Close
 


IMU POWER REVEAL!! | One Piece Tagalog Analysis
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Chapter 1085 Episode 1064
EneruReview PH
  Mute  
Run time: 08:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ano ang devil fruit powers ng Gorosei? Ano ang devil fruit ni Im Sama?
00:05.9
Bale ang mga katanungan nga na yan e susubukan nating sagutin sa video na to.
00:10.8
Bale itong video nga na to e parang continuation video lang sa chapter review natin ng chapter 1085.
00:18.2
Sa topic nga na to ehihimayin natin yung mga hindi natin natalakay sa mismong chapter review natin.
00:24.4
At syempre gagawa na rin tayo ng konting theory o assumption patungkol sa mga kaganapan na to.
00:30.8
Ngayon e kung handa na nga kayo e game umpisa na natin itong topic natin.
00:41.6
During nga sa latest chapter ng manga e kinumpirma nga ni Cobra na itong pangalan daw ni Im Sama e narinig o nabasa na daw niya.
00:50.0
At sigurado nga daw siya na itong si Im Sama e isa sa dalawang punghari na nagsama-sama during Void Century.
00:57.4
Meaning e confirm na nga na itong si Im Sama e nag-ie-exist talaga 800 years ago pa.
01:03.7
Ngayon e may dalawang posibilidad nga sa kung paanong buhay pa rin itong si Im Sama ngayon, although 800 years na ang nakakalipas.
01:11.8
Una e syempre sa pamamagitan ng Ope-Ope Nomi.
01:15.6
Dahil nga sa may special ability itong Ope-Ope Nomi na makapagperform ng Eternal Youth o yung walang hanggang buhay, e malamang na ito yung possible na dahilan kaya buhay pa rin si Im Sama.
01:27.6
Ang ikalawang posibilidad nga sa kung bakit buhay pa rin itong si Im Sama ngayon e sa pamamagitan naman ng Time Time Fruit.
01:34.8
We all know na itong Devil Fruit na to e kaya na itong makapagpatayin travel sa hinaharap.
01:40.1
Ginamit nga ito ni Kozoki Toki at napunta siya sa era ni Oden kahit na isinilang siya during Void Century pa, kaya naman possible nga rin na may gumamit na ito kay Im Sama.
01:52.0
Anyway gaya nga ng sinabi ko kanina e may idea si Cobra patungkol kay Im Sama, meaning e nabasa ni Cobra yung patungkol sa kanya sa letter na naiwan na itong si Queen Lily.
02:02.9
At later on nga e yung isang quote sa letter ni Queen Lily na nabasa ni Cobra e sinabi niya, at ito nga e yung mga ponyglips nga daw e kailangang maprotektahan, dahil ito nga daw ang maglilid sa panibagong umaga o sa dawn.
02:17.9
Alam naman natin na itong dawn ang matagal nang inaabangan ng mga mink at ng mga kozoki, in fact e ito nga rin ang nakapagpakumbinse kay Pedro kung bakit niya sinacrifice yung isa niyang mata kay Big Mom para lang mabuhay siya.
02:31.3
Dahil alam nga niya na itong dawn e paparating na, at naniniwala nga siya na ang makaagawa neto e yung straw hat pirates, kaya naman kahit buhay pa nga niya e tinaya niya mabuhay lang itong sila Luffy.
02:44.6
Mabalik nga kay Im Sama e sinabi niya na yung may mga inisial nga daw na D, e kalaban daw nila nung unang panahon pa, meaning e kinumpirma nga neto yung sinabi sa atin ni Corazon na yung may mga D nga daw e natural enemy of gods.
03:00.2
Since ang tingin nga ng mga Celestial Dragons sa sarili nila e mga gods. Later on naman e nakita natin itong si Sabo na niligtas si King Cobra sa kamay ni Im Sama.
03:11.3
Baliwala nga ang takot na inatake ni Sabo itong mga Gorosei lalo na si Im Sama. Pero ang nakakapagtaka nga sa sitwasyon na to e bakit mukhang hindi nagulat si Sabo sa appearance ni Im Sama?
03:24.0
Bakit hindi siya nagulat sa sitwasyon na to na meron palang nakaupo sa empty throne? Samantalang nung time na tumawag siya kay Dragon e kitang kita yung takot sa mukha niya. Alam ba niya o hindi yung patongkol kay Im Sama?
03:39.0
Anyway sa part naman ng huling scene kung saan e may mensaheng gustong ipaabot itong si Cobra kay Sabo, e specific niyang ang sinabi kay Sabo na sabihin daw neto kila Vivi at Luffy na parehas nga daw silang nagsishare ng inisials na D.
03:53.9
Sa tingin ko nga e kaya sa dalawang to pinapaabot ni Cobra yung mensaheng niya kay Sabo, e dahil sa naiintindihan na ni Cobra yung sitwasyon ng anak niya at si Luffy, kumbaga parang tema ng reincarnation.
04:07.1
Na kung si Joy Boy at Queen Lily ang lumaban sa kasamaan 800 years ago, e ngayon nga e ito namang sila Luffy at Vivi. In short e parang history repeating itself.
04:24.4
Gaya nga ng sinabi ko sa chapter review natin na itong mga transformation nga ng mga Gorosei e parang mga nightmare, at ang mga nightmare nga e gawa sa dream, e meron niyang kumakalat ngayon na theory patongkol dito.
04:37.4
Base nga sa theory na to e nakuha daw ni Oda yung inspiration kay Im Sama at sa transformation ng mga Gorosei sa kwentong Where the Wild Things Are, kwento nga ito ng isang bata na kinulong ng nanay niya sa kwarto.
04:50.7
At dahil nga sa walang magawa itong bata na to e nag-i-imagine daw ito na magiging hari siya isang araw, kasama ang limang creature na ini-imagine niya, which is yung mga karakter nga sa kwento na to e very similar sa nakita nating transformation ng mga Gorosei, mula nga sa parang ibon hanggang sa parang toro na silhouette.
05:10.9
Ngayon e kung galing nga lang sa imagination ni Im Sama itong mga Gorosei kaya sila nag-eexist, e di ba may ganito na ring power na ipinakita sa series ng One Piece? Yes guys, yung kakayanan ng devil fruit ni Luffy na hito-hito no mi model Nika. At ito nga e yung power of imagination.
05:30.5
Ngayon e balikan nga natin ang description ni Dr. Vegapunk patungkol sa kung paano na-create ang mga devil fruits. Sinabi nga ni Dr. Vegapunk during chapter 1069 na possible nga daw na itong mga devil fruits e na-create sa pamamagitan ng desire o wish ng mga tao.
05:49.1
Kumbaga ang example dito e kung may devil fruit na nagiging magma ang isang tao, which is ito nga yung devil fruit ni Sakazuki, e ang ibig sabihin daw neto e nung unang panahon, e may humiling na gusto niyang maging isang magma. Ngayon e kung ia-apply nga natin ito sa ipinakitang karakteristik ng kakayanan ni Im Sama, e paano kung yung devil fruit na taglay niya e hindi na-create base sa kahilingan, bagkos e na-create ito dahil sa nightmare?
06:17.7
Kumbaga kung yung kakayanan ng devil fruit ni Luffy e galing sa dreams at hopes, e itong devil fruit naman ni Im Sama e galing sa nightmare at despair. Kung magkataon nga at ganito ang sinaryo, e magiging kabaliktaran nga nila Luffy at Im Sama ang isa't isa.
06:34.3
Ibig sabihin e mababalik nga tayo sa sinabi ko kanina ng history repeating itself na kung si Joy Boy at Im Sama nga ang magkalaban during Void Century, kung saan e representative sila ng dawn at dusk, or in Tagalog e yung paglobog at pagsikat ng araw, which represents a new hope at despair.
06:53.2
Similar kila Roger at Sebek during sa era nila na iniimbadi naman ngayon nila Luffy at Blackbeard, e ang ibig sabihin lang neto na dalawa ang kailangang pabagsakin ni Luffy na representative netong kasamaan, at eto nga sila Im Sama at Blackbeard.
07:09.9
Kung si Im Sama nga ang nagtagumpay sa laban niya kay Joy Boy 800 years ago, e ang ibig sabihin lang neto e matagal nang binabalot ng kadiliman itong mundo. Pero dahil nga sa pagkapanalo ni Roger kay Sebek, e nagkaroon muli ng dawn o hopes ang mga tao na possible palang manalo ang kabutihan sa kasamaan.
07:29.8
Pero sa oras nga neto e hindi pa preparado itong si Roger sa mas malakas na kasamaan, which is si Im Sama. Kaya naman ang ginawa na nga lang ni Roger e nagsacrifice siya para masigurado na yung susunod sa yapak niya bilang representative ng dawn e magagawa ng talunin si Im Sama.
07:49.3
At nandito na nga tayo ngayon sa senaryo na ito, may chansa nga itong si Luffy na mapabagsak itong si Im Sama. Pero ang malaking tanong nga dito e sa paanong paraan, magagawa na ba niyang magape ang kasamaan at tuloy-tuloy nang liliwanag ang mundo o still e magtatagumpay pa rin itong kasamaan at hindi naliliwanag pa ang mundo?


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.