naman po daw, yung mga may-ari daw po ng mga sasakyan, pwede nang mag-renew ng kanilang registration online effective noong February 14.
13:46.0
Meron na rin computerized manual issuance ng traffic violation receipt at meron na rin handheld device ang mga enforcers para po sa uploading nito real-time.
14:00.0
Meron daw po silang digital complaint and feedback system sa pamamagitan ng QR code, isumbong mo kay chief. Tapos nakaisip rin sila ng digital license katuwa ng DICT. At meron daw po silang mga enforcer nila pinagsusuot nila ng body cam etc.
14:22.0
So marami pala ito. Operation sabi niya mula nung nakaupo daw siya 6 months ago, November 17, nakapagpatayo sila ng 10 mga opisina, nakapagbukas ng mga 10 bagong opisina at mas malapit siya.
14:39.0
At nailibre rin daw yung theoretical driving courses nationwide. So hindi mo na kailangan magpaturo sa kakilala. Naalala ko na magpaturo sa kakilala.
15:09.0
At sa 2022 nasa P26B ang naisubin nila sa National Treasury. So sa kabila daw po ng lahat ng iyon mga kababayan, siya daw po ay nalulumbay dahil natakpan ng usapin ng kakapusan ng plastic card ng driver's license na hanggang hindi pa nagagawa ng DOT-RMP ang kanilang mga tagumpay.
15:39.0
Sabi niya kahit na hindi naman o wala namang kasalanan o pagkakamali dito o pagkukulang ang aking opisina, sabi niya, I hereby respectfully tender my irrevocable resignation effective June 1, 2023.
15:56.0
So siya pinagbibitiw sa kanyang tungkulin efektibo sa unang araw ng June. Bagamat sabi niya, while I remain firm on my position that my office is not remiss of its duties, bagamat naniinindigan ako na ang aking tanggapan ay hindi nagkulang sa kanyang mga tungkulin,
16:26.0
leadership espoused by this administration upang ipakita ang uri ng liderato na itinataguyad ng administration ito. Ano daw po yan? Which is to be accountable to the people.
16:57.0
Parang hindi naman. Natawa lang ako doon. Natawa ako sa sarili kong joke. Further, sabi niya, so that Secretary Jimmy, si Secretary Jimmy Bautista po ang tinutukoy, will have a free hand to choose who he can work best with.
17:18.0
Para daw makapamili si Secretary Jimmy Bautista ng kanyang makakatrabaho.
17:30.0
Ito tuloy. Sundan sa pagina 3. Binabasa ko lang po ito para maintindihan natin kung saan siya nanggaling. Ano ba itong pinaghimotok ni ASEC?
17:49.0
Ito po. Mr. President, parang privilege speech ito. Below are the major chronology of events that led to the shortage of the driver's license for your appreciation.
18:04.0
Dito na ang kanyang paliwanag. Ito po ay klarong-klaro sa kanyang sulat. Sabi ko nga ito, hindi mukhang resignation letter. Mukhang terminal report na gusto niyang iparealize sa Pangulong Bongbong Marcos, kung marirealize ng Pangulo, na there is something wrong somewhere.
18:29.0
At hindi yan sa LTO. Ito po mga kababayan. Umpisan po natin. Sabi niya, November 17, siya naupo bilang may mga maling pecha dito, puro 2020.
18:44.0
Nalito siguro. Wala naman nag-edit nito, nag-proofread. November 17, sabi niya naupo siya sa pwesto at agad niya iniutos ang inventaryo ng mga lisensya at plaka. Nung umupo daw siya, walang procurement activity na may kinalaman sa lisensya at plaka.
19:06.0
Nung oras ng panahon na yan. Ano pa yung kasunod? First week of December, nag-report sa kanya ang hepe ng administration division ng LTO na resulta ng inventaryo at sinabi doon hanggang April lang o sa kaagahan ng Mayo,
19:26.0
ang lisensya at plaka ay hanggang July lang at motorcycle plates ay June 2023 lang. Pinapakita rito yung sunod-sunod. December 9, sabi niya, the market study for the procurement of driver's license was completed.
19:46.0
Kumpleto na daw yung pag-aaral sa merkado tungkol sa pagbili ng driver's license. December 29, naupo daw bilang Executive Director si Atty. Giovanni Lopez. January 10, sabi niya, I issued an office order addressed to the ED to commence the procurement.
20:05.0
So meron siyang resibo dito. January 10, inutusan niya sa pamamagitan ng isang office order si Executive Director na umpisahan ang procurement ng lisensya. January 17, I signed the purchase request.
20:26.0
Pumirman na daw siya ng purchase request, request para makabili in order to start the procurement activities. Nakalagay doon, Annex BBM meron din siyang resibo. January 17, pero matinde ito mga kababayan. Nakalagay dito, January 17, 2023,
20:48.0
DOTR, pansinin po ninyo, January 17, issued special order 2023-016 signed by OIC Secretary Yebra. Ito po yung may bagong sasakyan.
21:03.0
Si Usec Rainer Yebra, yung binabanggit ko sa inyo, nasa kanya ng mga sal nyo. Yung naka-range rover siya, sa deklarasyo niya mahigit P10 million. Habang siya nakaupo sa gobyerno, anyway kung paano man niya ipundar yun, bahala na siya magpaliwanag.
21:25.0
Noon daw pong January 17, noong araw na pumirma siya ng purchase request para maumpisahan ang pagbili ng lisensya, eto si Usec Yebra na siyang OIC Secretary noon at nililimitahan sa P50 million ang kanyang signing authority ni Tugade.
21:50.0
Nakita niyo po ba yung pagkakasunod-sunod? Alam niyo po ba kung magkano yung signing authority noong sinundan ni Tugade na si Asec Teofilo Guadis, alam niyo kung magkano?
22:06.0
Bago ginawang P50 million nito si Yebra, P1 billion. Mula sa P1 billion tinabasa nila ang signing authority ni Tugade at ginawang P50 million. Ang tanong, bakit? Bakit? Yan ang tanong, bakit?
22:37.0
All bidding over P50 million shall be procured by the DOTR back. Angyan po may lisensya po yan. May recibo po yan. January 25 po yan. Noong February 1, sumulat siya kay DOTR pwede ba bawiin niyo ang order niyo na yan?
22:59.0
Kasi delikado at magkakakapusin na tayo ng plastic cards for driver's license. Meron po siyang recibo dito. Noong February 3, sumulat daw siya at nakipag-usap kay Speaker Romualdez para talakayin yung special order na yun na kinu-question niya.
23:19.0
Noong February 7, naglabas ng special order ang DOTR 2023-048. Ano po yung nakalagay doon? Specifically reconstituting the back and naming the sectoral undersecretary. Disgrasya.
23:49.0
Ang inilagay na end user mga kababayan o implementing unit ay yung sectoral undersecretary. Noon nga tay si undersecretary Pastor. Isip-isipin nyo, sa Bids and Awards Committee, yung LTO hindi kasama. At hindi rin kasama ang LTO at least during that time doon sa technical working group.
24:14.0
February 10, sabi niya I wrote to DOTR to inform them of the status of the driver's license and plates. So may at maya nag-uulat sila tungkol sa gano na lang natitirang lisensya at plaka.
24:28.0
February 13, sumulat na ulit siya at nakipagkita kay Sap Anton Lagdameo para magpatulong tungkol sa special order, sapagkat ninervious na ito si Asec Tugade dahil mauubos na ngayon lisensya.
24:45.0
March 6, I wrote to DOTR to inform them of the status of the driver's license and plates. So March 6, less than one month, sumulat na naman siya at sinasabing boss mauubosan na tayo ng plaka ng lisensya. Ano na? Nano na? Nano na?
25:09.0
Patay tayo dyan. Dito mga kababayan, ito na ang pahina 4. Ito na ang huling pahina.
25:18.0
March 13, puro may resibo ito. Kaya hindi makakawala, makakapalag ang DOTR dito. Pwede nilang i-deny ito, pero ang problema may receiving copy sila nito.
25:31.0
March 13, I wrote to DOTR to inform them of the status of the driver's license and plates. So after one week lang nagpadala ulit siya ng update. Parang andating, boss mauubosan na tayo ng lisensya at plaka. Nano na?
25:46.0
So March 21, si Sec. Bautista pinagpatawag at nanguna sa isang meeting sa KAAP. Ang umaten doon ay sinayusig Jojo Cadiz ng DOJ, mga official ng DOTR, si Asic Tugade, si Executive Director Lopez at mga membro ng GPPB, Government Procurement Board.
26:11.0
At sa meeting daw po na yan, nag-commit si Sec. Bautista na tatapusin, noong meeting po na yan ng March 21, nag-commit daw po si Sec. Bautista na tatapusin ang procurement ng license cards within 28 days.
26:38.0
So parang isang buwan. Ibig sabihin kung tatapusin niya, March 21 yan, dapat tapos na ng April, last week ng April yan. Tapos doon sa meeting na yan, natauhan din ng DOTR. Ano po ginawa ng DOTR?
26:55.0
They amended the special order. Binago nila yung nauna nilang special order na hindi kasama ng LTO. Ngayon sinasama nila sa back yung LTO at ginawa na rin po nilang end-user. Sinama rin po nila end-user yung LTO.
27:15.0
For the first time, sinama po ang LTO sa Bids and Awards Committee. E sila ngayon nakakaintindi. Finally naiintindihan po ng DOTR na dapat kasama ang LTO sa Bids and Awards Committee. So March 21 yan.
27:45.0
So noon lang nila naiintindihan, kailangan pala natin ng LTO. April 4, nagkaroon ng invitation to bid. April 11, iniulat ng LTO sa Execom na mabilis na nauubos ang lisensya. April 12, nagkaroon ng pre-bid conference ang DOTR.
28:15.0
Inaulat na naman yung LTO sa DOTR para sabihing nauubos na yung driver's license sa kapla ka. Ito puro mga may conto, may resibo ito. April 18, and dito na mga kababayan. April 18, Secretary Bautista called for a meeting with ASIC Tugade and ED Lopez.
28:34.0
Nagpatawag daw po ng pagpupulong si Secretary Bautista kay Tugade at Lopez para to inform us that the submission of the bids, eto na. Yung pangako niya na matatapos yung bidding within 28 days, eto na.
28:52.0
Ini-inform sila noong April 18 na Tugade, Lopez, i-extend natin yung submission ng bid. Hindi na April 24, gawin natin May 24. Extension na naman ng one month.
29:22.0
Yung bidding sa LTO. Ngayon hingi sila ng hingi ng extension. From April 24, sabi nila i-extend sa May 24, 2023, yung pang submission ng bids. Nagkaloko-loko na.
29:36.0
E apura nga tayo ng apura tapos ngayon pa-extend kayo ng pa-extend. Bakit? Kasi hindi nga ninyo ito expertise. Doon ay sumulat ang LTO at sabi nila tinututulan nila ang another extension.
29:51.0
Ang katunayan, noong April 19, nagpadala po ang LTO, sent a letter to DOTR to formally object to the extension. April 24, eto na po April 24, 2023.
30:06.0
For the first time, DOTR requested for a meeting with the chief of management information division to understand the other requirements involved in the license cards.
30:21.0
Sumulat ang DOTR sa jefe ng management information division ng LTO para maintindihan nila ang iba pang requirements tungkol sa license cards.
30:38.0
Anak ng bakang dalaga. Nagpapasaklolo sila sa LTO sa madaling salita. Dahil hindi nila linye, inagaw-agaw nila tapos ito nagka-impacto.
30:59.0
Ito nila nung January 25. Hanggang na nag-uusap tayo ngayon mga kababayan, in-extend nila hanggang May 24. Ilang extension na yan. Ang submission ng bid, meaning ang bidding.
31:13.0
Pero hanggang ngayon, wala pa po. At ngayong May 22, nakasulat po dito, sabi ni Asec Tugade sa kanyang sulat sa Pangulong Bongbong Marcos, as of this writing, DOTR commits to finish the procurement on June 26.
31:31.0
Anak ng bakang dalaga. Extension na naman. Kalahating taon mga kababayan. Halos. Kalahating taon mula nung inagaw ninyo.
31:46.0
Anak ng bakang dalaga. Anak ng bakang dalaga. June 26 na. June 26 po. Yan po yung chronology of event.
32:08.0
Kaya ito pong resignation letter ni Asec Tugade na ito, bagamat tayo nagulat. Dahil sa akin pong pagbasa, nasa gitna siya ng laban.
32:24.0
Nasa gitna siya ng laban. At kumbaga po sa gera, siya po merong baluti. Meron po siyang armor. May armor po siya mula pa hanggang sa ulo.
32:43.0
Siya po merong sibat. Meron po siyang espada. Kompleto po siya sa shield, sa panangga. Kompleto po siya dito sa mga dokumento na ito, et cetera, et cetera.
32:57.0
Kaya kumbaga sa laban, lamang sana siya. Lamang siya sa laban. Hindi po ba? Lamang siya. Yung gera po sinabi ko sa inyo, lamang siya dahil meron siyang panlaban, sandata. Ano yung panlaban?
33:22.0
Ito po, facts po itong binasa natin. And the DOTR can always dispute these facts with their own version of facts. Hindi po ba mga kababayan?
33:50.0
Tapos sa gitna ng laban, nangayaw. Nangayaw yung manok.
34:20.0
E siya ba nag-resign dahil out of delicadesa na gusto niyang magtuloy-tuloy na lang yung baala na kayo sa buhay niyo. Basta ko, ginawa ko yung magagawa ko parang ganun. Ganun ba yun?
34:36.0
Alam niyo po ba kung ano pa ang isang ginawa ng DOTR mga kababayan? Alam niyo po ba kung ano yung isang ginawa? Nag-submit po ng listahan si Asekka R. Tugade ng regional directors sa Malacanang.
34:58.0
Tapos nag-submit din ng listahan ng regional directors ng LTO ang DOTR. E ayun, isang kalahating taon na rin yun halos, umigit kumulang kalahating taon na, pabalik-balik ang listahan.
35:16.0
So finally, lumabas ang pasya ng Malacanang at ang listahan inaprobaan ay hindi ang listahan ni Tugade. Tapos lumilitaw ngayon si Tugade hindi niya kayang isuheto ang regional directors dahil yung mga yun sino na ang amo?
35:36.0
So kahit may corrupt doon, kahit may magnanakaw doon, walang magagawa si Tugade dahil ang DOTR ang nagpapa-appoint. Ganoon ang dating mga kababayan.
36:06.0
So kung mag-disciplina sa sarili mga taohan, naisip ko mukhang wala na palang natira, baka pwede na siya umalis. Baka nga umalis si Tugade. Kaya lang ano magiging implication ito? Umalis-alis siya? Ano ba yun? Suko na?
36:36.0
Ano po? Papabayaan na lang ba natin? Assuming lahat ng inilahad ni Asec Tugade sa kanyang sulat sa PBB Marcos, assuming na yun nga ang totoo, e hindi mo na kailangan maging abogado.
37:01.0
Kung mababasa ito ng PBB Marcos tapos kinampihan pa rin niya yung mali, may problema tayo sa Pangulo.
37:20.0
At nakita ng Pangulo na may katuwiran si Tugade at hinayaan niyang mag-resign, ang ibig sabihin nun ang kinakampihan ng Pangulong Bongbong Marcos itong DOT Act.
37:50.0
Anong pwede mong maging konklusyon doon? Pero of course maaaring mayroon tayong hindi alam na alam nila sila ang magagaling, hindi ba mga kababayan?
38:20.0
At nakausap ko na po yan ilang beses, disyente pong kausap, matalino. Pero naramdaman ko sa pakikipag-usap ko sa kanya na parang hindi siya ready sa pakikipagbardagulan.
38:47.0
Hindi siya ready sa pakikipagbardagulan mga kababayan.
39:02.0
Kahit na nasa tama siya, pero alam mo naman kahit na nasa tama ka kapag pakiramdam mo ikaw ay helpless, parang sumusuntok sa hangin, nakakapagod yan. Tapos may mga magagaling pa sa mga spin.
39:23.0
Tapos pakiramdam mo ay maiiwanan ka sa gitna na parang lahat ng ginagawa mo ay tama pero hindi naman naa-appreciate. Baka nga dumating ang pagkakataon, pakiramdam mo may problema ganito, bitawan mo na.
39:39.0
Kaya hindi natin masabing mali ang ginawa niya. Ang sinasabi lang natin na ngayaw siya sa laban pero kung ano ang dahilan niya, siya lang nakakaalam mga kababayan.
39:51.0
Sana naman ay hindi ito magkaroon ng ibang kahulugan sa maraming nating kababayan. Kasi kitang kita naman po natin na may problema sa DOTR. Kung hindi pa po natin nakikita ang problema sa DOTR, may problema po yung mata natin.
40:13.0
Ayun ang sinasabi natin mga kababayan.
40:43.0
Ang bidder ay 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13.
40:58.0
So meron pong labing tatlong bidder sa driver's license at pati dun sa motor plates, motor vehicles, blank plates, etc.
41:15.0
Eto 1, 2, 3, 13. 13 ito mga kababayan. O babasahin ko yung mga bidder. Baka kilala nyo itong mga bidder na ito.
41:31.0
Merwin Industries Corporation, Colonwell Trading, Jodaar Corporation, Sahi Technologies Inc., Stradcom. Aba, bidder pala yung Stradcom.
41:53.0
Lightspeed, Belaro and Associates, yung pangpito. Pangwalo, Peter John Arts Science Advertising. Number 9, Conay. Number 10, Banner.
42:13.0
Number 11, Allcard. Number 12, Dermalog Identification System mga kababayan. 13, Garso Pasaulis. So yan po yung mga bidder diyan.
42:35.0
Bahala kayo, mag-bidding na kayo. Ano ba ang gagawin natin dito mga kababayan? Ano ba ang gagawin natin dito sa buhay natin?
42:48.0
Sige, umalis na si JR Tugade. At gaya nga nung binabanggit ko sa inyo, it is not an issue about Bautista versus Tugade. Hindi po.
42:59.0
Ang binabanggit natin dito, kaya tayo interesado-interesado rito, kasi una, tayo na po involved dito mga kababayan. Lisensya nga ito. Bukas makalawa, plaka.
43:11.0
At pangalawa, pangalawang issue, pera po ng bayan nito. Pera mo ito at pera ko ito. Bagamat hindi naman ganoon kalaki, pero pera natin ito.
43:22.0
Ngayon kung hindi pa nakikita ng malakanyang itong mga report na ito, terminal report kasama resignation sa isang banda, matapang po itong resignation na ito.
43:37.0
Resignation letter slash terminal report kung babasahin ng Pangulo ito at hindi pa rin siya maggagawa ng hakbang tungkol sa mga taga-DOTR na ito, wala na akong magagawa doon. Chuchuko na ako doon mga kababayan.
44:07.0
Ito LTO pa lang pinag-uusapan natin mga kababayan tungkol sa DOTR. Pagkapunapagukulan natin ng pansin tungkol sa Marina, nako po, nanang po po.
44:37.0
Pagkapunapagukulan natin ng pansin tungkol sa Mindoro kung walang nangyaring kabalbalan sa Marina pero yung man nandyan sa Marina, protektado. Walang ka-problema-problema. Ano yan? Kahit ano gawin nila diyan, okay lang?
44:54.0
Eto po, bakit ko sinabing hindi sana nangyari yan? Sa namang kayo nakakita, isang barkong maliit na luma, bulok, scrap, sabi ni Sec. Boeng Rimulya, inilagay sa shipyard, dinugtungan, nilakihan, tapos idiniklara bilang brand new.
45:17.0
Ano ginawa ng Marina mga kababayan? Inirehistro itong barkong ito. Ano po nakalagay? Brand new.
45:27.0
Ang ating nyapong comparison, parang jeep na anime man. Nakasakyan na ba kayo ng jeep na anime man? Tapos sabi naman, aray, luma na ito. Luman-luman na, 20 taon. Eto pa, okay 30 taon.
45:42.0
Gawin natin, nugtungan natin, tapos pinturahan natin. Pinturahan natin ito. Pinturahan, ganda. Tapos idiklara natin na brand new, iparehistro natin. Inirehistro naman!
45:55.0
Ganon po nangyari sa MT Princess Empress mga kababayan. Pero nirehistro nila. Alam niyo ba ang nakalagay sa papel, ito ay ginawa sa isang shipyard sa Bataan, Region 3. Pero ang nangyari, ang totoo pala nito, ito ay ginawa sa isang shipyard sa Navotas NCR.
46:18.0
Alam niyo kung saan inirehistro mga kababayan na nakapirma ang regional director, nakalagay 4 Administrator Fabia. Doon sa Region 5, sa Bicol. Kaya ito po ba por na ito, ito po barkong MT Princess Empress naglayag.
46:48.0
Brand new, newly constructed to it. E kung hindi nila pinayagang magbiyahe, maglayag, sana walang kinargahan ng 800,000 liters ng langis. Wala sanang lumubog na barko, wala sanang tumagas na langis doon sa Mindoro na dumaloy pa sa ibang mga kalapit na lugar.
47:15.0
Wala sanang bilyong pisong ginagastos ang pamahalaan para sa paglilinis. Wala sanang mga kababayan nating maingisda ang nawalan na hanap buhay. Bakit nangyari yan mga kababayan? Dahil sa negligence o corruption?
47:37.0
Question mark po yan. Bakit mapapayagang idideklarang bago yung isang vesel na luma? Kanino ba nakapailalim ang marina? Sa DOTR mga kababayan.
47:56.0
E kung ang gagawin lang sana nila, dadali na yung barko na yan, dadali nila sa isla na nandoon lang sila pare-pareho mga taga-DOTR, patagasin nila lang isa, sila mag-swimming sa langis. Wala sana tayong pakialam doon.
48:12.0
E hindi, dinamay ang kabuhayan, buhay, kapaligiran natin, lahat. Ginastosan pa po natin mga kababayan. Malinaw na Manila, ginastosan po natin ang mga maingisda, mga kababayan natin sa Mindoro, pinapakain po ng gobyerno yan.
48:43.0
Ay ginamit na po natin ngayon dahil sa man-made calamity, kagagawa ng negligence or corruption. Hindi po ba? Saan po ba nakapailalim itong marina? Kay DOTR.
49:01.0
O PPA naman, ilalim din ng DOTR to. Meron pong ginagawa maganda ang PPA. Dinidigitalize ang mga sistema nila doon. Kaganda may digitalization sa sistema po nila.
49:25.0
Habi anak ng bakan talaga. Ang ganda-ganda po, digitalization. Malalaman mo kung saan, una saan na yung barco, pag dumaong yung barco alam mo kung sino yung susundo na truck para hindi lahat ng truck nakatinga doon sa pier o kaya sa kalsadang malapit sa pier.
49:49.0
Sa madaling salita, sistematiko. Tapos yung mga importers, traders at iba pa, hindi mo kailangan magbayad ng container deposit. Hindi po.
50:19.0
Pagka bumaba ang gasto sa logistics, it follows na bababa din po ang presyo ng bilihin kung anuman yung inangkat nila na yan.
50:49.0
Kung kahit ito binigyan ng basbas ng malakanyang, dinadapurak po nila, dinidribble po ba? Dribble. Hanggang ngayon di naipapatupad yan, yung digitalization na yan sa Philippine Force Authority.
51:10.0
Bakit? Bakit po? Tanungin nyo kung sino humaharang na taga DOTR din. Tanungin nyo. Grabe eh. Again, ito po ay hindi naman...
51:41.0
Ang masasabi nalang natin, well baka may mga ibang report na nakakarating sa Pangulo tungkol dyan, na ibang version. Mahirap talagang maging Pangulo. Sabi nga isang kausap ko, it's really lonely at the top.
52:03.0
Kaya sana makarating sa Pangulo ito. Kasi yung nakabubuti, yan ang hinaharang nila. Yung nakasasama, yan ang tinataguyog nila. Kaya tama yung nababasa natin na itinuturo ng mga nakakaintindi sa mabuting asal.
52:28.0
Ang masama ay minamabuti. At ang mabuti ay minamasama. Ano tawag ng mga... Actually ang Bibya may tawag doon. Silang mga baligtad ang pag-iisip. Yung pong makakabuti, hinaharang. Yung pong mga makakasama, yun ang itinutuloy. Problema. May problema talaga tayo dyan mga kababayan.
52:58.0
Matindi mga kababayan. Anyway, makaalis na nga. Aalis na nga ako at may lakad pa ako.
53:28.0
Narinig niyo po ba yan mga kababayan? Nakikita niyo po. Sa pagpupulong po na yan mga kaibigan ay meron pong humingi ng sorry. May humingi ng sorry. Alam niyo po ba kung sino ang nag-sorry?
53:51.0
Apo?
54:21.0
May humingi po si JPE sa statement niya dahil akala ni JPE ay holdover si JR Tugade ng nakaraang administration.
54:51.0
At lagi po natin tatandaan mga kababayan. At ito po ay minsan natin narinig kay dating senador Hubito Salonga, dating Senate President Hubito Salonga.
55:21.0
Before bad men and good women get sick and tired of being good. Before bad men and bad women get sick and tired of being bad.
55:34.0
Yun daw po ang dahilan kung ba't namamayane ang kasamaan sa ating paligid. Kailan kapag daw po ang mga mabubuting mga tao ay napagod na sa pagawa ng kabutihan bago pa mapagod ang mga masasamang tao sa pagawa ng kasamaan?
55:51.0
Yan po ang ating palatontunan. At bago lang tayo magpaalam, binabati ko ang mga taga UP Los BaƱos, lalo na President Jose V. Camacho Jr., Dr. Marlene Brown at magandang-magandang gabi rin kay Dr. Emil Q. Javier.
56:21.0
Dito na tayo kay Katony. Dito mo mapapanood ang mga kakaibang na di mo pa nakita. Tune na tayo kay Katony. May YouTube channel na yung taong nakikita mo lang dati sa balahan.
56:46.0
Nakusumusu baybay, hali ka naman kay diba bagong nabalita? May bagong labas yung taong napapanood mo lang dati sa balita. Antoni Taverna, oo sya wala ng duda. Katony ang sya kung tawagin malamang ay kilala mo din sya.
57:01.0
Mabait sya kung sa mabait lang, di ba din na sa gitna lang, lahat pinapakinggan, tama o mali, walang pinapanigan. Taon na walang itinatago sa sarili, marunong makasama, napakahusay mo.
57:12.0
Kaya gumawa kami ng ganito para ilathala ang buhay mo. Simpleng tao na nang galing sa dos, sya na kong magmahal na ko lubos. Mabagal man ang mga kwento taghos, naman sa puso kasama ang Diyos.
57:23.0
Kaya lahat tara na makinig, gabangalan bagong parating. Mga kwentong magaling, maki-tune in na tayo kay Katony.
57:32.0
Dito na tayo kay Katony. Dito mo mapapanood yung mga kakaiba na di mo pa nakita. Dito na tayo kay Katony. May Youtube channel na yung tao, nakikita mo lang dati sa balita.
57:46.0
Tune in na tayo kay Katony. Lahat ang mga debate, totoo, mga salubihin ng mga tao. Tune in na tayo kay Katony. Tune in, tune in, tune in.
58:00.0
Nakita na natin sa TV, napakinggan na natin sa radio. Ngayon sa online, mapapanood na natin sya, o di ba panalo?
58:07.0
Ang dadi, ang beka, ang bigong ng everyone. Kinaaaliwan, kinababaliwan. Nang libon-libon niyang taga, suporta isan ako dyan.
58:14.0
Mga ate at kuya, nanay at tatay, lolo at lola, batang kapatid. Alam niyo ba na pwede sa lahat ang bawat aral niya na pinapahagid?
58:22.0
Pinababatin niyo na lahat ay may karapatano pa sabihin ang mga sa loobin niya. Di man magkasundo, ay naku po magkasama sa isang banda.
58:30.0
Magkakapatid, solid mga Pinoy, nandito ka man o wala. Nasa pinasas ka man o nakikipag sa palarang ka sa ibang bansa.
58:37.0
Meron ka man o wala, mayaman do'n ka, para sa kanya ayos ka. Pantayan tingin niya si Katonyeng, mahal na mahal niya ang masa.
58:44.0
Inahabangan ka pa lagi, sabi ka po sa bagong kwento. May aral na naman na kung mapupulo to pa ang iba hagi ko.
58:52.0
Kaya lahat tara na makilig, gabangan ang bagong parating. Mga kwentong magaling, maki-tune in na tayo kay Katonyeng.
59:00.0
Dito na tayo kay Katonyeng.
59:04.0
Dito mo mapapanood yung mga kakaiba na di mo pa nakita.
59:07.0
Dito na tayo kay Katonyeng.
59:10.0
May Youtube channel na yung tao, nakikita mo lang dati sa balita.
59:14.0
Tune in na tayo kay Katonyeng.
59:18.0
Lahat ang mga debate, totoo, mga sa loobin ng mga tao.
59:22.0
Tune in na tayo kay Katonyeng.
59:26.0
Tune in! Tune in! Tune in!
59:30.0
Tune in na tayo kay Katonyeng.
59:33.0
Lahat ang mga debate, totoo, mga sa loobin ng mga tao.
59:37.0
Tune in na tayo kay Katonyeng.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.