Ilang lugar sa Batangas, kalapit-probinsya, apektado ng 'vog' ng Bulkang Taal | Frontline Pilipinas
Video Transcript / Subtitles:
About AI Subtitles »
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Higit isang daang residente sa Batangas ang nakaranas ng pananakit ng mata at lalamunan
00:05.7
dahil sa vog o volcanic smog mula sa Bulkang Taal.
00:09.3
Pero kahit may banta sa kalusugan, maraming residente pa rin ang walang suot na face mask.
00:15.5
Live mula sa Talisay, Batangas, nasa Frontline ang balitang iyan, si Justin Punsalang.
00:20.2
Justin, may pagbabago ba sa pag-aalboroto ng Taal?
00:23.9
Cheryl at Jess, mula kaninang umaga ay mainit at mataas ang araw dito sa Batangas.
00:35.4
Pero pagdating ng tanghali ay bigla namang bumuhos ang ulan at pagdating ng hapon ay muli na namang umaraw.
00:41.2
Bahagyang nakatulong ang pagulan dahil nalusaw nito yung asupre o sulfur dioxide na ibinubuga ng Taal volcano.
00:51.6
Yun nga lang, ang epekto ng vog ay nararamdaman pa rin sa ilang mga lugar.
00:58.5
Nabawasa na andami ng ibinubugang sulfur dioxide o asupre ng Bulkang Taal ngayong araw.
01:03.9
Sa pinakahuling monitoring ng PHIVOX, bumaba sa 5,718 tons ng asupre ang inilabas ng Taal
01:11.9
kumpara sa halos 8,000 ton nila na kahapon.
01:15.1
Gayunpaman, apektado pa rin ang mga residente ng volcanic smog o vog.
01:19.9
Ito yung maliliit na droplet sa hangin na binubuo ng volcanic gas tulad ng asupre na kapag nalanghap,
01:26.2
magdudulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
01:30.6
Katunayan, sa bayan ng Laurel, 120 residente na ang nagpakonsulta sa health center
01:37.0
matapos makaranas ng naiiritang mata, makating lalamunan, ubo at sipon.
01:42.5
Simula po ng Monday na talagang nagbuga ng smog si Volcan,
01:47.8
ayun po, magami na pong pumupunta talaga dito sa amin, usually po ay bata.
01:52.8
Kasi daw po masyadong mausok sa kanilang lugar.
01:55.6
So usually po yung mga lugar na yun, yung lugar na malapit sa lawa.
01:59.8
Akala ko kanina uuran siya eh. Yung pala ano, usok pala siya galing sa Bulkang Taal.
02:04.5
Umabot na rin sa Calamba, Laguna, ang paglabo ng paligid dahil sa vog mula sa Bulkang Taal.
02:10.1
Para hindi malanghap, pinapayuhan ang mga residente na huwag muna lumabas ng bahay
02:15.2
o mag-face mask kung hindi maiiwas ang lumabas.
02:18.4
Pero sa kabila ng banta sa kalusugan, maraming residente pa rin
02:22.4
ang hindi nakasuot ng face mask sa talisay Batangas.
02:28.6
Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
02:31.7
Ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
02:36.1
base sa aktibidad nito, dapat manatiling kalmado.
02:40.1
Pagamat may nararamdaman po, may naamoy tayo na sulfuric acid from the smogs,
02:46.8
ay hindi naman po tayo nararapat pa na magkaroon ng panicky attack.
02:52.3
Pero pinaghahandaan na rao ng LGU sakaling sumabog ang Taal.
02:56.7
Handa na ang mga food packs at posibling evacuation areas sa mga kalapik na lawigan sakaling magkaroon ng evacuation.
03:04.4
Nakahanda po yung ating mga probinsya na tumanggap ng ating mga evacuees kung sakaling kailangan nito.
03:12.5
Kung kinakailangan ng Batangas o apektado yung Cavite, Laguna sa nangyaring ito, sila naman ay handa namang mag-augment.
03:20.6
Patuloy din ang pag-ikot ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake
03:24.4
para tiyaking walang nakatira sa loob ng 6-kilometer danger zone.
03:29.9
Pero sa pagsama ng News 5 sa TCG, nakita namin ng isang senior citizen na nag-iisa na lang daw na nakatira sa volcano island sa loob ng danger zone.
03:39.5
Kahit daw ilang beses na pinaalis ang residente, bumabalik daw ito sa lugar.
03:44.5
Every day na nagpa-patrolya kami, pinupuntahan namin siya.
03:49.5
Gano'n pa rin, nage-effort pa rin kami na baka makumbinsin namin siyang umalis na.
03:54.9
Lagi nung sinasabi niya may bangka naman siya, dalunga pa naman yung bangka niya.
03:58.5
Ever na magkaroon ng pagkotok uli ang vulkan na sana huwag namang ngyari, agad-agad siyang aalis.
04:09.5
Cheryl, sa ngayong araw, suspendido ang klase sa Laurel at Balete.
04:15.1
Pero hanggang bukas naman, suspendido ang pasok sa lahat ng Antas para sa Agoncillo.
04:20.3
Partikular yung mga barangay ng Bilibinwang, Banyaga at Barigol.
04:25.5
Samantala para naman sa lokal na pamahalaan ng Talisay,
04:29.5
naka-modular lang kasi ang mga public school,
04:32.5
habang yung private school naman ay ipinaubaya sa mga administrator
04:36.1
kung sila ba ay magsuspende ng pasok.
04:40.5
Maraming salamat at mag-iingat kayo dyan, Justin Ponsalang.
04:50.3
Huwag pag-ingkulin at pag-ingkulan sa lahat sa panisaan.
04:53.9
Mag-subscribe at mag-follow sa social media pages ng News 5.