Close
 


JENNA | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 23:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Hindi lahat ng mga taong nagpapakita sa atin ang kabutihan o kabaitan ay nagpapakatutuo.
00:07.6
Marami kasing nagpapanggap na mukhang nakapaligid sa atin.
00:16.6
Mahirap alamin o kilalanin kung sino talaga ang taong nagmamalasakit sa atin o kung sino yung umaasa.
00:23.6
At lihim na nagdadasal na tayo ay mapabagsak nila.
00:28.6
Dear Papa Dudut, Kamusta po kayo at sa ating mga kastorya nagising pa sa oras na ito.
00:36.6
Itago mo na lamang ako sa pangalang Jenna.
00:40.6
33 years old, may asawa at dalawang anak.
00:45.6
Dito kami ngayon sa Zambales nakatira sa lugar kung saan ako pinanganak at lumaki.
00:51.6
Matagal niyo na nga pala akong tagapakinig.
00:54.6
Gustong gusto ko talaga mga kwentong inyong binabasa lalo na kung ito ay tungkol sa katatakutan.
01:01.6
Naniniwala kasi ako na hindi lang sa kwentong kababalaghan,
01:06.6
kung hindi pati na rin sa mga taong may espesyal nakakayahan.
01:11.6
Baka isipin ang iba na kaistorya natin na nakikinig ngayon na may kapangyarihan ako.
01:19.6
Wala po dahil hindi ako ang may kakayahan nakakaiba sa kwento kong ito.
01:26.6
Sadyang believer lamang ako ng mga tarot card reading, black magic,
01:32.6
at pati na rin sa mga taong involved sa mga ganong gawain.
01:37.6
At ikikwento ko sa inyo kung paanong napaniwala ako sa mga ganong kwento.
01:45.6
Apat kaming magkakapatid at pangalawa ako sa Bunso Papadudut.
01:50.6
OFW ang daddy ko at si mami naman ay isang housewife.
01:56.6
Ako yung tipo ng bata noon na walang hilig masyado na maglaro kasama ang ibang bata sa labas ng bahay.
02:04.6
Hindi katulad ng mga kapatid ko na nangitim na ang mga balat dahil sa paglalaro sa ilalim ng mainit na araw.
02:13.6
Pero kapag si mami ang lumalabas, palagi kong gusto na sumasama sa kanya kahit saan paman siya magpunta.
02:21.6
Mami, sama po ako sa paglabas ninyo.
02:24.6
Wika ko nang makita kong nagpalit ng damit na pangalis si mami.
02:30.6
10 years old pala mga ako noon tapos ay nasa labas ng bahay at naglalaro ang mga kapatid ko.
02:37.6
Baka mainip ka lang sa pupuntahan ko anak, wika ni mami.
02:41.6
Okay lang po kesa mainip ako dito sa bahay kasi nasa labas lahat sina kuya.
02:48.6
Nakalabing sabi ko.
02:51.6
Okay sige magbihis ka na tihintayin kita.
02:54.6
Nakangiting sabi naman ni mami na labis kong kinatua.
02:58.6
Akala ko noon sa grocery o salon kami pupunta ni mami dahil madalas siyang pumupunta doon kapag araw ng linggo.
03:07.6
Pero hindi dahil huminto ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng isang luma at malaking bahay.
03:15.6
Walang gate sa may garahe ng bahay na yon kaya dumiretsyo kaming naglakad,
03:20.6
papunta sa may pinto na kinatok ni mami.
03:24.6
Bumukas kagad yon at niluan ang pinto ang babaeng medyo kainara ni mami,
03:29.6
may katabaan at nakasuot ng salamin sa mga mata.
03:33.6
Kanina pa kayong hinihintay ni Madam Luz, wika ng babae.
03:38.6
Naku pasensya na at medyo natraffic kami.
03:42.6
Tugon ni mami kahit ang totoo ako ang dahilan kung bakit medyo natagalan siya sa pagating niya sa bahay na yon.
03:49.6
Tinapunan ako ng tingin ang babaeng tinawag ni mami ni Ati Lyra bago niya kami pinapasok sa loob ng malaking bahay.
03:57.6
Sa loob naman ay mas malaki pa yon kesa sa inaasahan ko.
04:01.6
Siguro dahil walang masyadong gamit lalo na sa may sala.
04:05.6
Sa halip na sofa, monoblock chair lang ang meron at maliit na lamesa.
04:12.6
Dito ka lang sa upuan jena, babalik din kagad si mami.
04:17.6
Kakausapin ko lang si Madam Luz, wika ni mami na tinanguang ko lamang bilang tugon.
04:24.6
Naiwan ako sa may sala nakaupo sa monoblock at si mami ay pumasok sa isang pinto na hindi rin masyadong naisarado.
04:34.6
Ikaw pala, matagal ka rin hindi nakapunta dito sa akin ha.
04:39.6
Wika ng malaki at malalim na boses ng babae.
04:43.6
Naisip ko na siya si Madam Luz.
04:46.6
Kakaalis lang po kasi ulit ng asawa ko kaya naging bisi ako sa bahay nitong mga nakaraang linggo.
04:52.6
Tugon pa ni mami.
04:54.6
Ano bang ipapakonsulta mo ngayong araw? Tanong ni Madam Luz.
04:59.6
Gusto ko sana magsimula ng negosyo?
05:02.6
Itatanong ko po sana kung anong negosyo ang saswertihin ako?
05:06.6
Tugon ni mami.
05:08.6
Sige hayaan mong basahin ko dito sa mga baraha ko ang sagot sa tanong mo.
05:13.6
Wika ni Madam Luz.
05:15.6
Katahimika ng sumunod kong narinig.
05:18.6
Ilang saglit pa, ingay na mga barahang binabalasa sa ibabaw ng lamesa ang sumunod ko pang narinig.
05:27.6
Ilang segundo na naging minuto hanggang sa muling magsalita si Madam Luz.
05:32.6
Sinabi niya kay mami na since year of the rooster ay swerte na magsimula siya sa negosyong manukan.
05:38.6
Siguro matagal na siyang kilala at kinakausap ni mami dahil wala na siyang sumunod pang naging tanong kay Madam Luz.
05:45.6
Kagad siyang nagpasalamat at lumabas ng kwartong iyon.
05:49.6
At hindi ko inaasahan na kasundo niyang lumabas si Madam Luz.
05:53.6
Payat na babae si Madam Luz.
05:56.6
Nakasuot siya ng maluwag at bulaklake na bestida.
06:00.6
Meron din siyang balabal, malaking beads ng hikaw at pulseras.
06:05.6
Naka eyeliner din ang ilalim ng kanyang mata, kulay blue ang kulay noon at hindi ko alam kung bakit.
06:11.6
Tumingin ang malalim niyang mga mata sa akin.
06:13.6
Matagal na pagtitig ang ginawa ni Madam Luz.
06:17.6
Anak mo? Tanong niya.
06:20.6
Lumapit si mami sa akin ng tumayo ako.
06:23.6
Opo, nakangitin togo ni mami.
06:26.6
May swerte na nakadikit dyan sa anak mo.
06:29.6
Pinanak siya na palaging lapitin ang swerte.
06:32.6
Kaya lang ay marami ang maiingit sa kanya at susubukan na hilahin siya pababa.
06:38.6
Wika pa ni Madam Luz.
06:40.6
Dahil bata pa ako noon ay hindi ko masyadong seneryoso ang narinig ko na sinabi ni Madam Luz.
06:47.6
Pero tanda ako na palagi akong nananalo sa mga contest sa school namin.
06:52.6
Malaking nabubunot ang pangalan ko sa raffle.
06:55.6
At ako rin ang nakakakuha ng pinakamagandang regalo mula sa teacher namin na ibinibigay niya randomly sa classroom.
07:02.6
Hindi ko alam kung swerte ba yun o nagkataon lamang.
07:06.6
Basta hindi ko makakalimuta ng mga bagay na yun.
07:10.6
Papadudot madalas na akong sinasama ni Mami sa bahay ni Madam Luz.
07:15.6
Kahit ang pinayon nito na manukan ng negosyo ay talaga namang swerte ang naging dala sa pamilya namin.
07:21.6
Kaya nga labis ang pasasalamat ni Mami kay Madam Luz noon.
07:25.6
Hanggang isang beses ay narinig ko na sinabi ni Madam Luz kay Mami na dadaan sa malaking pagsubok ang pamilya namin.
07:33.6
Nakiusap si Mami na baka pwedeng sabihin na sa kanya ni Madam Luz ang iba pang nalalaman nito.
07:39.6
At nalungkot ako ng marinig ko mula kay Madam Luz na may ibang babae raw na kinakalokohan si Daddy.
07:47.6
Nasaktan ako dahil sa nalaman ko at akala ko talaga ay masisira na ang pamilya namin.
07:53.6
Nagalit pa nga ako ng palihim kay Madam Luz dahil inisip ko na baka siniraan niya lamang si Daddy.
08:00.6
Pero napatunayan ko na totoo ang sinasabi nito kay Mami.
08:03.6
Manalim na ang gabi nang marinig ko ang pag-uusap ng mga magulang ko sa video call.
08:09.6
At doon ay inami ni Daddy na natukso nga siya at nakagawa ng kasalanan sa relasyon nila ni Mami.
08:16.6
Narinig ko ang pigil na pagaguluhol ni Mami noon at panunumbat niya kay Daddy hanggang sa matapos ng video call nila.
08:24.6
Kinabukasan ay namumugto ang mga mata ni Mami pero hindi siya nagkwento kung ano ang nangyari o dahilan ng kanyang pag-iisip.
08:33.6
Mabuti na lamang papadudut nagkaayos pa rin sila ni Daddy at hindi na nga naulit pa ang pambababain nito.
08:42.6
Mula noon ay naging bilib na ako sa kakayahan na meron si Madam Luz.
08:47.6
Saksi ang mga tenga at mata ko na nagiging totoo ang mga sinasabi niya kay Mami.
08:52.6
Kaya naman kahit na hindi kami nagkakausap ay malaki ng respeto ko sa kanya.
08:57.6
At natutuwa talaga ako sa tuwing sinasama ako ni Mami sa pagpunta sa kanya.
09:03.6
Hindi na nga lang ako madalas nakasama mula ng mag-aral ako sa kolehyo.
09:09.6
Grabe, alam mo ang daming babae ang naiingkit dahil boyfriend mo si Eddie.
09:14.6
Huwi ka ng kaklase at kaibigan ko na si Clarice.
09:18.6
Hindi naman nakangiting sabi ko.
09:21.6
Anong hindi? Ang swerte mo kaya dyan sa boyfriend mo?
09:25.6
Bukod sa loyal, sobrang gwapo pa.
09:29.6
Buti na lang talaga at hindi ko siya type, ang sabi pa ni Clarice.
09:34.6
Nagkaroon ako ng boyfriend noon, Papa Dudut, Eddie ang pangalan niya.
09:39.6
At isang sikat na soccer player sa university namin.
09:43.6
Sinasabi ko lang na hindi naman masyadong nakakaingit ang relasyon namin kahit alam ko.
09:48.6
First boyfriend ko si Eddie at dalawang taon niya lamang akong niligawan.
09:56.6
Kahit ang strictong mami ko ay nakuha niyang loob dahil madalas siyang dumadalaw sa bahay.
10:02.6
Nagawa na rin niya akong haranahin, sulatan ng tula at kung ano-ano pang sweet na bagay para lamang ipakita kung gaano niya ako kamahal.
10:11.6
Kaya naman sa huli ay tuluyan na rin nahulog ang loob ko sa kanya at sinagot ko na ang panliligaw niya.
10:16.6
Dahil boto naman si mami sa kanya ay tinanggap na rin niya ang relasyon naming dalawa.
10:22.6
Basta lang daw huwag kaming makakalimot sa limitasyon naming dalawa.
10:27.6
Mula na maging kami ni Eddie ay mas lalo siyang naging sweet at mapagmahal na boyfriend.
10:33.6
Mas ma-effort siya sa abing dalawa lalo na pagdating sa mga surprises.
10:38.6
Hindi kumapantayan ang pinapakita niyang effort sakin kaya naman mas lalo ko siyang minamahal.
10:43.6
Nasaan tayo? Tanong ni Clarice nang makapasok kami sa isang luma at malaking bahay.
10:49.6
Nandito tayo sa bahay ni Madam Luz, nakangiting tugon ko bago kami tumuloy na pinapasok ni atin Lyra sa isang kwarto.
10:58.6
Papadudot yun ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa kwarto na yon.
11:03.6
Medyo madilim dahil ilang kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag.
11:08.6
May mga estatwa ng santo doon na karamihan sa isang pagkakataon.
11:11.6
May mga estatwa ng santo doon na karamihan ay hindi ko kilala at hindi rin pamilyar sa akin.
11:17.6
May ilang krus at rosario na nakasabit sa may dingding.
11:21.6
May bilog na lamesa sa gitna, dalawang upuan, mga baraha sa ibabaw ng lamesa at maliit na bato.
11:29.6
Matagal din tayong hindi nagkita nakangiting wika ni Madam Luz.
11:34.6
Walang pagbabago sa itsura niya mula noong unang beses kaming nagkita.
11:38.6
Hindi siya bumata at hindi rin tumanda.
11:42.6
Magandang hapon po Madam Luz. Ako po si Jenna.
11:48.6
Jenna ang pangalan mo alam ko.
11:51.6
Sige ano bang maipaglilingkod ko sa babaeng pinanganak na may swerte sa mga mata?
11:56.6
Wika ni Madam Luz.
11:59.6
Ah, meron po kasi akong boyfriend.
12:02.6
Gusto ko lang pong malaman kung totoong mahal niya ako.
12:05.6
Tugon ko.
12:07.6
Hindi naman sa pinagdududahan ko si Eddie, pero kasi masyado nang lumalalim ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.
12:16.6
At natatakot ako na masakta ng dahil sa kanya.
12:19.6
Kaya naisipan ko napuntahan si Madam Luz para konsultahin siya tungkol sa relasyon namin ni Eddie.
12:26.6
Binalasa ni Madam Luz ang kanyang mga baraha.
12:30.6
Isa isang nilapag yun sa lamesa bago nakangiting tumingin sa kanya.
12:34.6
Mahal na mahal ka ng boyfriend mo, wika niya.
12:38.6
Ibig sabihin po ba niya na siya nang makakatuluyan ko sa huli?
12:43.6
Tanong ko.
12:45.6
Nagsimulang mabawasan ang iti sa mga lamin ni Madam Luz.
12:49.6
Marami pa kayong pagdadaana ng mga pagsubok.
12:53.6
Pagsubok na pwedeng maging dahilan ng paghiwalay ninyong dalawa.
12:57.6
Pero may tamang panahon na muli kayong magtatagpo para ipagpatuloy ang naudlot na relasyon.
13:03.6
Kaya lang Jenna, napapalibutan ka ng mga taong may ingkit sa'yo.
13:08.6
Tayuan mo sila kung ayaw mong mahila ka nila pababa.
13:12.6
Wika pa ni Madam Luz.
13:14.6
Medyo nalungkot ako sa mga sinabi niya ngayon, Papa Dudut.
13:19.6
Gusto ko kasi talagang malaman kung si Eddie na ba ang makakatuluyan ko sa huli.
13:24.6
Pero hindi niya binigay sa akin ang malinaw na kasagutan.
13:27.6
Pero kahit paano ay natuwa ako ng kumpirmahin niya na totoo ang pagmamahal na ipinakita sa akin ng boyfriend ko.
13:35.6
Naging kumpiyansa akong totoo ang pinapakita ni Eddie na pagmamahal sa relasyon naming dalawa.
13:42.6
Dahil sa mga sinabi ni Madam Luz.
13:46.6
Papa Dudut nang makagraduate ako ay nagkaroon ka agad ako ng trabaho at si Eddie naman.
13:51.6
Lumuas ng Maynila para doon magtrabaho.
13:53.6
Noong unay maayos ang lahat sa relasyon namin pero hindi nagtagal ay naging magulo din ang lahat.
13:59.6
Hanggang sa hindi nagtagal ay pareho kaming nag-decide na tapusin na ang relasyon naming dalawa.
14:06.6
Hindi pala kasi talaga madali ang LDR, Papa Dudut.
14:10.6
Lalo na kapag magkaiba ang oras ng trabaho at pahinga naming dalawa.
14:14.6
Hindi na kami nakakapag-usap ng maayos tapos ay manalas pa na mainit ang unon namin dahil sa kanya-kanya naming trabaho.
14:24.6
Pareho na kaming nahihirapan kaya pareho na rin kaming bumitaw.
14:29.6
Aaminin ko na nasaktan din talaga ako ng todo noon dahil siyempre Eddie was my first love and boyfriend.
14:37.6
Kaya naman nagfocus na lamang ako noon sa pagtatrabaho ko.
14:40.6
Doon muli ay nagsunod-sunod ang swerte ko lalo na at tatlong beses akong napromote sa trabaho ko sa loob lamang ng isang taon.
14:50.6
Napatunayan ko na totoo ang sinasabi nila na kapag mala sa love life ay swerte ng swerte naman sa pagtatrabaho.
14:58.6
Mabuti talaga at dito ka na-assign sa department namin Clarice.
15:02.6
Wika ko habang sabay kaming nagla-launch ni Clarice.
15:05.6
Magulamang siya sa kumpanya namin at natuwa ako nang magkalapit lamang ang workstation naming dalawa.
15:12.6
Kaya nga eh, akala ko talaga eh hindi ako makakapasok dito kasi ang taas ng qualifications ang sabi niya.
15:21.6
Magaling ka naman kaya alam ko na maipapasa mo ang exam at interview dito ang wika ko naman.
15:28.6
Thank you nga pala sa pag refer mo sakin Jenna ha.
15:31.6
Naging wedding yun para matanggap ka agad ako dito.
15:35.6
Ito nga pala buko salad ginawa ko para sa'yo.
15:38.6
Pag abot niya sakin ang pagkain.
15:41.6
Ay wow thank you ha.
15:43.6
Hindi ka na dapat nagkabala pa.
15:45.6
Ang sabi ko naman.
15:47.6
Tinulungan mo ko kaya kailangan ko magpasalamad sa'yo.
15:51.6
Thank you ulit Jenna.
15:53.6
Ang sabi pa ni Clarice.
15:55.6
Nang makagraduate kami sa college ay hindi na ulit kami nagkita ni Clarice.
15:59.6
Kasi nabunti siya at kagad na nagpakasal.
16:02.6
Naging busy siya bilang isang full-time housewife at pagkalipas ng iilang taon.
16:07.6
Ay menessage niya ako at tinanong niya kung pwede ko raw ba siyang tulungan na makapasok sa pinagtatrabahuhan ko.
16:15.6
Agad ako naman ginawa yun at nirefer ko siya sa kumpanya namin.
16:21.6
Ako rin ang nagturo sa kanya ng mga tasks na kailangan niyang gawin.
16:25.6
At naging daan yun para muli kami ngayon.
16:27.6
At naging daan yun para muli kaming mapalapit sa isa't isa.
16:31.6
Kaya lang papadudot mula ng makapasok si Clarice sa pinagtatrabahuhan ko ay nagsimula naman ang sunod-sunod na kamalasan ko.
16:40.6
Nagkabulutong ako the week na dapat ay tatanggap ako ng award bilang Best Employee of the Year.
16:46.6
Nanakawang cellphone ko habang mabiyahe, papasok ng trabaho at ng araw na dapat ako magpapresent sa client namin na ina-corrupt naman ang mga files sa laptop ko.
16:57.6
At nasimulan ako ng bongga ng supervisor namin.
17:01.6
Ang weird lang kasi, marami pang kamalasan ang mga nangyari sa akin noon.
17:05.6
Hindi ko na lamang ginawang big deal yun hanggang sa isang gabi ay nagising ako dahil sa mga bulong na narinig ko.
17:12.6
Bulong na mga salitang hindi ko maintindihan.
17:16.6
Binuksan ko ang lampshade sa katabi kong lamesa at bahagyang lumiwanag ang kwarto ko.
17:23.6
Bumangon ako at nakita ko ang isang babaeng nasa sulok, nakaupo at nakatalikod mula sa akin.
17:29.6
Sa kanya nanggagaling ang bulong na narinig ko.
17:33.6
At sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman ko ang nagawa kong lumapit sa kanya,
17:38.6
pero bago ko pa siya mahawakan ay bigla na lamang siyang lumingon sa akin.
17:43.6
Dugoan ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang muling bumibigkas na mga salitang tila iba ang lengwahe.
17:51.6
Habol ang hininga ko ng makabangon ako mula sa kama.
17:56.6
Binuksan ko ang ilaw pero wala akong nakitang babae doon.
18:00.6
Doon ko lang napagtanto ng panaginip lang pala ang lahat.
18:03.6
Hindi ko kilala ang babae pero may kung anong takot akong naramdaman sa kanya.
18:09.6
Kaya naman doon ako nag-decide na muling kumonsulta kay Madam Luz.
18:13.6
May taong nagbibigay ng malas sa iyo.
18:17.6
Isang tao na malaki ang inggit sa iyo.
18:20.6
Lumapit siya sa isang mangkukulam para bigyan ng malas ang buhay mo.
18:25.6
Swerte ka at hindi ka niya pinakulam.
18:28.6
Pero kapag lumalalim pa ang nararamdaman niyang iyan,
18:31.6
baka doon na rin mapunta iyon, ang wika ni Madam Luz.
18:36.6
Sino po siya? Tanong ko.
18:39.6
Isang kaibigan mo na madalas mong kasama pero huwag kang mag-alala.
18:43.6
Mas malakas ang kapangyarihan ko sa mangkukulam na iyon.
18:47.6
Kaya kung ibalik sa kanyang ginawa niya sa iyo.
18:50.6
Kaya kung doblihin, pabalik sa kanya, ang mga ginawa niya kung gugustuhin mo.
18:57.6
Ang sabi pa ni Madam Luz.
19:00.6
Sa huli, papadudot ay pumayag na rin ako kasi gusto kong makaganti
19:05.6
sa kung sino man ang taong naiinggit sa akin.
19:08.6
At hindi man sinami ni Madam Luz ang pangalan ng taong nais,
19:12.6
akong hilahin papaba ay alam ko na kung sino at ano ang pangalan niya.
19:17.6
Papadudot ng sumunod na linggo, hindi na pumasok pa sa opisina namin si Clarice.
19:24.6
Alam ko na natanggal pala siya dahil kinopia niya lang pala
19:28.6
sa ibang kumpanya ang ginawa niyang presentation para sa aming malaking kliyente.
19:33.6
Hindi lang yun ang nabalitaan ko tungkol sa kanya,
19:36.6
naghiwalay na rin sila ng kanyang asawa dahil iniwan na siya nito para sa ibang babae.
19:41.6
At pagkatapos noon ay nasunugan sila kung saan ay namatay ang kanyang nanay.
19:47.6
Hindi ko alam papadudot kung kasama ba yun sa kamalasan na bumalik sa kanya,
19:52.6
basta ang sigurado lamang ako ay siyang nagbigay ng sumpang kamalasan sa buhay ko.
19:57.6
Nang dahil sa inggeta ay naramdaman niyang nagawa niyang ipahamak ang kaibigan niya
20:02.6
na halos kapatid na rin ng turing sa kanya.
20:06.6
Dito ko na rin po tatapusin ang kwento ko na nais kong ibahagi sa inyong ngayong gabi.
20:12.6
At bago ko itutuloy ang tapusin ay sasabihin ko na rin na asawa ko na po si Eddie.
20:17.6
Gaya ng sinabi ni Madam Luz, kailangan lang naming magtagpo sa tamang oras
20:22.6
at pagkatapos sa panahon na pareho na kaming handa para sa isa't isa.
20:28.6
Hanggang dito na lamang po.
20:31.6
Nobos na gumagalang, Jenna.
20:35.6
Maraming mapagpanggap na tao sa ating kapaligiran.
20:39.6
Hindi natin alam kung sino sa kanila ang nagpapatutuo sa atin
20:42.6
kaya dapat na marunong tayong kuminatis o pumili ng kaibigan.
20:47.6
Para sa bandang huli hindi tayo mapahamak gaya
20:50.6
nang nangyari sa ating letter sender na si Jenna.
20:54.6
Nang dahil sa pagiging mabait niya at mabuting niyang kaibigan,
20:57.6
hindi niya napansin na may ingit na palang nararamdaman sa kanyang ibang tao.
21:03.6
Ang mahalagay naging masaya pa rin siya sa piling ng taong mahal niya.
21:07.6
Huwag kalimutan na mag like, share and subscribe.
21:11.6
Maraming salamat po sa inyong lahat.
21:47.6
May pakikinggan ka
21:52.6
Sa Papadudud Stories
21:57.6
Kami ay iyong kasama
22:04.6
Dito sa Papadudud Stories
22:08.6
Ikaw ay hindi nag-iisa
22:17.6
Dito sa Papadudud Stories
22:21.6
May nagmamahal sa'yo
22:29.6
Papadudud Stories
22:35.6
Papadudud Stories
22:41.6
Papadudud Stories


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.