Close
 


BAKIT MAY UTANG NA 120,000 PESOS ANG BAWAT PINOY
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
nagtataka ka ba kung bakit may 120,000 pesos ka na utang? saan nagpunta yun at mababayaran mo kaya? nakinabang ka ba dito? Eto ay dahil merong 14 Trillion na utang ang ating gobyerno.
Chris Tan
  Mute  
Run time: 06:11
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Grabe, Php 14 Trillion na ang utang ng Pilipinas.
00:04.0
At alam mo ba kung ano ibig sabihin ito?
00:06.0
Na may utang tayong lahat na Php 120,000 each.
00:10.0
Opo, kasama dito yung buong pamilya mo at yung mga anak mo.
00:14.0
At kung mangangana ka palang paglabas ng bata, may utang na siya.
00:18.0
Paano ba tayo umabot sa ganitong sitwasyon?
00:21.0
Para lang sa kaalaman ng lahat ano,
00:23.0
taon-taon pinapasa ng ating gobyerno ang annual budget
00:26.0
na lumalampas sa kita ng buong bansa.
00:29.0
Tulad sa nakalipas na taon, ang annual revenue ng Pilipinas ay nasa Php 3.5 Trillion.
00:34.0
Tapos gagastos ang ating gobyerno ng Php 5 Trillion.
00:38.0
Ang tawag dito ay budget deficit.
00:42.0
Kahit naitanong mo to sa kahit sinong tao, kahit sa isang bata,
00:45.0
alam nila hindi ka pwedeng gumastos ng pera na wala sayo.
00:49.0
At ang nakakalungkot dito ay meron tayong mga mama maya
00:52.0
na hindi marunong at mangmang sa simpleng pagbabadget.
00:56.0
At akala nyo na hindi problema ang patuloy na paggagastos ng gobyerno natin
01:00.0
higit sa kinikita nila?
01:02.0
Ang isang rason na lagi kong naririnig ay
01:05.0
lahat naman ng gobyerno ay may utang
01:07.0
at may iba dyan na mas malaki pa yung utang kumpara sa Pilipinas.
01:11.0
Unang-una, hindi ibig sabihin na dahil ginagawa ng lahat yan,
01:14.0
ay tama yun.
01:15.0
Pangalawa, alam mo ba kung bakit pataas ng pataas ang inflation sa buong mundo?
01:20.0
Dahil yan sa patuloy na pagutang ng mga iba't ibang gobyerno.
01:24.0
Ang inflation ay isa sa mga magnanakaw ng halaga ng pera natin.
01:28.0
Sa pag-uutang nila, ang ginagawa ng mga gobyerno na ito
01:31.0
ay dinadagdagan nila ang supply ng pera na umiikot.
01:35.0
Parang okay, di ba?
01:37.0
Mas maraming pera ang umiikot, mas okay.
01:39.0
Pero hindi ganung kasimple yan.
01:41.0
Pag lalong dumadame ang pera na umiikot,
01:43.0
tataas lalo ang presyo ng mga bilihin.
01:46.0
Yan ang dahilan kung bakit walang tigil na pataas ng pataas
01:49.0
ang presyo ng mga bilihin natin.
01:51.0
At ganyan tayong lahat nananakawan ng halaga ng ating pinaghirapan na ipon.
01:56.0
Alam mo ba na may tawag dyan sa ginagawa ng mga gobyerno na bawala at iligal?
02:00.0
Ito ay ang Ponzi Scheme.
02:02.0
Yung paggamit ng pera ng iba para mabayaran ng naunang nagbigay ng pera sa'yo.
02:08.0
Pero dahil sila ang gobyerno, hindi na bawal pag sila ang gumagawa nito.
02:12.0
At atong pag-uutang ay hindi pwedeng paikot-ikot lang na walang katapusan.
02:16.0
At darating na ang panahon.
02:19.0
At actually, andito na nga yung panahon na malala na yung epekto neto
02:23.0
sa araw-araw na buhay ng ordinaryong tao.
02:26.0
At nakikita na natin yung epekto neto ngayon
02:28.0
sa pagbagsak ng mga iba't ibang ekonomiya sa buong mundo.
02:31.0
Pag-isipan mo lang ito ah.
02:32.0
Ikaw ba gumagasos ka lampas sa kinikita mo?
02:35.0
At pag ginawa mo yun, ano sa tingin mo ang mangyayari sa'yo?
02:38.0
Mababaod ka sa utang.
02:40.0
At ito nga ang sitwasyon ng mga ibang tao na may credit card
02:43.0
at gamit lang sila ng gamit na hindi nila nababayaran ang credit card nila.
02:47.0
Nababaod sila sa utang.
02:48.0
Kausapin mo ang kahit sinong negosyante
02:50.0
at pare-pareho lang ang sasabihin nilang lahat sa'yo.
02:53.0
Ang negosyo, dapat kumikita.
02:55.0
At para kumita, dapat mas malaki yung pumapasok na pera, yun yung benta mo
02:59.0
kumpara sa lumalabas na pera, yun yung gastos mo.
03:03.0
So siguro ang isang tanong na meron nyo,
03:05.0
so kailan pwedeng umutang at kailan okay umutang?
03:08.0
Pwede naman umutang eh.
03:09.0
Pwede kang umutang at hindi naman masamang umutang
03:11.0
kung responsable ka sa pagbabadget ng pera mo.
03:14.0
Ang ibig sabihin yun ay
03:16.0
alam mo na mas malaki yung kita mo kumpara sa gastos mo.
03:19.0
At pwedeng umutang kung yung utang mo
03:21.0
ay para sa mga pangangailangan mo na makakatulong sa'yo
03:24.0
para mas maging productive ka pa.
03:26.0
At para lalo pa lumaki yung kita mo.
03:28.0
Siguro ngayon iniisip mo na paano kaya babayaran
03:31.0
ng gobyerno natin ang utang nila.
03:34.0
O, ito ang mga iba't ibang paraan para mabayaran yun.
03:37.0
Unang-unang ginagawa nila
03:39.0
ay umuutang pa sila para mabayaran yung utang nila.
03:43.0
Ito yung unang iniisip na solusyon
03:45.0
ng mga iba't ibang gobyerno.
03:47.0
Utang na lang tayo ng utang.
03:49.0
Sa totoo lang, dapat last resort nito,
03:51.0
hindi first option.
03:53.0
So ano ba dapat ang ginagawa ng ating gobyerno
03:55.0
at ano ba yung mga tamang solusyon
03:57.0
para mabawasan ang utang?
03:59.0
Number one, spend less.
04:01.0
Importante na magkaroon ng budget surplus
04:04.0
imbis na budget deficit
04:06.0
para mabawasan yung utang natin.
04:08.0
In other words, kailangan mas malaki yung kinikita ng gobyerno
04:12.0
at yung natitirang pera pwede lang gamitin
04:14.0
para magbayad ng utang.
04:16.0
Pangalawa, kailangan ng gobyerno gumawa ng environment
04:19.0
na lalo pang lalaki ang mga negosyo
04:21.0
at lalo pang kikita ang mga negosyo.
04:23.0
Kailangan din palakihan ng ating export industry
04:25.0
kasi pag tumaas ang export industry natin
04:28.0
at dumami pa ang mga negosyo,
04:30.0
lalong dadami yung papasok na pera
04:32.0
sa iba't ibang bansa papuntang Pilipinas
04:34.0
at dahil dito lalaki yung tax base ng gobyerno.
04:38.0
Pangatlo, pwede lang ibenta yung mga assets nila.
04:41.0
Maraming assets ang gobyerno, maraming mga lupa sila
04:44.0
na pwede lang ibenta sa pribadong sektor.
04:46.0
Ang pangapat na solusyon ay medyo masakit.
04:49.0
Ito ang pag-increase ng revenue ng ating gobyerno.
04:52.0
Nai-increase yan by increasing taxes.
04:55.0
Tataasan ang buwis nyo.
04:56.0
Sa pagtaas ng buwis, magkakaroon sila ng pera
04:59.0
para mabayaran yung mga utang nila
05:01.0
at mapapondohan pa nila yung national budget.
05:04.0
Ngayon, kung wala ang gagawin ng ating gobyerno
05:06.0
at hindi nila susundan yung mga kailangan gawin
05:08.0
para maaresto itong irresponsabling paggagaso sila,
05:12.0
makakahabol din yan sa kanila.
05:14.0
At sino magbabayad yan?
05:16.0
Tayong lahat.
05:17.0
Magbabayad tayo sa paraan ng high inflation
05:20.0
or worse, hyperinflation.
05:23.0
Ito ang nangyayari ngayon sa maraming bansa
05:25.0
tulad ng Venezuela, Nigeria, Sri Lanka,
05:28.0
Lebanon, Argentina, Iran, at mas marami pang susunod dito.
05:32.0
At yan ang katotohanan.
05:34.0
Sana may natutunan kayo dito sa video na ito
05:36.0
at huwag nating bibigyan ng kulay ang aking mga sinasabi.
05:39.0
Lahat tayo ay biktima na patuloy na maling pamamalakad ng ating gobyerno
05:43.0
at kailangan natin magkaroon ng sariling isip
05:46.0
at matutong suriin ang impormasyon
05:48.0
para hindi na tayo maging mangmang
05:50.0
at hindi na tayo mabubudol ng mga pangakong walang laman.
05:54.0
At gusto ko rin i-congratulate kayong lahat na natapos yung itong video na ito.
05:58.0
Sa patuloy mong pagnunood ng mga video na tulad na ito,
06:01.0
lalong lumalawak ang inyong kalaman at pag-iisip.
06:04.0
Natapos si Kristan, magkita tayo muli sa aking susunod na video.