Close
 


News ExplainED: CPP-NPA-NDF bilang isang lehitimong political party? | Frontline Tonight
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#NewsExplainED | Sinara ni bagong Defense Sec. Gibo Teodoro ang posibilidad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF) at Communist Party of the Philippines (CPP). Itinutulak kasi niyang magrehistro na lang ang mga ito bilang isang lehitimong political party. Himayin natin 'yan. #FrontlineTonight #News5 Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere Website: news5.com.ph
News5Everywhere
  Mute  
Run time: 03:41
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sinara ng bagong talagang Defense Secretary Gilbert Chedoro ang posibilidad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front at ang Communist Party of the Philippines o yung CBP.
00:10.0
Ang tinutulang kasi ni Chedoro magrehisto na lamang ang Communist Party bilang isang legitimate political party at itigil na rao ang armadong paglaban sa gobyerno.
00:19.0
Pwede pala yun?
00:20.0
Oo po, pwede yun.
00:21.0
Sa buong mundo, maraming mga Communist Parties na legal sa mga demokrasya.
00:26.0
Ang iba nga sa kanila, bahagi pa ng ruling coalition.
00:29.0
Ilan lamang sa mga halimbawa niyan ay ang Partido Komunista de la Argentina na bahagi ng ruling frente de todos koalisyon ng Argentina.
00:38.0
Ganoon din po ang mga Communist Parties sa Chile, Brazil, Colombia, Nepal, South Africa, Spain at Venezuela.
00:44.0
Meron din mga Communist Parties na bahagi naman ng oposisyon pero legal pa rin.
00:49.0
Gaya po ng sa Cyprus, France, Uruguay at maniwala kayo hindi, ang Communist Party of the Russian Federation ay ngayon nasa oposisyon sa Russia.
01:00.0
Dito sa Pilipinas, legal ba ang Communist Party of the Philippines?
01:03.0
Sa technical po, legal pa rin siya dahil noong taong 1992 binawi ng administrasyo ni Fidel Ramos ang anti-subversion law.
01:12.0
Pinagbawal ang Partido Komunista ng Pilipinas o ang Communist Party of the Philippines panahon po ni Pangulong Carlos Garcia.
01:18.0
Ang Act 1700 pinasa ng Kongreso noon pang June 20, 1957.
01:24.0
Sa section 2 ng batas na ito, ginigit ng Communist Party ay isang conspiracy para pataubin ang gobyerno at iisailalim mga Pilipinas sa control ng isang banyagang pwersa or foreign power.
01:36.0
Tandaan po kasi na panahon pa ito ng Cold War kung saan naglalaban pa rin ang mga ideya ng Kanluran at ng Soviet Bloc.
01:43.0
Sa section 4 po ng batas, pinagbawal ang anumang asosasyon o relasyon sa Partido Komunista at mga kaalyarin tong grupo.
01:51.0
Ngayon, toong 1981 panahon na ni Pangulong Marcos, lalo pang pinalawak ang batas na iyan laban sa Communist Party.
01:59.0
Sa Presidential Decree 1835, inulit ang pagbabawal sa pagiging bahagi ng Communist Party of the Philippines.
02:04.0
Pero sa section 6 ng batas na ito, tinuturing na prima fasi evidence ng pagiging miyembro ng isang subversive group,
02:11.0
ang simpleng pakikipag-usap o meeting sa mga kasapi ng pinagbabawal na grupo in furtherance of any plan.
02:21.0
E tinuturing ding ebidensya ang simpleng pagdistribute ng propaganda material para sa mga grupong ito.
02:26.0
Pero toong 1992, pininabahan ni Pangulong Fidel Ramos ang RA 7636 na nagre-repeal ng lahat ng mga anti-subversion laws.
02:35.0
Ibig pong sabihin niyan, hindi na po bawal maging miyembro ng Communist Party of the Philippines o maniwala sa komunismo.
02:42.0
Kaya po mapapansin po ninyo, pag may nahuling mga rebeldeng komunista,
02:46.0
ang sinasampas sa kanila ay mga criminal case kahit po ng murder or illegal possession of firearms.
02:53.0
At yan na lang din ang sinasambang kaso tuwing may nahuhuling mga miyembro ng mga militanteng grupo.
02:58.0
Panahon naman ni Pangulong Duterte, binubuhay o binuhay ng ilang opisyal ang panukala na ibalik ang anti-subversion law at ipagbawal muli ang Communist Party of the Philippines.
03:09.0
Pero kahit ang dating Justice Secretary na si Menado Guevara, sinabi na walang dahilan para ipagbawal ang isang paniniwala.
03:16.0
Ayon kay Guevara, karapatan ng sinuman ang manalig sa isang paniniwala basta't hindi humahawak ng armas ang mga miyembro ng grupo nito.