Close
 


China Nagpaputok Ng Ibat Ibang Mga Missiles Sa South China Sea, U.S Hindi Nakakaramdam Ng Takot
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
ang bidyong mapapanood nyo ay tungkol sa military exercise ng china sa south china sea kung saan nagpakawala ito ng mga missiles mula sa mga barko nito. #china #westphilippinesea #militaryexercises
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:37
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa patuloy na tensyon sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea,
00:25.3
Isang flotilya ng Chinese People's Liberation Navy o PLAN na pinamumunuan ng Type 055,
00:33.1
isang 10,000 tons large destroyer upang magsagawa ng combat-oriented exercise sa South China Sea
00:41.3
sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas pati na ang iba pang mga bansa.
00:49.3
Ayon sa ulat, hindi ito nakatarget sa isang third party.
00:53.5
Ito ay naglalayong pangalagaan ang pambansang siguridad ng China.
00:58.7
Pero ayon sa mga eksperto, ang mga drills ay nagdadala ng isang sinyalis dahil sa mapanuksong muscle flexing ng US laban sa China.
01:08.9
Ang Type 055 Large Destroyer, Type 052 Destroyer at Type 054 Frigates ng China na nakaatat sa Navy ng PLA Southern Theater Command
01:25.7
ay bumuon ng flotilya at nagsagawa ng combat-oriented at coordinated exercise sa South China Sea
01:33.1
ng mahigit 80 oras o umabot sa apat na araw at tatlong gabi na iniulat ng China Central.
01:40.9
Ang live fire, anti-ship, anti-aircraft at anti-submarine exercise ay kasama sa mga drills ng PLA habang ang target nito ay tinawag nilang USS Gerald Ford.
01:54.1
Ang USS Gerald Ford ay ang pinakamalaking barko ng US at kunwari ay papalubogin ito ng China kung saan nagpakawala ito ng mga hypersonic missiles at ginamit din ang ibat-ibang mga armas nito mula sa ibat-ibang mga barko.
02:12.7
Hinasa na mga drills ang combat-oriented na kakayahan ng mga individual na barko at flotilya sa kabuuan at naglatag ng matibay na pundasyon para sa kanila na magsagawa ng flexible military struggle at pahusayin ang kanilang mga kakayahan na harapin ang mga emergency na sitwasyon ng mabilis at maayos.
02:35.7
Ayon naman kay Chin Xiang Miao, director ng Navy Research Center sa National Institute of South China Sea Studies, ang ehersisyo ay isang nakagawian na at isinasagawa ang mga drills laban sa isang kumplikadong geopolitical background kung saan ang US kamakailan ay nagbabala at nagsagawa ng pinakamalaking balikatan joint exercise sa West Philippine Sea na nakatarget sa China.
03:03.7
Ang mga regular na ehersisyo ng China ay maaaring magsilbi bilang isang minsahin na ang China ay hindi kompromiso dahil sa mapanukso na ipinapakitan ng US sa pamamagitan ng lakas ng militar at pati na ang mga bansang kaalyado nito.
03:20.7
Itinataas ng US ang mga aktibidad ng militar nito sa South China Sea mula sa isang taktikal na antas na itinatampok ng madalas na operasyon sa reconnaissance at isang estrategikong antas tulad ng pagdaragdag ng mga bagong base sa Pilipinas at planong pagdeploy ng mga advanced na armas tulad ng high-mars rockets at patriot missiles sa mga bagong sites na ginamit din sa magkasanim ng drills sa pagtatangkang palakasin
03:49.7
ang unang chain ng isla at iugnay ang mga naturang aktibidad sa Taiwan at Pilipinas upang hadlangan ang China sa mga plano nitong pananakop.
03:59.7
Sa unang bahagi ng buwang ito, inihayag ng hukbong dagat ng PLA-Saudian Jet Air Command na ang Type 055 Large Destroyer na ito ay nakompleto ang 28 araw na far sea exercise na umabot sa mga higit 80,000 nautical miles o 15,000 kilometers na paglalayag sa South China Sea at West Pacific.
04:24.7
Iniulat din ang Japan kamakailan na ang mga barkong pangdigma ng China ay dumaan malapit sa mga isla kaya ang Japan ay agad na nagdeploy ng mga patriot missiles at iniharap ang mga ito kung saan naglalayag ang mga barkong pangdigma ng China.
04:41.7
Ayon naman sa mga analyst, ang pinakahuling ersisyong ito ng China sa West Philippine Sea ay nagsagawa ng masinsinang pagsasanay na nagpapakita ng mataas na kahandaan para sa digmaan.
04:55.7
Ipinakita rin ito ang puwersang pandagat at ibiyesyo ng PLA na ganap na may kakayahang pangalagaan ang subiranya, integridad ng teretoryo at mga enteres sa pagunlad ng South China Sea.
05:09.7
Samantala ayon naman sa US, ang pinapakitang puwersang militar ng China ay mahina pa at hindi pa itong kayang pantayan ang puwersa ng US.
05:20.7
Sinabi noon ng US na ang mga submarine ng China ay madaling wasakin.
05:25.7
Karamihan sa mga submarine nito ay hindi umano tumatagal sa ilalim ng dagat at ilan lamang sa mga submarine nito ang nuclear power na may kakayahang makipaglaban.
05:37.7
Patuloy naman ang surveillance ng US sa West Philippine Sea at South China Sea upang malaman ang ginagawa ng China.
05:46.7
Matatanda ang nasagap noon ng Philippine Coast Guard ang isang radio challenge ng China PLA sa aeroplano ng US kung saan pinapalis nito ang aeroplano ng US sa lugar.
05:58.7
At nakaraang lingko lang matapos maglagay ng mga boya ang Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea bilang marka ng teritoryo,
06:06.7
abay ginaya rin ito ng China kung saan naglagay din ito ng mga boya malapit sa mga boya ng Pilipinas.
06:13.7
Ayon sa China, ituraw ay para sa kaligtasan ng mga naglalayag sa karagatan at palatandaan na sakop ng kanilang AEC ang mga isla sa West Philippine Sea.
06:25.7
At bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang reaction mo? E-commento lamang po ang inyong mga sagot sa baba.