Close
 


1 HOUR FINAL SAGA THEORY! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1085 Episode 1063
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 01:02:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isang oras na teory. Sa pagtatapos nga ng video na ito e magkaka-idea kayo kung ano nga ba ang One Piece Treasure, saan nagmula ang mga Devil Fruits, anong plano ni Dragon para pabagsakin ang World Government, anong nakita ni Sabo sa Mary Jua, at ang huli e yung magiging final match-ups ng Straw Hat Pirates sa Final War.
00:22.7
Sasabihin ko lang na pinagsama-sama ko nga itong anim na videos natin na sa tingin ko e hindi gaanong nabigyan ng pansin, at dapat e mapanood nyo. Kung trip nyo nga ang panoorin ng separate videos itong mga theories na to, e ilalagay ko na lang yung link sa description sa iba ba. Ngayon e kung handa na nga kayo e game umpisahan na natin itong video natin.
00:46.3
Reality, Desire, Wishes and Dreams
00:56.2
Ito nga ang pangunahing tema ngayon ng Egghead Island Arc. Ang best example nga ng reality at desire e itong pagpapakita sa atin ng mga hologram ni Oda na in reality e hindi ito pwedeng hawakan. Diba?
01:10.3
Nakita naman natin nung inatake ni Luffy itong hologram dragon, tumagus nga lang sya dito. Pero dahil nga sa desire ni Vegapunk na gawing reality itong hologram, e gumawa nga sya ng paraan para mahawakan ito o gawin itong tangible at sa pamamagitan nga yan ng Potonic Glove, meaning e ini-embody ni Vegapunk itong sinasabi nya sa speech nya na as long as may mga tao na naniniwala sa kung ano yung hinihiling nila, e talagang magkakatoto yun.
01:40.3
Anyway itong topic nga natin ngayon sa video na ito e yung unang part lang sa dalawang video na gagawin natin. Itong unang part nga e tatalakayin natin yung patungkol sa naging paglalakbay ng Roger Pirates papunta sa Love Tale.
01:54.2
Icoconnecta nga natin yung explanation ni Vegapunk sa last chapter, sa nangyaring paghahanap ni Roger sa One Piece Treasure.
02:02.0
Ang ikalawang part naman ng topic natin which is susunod na nating ia-upload e patungkol naman kay Imsama at sa Devil Fruit, at kung paano naman natin ito icoconnecta sa quote ni Vegapunk.
02:13.3
Bali kung malinaw na nga ang lahat e game umpisahan na natin itong part 1 ng topic natin.
02:18.7
As long as people's desire persists, such a thing will never cease to be. Yan nga ang quote na sinabi ni Dr. Vegapunk sa last chapter.
02:32.4
So ano nga bang ibig sabihin na ito? Meaning e hanggat may mga tao ngang naniniwala sa isang bagay, e hindi mawawala ang bagay na ito.
02:41.3
Bali bibigyan ko kayo ng example o analogy para mas maintindihan nyo. Nakita nga natin in chapter 1065 na biglang tumagos etong si Vegapunk Lilith sa pader.
02:51.9
Ngayon e kung hindi ito nakita ng Straw Hat Pirates, e sa tingin nyo e dadaan ba sila sa gitna ng pader? Diba hindi?
02:59.4
Since no brainer nga nadadaan ka sa pader na alam mong mauuntog ka lang, diba?
03:04.6
So dahil nga sa in-instructionan sila ni Lilith na dumaan lang derecho sa pader, e ginawa nga yun ng Straw Hat Pirates.
03:11.8
At nakatagus nga sila derecho simply dahil sa naniniwala sila kay Lilith. So ito nga yung pinupunto ni Vegapunk, ang keyword nga dito e paniniwala.
03:21.8
Ngayon e subukan natin itong ikonekta kay Roger at sa paglalakbay niya sa Loftale. Ano nga ba ang nakita ni Goldie Roger sa Loftale at bakit nga sinabing masyado pa silang maaga na pumunta dito?
03:33.6
Possible kaya na wala silang dinatnan na One Piece treasure sa Loftale? Dahil tinanong nga niya mismo kay Silver Sreely kung sino daw ba ang makakahanap ng One Piece,
03:43.3
meaning e indikasyon lang ito na wala talaga silang dinatnan na One Piece treasure sa Loftale. Now this makes sense dahil kung ikokonekta nga natin dito yung sinabi ni Dr. Vegapunk na nabanggit ko kanina,
03:55.1
e during nga sa panahon ni Goldie Roger e wala namang naniniwala na may nag-eexist na tinatawag na isla ng Loftale. Infact e inemphasize pa nga ni Roger na in 800 years daw, e sila pa lang ang kauna-unahang grupo na nakatapak sa isla ng Loftale.
04:12.5
Meaning e sa panahon na nakapunta itong Roger Pirate sa Loftale, e wala rin naniniwala na nag-eexist ang One Piece treasure. So what if lalabas lang ang One Piece treasure sa Loftale kung may mga tao na naniniwala na nag-eexist ito?
04:28.6
Kumbaga sinabi ni Roger na masyado pa silang maaga sa Loftale dahil wala ngang mga tao na naniniwala na may One Piece treasure. At dahil dito e walang One Piece treasure na lumabas sa Loftale. At possible nga rin na ito yung dahilan kung bakit sila tumawa.
04:45.9
Tumawa ang buong Roger Pirates dahil wala silang nakita na One Piece treasure na nag-eexist sa Loftale. Kaya naman ang ginawa nga na itong si Roger e sinacrifice niya ang sarili niya. Pumayag nga siya na magpa-execute sa Marines, kapalit ng pagsasabi sa buong mundo na yung One Piece treasure e totoo.
05:05.4
Ginawa nga ito ni Roger para mas dumami pa ang maniwala na totoo ang One Piece treasure. O mas marami pa ang mamotivate na paniwala ang totoo yung akala nilang haka-haka lang. Nang sa ganun nga e yung susunod na aapak sa Loftale e hindi na blankong One Piece treasure ang makikita nila. Bagkos e meron ng mag-eexist na totoong One Piece treasure. Same as Whitebeard.
05:30.4
Nakita naman natin na bago mamatay itong si Whitebeard e isinigaw nga rin niya sa buong mundo na nag-eexist ang One Piece. Ginawa nga ito ng dalawang legendary karakter na to para yung mga tao e magkaroon ng desire o paniniwala na ang One Piece e totoo. Ngayon e kung ganito pala ang sitwasyon ng One Piece treasure na kailangan e maraming tao ang maniwala na totoo ito para mag-exist sa Loftale, e it makes sense na nga ngayon kung bakit ganito gumalaw ang world
05:59.8
government. Dahil kung iisipin nyo guys ha, kung talagang ang nag-eexist ang One Piece treasure sa Loftale ngayon, e syempre kung ako yung world government at related sa kasamaan ko yung makikita sa Loftale, e syempre makikipag-unahan akong maghanap ng Loftale sa mga pirata. At uunahan ko silang makuha ang One Piece para sirain ito. Diba?
06:21.9
Nang sa ganon e tapos na, burado na yung ginawa namin kasamaan 800 years ago, at kakalimutan na ng lahat yung kasamaan namin. Pero pansin nyo hindi ito ginagawa ng world government, ang ginagawa nga lang ng world government e pineprevent lang nilang halongkatin ng mga tao yung history during void century, gaya na lang nang ginawa nilang pagbura sa Uhara, yung pagbura sa mga history records na meron ang Shandora.
06:49.0
At ngayon nga e sinusubukan nilang burahin itong sa Vegapunk at yung Punk records. So bakit kaya nila pinipigilan ang mga tao nabalikan ang history? Hindi kaya dahil sa malalaman ng mga tao yung patungkol sa One Piece treasure at sa Loftale, pinipigilan kaya ng world government ang mga tao nabalikan ang history para mawala ang desire ng mga ito na ang One Piece treasure? E totoo pala?
07:13.2
Bale ang pinupunto ko lang dito e mas nagiging mas malalim na ang explanation patungkol sa One Piece, na kung titignan natin e parang pinapahapyawan ni Oda yung paniniwala ng mga tao sa Diyos sa totoong buhay. Dahil gaya nga ng explanation ni Dr. Vegapunk na as long as people's desire persists, such a thing will never cease to be e similar nga ito sa paniniwala ng mga tao na totoo ang Diyos, di ba? Yes may mga tao nga na hindi naniniwala sa Diyos.
07:42.9
Since ang iniisip nga nila e walang patunay na nag-exist ito noon at siya talaga ang gumawa ng mundo na kinatatayuan natin ngayon. Pero tayo nga ang mga naniniwala sa existence ng Diyos, e pinapakita lang natin yung desire o yung paniniwala natin na totoo ito. Kaya naman kahit ano pangang sabihin ng ibang tao, e para sa ating nga mga naniniwalang may Diyos, e talagang nage-exist siya. Amen?
08:08.8
Anyway in summary nga e itong naging paglalakbay ng Roger Pirates papunta sa Love Tale, e wala talaga silang dinatnan na One Piece Treasure, at possible na ito yung dahilan kung bakit nasabi ni Roger na masyado pa silang maaga. At dito nga niya na-realize na lalabas lang ang One Piece Treasure once na may mga tao na naihihiling patungkol dito, kumbaga similar sa nangyari sa Wano Arc, yung mga tao nga sa Flower Festival eh hinihiling na matalo si Kaido.
08:38.4
At nagkatotoo nga yun, natalo nga ni Luffy si Kaido. At para nga palaganapin pa sa buong mundo itong desire na totoo ang One Piece Treasure, e sinacrifice nga nila Roger at Whitebeard ang mga buhay nila, para lang bigyan ng gasolina itong mga susunod na hinerasyon ng mga pirata na mamotivate sa paghanap ng One Piece Treasure.
09:00.3
Nang sa ganon e sa oras nga na sila naman ang makakaabot sa huling isla ng Love Tale, e meron na silang dadatnan na One Piece Treasure. At hindi na lang sila tatawa gaya ng nangyari sa Roger Pirates.
09:14.0
Saan nga ba nagmula ang mga Devil Fruits? Napulot lang ba to ng mga lumang tao at kinain? Meron bang puno na namumunga na pinagmulan neto? Bali ang mga katanungan nga na yan e napakatagal nang umiikot sa buong One Piece community.
09:35.1
Nagsimula pa nga yan syempre sa pag-uumpisa nung inintroduce satin ang mga Devil Fruits.
09:44.0
Kaya naman ngayong araw nga nato e susubukan nga natin tuklasin ang pinagmulan ng mga Devil Fruits. Ikukunekta nga natin dito yung latest information na nalaman natin patungkol sa statement na sinabi ni Dr. Vegapunk,
10:01.5
As long as people desire persists, such a thing will never cease to be. So itong kataganga ni Dr. Vegapunk e kung hindi nyo na itatanong e narinig na nga rin natin ito sa dating Pirate King na si Goldie Roger. Pero bukod nga kay Roger e binigyan din na nga rin ni Oda itong similar sa quote na to during chapter 218.
10:22.3
Sa mga oras nga na to e kakatapos lang ng Alabasta Saga at papasok na nga itong Straw Hat Pirates sa Skypiea Saga, kung saan e dito nga nangyari yung pagsulpot ni Nico Robin sa Going Merry at nagdesisyon na sumali sa Straw Hat Pirates. Later on nga e biglang may bumagsak na isang malaking barko sa Himpapawid, at dito nga natin nakita itong quote na similar sa sinabi ni Dr. Vegapunk, na anything a man can imagine is a possibility in reality.
10:51.9
So itong quote nga na to ang nasaksihan natin sa buong Skypiea Saga, mula nga kay Noland at Calgara hanggang sa pagtalo ni Luffy kay Enel. Ngayon e dito na nga papasok itong Devil Fruit, dahil ito nga mismo yung pinapoint ni Dr. Vegapunk sa last chapter, na yung mga Devil Fruit nga daw e iniimbody ang iba't-ibang kahilingan ng iba't-ibang tao, gaya ng merong taong gustong makalangoy sa lupa, makapagtime travel sa hinaharap o di kaya e gawing laruan ng mga tao.
11:22.1
Lahat nga ng pwedeng isipin ng mga tao e pwedeng maging totoo. So gaya nga ng sinabi ko e itong quote nga na anything a man can imagine is a possibility in reality, e nagsimula nga sa Skypiea Saga.
11:35.4
Ngayon e kung maaalala nyo e during nga rin sa saga na ito, inintroduce sa atin si Don Quijote Doflamingo. At sa mga hindi nakakaalam e nireference nga ni Oda itong si Doflamingo sa isang karakter sa libro na ginawa ng isang Spanish writer.
11:50.7
At ito nga si Miguel D. Cervantes. In fact e yung pangalan nga ng kabayo ni Don Quijote sa kwento ni Cervantes e Rosenante, similar sa pangalan ng mismong kapatid ni Doflamingo sa One Piece.
12:03.5
Anyway yung flow nga ng kwento na itong Don Quijote e nagfofocus sa isang matandang baliw, which is ang pangalan nga niya e Don Quijote. So itong si Don Quijote nga e nabaliw sa kakabasa ng mga kwento patungkol sa mga kabaliyero.
12:18.7
Kaya naman isang araw nga e napagpasahan niya na maging isang kabaliyero. At dahil nga sa medyo may sira yung utak na itong si Don Quijote e iniimagine niya nga na itong windmill e isang dragon, o di kaya e iniimagine niya na may umaatake sa mga tupa, which is in reality e wala naman talaga, kumbaga nasa isip niya lang ang lahat ng ito.
12:41.2
In short e itong kwento ni Don Quijote e pinapakita lang kung gaano kalakas ang imahinasyon ng isang tao, na similar sa quote na Anything a man can imagine is a possibility in reality.
12:53.9
Ngayon e kung ikokonekta nga natin itong mismong Don Quijote na kilala natin na si Doflamingo, e kung maaalala nyo e nabanggit nga mismo ni Doflamingo yung patungkol sa tinatago ng World Government na National Treasure ng Mary Geoise.
13:08.1
Hindi kaya itong sinasabing treasure ni Doflamingo e yung nabanggit ni Lilith in Chapter 1065, ito kaya yung sinasabi niyang Eternal Flame? Dahil nalaman nga natin sa chapter na to na pinapatakbo ang buong Egghead Island ng apoy, kung saan e kinoconvert nga nila ito into any kind of energy, para mapagana ang ibat-ibang makina sa Egghead Island.
13:31.0
Pero kung meron nga lang daw na nage-exist na Eternal Flame, gaya ng sinabi ni Lilith, e panigurado nga daw na gagawa siya ng sarili niyang araw. So kung yung tinutukoy nga na ito ni Lilith ang National Treasure ng Mary Geoise, e it makes sense na nga ngayon, dahil kung maaalala nyo guys, una nga natin nakita itong si Imsama sa isang garden sa loob ng mismong Pangea Castle, kung iisipin nga natin e nakakapagtaka nga na napakaliwanag sa garden na to.
13:59.2
Since nasa loob nga siya ng mismong kastilyo, at isa pa e nakakapagtaka nga rin na may buhay sa mismong garden na to, dahil nakakita nga tayo ng buhay ng mga paru-paro at mga halaman. Kaya naman sa tingin ko nga e itong National Treasure ng Mary Geoise e yung binanggit ni Lilith na Eternal Flame.
14:18.3
Ang isang ebedensya nga na magpapatibay sa teori na to e yung sitwasyon sa Fishman Island, dahil alam naman natin na yung nagpapaliwanag sa mismong Fishman Island e yung tinatawag na Sunlight Tree of Eve. Yung mismong puno nga daw ng Tree of Eve e tinatamaan ng sikat ng araw, at dahil dito e dumadaloy nga daw yung sikat na to pababa sa ugat, kaya nagkakaroon ng liwanag itong Fishman Island.
14:44.7
At base nga sa lokasyon ng Fishman Island, e marami nga ang nagsasabi na ang lokasyon daw ng Tree of Eve na to e nasa mismong Mary Geoise, since magkatapat nga lang sila. Ngayon e nakita naman natin itong Mary Geoise na wala ngang puno dito na matatawag na Tree of Eve, kaya naman possible nga na itong Tree of Eve e nasa mismong garden ni Innsama. At yung sikat nga ng araw na tumatama dito e hindi yung mismong araw, magkos e yung treasure ng Mary Geoise na Eternal Flame.
15:14.6
Ngayon e aware naman tayong lahat sa teori na itong kwento ng One Piece e hinahalin tulad ni Oda sa Biblia, gaya ng Tree of Knowledge, kung saan e literal nga may Tree of Knowledge sa One Piece. So itong garden nga ni Innsama na kanina pa natin pinag-uusapan, e sa tingin ko nga na ito yung mismong Garden of Eden, na counterpart naman sa Bible.
15:37.5
Dahil in Bible nga in Genesis 2 verse 10 e sinasabi nga na mayroong apat na river na nagpo-flow sa Garden of Eden. At ito nga yung Pision, Gihon, Hedekiel at Euprates, apat na similar naman sa One Piece, kung saan e yung lokasyon nga ng Garden ni Innsama e mismong nasa gitna ng apat na karagatan. At ito nga yung West Blue, South Blue, North Blue at East Blue.
16:04.2
Bukod pa nga dyan e sinasabi nga rin na itong Garden of Eden daw e binabantayan ng mga angels na mayroong flame swords. So familiar ba itong karakteristik na to sa inyo? Yes guys, similar nga ito sa mga Lunarian. At base nga kay Marco Dapinix e nasa redline nga daw noon nakatera itong mga Lunarian.
16:25.3
Kaya naman possible nga na itong mga Lunarian hundreds of years ago e sila ang nagbabantay sa Garden kung nasaan ngayon si Innsama. Kaya naman it makes sense na nga ngayon kung bakit ganun na lang kagalit itong world government sa mga Lunarian. Ngayon e kung itong Garden ni Innsama ang nagre-represent sa Garden of Eden, e hindi kaya-gaya sa kwento ni Laadan at Eva, e ganito rin yung senaryo sa kung paano na-create ang mga devil fruit noon.
16:52.4
Sabihin na natin may nage-exist na Garden of Eden sa taas ng redline, kung saan e pinoprotektahan ito ng mga Lunarian. Gaya ng nakasaad sa libro ng mga angel na mayroong nag-aapoy na espada. Itong Garden of Eden nga e nasa loob ng mismong kingdom, at itong kingdom nga na to e yung ancient kingdom. Ang mga tao nga sa kingdom na to e binigyan ng kapangyarihan ng mismong god, which is sa kwento ni Laadan at Eva e nirepresenta nga ito ng isang araw.
17:22.2
So similar nga dito e possible na itong god naman sa kwento ng One Piece e isa ring araw, at ito nga yung sun god Nika. At gaya nga sa kwento ni Laadan at Eva na pwede daw kainin ang kahit na anong prutas sa Garden of Eden maliban sa isang puno na nagkokontain ng mansanas, e ganito rin ang naging senaryo sa One Piece.
17:43.1
So sabihin na natin na ang counterpart nito e yung Tree of Eve. Nagpoproduce nga itong Tree of Eve ng prutas na pwede mong ihiling kung ano yung gusto mong maging, at tinatawag nga ito ng mga Dream Fruits. Gaya nang pwede kang makalipad, pwede kang makalangoy sa lupa at kung ano ano pa.
18:00.7
Pero gaya nga sa kwento ni Laadan at Eva na merong ahas na lumason sa isip ni Eva, e paano kung ganito rin yung naging senaryo noon sa One Piece? Meron ding masamang nila lang na nanlason sa mga utak ng mga taga Ancient Kingdom, kung saan e imbes nga na ang hilingin lang e mga simpleng bagay na kaya mong imaginin, e nagbigay ito ng knowledge na pwede kang humiling sa Tree of Eve ng mga prutas na may kakayanang magbigay ng kapangyarihan na pwedeng ikapahamak ng iba.
18:30.2
O hindi kaya e kung ano ano pang masasamang prutas. Kaya naman possible nga na gaya kila Laadan at Eva na pinarosahan sila ng Diyos dahil sa natokso sila sa ahas, e ganito rin ang ginawa ni Sun God Nika sa mga tao naman na umabuso sa kahilingan ng mga Dream Fruits. At dahil nga dito e imbes nga na Dream Fruits, e pinangalanan na ito bilang Devil Fruits, at tinakwil nga sila ng mismong karagatan dahil dito.
18:57.9
Bali nga yan e ang magiging tanong naman e kung yung Sun God Nika pala ang Diyos noon, e bakit napunta kay Joy Boy yung Devil Fruit na to na similar kay Luffy? Bakit si Joy Boy ang Sun God Nika during Void Century? Bali dahil nga yan sa kahilingan ng mga tao. Pwedeng during Void Century sa kaligitnaan ng gera between 20 kingdoms at ng ancient kingdom, e itong si Joy Boy nga e humiling na iligtas sila ng isang Diyos, at dahil doon e dito na nga siya naging Sun God Nika.
19:27.3
Kumbaga inimagine niya na may isang Diyos na magliligtas sa kanila, similar nga ito sa quote na pinag-uusapan natin kanina, na anything a man can imagine is a possibility in reality. Inimagine nga ni Joy Boy na mayroong Diyos, at naging reality nga ito, at nag-turn nga siya into Sun God Nika. So ang logic nga dito e dahil nga sa Mythical Zoan ang Devil Fruit ni Joy Boy, which is yung Hitohito no Mi model Nika, e from the word itself, Meat.
19:56.4
Ibig sabihin e hindi ito tunay na nag-exist sa mundo, haka-haka lang ang patungkol dito, o pwedeng kwento lang, depende sa paniniwala. Similar nga ito sa inexplain ko patungkol sa existence ng Diyos sa part 1 ng video natin, at dahil nga sa naniwala itong si Joy Boy na may God, e nag-turn nga siya into Sun God Nika, ang Diyos na nagpaumpisa ng lahat.
20:26.7
Ano nga ba ang One Piece? Yes, ito nga yung title ng paborito nating anime, which is literally One Piece. Pero ano nga ba yung tinutukoy ni Goldie Roger sa unang episode pa lang na itinago daw niyang kayamanan? Sa tinagal-tagal nga ng series na itong One Piece na nagsimula pa noong 1997 up to this date, e wala pa nga rin tayong idea sa kung ano nga ba itong One Piece na to. Pero sa mga recent interviews nga ng creator ng One Piece na si Ichiro Oda, e kinunperma niya nga na ang
20:56.3
One Piece daw e isang living things o physical daw itong nahahawakan. Meaning e yung mga nagsasabing kaibigan, pangarap o kung ano pa man na hindi nahahawakan e ang ibig sabihin neto e hindi ito yung One Piece. So ano nga ba talaga ang One Piece? Baling ngayong araw nga na to e ito yung topic natin. Tutuklasin nga natin kung ano nga ba talaga yung One Piece. Kaya samahan nyo akong alamin sa video na to yung matagal ng katanungan sa isipan natin. Kung ano nga ba itong One Piece
21:25.9
Treasure? So first e alamin muna natin yung mga kriteriya kung ano nga ba yung possible na One Piece. Para mas malinawan tayong lahat at mas mavisualize natin para naman malapit sa katotohanan yung naiisip nating idea sa kung ano nga ba ang One Piece. Ang unang kriteriya nga natin e gaya nga ng sinabi ko kanina e dapat na physicaling nahahawakan ang One Piece. Since nabanggit nga ni Oda sa mga interviews niya na tangible daw ang One Piece. Ang ikalawang kriteriya naman natin e dapat alam natin
21:55.9
o ng mga fans yung One Piece. Meaning e pwedeng nakita na natin o nabanggit na sa istorya ng One Piece. Since sa recent message nga ni Oda about sa One Piece Knowledge King e sinabi niya na naniniwala daw siyang yung mga talagang avid fan ng One Piece e alam na kung ano nga ba ang One Piece. Anyway ang ikatlong kriteriya naman natin e dapat related do sa world government or something na dapat konektado to sa world government. Yes we all know na aware itong world government at si Imsama,
22:25.9
na nage-exist ang One Piece. Pero ang tanong dito e bakit wala silang ginagawang aksyon? Bakit hindi nalang nila puwersa yung kunin ang apat na road pony clip at puntahan yung Loftail para makuha ang One Piece?
22:38.0
Bale ang sagot nga dyan e pwedeng para sa world government at para kay Imsama e walang kwenta yung One Piece, o wala tong silbe para sa kanila. Example na lang natin dito si Luffy,
22:48.7
tinetreasure nga ng gusto ni Luffy yung straw hat niya, since bigay nga ito ni Shanks, at dito nagumpisa yung pangarap niyang maging hari ng mga perata. Pero para sa ibang tao e mahalaga ba yung straw hat ni Luffy? Diba hindi? Ano namang pakinila sa sombrero ni Luffy diba? In short e pwedeng yung One Piece e hindi magbe-benefit yung world government dito, kaya hindi man lang nila to kinuha o sinisira, maybe ideology lang yung One Piece para sa kanila.
23:15.6
Anyway ang huli at ikaapat ng kriteria natin e dapat konektado ito sa mission ni Joy Boy. Since simula nga nung ipakilala sa atin si Joy Boy e dito na dahan-dahang lumilinaw yung patungkol sa Void Century at sa One Piece mismo. At isa pa e nung time nga na mapuntahan nila Goldie Roger yung Loftail, e malinaw niyang sinabi yung pangalan ni Joy Boy, na yung iniwan nga daw niya e isang napaka-stupendous na treasure. Ngayong alam na natin yung mga kriteria sa pagtuklas ng One Piece,
23:45.3
e ang malaking tanong na nga dito e ano nga ba ang One Piece para sakin? So para sakin nga e yung hinahanap na One Piece e Alak. Yes guys, Alak. Pero bago magtaasan yung mga kilay nyo at matawa na Alak nga itong One Piece e painggan nyo muna yung paliwanag ko kung bakit nga ba sa tingin ko e Alak itong One Piece Treasure. Ang isa nga sa pinaka tema na itong paborito nating anime na One Piece e yung konsepto ng pamilya. At hindi lang porket kadugo mo e pamilya na kagad.
24:14.8
Dahil ang konsepto nga ng One Piece e patungkol sa pagkakaroon ng pamilya even though hindi sila magkakadugo. Ang example na nga natin dito e yung Straw Hat Pirates mismo. Si Luffy nga e alam naman nating bukod kay Garp e ang pinakamalapit na sa kanya e sila Ace at Sabo. Magkadugo ba sila? Hindi. Pero nakita naman natin na tinuturing talaga nilang pamilya ang isa't isa.
24:36.5
Si Nami naman e alam nating pinalaki siya ni Belmere. At siya nga rin yung kinikilala niyang nanay. Magkadugo ba sila? Hindi. Same as Chopper na tinaboy mismo ng sarili niyang pamilya. At ang kinikilala niya ngang pamilya sa ngayon e si Dr. Hiriluk. Si Robin naman e ganun din. Iniwan nga rin siya ng pamilya niya. At ang naging pamilya na nga niya e yung mga archaeologists ng Uhara. Si Franky naman e iniwan rin daw ng pamilya niya. At ang kinikilala niya ngang pamilya e si
25:06.5
Tom at Iceberg. Same as Sanji na si Zeph ang kinikilala niyang pamilya. At si Zorro? E wala pa nga tayong idea sa pinagmulan niya. Pero ang
25:15.9
pamilya nga na kinikilala niya e sila Kowina at Koshiro. At kung magbibigay naman tayo ng example outside sa straw hat pirates e ang pinaka
25:24.4
nagfifit nga dito e si Whitebeard syempre. Alam naman nating binoon Whitebeard yung pirate crew niya, hindi dahil sa kayamanan o sa
25:32.0
teritoryo na mahahawakan niya. Baggos e gusto lang binoon ni Whitebeard ng tunay na pamilya. So napansin nyo yung konsep na itong
25:40.1
kwento ng One Piece patungkol nga ito sa pamilya even though hindi nga magkakadugo yung mga tao dito. At sa bawat paglalakbay nga ni
25:47.9
Luffy sa Grand Line hanggang sa New World e nagkakaroon siya ng isang matibay na band sa bawat karakter na nakakasalamuha niya na parang
25:56.5
pamilya na ang turing niya sa mga to, gaya ni Vivi, Rebecca, Shirahoshi, Kobe, Momonosuke at iba pa. Sa tingin ko e ito yung gustong
26:06.3
ipoint out ni Oda, na ang greatest treasure nga ng One Piece e yung patungkol sa pamilya o pagkakaibigan. Pero kung
26:14.5
pamilya o pagkakaibigan nga itong One Piece treasure e hindi neto masasaklaw yung una nating kriteriya, which is dapat na tangible
26:22.3
daw itong One Piece o nahawakan daw ang One Piece, meaning e isang bagay dapat itong One Piece. Ngayon e dito na papasok yung
26:29.9
sinabi ko kanina, na sa tingin ko e itong One Piece treasure na matagal na nating hinahanap e isang alak. So first e ang alak nga e
26:38.1
lagi nating nakikita sa mga miembro ng D-Clan. Nakita nga natin to sa pag-uusap nila Portgas D. Ace at Yamato. Nakita
26:46.2
natin to sa pag-uusap nila Whitebeard at Gold D. Roger. Even sa pinaka-iconic scene nga ni Blackbeard, which is isa rin sa D-Clan, e nakita
26:55.3
nga rin nating may alak sya na hawak. At syempre yung alak or sake na iniinom nila Luffy, Sabo at Ace para masabi na magkakapatid sila.
27:04.8
At speaking of sake e nung mapanood nga natin itong scene nila Sabo, Ace at Luffy na umiinom ng sake, e ito nga rin yung naging simbolo na para
27:13.7
sa atin na pwede palang maging kapamilya ang hindi magkakadugo, gaya na lang nung time na mabuo itong Straw Hat Grand Fleet. Present nga rin yung alak
27:22.5
or sake nung time na may ipag-connect itong sila Bartolomeo kay Luffy. So napansin nyo guys, dalawa ang nagiging simbolo ng alak sa One Piece.
27:31.9
Ang una nga e kumakatawan to sa pamilya, at ang ikalawa naman e sa victory. Since gaya nga ng sinabi ko kanina e sa tuwing matatapos ang
27:40.4
bawat arcs at nananalo si Luffy sa mga main villain, e umiinom sila at nagpa-party. At present nga dito yung alak. Same sa
27:49.1
philosophy ni Gold D. Roger, na sa tuwing may na-accomplish siya at ng grupo niya, e umiinom rin sila ng alak. So family at victory
27:58.1
ang sumisimbolo sa alak. Ngayon e mabalik tayo sa mga kriteriya natin para masabi nga natin na ang alak nga ang One Piece Treasure.
28:06.3
Una, nahahawakan o tangible ba ang alak? Yes. Ikalawa, alam o nakita na ba natin itong alak? Yes, maraming beses na. At hindi lang basta
28:16.2
nakikita, dahil nakikita nga natin to sa bawat iconic scenes ng mga D-Clan. Ikatlo, e konektado ba ito sa world government? Pwede. Pero gaya
28:25.4
nga ng sinabi ko kanina e pwedeng yung One Piece Treasure e hindi magbe-benefit dito yung world government at si Im-sama. Kaya hindi na
28:33.1
sila gumawa ng paraan pa para puntahan to para kunin o sirain. Scenes gaya nga ng sinabi ko kanina e gaya lang to sa straw hat ni Luffy. Para kay
28:42.3
Luffy e sobrang halaga ng straw hat para sa kanya, scenes dito nga nag-umpisa yung pangarap niya. Pero para sa ibang tao ba e importante
28:50.4
itong sombrero ni Luffy? Diba hindi? Kasi kung importante to e dapat sinira na to ng mga admirals ng marines during Marineford
28:58.8
Anyway ang ikaapat na karateriya nga natin e related ba to sa misyon ni Joy Boy? Yes, ipapaliwanag ko nga kung bakit to naging related sa misyon ni Joy Boy. Alam
29:08.7
naman natin lahat na ang na-ease ni Joy Boy during Void Century e ang pagkaisahin ang lahat ng nilalang sa mundo. Nangako nga siya sa Fishman
29:17.6
Island na iaangat daw niya yung Noah, meaning e malaki ang posibilidad na yung misyon na itong si Joy Boy e patungkol sa kalayaan o freedom.
29:27.0
Ibig sabihin e ang na-ease netong si Joy Boy e yung walang diskriminasyon na nagaganap sa buong mundo. At para mangyari nga to e possible na nilakbay ni Joy Boy ang buong mundo
29:37.3
para pagkaisahin ang lahat ng nilalang sa mundo. Pero dahil nga sa pagsasama-sama ng 20 kingdoms para patumbahin si Joy Boy, e hindi na nagawa ni Joy Boy
29:46.8
itong misyon niya na pagkaisahin ang bawat nilalang sa mundo. Maaring pwede natin sabihin na naalarma itong mga mayayamang kingdom dahil sila
29:55.7
ang nakakataas sa society. Kumbaga iniisip ng mayayamang kingdom na yung mga slaves nila e hindi pwedeng maging kapantay lang nila, kaya pwedeng gumawa sila ng aksyon at
30:05.8
nagsama-sama para pigilan itong misyon ni Joy Boy. At dahil nga sa hindi na nagawa pa ni Joy Boy yung misyon niya na magkaroon ng kalayaan ang bawat nilalang sa mundo,
30:16.0
e pwedeng dito niya na iniwan yung mga Pony Glyphs at yung One Piece Treasure. Para kung sakalimang dumating yung panahon at may panibagong Joy Boy ang isisilang sa hinaharap,
30:25.7
e malalaman niya yung tunay na misyon niya, misyon na pagkaisahin ang lahat ng nilalang sa mundo. Walang diskriminasyon at lahat e pantay-pantay lang, kaya possible na ang iniwang One Piece Treasure ni Joy Boy
30:38.3
e isang alak, alak na magpapaalala sa panibagong Joy Boy na isisilang sa hinaharap na ang misyon niya e pagkaisahin ang lahat ng nilalang sa mundo. So kung alak nga ang One Piece Treasure e bakit hindi ito kinuha ni Goldie Roger nung napunta siya ng Loftail?
30:54.2
Simple lang, dahil gaya nga nang sabi ko e natuklasan ni Roger na wala pa siyang sapat na puwersa para gampanan ang misyon na to, since napag-alaman nga niya na yung mga Ancient Weapons nga e hindi pa isinisilang sa panahon niya.
31:07.1
Meaning e nung nakita ni Roger yung One Piece Treasure na isa pala tong alak e nagets niya na kaagad to, na realize nga niya na yung alak ang magsisilbing simbolo para sa pagkakaisahan ng bawat nilalang sa mundo, gaya ng pag-inom ng sake.
31:20.7
Natawa naman si Roger nang makita niya to dahil sa tinagal-tagal nga ng pagkahanap nila sa One Piece e matutuklasan niya na alak lang pala yung maikita niya. At pwede rin natin tong i-connect kay Silver's Rayleigh nung una niyang makausap itong Straw Hat Pirates,
31:35.4
na pwede daw na maging iba yung interpretasyon ng Straw Hat Pirates sa maikita nila sa Love Tale, kesa nung time na mapunta siya at ng Roger Pirates dito. So what if tama pala yung mga fans ng One Piece sa umpisa pa lang,
31:49.1
na yung matagal na nating hinahanap na One Piece Treasure e ito pala yung pagkakaibigan at pamilya. Pero imbis nga na literal na pamilya at pagkakaibigan e ginawa tong alak ni Oda, alak na sumisimbolo sa tagumpay at sa pamilya.
32:04.2
Dahil once na dumating na sila Luffy sa Love Tale at malaman na ang totoong nangyari sa Void Century, e paniguradong tagumpay ito para kay Luffy at sa grupo niya. At itong One Piece Treasure na naghihintay kay Luffy na alak pala,
32:17.6
ang magsisilbing paalala na kahit anong hirap ang pinagdaanan niya mapuntahan lang itong Love Tale at mahanap ang One Piece, e masusuklian naman to ng karanasan at pamilya sa bawat paglalakbay na napuntahan niya sa buong mundo.
32:31.4
Nakakatawang isipin lang na yung unang chapter nga kung saan nakita natin na alak ang naging punot dulo, kaya nawala ng braso itong si Shanks, e possible na ito nga rin yung unang hint ni Oda na alak nga talaga ang One Piece.
32:45.1
Ano kaya ang susunod na galaw ni Dragon at ng Revolutionary Army? Alam naman nating lahat na ang karakter na may pinaka-nakaka-curious na sitwasyon ngayon e itong si Monkey D. Dragon,
33:03.5
since yung ilang events nga na naha-highlights ngayon sa Egghead Island Arc e puro konektado sa kanya, gaya na lang ng sitwasyon ni Sabo sa Lulusia Kingdom, yung pagakyat ni Kuma sa Red Line, yung pagre-rebelde ng walong nasyon sa World Government at higit sa lahat e itong tangka sa buhay ng kaibigan niyang si Dr. Vegapunk.
33:23.8
In short e itong mga problema na nabanggit ko e lahat e nakasentro sa kanya, kaya naman sa video nga na to e susubukan nating alamin kung ano nga ba possibly ang susunod na magiging galaw na itong si Dragon, ano kaya ang mga hakbang ang gagawin niya para solusyonan itong mga problema na to.
33:42.2
So first e pagtuunan muna natin ang pansin kung ano nga ba specifically itong mga problema ni Dragon na kailangan niyang solusyonan. Ilalatag ko nga yung mga problema na nakasentro sa kanya, at sa huli e gagawan natin ito ng mga solusyon. Ang una na nga dyan e syempre itong pangyayari sa Lulusia Kingdom, kung saan e binura nga presumably niimsama ang buong isla na to, kung saan e nandito nga daw si Sabo nung oras na to.
34:09.7
Balibasi nga sa latest information ng pagre-revise ni Oda patungkol sa Lulusia Kingdom, e binago nga niya yung lokasyon na ito mula sa New World gaya ng nilagay niya sa chapter 1060 at pinalitan ito sa Paradise, which is good move para sakin, since hindi na nga magiging confusing kung dalawa ba ang Lulusia Kingdom o sa New World ba talaga ang lokasyon na ito at hindi sa Paradise.
34:35.0
Dahil sa mga early part nga na itong one piece e malinaw na iniimply na talagang located itong Lulusia Kingdom sa Paradise. Maraming ngang ebedensya gaya ng cover story ni Ace kung saan e napadpad siya sa Lulusia Kingdom sa paghahanap niya kay Blackbeard. In chapter 904 naman e nabanggit nga na magkalapit lang daw ang Kembaka Kingdom at itong Lulusia Kingdom. Yes, ito nga yung scene kung saan sinagip ng revolusionary army itong mga tao sa Lulusia Kingdom.
35:04.5
So props kay Oda sa pagkukorek ng informasyon na ito. Anyway ngayong confirmed na nga na nasa Paradise sa Grand Line itong Lulusia Kingdom at malapit lang ito sa Kembaka Kingdom kung nasaan currently itong si Dragon, e malamang na itong nangyari sa Lulusia Kingdom at kay Sabo ang unang gagawan ng hakbang na itong si Dragon.
35:24.5
Ang ikalawang problema naman ni Dragon e itong patungkol kay Kuma. During chapter 1058 nga inasaksiyan natin kung paano ginamit ni Kuma yung Devil Fruit niya para makapag-teleport mula sa Kembaka Kingdom patungon sa Red Line. At since hindi nga siya matagumpay na nakalapag sa toktok ng Red Line, e bumagsak nga itong si Kuma sa Red Port kung saan e currently nga e inaakit niya na ngayon itong Red Line at assuming napapunta siya sa Mary Joa.
35:53.8
Bali dahil nga sa inaatake na ngayon ng mga marins itong si Kuma at isa siya sa pioneer ng Revolutionary Army alongside Dragon, e ine-expect ko nga rin na may gagawing hakbang itong si Dragon para mailigtas itong si Kuma.
36:08.1
Ang ikatlong problema naman na nakasentro kay Dragon e itong patungkol sa sinasabi ni Kuruma, na walong nasyo na nagre-rebelde ngayon sa world government dahil sa impluensya ni itong si Sabo.
36:20.0
Malamang e ang magiging tanong nyo e Kuya Enero, ano namang pake ni Dragon sa walong kingdom na nagre-rebelde sa world government, pake alam niya ba sa mga yan e choice nilang magrebelde? Dapat e labas na si Dragon dyan, diba?
36:34.2
Bali kung matatandaan nyo e ito nga yung main reason kung bakit nage-exist ang Revolutionary Army. Ang goal nga nila e iliberate yung may hihinang bansa na hawak ng world government,
36:45.7
gaya na lang ng ginawa nila sa mga bansang Vira, Sinturya at iba pang hinahawakan ng world government, kumbaga pinag-aaklas nila itong mga bansa na to para manghina itong world government.
36:57.0
Ngayon e dito na nga papasok itong problema ni Dragon sa walong bansa na sabay-sabay na nagrebelde. Dahil nga sa technically e kalaban na ng world government itong walong bansa na to, e malamang naaatakihin sila ng mga marines.
37:11.2
Nakita nga natin yung galit ni Fleet Admiral Akainu nung malaman niya yung patungkol dito, diba? Sinabi nga niya mismo na mag-i-strike back daw sila, meaning e kung aaatake itong mga marines sa mga bansang nagrebelde e ibig sabihin e kailangang protektahan ni Dragon itong walong bansa na to.
37:30.0
So ang huling problema nga na nakasentro kay Dragon e itong tangka sa buhay ng kaibigan niyang si Dr. Vegapunk. During chapter 1066 nga e napagalaman natin na naging magkaibigan itong dalawa na to pagtapos ng Uhara incident, ang common denominator nga nila e si Professor Clover.
37:48.6
During chapter 1064 naman e nalaman nga natin na yung isa sa mga satelites ni Vegapunk na si Shaka e tumawag kay Dragon para warningan ito na malapit na daw siyang mamatay. At dahil nga sa warning na to e malamang na ito yung magtitrigger kay Dragon para gumawa ng hakbang para mailigtas itong kaibigan niyang si Vegapunk.
38:09.8
So ngayong alam na nga natin ang detalyado itong 4 na problema na nakasentro kay Dragon, e ano kaya ang plano niya para hindi magtagumpay itong world government sa mga galaw nila? Bali gagawa nga tayo ng possible plan para kay Dragon para sabay-sabay niyang masolusyonan itong mga problema niya, at tatawagin nga natin itong plano na to na Project Saturn.
38:31.9
So bakit Project Saturn? Dahil magfofocus nga yung operasyon na to sa pinaka goal na itong revolutionary army. At ito nga e yung pagpapabagsak sa world government at sa mga celestial dragons. At since nasa labas ngayon ang meridyua ang isa sa mga gorosei, which is si Saturn, e malamang na itotake advantage ito ni Dragon.
38:53.1
Kaya naman ngayon nga e umpisahan na natin itong Project Saturn. So first e ilatag muna natin yung mga tauhan ni Dragon na present sa Kimbaka Kingdom ngayon. Ito nga yung mga army commanders niya na sila Morley, Lindberg, Belobetti, Karasu, Inazuma at Ivankov. Plus kung isasama pa nga natin itong Silakuwala at Hawk, e meron nga 8 tauhan itong si Dragon na capable na lumaban in a competitive way.
39:20.0
Ngayon e ang unang ang bibigan ng pansin ni Dragon e itong dalawang malapit na lokasyon sa Kimbaka Kingdom kung nasaan sila ngayon. At ito nga e yung Lulusia Kingdom at itong Red Line. Sa tingin ko nga na ang mga tauhan na papapuntahin niya sa Red Line para tulungan o para kunin itong si Kuma e syempre itong si Lindberg, Karasu at Morley, since sila nga yung pinaka flexible pag usapang transportation, meaning e maaari silang lumipad sa Red Line ng mabilis
39:49.2
para makuha itong si Kuma. Nakita na rin naman natin yung flexibility ng tatlong to during Reverie Arc, mabilis nga lang nilang napasok yung meridyowa. Sa part naman ng Lulusia Kingdom since malapit nga lang ito sa Kimbaka Kingdom, e sa tingin ko nga na ang pwedeng papuntahin dito ni Dragon e itong sila Ivankov at Inazuma. Since may mga G-Army naman itong si Ivankov sa kaharian niya, e malamang na madali lang nilang mapupuntahan itong Lulusia Kingdom para macheck kung buhay pa ba si
40:19.2
Sabo o maluba ba siyang sugatan para masagip nila. Sa part naman ng walong nasyon na nagre-rebelde sa world government, e ang pinaka fit nga na itatalaga ni Dragon sa mga ito e syempre si Bello Betty, since yung devil fruit nga niya e capable na mang encourage ng mga tao. So isasama na rin natin dito sila Koala at Hawk para masuportahan itong si Betty.
40:42.8
And lastly e itong plano para sagipin si Dr. Vegapunk. Yes, alam naman natin kakayanin ni Luffy itong sila Kizaru at Gorosei Saturn, pero sa recent chapters nga e ni-reveal na meron daw papuntang 100 ships ng mga marines sa Egghead Island, at sa tingin ko nga na kaya itong hinalight ni Oda e para sa pagdating na itong si Dragon sa Egghead Island.
41:05.7
Kasama nga ng mga tauhan niya na revolusionary army, e sa tingin ko nga na sila ang tatapat sa isang daang barko na ito ng mga marines. Plus sobrang gandang pagkakataon nga neto para kay Dragon na direct ang kalabanin itong world government sa pamamagitan ng pagpatay o paghuli kay Saturn.
41:22.9
In short e makikita natin itong si Dragon sa Egghead Island, though duda lang ako kung makikita ba sila ni Luffy o hindi, dahil pwedeng ang mangyari nga e isecure lang ni Dragon na makakatakas itong Straw Hat Pirates kasama si Vegapunk paale sa Egghead Island, papunta probably sa Elbaf, at siya na ang lalaban dito kila Saturn at Kizaru.
41:44.9
Which makes sense dahil kung lalabas na nga si Dragon sa lungga niya at yung pinaplano nga niyang pagdideklara ng war laban sa mga Celestial Dragons during Reverie Arc e medyo palyado since samwat naprotektahan nga nila Fujitora at Green Bull ang Mary Dua laban sa mga pinadala niya na sila sabo, e ito na nga yung perfect timing para tahas ang kalabanin itong world government at ito nga e sa pamamagitan ng pagpatay kay Saturn.
42:11.2
Anyway, ayan na nga yung Project Saturn na pwedeng maging susunod na galaw na itong si Dragon laban sa world government.
42:18.0
During nga sa huling panel ng chapter 1082 e nabanggit nga ni Sabo, Kilaay Bancov at Dragon yung nakita daw niya sa Mary Dua sa naganap na Reverie. Kung ano nga daw itong nakita niya e panigurado daw na mapapahamak kung sino man ang makakaalam neto, which is totoo naman.
42:44.1
Dahil nung malaman nga ni Im sama during chapter 1060, itong lokasyon ni Sabo na nasa Lulusia Kingdom, e agad nga itong winasak ni Im sama. Yes guys, ipinakita nga kung paano niyang literal naburahin sa mapa itong buong Lulusia Kingdom, kaya naman sa video nga na to e aalamin natin kung ano nga ba itong tinutukoy ni Sabo na nalaman daw niya o nakita niya sa Mary Dua during Reverie.
43:12.4
Kaya naman kung handa na nga kayo e game umpisahan na natin itong topic natin.
43:23.4
In chapter 1054 nga e nalaman natin sa tulong ng balita ni Bignus Morgan na pinatay daw si King Cobra, at ang primary suspect nga e itong si Sabo. Pero ano nga ba ang ugat ng pagkamatay ni King Cobra?
43:39.3
So during chapter 823 nga e nalaman natin yung patungkol dito. Dahil nung time nga na naghahanda yung grupo ng Alabasta sa mangyayaring Reverie, e nabanggit nga ni King Cobra na itatanong daw niya sa world government specifically sa mga Gorosei yung patungkol sa mga Pony Glyphs. At alam naman natin ang kinahinat na ng huling taong nagtanong sa Gorosei ng patungkol sa mga Pony Glyphs.
44:05.1
Namatay nga si Professor Clover. Kaya naman possible na ang sagot sa pagkamatay ni King Cobra e dahil sa tinanong niya yung Gorosei ng patungkol sa mga Pony Glyphs. Ngayon e balikan natin itong balita sa pagkamatay ni King Cobra. During nga sa same chapter na to e ibinalita rin yung pagkawala ni Princess Vivi.
44:29.7
Pero later on nga sa chapter 1074 e nirevealed din kung nasaan naman siya at nandito nga siya sa lokasyon ni Big News Morgan. At hindi lang yan dahil nakita nga rin natin si Wapol sa scene na to.
44:44.2
Balay yung koneksyon nga na itong sila Wapol at Big News Morgan e kung maaalala nyo e ipinakita nga ito during chapter 956 kung saan e tinawagan nga ni King Wapol itong si Morgan dahil sa may intel nga daw ito patungkol sa nangyaring reverie. Ngayon e ang malaking tanong e paano nagsama sa iisang lokasyon itong sila Wapol at Vivi?
45:08.1
E diba during reverie arc e nakita natin galit na galit itong si Vivi kay Wapol? At itong si Wapol naman e nakita rin natin hindi niya gusto itong si Vivi?
45:18.0
Balay kung iaanalyze nga natin yung possible scenario sa nangyaring pagpatay kay King Cobra, e maaaring nung tinanong nga ni King Cobra itong gorosei ng patungkol sa sekreto ng mga ancient ponyglyphs e biglang nag-appear itong si Im-sama. At itong si Im-sama mismo ang pumatay kay King Cobra.
45:37.5
So anong patunay na si Im-sama nga ang pumatay kay King Cobra? Balibalikan natin itong chapter 1060, nung time nga na tinawagan ni Sabo itong revolusionary army e sinabi niya mismo yung patungkol sa empty throne. Akala nga daw niya e walang king of the world o walang nakaupo sa empty throne.
45:58.4
Pero it turns out na meron daw na nag-ooccupy sa empty throne. At bago pa nga ituloy ni Sabo yung sasabihin niya, e bigla nangang nasira yung signal at naburan na rin sa mapa yung Lulusia Kingdom.
46:12.4
Kaya naman ang possible nga na nangyari during reverie e nung time na pinatay ni Im-sama itong si King Cobra, e maaaring nakita ito nila Sabo, Vivi at Wapol. Yes guys, tatlo sila, though I doubt na nakita ng gorosei sila Vivi at Wapol.
46:30.0
Sa tingin ko e si Sabo lang yung napansin ng gorosei na nakakita kay Im-sama, kaya lumabas yung peking balita ng patungkol sa pinatay daw ni Sabo si King Cobra. Ngayon e dito natin makokonekta yung patungkol sa pagre-rebellion ng walong nasyon.
46:46.2
In chapter 1054 nga inapagalaman natin kay Kuruma na umusbong daw yung rebellion sa walong nasyon. At yung walong nasyon nga na ito e hawak ng mga hari na dumalo mismo sa reverie, since nabanggit nga ni Kuruma na nagugat daw itong rebellion ng walong nasyon habang papauwi yung mga hari nila, kaya it makes sense na kasama sa nangyaring reverie yung walong hari ng mga nasyon na ito.
47:12.9
So pwede ngang ipinakalat kaagad ni Sabo sa walong nasyon yung nangyaring pagkamatay ni King Cobra, kumbaga inunahan niya yung balita na ilalabas, since alam niya na isi-set up siya ng world government. At magandang taktika nga rin ito mula kay Sabo, dahil yung mga hari nga ng walong nasyon na ito e wala nang magagawa kundi e mag-step up, dahil once na umuwi na nga itong mga hari na ito sa mga nasyon nila na alam yung nangyaring pag-set up kay Sabo,
47:42.9
e wala na silang magagawa kundi ang pumili kung yung bansa ba nila o yung world government ang ipagtatanggol nila. Sa part naman nila Vivi at Wapol, e maaaring nung makita nga nila si Imsama na pinatay si King Cobra, e pwedeng agad-agad ngang tinago ni King Wapol si Vivi sa bunga nga niya, dahil alam nga niya nagagawa ng ingay si Vivi, na ikakapahamak niya rin, since iiyak nga ito sa pagkamatay ng tatay niya.
48:11.0
Possible nga ito since alam naman natin na yung devil fruit ni Wapol e kayang palakihin yung bunga nga niya, diba? Kinain nga niya yung Going Merry. Kaya naman this explains kung bakit kinontak ni Wapol si Morgan, para malagay siya sa safe na lugar. At this explains rin kung bakit sila magkasama ngayon ni Vivi, although magkagalit sila.
48:32.9
Ang isa pangang ebedensya na magpapatibay na nakita talaga ni Wapol si Imsama, e itong naging comment niya sa chapter 1074. Nung time nga na kinokontra ni Vivi yung balita na ilalabas ni Morgan, e ang sinabi nga lang netong si Wapol e huwag daw lakasan ni Vivi yung boses niya, dahil baka nga daw may wiretap signal yung world government, which is baka daw malaman kung nasaan sila, at kinakabahan nga siya na baka daw i-erase sila ng world government.
49:03.0
So yung word nga na-erase e una nating narinig during sa pakikipag-usap ng Gorosei kay Imsama. Kaya it makes sense na nalaman ni Wapol yung word na to during sa pagpatay kay King Cobra. At ito nga yung magiging clue natin sa nalaman ni Sabo during sa reverie.
49:21.3
Kung si Wapol nga e nalaman yung word na-erase, e malamang na bago mapatay itong si King Cobra e nagkaroon muna sila ng konversasyo ng Gorosei at ni Imsama. At yung naging pag-uusap nga na to e maaaring may na-reveal na sekreto, gaya ng patongkol sa ancient kingdom, patongkol sa may mga letter D sa pangalan, patongkol sa mga ancient ponyglyphs, o pwede rin na yung patongkol sa tunay na nangyari sa Void Century.
49:49.7
Pwede nga ito yung naging sinaryo, narinig nila Sabo, Wapol at Vivi yung konversasyon na to, kaya it makes sense na ganun na lang kagigil itong si Imsama na patayin si Sabo, to the point na kailangan niya pang sumira ng isang buong isla para lang mapatay siya.
50:07.4
At it makes sense din na ganito na lang katakot si Wapol dahil sa alam nga niya na yung mga narinig niya during sa pag-uusap nila King Cobra at ni Imsama ang maglalagay sa kanya sa kamatayan.
50:20.9
Anyway in summary nga sa topic natin, tinanong nga ni King Cobra sa Gorosei yung patongkol sa mga ponyglyphs at during nga sa pagtatanong na to, nagpakita si Imsama, na hindi sinasadya, nasa paligid lang pala at nakikinig itong sila Sabo, Wapol at Vivi, kung saan nakita nga nilang tatlo yung pagkamatay ni King Cobra.
50:43.4
At para nga hindi ma-reveal na nakikinig itong sila Wapol at Vivi, e tinago nga ni Wapol si Vivi sa bunga nga niya at tumakas papunta kay Morgan, kaya naman nandito sila ngayon kasama si Morgan.
50:57.2
Si Sabo naman e dahil nga sa likas yung pagiging matulungin niya, e pwede nga nung time na pinatay si King Cobra e nag-react siya at tutulong na sana. Pero dito nga niya nakita si Imsama, at dahil nga sa nalaman niya na itong si Imsama ang nakaupo sa empty throne at alam niyang wala siyang laban dito, e tumakas nga siya sa Meridua.
51:19.7
Pero nalaman nga ni Imsama yung lokasyon niya, which is nasa Lulusia Kingdom pala siya, kaya naman uwinasak nga ni Imsama yung buong Lulusia Kingdom. Pero ang hindi nga alam ni Imsama e nakaligtas si Sabo, at sasabihin niya na nga ngayon kila Dragon at Ivankov yung patungkol sa kanya.
51:39.9
Recently nga e nagkaroon ng isang announcement itong si Oda patungkol sa pangarap niya simulan nung bata pa lamang siya, na gusto nga daw niyang magdrawing ng manga na may pinakahype na final stage. At ngayong patapos na nga daw itong Wano Arc, e masasaksaya na nga daw natin ito.
52:03.3
Kaya naman sa video nga na to e naisipan ko nga na gawan ng possible matchup itong mga masasaksayan nating laban sa Final War. So first e bago nga tayo tumungo sa kung sino-sino nga ba ang maghaharap sa Final War, e alamin muna natin kung sino nga ba talaga itong huling makakalaban ng Straw Hat Pirates.
52:22.4
Bali dahil nga sa obvious naman at makailang beses ko na nga rin ginagjustify na itong si Im-sama ang magiging final villain sa kwento na itong One Piece, e malamang na itong World Government at Marines ang huling makakatapat na itong Straw Hat Pirates, kumbaga magkakaroon ng Marineford War 2.0. Pero this time e kasama na ng mga Marines lumaban itong World Government, at kapag sinabing ang Marines at World Government e sino-sinong malalakas na karakter nga ba,
52:51.0
ang unang tapasok sa mga isip natin. Syempre number one na dyan e itong si Im-sama at ang Gorosei sa side ng World Government. Sa side naman netong mga Marines e panigurado na ang unang tapasok sa isipan natin e itong Fleet Admiral at yung tatlong Admirals. So para mas mavisualize nga natin yung magiging matchup na itong Final War e alamin rin natin yung side ng Straw Hat Pirates kung sino-sino nga ba ang magiging alyansa nila sa paparating na Final War.
53:20.9
Balay ang obvious na number one alliance nila e syempre itong Revolutionary Army, since konektado nga itong si Luffy sa leader ng Revolutionary Army na si Monkey D. Dragon, in fact tatay pa nga niya ito. Bukod pa nga kay Luffy e konektado rin sa grupo na to sila Nico, Robin at Sanji, kaya probably e sila ang number one candidate sa magiging alyansa ni itong Straw Hat Pirates sa Final War.
53:47.0
Ang sumunod naman e syempre itong Straw Hat Grand Fleet, since ito nga yung official na alyansa ni Luffy sa pagtatapos ng Dressrosa Arc. At lastly e yung iba't ibang lugar na pinalaya ni Luffy gaya na lang ng Alabasta, Fishman Island, Dressrosa at Wano.
54:04.3
Probably e kung gusto nga ni Oda na talagang inggrande ang bakbakan para sa Final War, e malamang nasusulpot itong mga bansa na to para tulungan si Luffy na matalo itong world government.
54:16.8
Bali nga yung navivisualize na nga natin yung possible na mga maglalabang grupo sa magkabilang panig, e magproceed na nga tayo sa mga possible matchups. Siyempre unahin na natin itong magiging matchup ni Luffy.
54:30.0
Base nga sa tradisyon e malamang na ang makakaharap ni Luffy sa Final War e siyempre yung Major Villain, since siya nga ang main protagonist sa kwento. Kaya naman obviously e ang makakatapat nga nitong si Luffy e si Im sama.
54:44.9
Pero dito na nga magiging medyo komplikado dahil alam naman natin na bukod nga kay Im sama e isa nga rin itong si Fleet Admiral Akainu sa mga pangunahing kakalabanin ni Luffy, since pinatay nga mismo nitong si Sakazuki yung kapatid niyang si Ace.
55:00.7
Kaya naman ang tingin kong ang mangyayari e magiging similar sa sitwasyon ni Kaido, kumbaga may lalaban muna sa mga main villain na to bago pa to makaharap ni Luffy. Gaya kay Kaido na hinarap muna itong mga Scabards, yung Supernovas at si Yama to bago pa niya makalaban si Luffy.
55:19.0
Malamang na ganito nga rin ang mangyayari kila Im sama at Akainu. Yes, dalawa nga silang may kakalabanin muna bago nila makaharap itong si Luffy. Kaya naman ang idea ko nga dito e magiging Im sama vs Monkey D. Dragon at Luffy. Kay Akainu naman e magiging Sakazuki vs Sabo at Luffy. Bali ipapaliwanag ko.
55:40.3
Sa part nga na itong si Im sama e kung siya nga ang pinakahuling villain sa kwento na itong One Piece, e malamang na obviously e malakas siya. Mas malakas pa siya kay Kaido, at dahil dito e probably na durable din siya. At since ang punteriya nga ng itong Revolutionary Army e itong World Government talaga, e malamang na ang makakatapat ng leader nila e itong si Im sama.
56:03.6
Yes, sabihin na natin hindi uubra itong si Monkey D. Dragon. Pero syempre dito na ngayon papasok itong si Luffy. Si Luffy nga ang tatalo at tatapos sa buhay na itong si Im sama. Sa part naman na itong si Fleet Admiral Akainu e gaya nga ng sinabi ko kanina, e ang magiging matchup nya e itong si Sabo at Luffy. So alam naman nating lahat na bukod kay Luffy e isa nga rin itong si Sabo sa mga pinaka naapektuhan nung namatay itong si Ace.
56:32.3
Since kapatid nga rin niya ito. Kaya naman ang makaganting nga kay Akainu e isa nga ito sa pinaka goal na itong si Sabo. Maaaring makakita tayo ng duo na itong si Luffy at Sabo, laban dito kay Fleet Admiral Akainu. Kumbaga similar sa ginawa na itong sila Trafalgar Law at Yusta Skid na pinagtulungan si Big Mom para matalo.
56:53.6
Anyway ang sumunod na matchup naman natin e itong Sanji versus Admiral Kizaru. Maraming nga nage-expect sa laban na to. Since similar nga daw yung color ng dalawang to, which is yung yellow. Bukod pa nga dyan e mostly nga rin ng mga atake netong si Kizaru e gumagamit ng sipa. Kumbaga similar kay Sanji plus mabilis nga gumalaw itong si Kizaru dahil sa Devil Fruit nya. At recently nga rin sa laban ni Sanji kay Queen e nakita nating mabilis na rin siyang gumalaw.
57:23.4
Sa sobrang bilis nga ni Sanji e ang akala nga netong si Queen e nagiging invisible siya. Kaya naman itong matchup nga na to e paniguradong match na match talaga at bakbakan. Anyway sa part naman netong si Admiral Fujitora e alam naman nating lahat na mabuti ang puso niya. Ipinakita na nga niya yan ng maraming beses. Gaya na lang na itong pagsangayon niya sa pag-abolish ng Seven Warlord system. Since inaabuso nga ng mga pirata itong sistema na to.
57:52.7
Kaya naman probably nga at once na magumpisa na itong Final War at malaman niya ang adhikain na itong World Government at si Imsama, e malamang na hindi kakampe itong si Fujitora sa mga Marines bagkos e sa straw hat pirates na kakampe itong si Fujitora. Alam naman nating lahat na kayang-kaya ni Fujitora yan. Since sinawalang bahala nga niya itong consequence ng pagluhod niya kay King Doldo III. Diba?
58:19.5
Bali ngayong wala na nga itong si Fujitora sa match-up natin. Since possible nga na hindi siya sa side sa mga Marines, e ang meaning lang neto na isang Admiral na lang ang natitira. At ito nga si Admiral Greenbull. Sa side naman netong Monster Trio natin e itong si Zoro na nga lang ang walang match-up sa mga Admirals. Kaya naman possible nga na itong sila Zoro at Greenbull ang magtatapat sa Final War.
58:45.1
Bali marami nga ang nagsasuggest na itong si Admiral Greenbull nga daw talaga ang makakaharap ni Zoro. Color wise nga daw e similar itong dalawa na to, which is yung color green. Sa part naman ng swordsmanship e nakita naman natin na may espada itong si Greenbull. Kaya probably e itong dalawa talaga na to ang maglalaban. Plus nagme-make sense rin kung yung theory nga na mag-ama daw ang dalawa na to e magkatotoo. At malalaman lang nila yun once na maglalaban na sila. Diba?
59:15.0
Anyway, bukod pa nga kay Imsama at sa mga Admirals, e ang natitira na lang ng mga main villain sa side netong World Government e itong Five Elders plus itong Commander-in-Chief na si Kong. Bali ang tingin ko ngang haharap sa Five Elders e itong mga natitirang miyembro ng Straw Hat Pirates na sila Jinbei, Franky, Robin at Yamato plus itong si Trafalgar Law. Itong lima nga na to ang napili ko. Since may kanya-kanya nga silang problema sa World Government, gaya na lang ni Jinbei,
59:45.0
na may Otehime at ang Fishman Island. Itong si Robin na may Professor Clover at ang Uhara Incident. Itong si Yamato na may Kaido at ang Wano. Itong si Franky at ang pagkamatay ni Tom sa Water 7. At itong si Trafalgar Law na may Corazon at Opie Opie Nomi. Though hindi pa natin alam exactly kung capable bang lumaban itong Five Elders, pero malay natin diba? Mas malalakas pa pala sila sa inaakalan natin. So itong si Kong naman e all the while
60:14.9
wala pa tayong idea sa kakayanan na meron siya, e I assume na kaya na siyang talunin itong pinagsamang pwersa nila Garp at Sengoku. Yes guys, sa tingin ko nga e babaliktad din ang dalawa na to sa mga Marines at kakampe sa Straw Hat Pirates. Since itong si Garp nga e ayaw nang maulit yung nangyari kay Ace during Marineford War. At itong si Sengoku naman e mas pipiliin na na protectahan itong si Trafalgar Law, na naging malapit sa tinuturing niyang anak na si Corazon.
60:44.9
Bali itong mga natitirang miyembro naman ng Straw Hat Pirates, plus yung iba pang kaaliansan itong si Luffy, e I assume na ang makakatapat na nila sa labanan e itong mga Cypher Pole Agents ng World Government, yung Special Science Group ni Dr. Vegapunk, at itong iba't ibang Vice Admirals ng Marines. Pwede nating sabihin na Brooke versus Rob Lucci, itong si Chopper at ang mga Giant Vice Admirals ng Marines, si Nami laban kay Hina, si Yusof laban kay Vice Admiral Momonga,
61:14.9
at kung ano-ano pa. Bali marami pangang karakter sa side na itong Marines at World Government na hindi rin biro yung mga lakas nila na pwede namang tapatan na itong ibang alyansa ni Luffy, gaya na lang na itong si Vice Admiral Smoker, Vice Admiral Onigumo, at yung iba't ibang miyembro ng CP-Zero gaya nila Kaku at Stassie. Kaya panigurado na itong mangyayaring final war sa pagitan ng mga Marines, World Government at Straw Hat Pirates, e siguradong bakbakan.
61:43.9
Bakbakan to the point na itong iniisip ni Oda simula nung bata pa lamang siya e magkakatotoo. At ito nga yung idrawing ang pinakamagandang final war sa history ng manga. Anyway ito na nga sa tingin ko ang magiging matchup ng Straw Hat Pirates para sa mangyayaring final war.