Close
 


Bakit Payat Ang Mga Japanese?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ito ang ilan sa mga rason kung bakit payat ang mga Japanese. Hit Subscribe kung Nagustuhan mo ang videong ito: http://bit.ly/8moobly Sobrang malaking tulong ang suporta mo para sa aming patuloy na pag gawa ng mga video na tulad nito. Maraming Salamat SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #japan #weightloss #japanese
Moobly TV
  Mute  
Run time: 08:20
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
May tanong ako, sino dito ang nakakita na ng Japon na mataba?
00:03.7
Kunti lang, di ba?
00:04.9
Baka wala nga sa inyo ang nakakita na nito.
00:07.3
Alam niyo kung bakit?
00:08.5
Dahil ang Japan ang isa sa may pinakamababang obesity rate sa buong mundo,
00:13.2
3.6% lamang ng mga Japon ang obese,
00:16.5
habang sa atin sa Pilipinas,
00:18.1
36% ng mga Pilipino na may edad na 20 pa taas ay obese.
00:22.8
Kaya ang tanong,
00:24.0
bakit payat ang mga Japanese?
00:26.6
Heto ang sampung dahilan.
00:28.8
1. Diet
00:30.4
Siyempre, kung fitness ang pag-uusapan,
00:32.9
dapat tayo magsimula sa diet.
00:34.6
Ang diet ng mga Japon ang isa sa pinakamalaking rason
00:37.4
kung bakit na nanatili silang payat.
00:39.4
Mahilig silang kumain ng grains at vegetables
00:41.9
at iniiwasan ang mga food sources na may mataas na saturated fat,
00:45.8
tulad ng cheese at butter.
00:47.7
Umiiwas din sila sa mga processed foods
00:50.4
at mga pagkaing mataas sa salt at sugar content,
00:53.1
tulad ng burgers at milkshakes.
00:55.5
Higit sa lahat,
00:56.5
nakukuha ng mga Japon ang kanilang protein
00:58.6
mula sa isda at iba pang seafood.
01:01.4
Isa sa mga halimbawa nito ay sushi,
01:03.4
na siyang sumisikat na rin ngayon sa ating bansa.
01:06.3
Bihira lang silang kumain ng ibang meats
01:08.5
tulad ng beef o pork
01:09.8
at kung kakain man sila,
01:11.3
hindi marami ang kanilang kinakain.
01:13.4
Di hamak na mas madaling madigest ang fish
01:15.9
at maliit lang din ang fat content nito
01:18.4
kumpara sa ibang meat sources.
01:20.5
Kayo,
01:21.2
kaya nyo bang gawin ng diet na ito?
01:24.4
2.
01:25.1
Hindi Mahilig Sa Fast Food
01:27.1
Tulad ng ibang mga bansa,
01:28.6
may fast food din na mahanap sa Japan.
01:31.0
Siyempre,
01:31.7
dahil mabilis ang takbo ng araw nila
01:33.8
sa trabaho at anumang gawain,
01:35.5
nakapuesto ang mga sikat na fast food chains
01:37.9
mula sa US na tulad ng McDonald's at Burger King
01:40.8
upang pagsilbihan sila.
01:42.3
Gayunpaman,
01:43.3
mas pinipili pa rin ng mga Japon
01:44.8
na magluto sa kanila mga bahay
01:46.7
upang masigurado na ang ingredients
01:48.6
na ginagami nila ay healthy.
01:50.6
Karamihan sa kanila ay sinusunod ang dietary guidelines
01:53.7
na isinasaad ng gobyerno nila.
01:55.7
Ang paunahing layunin nito
01:57.3
ay ang panatilihin ang good health
01:59.2
ng mga mamamayan nila.
02:01.2
3. Walang Merienda
02:03.2
Sino dito ang mahilig magmerienda?
02:05.2
Sarap pa naman ang tinapay at soft drinks
02:07.0
tuwing alas 3
02:08.1
habang naka 15-minute break mula sa trabaho
02:10.4
o recess sa eskwela.
02:11.8
Hindi sangayon ang mga Japon dito.
02:13.8
Para sa kanila,
02:14.8
imbis na kumain ulit tuwing oras ng merienda,
02:17.6
kakain na lang sila ng breakfast at lunch
02:19.8
na siguradong mabubusob sila
02:21.5
at hindi na kailangang mag-snacks.
02:23.5
Kung may ilan mang nagme-merienda,
02:25.5
konti lang din ang kinakain ng mga Japon na ito.
02:27.5
Ang nakakatawa lang,
02:29.0
ang Japan ang may pinakamaraming vending machines
02:31.5
sa buong mundo,
02:32.5
kahit hindi mahilig mag-snacks sa mga Japon.
02:34.7
Padalan nyo na lang po ang mga iyan sa Pilipinas.
02:37.4
Hehe, joke.
02:39.4
4. Maliliit na Portions
02:41.7
Kung nasubukan mo na magpapayat,
02:43.7
sigurado kong pamilyar ka na sa mga terminong ito.
02:46.6
Portion sizes.
02:48.0
Siyempre, upang pumayat ka,
02:50.0
dapat maliit lang na portion ang kakainin mo.
02:52.6
Ito mismo ang ginagawa ng mga Japon,
02:55.0
pero may mga tips din sila.
02:57.0
Imbes na gumami ng normal na plato,
02:59.2
gumagamit ang mga Japon ng maliliit na platito
03:01.5
upang paglagyan ang kanilang pagkain.
03:03.5
Sa pamamagitan nito,
03:04.8
tila puno ang platong tinitingnan mo
03:06.9
kahit maliit lang ang portions nito.
03:08.9
Hindi rin nila nilalagay sa isang plato
03:11.1
lahat ng kanilang pagkain.
03:12.6
Dahil kung nasa plato mo ito,
03:14.3
iisipin mo na kailangan mo itong ubusin.
03:16.7
Pero kung nasa ibang plato ito,
03:18.6
kukuha ka lang ng parte nito
03:20.3
dahil iisipin mo ang kailangan mong magtira
03:22.8
para sa mga kasama mo.
03:24.8
5. Magandang Transportation Systems
03:28.1
Kung nakatira ka sa isang malaking syudad,
03:30.3
alam mo na importante ang transportation system dito.
03:33.5
Siyempre, dahil maraming tao ang nasa isang syudad,
03:36.6
hindi lahat ay pwedeng magprivate car
03:38.6
dahil mas lalala ang traffic.
03:40.2
Sa Japan, sinigurado ng gobyerno
03:42.6
na maganda ang transportation system sa mga syudad.
03:45.5
Malaki ang train system ng Japan
03:47.7
at abot nito ang lahat ng sulok ng syudad.
03:51.2
Siyempre, may ilang modes of transportation din dito
03:54.0
tulad ng buses.
03:55.3
Dahil maganda ang transportation system,
03:57.6
mas kampante ang mga tao na mag-commute na lang
04:00.2
papuntang trabaho o eskwela o kahit saan man.
04:03.5
Siyempre, sa kalagitnaan ng mga commutes,
04:06.2
kailangan mo pang maglakad at maghintay.
04:08.5
Isa na ito sa mga daily exercise na nagagawa ng mga Japon.
04:11.9
May bike lanes din sa mga kalsada sa syudad
04:14.4
upang makapagbike ang mga tao
04:16.0
papunta sa mga destination nila nang ligtas.
04:19.0
Hindi na nila kailangang mag-gym.
04:21.0
Tama na ang pag-commute araw-araw.
04:23.8
6. Tara at tayo ay mag-cha!
04:26.9
Kung ang mga Pinoy ay mahilig sa malalamig na soft drinks
04:29.7
o juices, ang mga Japon naman ay mahilig sa green tea.
04:33.8
Ito ang pinakasikat na inumin sa Japan
04:36.2
at halos lahat ng mga Japon
04:37.8
ay umiinom ng isang baso ng green tea araw-araw.
04:41.8
May ilan pang ang umiinom nito
04:43.4
ng maraming beses sa isang araw.
04:45.6
Maraming health benefits ang pag-inom ng green tea
04:48.3
at ilan sa mga ito ay ang pagbilis ng metabolism ng isang tao
04:52.3
at pag-burn ng mga fats.
04:54.2
Nakakatulong din ito na mapakalma ang mga taong may anxiety.
04:58.2
Dahil sikat ang inumin na ito sa Japan,
05:00.3
karamihan sa mga restaurants doon
05:02.2
ay nagsaserve ng libre ng green tea sa mga customers.
05:05.5
Higit sa lahat, may mga servings ng green tea na walang dalang calories.
05:09.9
Sobrang nakakatulong ito sa pagpapapayad
05:12.3
kumpara sa mga soft drinks at shakes na iniinom natin.
05:19.4
Minsan kapag busy tayo sa trabaho o school works
05:22.2
o kahit anong ginagawa natin,
05:24.1
nalilimutan natin kumain sa tamang oras.
05:26.4
At dahil dito, bumibili na lang tayo ng fast food
05:29.6
dahil kapag nagugutom na tayo,
05:31.6
wala namang handang pagkain.
05:33.2
Sa Japan, importante ang pagsunod sa tamang oras ng pagkain.
05:37.0
Sa katunayan, karamihan sa mga Japon
05:39.1
ay kumakain ng almusal mula 8am hanggang 9am,
05:42.8
nanananghalian sila mula 12pm hanggang 1pm
05:46.0
at kumakain ng hapunan mula 6pm hanggang 8pm.
05:50.0
Mahigpit itong sinusunod ng mga Japon.
05:52.1
Para sa kanila, kung hindi ka susunod sa tamang oras ng pagkain,
05:55.7
mas malaki ang tsansa na kumain ka ng marami
05:58.2
at ito ang iniiwasan ng mga Japon.
06:01.2
Tama rin naman.
06:05.3
Bata pa lang, tinuturuan na ang mga Japon
06:07.6
kung paano magluto ng mga healthy meals.
06:09.9
Parte ito ng kanilang regular school curriculum
06:12.3
at bata pa lang, mas may ideya na sila
06:14.9
kung ano ang kakainin upang maging malusog.
06:17.6
Nagiging habit na ito ng mga batang Hapon
06:20.0
at nagagamit nila kapag lumaki na sila.
06:22.8
Marami din sa mga batang Hapon ang naglalakad
06:25.5
o nagbibisikleta papunta sa kanilang mga paaralan.
06:29.0
Dahil ang Japan ang isa sa may mga pinakamababang crime rate sa mundo,
06:32.7
kampante ang mga magulang na mga bata
06:34.5
na maglakad at magbike ang kanila mga anak.
06:37.1
Dahil sa exercise na ito,
06:39.0
mababa lang ang child obesity rate sa bansa.
06:42.4
Nine, ang pagkain na isang experience.
06:45.5
Sino dito ang mahilig kumain habang nanonood ng series o movie?
06:49.4
O di kaya ay nagi-scroll sa social media?
06:52.4
Mukhang marami tayo dito.
06:54.1
Sarap kasi kumain kapag may pinapanood.
06:56.6
Kapag kumakain ng mga Hapon,
06:58.2
inaalis nila lahat ng kanilang distractions
07:00.7
at nagfofocus sila sa kanilang pagkain.
07:03.0
Para sa kanila,
07:04.2
ang pagkain na isang uri ng experience
07:06.1
na kailangan ng buong mong atensyon.
07:08.2
Kapag may pinapanood ka kasi,
07:09.9
may posibilidad na hindi mo na napapansin ang dami ng iyong nakakain
07:13.7
dahil hindi ka nakafocus dito.
07:15.8
Hindi mo rin mapapansin na busog ka na pala
07:18.0
dahil naaaliw ka sa iyong pinapanood.
07:20.7
Food as an experience.
07:22.7
Hmm, subukan kayo natin.
07:25.5
Ten, disiplina.
07:27.4
Ito ang pinakamalaking rason kung bakit payat ang mga Hapon.
07:31.0
Dahil kung wala sila nito,
07:32.6
hindi nila magagawa lahat ng nabanggit ko sa video.
07:35.3
Disiplinado ang mga Hapon.
07:37.0
Gusto nilang mamuhay ng malusog
07:39.3
at mahalaga ito para sa kanila.
07:41.3
Ito ang rason kung bakit nananatili silang payat.
07:43.9
Hindi sila nagpapadala sa cravings at kahit ano pa.
07:47.5
At kung kumakain man sila ng masasarap na unhealthy food,
07:50.6
maliit lang din ang kinokonsume nila.
07:53.1
Dito tayo talagang,
07:54.4
mapapa-
07:55.4
sana all!
07:57.2
Kayo, ano ang mga tips ninyo para sa fit na katawan?
08:00.2
Kaya nyo kayang gawin ang mga ginagawa ng mga Hapon?
08:02.8
Para sa inyo,
08:03.7
alin sa mga nabanggit ko ang pinaka-epektibong gawin
08:06.5
upang umayat.