Close
 


ARIEL | PAPA DUDUT STORIES
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 43:00
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sinasabi na ang anak ay kayamanan ng isang magulang.
00:05.5
Ngunit sa isang magulang ay hindi may iwasa na magkaroon sila ng anak
00:10.7
na mas pinapaboran o mas paborito lalo na kung marami silang anak.
00:16.4
Dito magsisimula ang isang problema lalo na kung nararamdaman ang isang anak na hindi siya paborito.
00:23.6
Pero paano kung ang isa sa mga anak mo ay kabilang sa ikatlong kasarihan?
00:30.5
Mamahalin mo pa rin ba siya at sosoportahan sa kanyang gusto o pilit mo siyang itutuwid?
00:37.4
Kahit pa labag yun sa kanyang kalooban.
00:41.4
Dear Papa Dudut,
00:44.0
Magandang gabi sa inyong lahat na mga nakikinig ngayon.
00:50.6
Thank you kasi hinayaan mo akong ishare sa iyong programa
00:55.0
Ang kwento ng aking buhay na dinaig pa ang teleserye sa sobrang drama.
01:01.2
By the way, itago mo na lamang ako sa pangalan na Ariel.
01:04.9
Ako ay 31 years old at isa kong gay.
01:10.1
Bata pa lamang ako ay alam ko na iba ako sa mga kagaya kong batang lalaki.
01:16.8
Hindi kasi ako mahiling maglaro ng mga laro na karaniwang nilalaro ng isang lalaki.
01:22.3
Mas gusto kong maglaro ng mga manika kasama ang mga kaibigan kong babae.
01:27.8
Sa skula ay puro babae din ang kasama ko imbes na mga lalaki.
01:32.9
Nang mapansin ko yun ng aking nanay ay tinanong niya ako kung bakla ba ako at ang sabi ko ay hindi.
01:41.9
Noon kasi kapag sinabing bakla kay parabang may mali sayo at dapat kang ikahiyan ang iyong pabilya.
01:49.5
Lalo na at sa probinsya kami nakatira.
01:52.7
Lumaki kami magkakapatid sa palo ng aming nanay.
01:56.4
Wala na palang tatay namin papadudut, hindi sa literal na wala na kundi sumama siya sa iba.
02:02.6
Ipinagpalit si nanay ni tatay sa isang beki.
02:06.5
Balik kay nanay kapag nagkamali kami o hindi kami sumunod sa utos niya ay hahatawin niya agad kami ng hangar.
02:13.7
Walis o kung anumang bagay na makita ni nanay na pwede niyang ipangpalo sa amin.
02:19.3
Iyon ang naging dahilan kung bakit kaming limang magkakapatid ay nagkaroon ng takot sa kanya.
02:26.3
Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw ko nasabihin kay nanay na bakla ako, papadudut.
02:32.6
Sigurado kasi nabugbog sarado ako kapag nagkataon.
02:36.8
Kahit na anong pilit kong tago sa aking totoong pagkatao ay nakikita pa rin yun sa aking pagkilos at pagsasalita.
02:45.0
May isang pagkataon pa nga na nahuli ako ni nanay na nakikipaglaro ng piko sa mga kaibigan kong babae.
02:52.4
Ang ginawa niya ay hinilan niya ako pa uwi sa aming bahay at pinalo niya ako ng malala.
02:58.6
Pinagbawalan pa niya ako na makipaglaro sa mga babae dahil napagkamalan daw akong bakla ng mga kapitbahay namin.
03:05.9
Sa sinabing niyo ni nanay alam ko na ikakahiyan niya ako sa sandaling malaman niya na isa akong binabae.
03:13.6
Pinilit ko pa rin na magpakalalaki.
03:16.4
Pinilit ko makipaglaro sa mga batang lalaki pero binubuli lamang nila ako.
03:21.8
Sinasabi nila na hindi ako pwedeng sumali sa laro nila dahil sa isa akong bakla.
03:27.4
Madalas tuloy ay umuuwi ako sa bahay na umiiyak at kapag nakita pa ako ni nanay na umiiyak ay pinapalo niya ako.
03:36.2
Ang lalaking kagaya kurawa hindi dapat na umiiyak dahil ugali lamang yun ang isang bakla.
03:42.7
Maraming beses din na nilulublub ng nanay ko ang ulo ko sa timbang may tubig at tinatanong niya ako
03:49.4
kung isa ba akong lalaki o sirena.
03:53.7
Para hindi ako lalong sakta na sinasabi ko na lalaki ako.
03:58.1
Kahit ang totoo ay pangarap ko ang maging sirena na pa-swim-swim lang sa dagat kasama ang mga fish.
04:05.7
Nang mag-high school ako ay nabuntis ang panganay naming kapatid kaya umalis siya sa bahay.
04:11.4
Galit na galit noon ang nanay ko kasi si Ate ang inaasahan ni nanay na makakatulong sa aming pamilya
04:17.8
pero dahil sa nag-asawa na ito ay kailangan na nitong pagtuunan ang pansin ng sarili nitong pamilya.
04:24.7
Sumunod na umalis sa bahay ay ang aking pangatlong kapatid na naglayaas at sumama sa boyfriend niya
04:30.3
kaya tatlo na lamang kaming anak ni nanay ang natira ng kasama niya.
04:34.9
Balibunso pala ako papadudod.
04:38.1
Hindi madali ang buhay namin dahil sinanay lamang ang nagtatrabaho para sa aming lahat.
04:43.4
Umaga pa lamang ay kumakayod na siya.
04:46.1
Naglalabandera siya at sa hapon ay nagbibenta ng mga kakanin na pangmeryenda.
04:51.4
Bago dumilim ay nasa bahay na siya at nagluluto para sa aming hapunan.
04:57.7
High school ako nang nalaman ko na kahit na anong gawin ko ay hindi ko na maalis ang aking kabaklaan.
05:06.8
Nagkakakrush na kasi ako sa lalaki noon at naiimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng damit ng babae.
05:15.4
Kapag ako lang mag-isa sa bahay ay ginagawa kong gaw ng kumot at ang tuwalya ang aking buhok.
05:22.5
Romaram pa ako na akala mo yung isang beauty queen.
05:26.0
Tuwang-tuwa naman sa akin ang kapatid kong pangalawa na si ate Joyce.
05:30.6
Siya pa nga ang nagdadamit sa akin at pinapahiram niya sa akin ang damit niya.
05:36.2
Kumbagay e, suportado niya ako kung ano talaga ako papadudut.
05:42.2
Isang hapon dahil wala si nanay sa bahay ay binihisan ako ni ate Joyce na parabang lalaban ako sa Miss Universe.
05:50.9
Kagaya ng dati ay ang kumot ulit ang gawin ko.
05:54.9
Pinarampa niya ako ng pinarampa hanggang sa mapagod ako.
05:59.3
Ang siyasiya ko kasi may isang tao na natutuwa sa pagiging bakla ko.
06:04.2
Kaya ate Joyce ko naramdaman na may tatanggap pa rin sa akin kahit sino pa ako.
06:09.8
Nagulat kami ni ate nang biglang dumating si nanay.
06:13.3
Nahuli niya ako na nakasuot ng kumot.
06:16.0
Galit na galit siya at pinalo niya kaming dalawa ni ate Joyce gamit ang isang kawayan.
06:22.7
Talagang nagkaroon ng latay ang katawan naming magkakapatid papadudut.
06:27.6
Kaya nagiging bakla ang kapatid mo ay dahil sa pangungunsin ti mo Joyce.
06:32.2
Wala kang kwentang kapatid, bulyao ni nanay kay ate.
06:36.6
Pero na, bakla talaga si Ariel at wala na tayong magagawa pa para baguhin siya.
06:42.2
Hindi mo pwedeng supportahan mo na lang siya?
06:44.6
Umiiyak na sagot pa ni ate.
06:47.8
Salot ang isang bakla!
06:50.2
Gusto mo bang habang buhay siyang pagtawanan ng ibang tao?
06:53.4
At saka nakalimutan mo na ba na dahil sa isang bakla ay iniwan tayo ng tatay mo?
06:57.7
Galit na turan pa ni nanay.
07:00.6
Kahit na, bakit di mo na lang tanggapin na bakla si Ariel at walang mali sa kanya?
07:05.7
Katwiran pa ni ate Joyce.
07:08.4
Dahil sa pagsagot ni ate Joyce kay nanay ay napalo ulit siya.
07:13.0
Sobra akong natouch sa pagtatanggol ni ate sakin.
07:16.7
Na feel ko na mahal na mahal niya talaga ako.
07:19.5
Yun nga lang na dahil sa ginawa niya ay nasaktan siya lalo papadudut.
07:24.9
Nang mag third year high school ako ay talagang lumabas na ang aking pagiging Becky.
07:29.5
Wala nang nagawa pa si nanay para gawin akong lalaki ng time na yon.
07:33.8
Hinayaan na lamang niya akong maging bakla pero hindi niya pa rin ako tanggap.
07:37.9
Kapag mainit ang ulo niya kasi at wala siyang pera ay ako ang pinagbubuntungan niya ng galit niya.
07:44.3
Ako raw kasi ang mala sa buhay niya dahil isa akong bakla.
07:48.6
Isang araw ay kinausap ako ni ate Joyce.
07:51.8
Meron daw Miss Gay sa kabilang bayan at ang gusto niya ay sumali ako.
07:56.5
Siya raw ang bahala sa lahat ng susuotin ko.
07:59.8
Magaling naman daw akong sumayaw at yon ang pwede kong talent.
08:03.8
Tumatakingting na 5,000 pesos daw ang grand prize at may grocery pa.
08:09.7
Kung hindi man daw ako manalo ay may 500 pesos na consolation prize.
08:17.1
Ate, hindi ako sanang humarap sa maraming tao
08:20.2
saka kapag nalaman niya ni nanay mabubugbog tayong dalawa, turan ko.
08:25.4
Ano ka ba? Okay lang mabubugbog. Meron ka namang 500 pesos.
08:30.8
Naniniwala ako sa kakayahan mo.
08:33.5
Pero promise ha, hindi malalaman ni nanay na sasalig ka roon. Akong bahala, ang sabi pa ni ate.
08:40.2
Sure ka ba dyan ate? Baka kasi matalo lang ako.
08:43.8
Huwi ka ko.
08:45.4
Matalo o manalo ayos lang. For experience lang naman eh.
08:49.8
Malay mo sa ganyan ka makilala at umaman,
08:52.6
magkaroon pa ako ng kapatid na beauty queen.
08:55.2
Nakangiting turan pa ni ate.
08:57.8
Kinakabahan talaga ako ate.
09:00.4
Ikaw nalang kaya ang sumali, sambit ko.
09:03.8
Baliw ka? Mukha ba akong bakla?
09:06.3
Kung ako lang sanang bakla eh lahat ng gay beauty pageant ay sasalihan ko na, ang sabi pa ni ate.
09:13.0
Beauty contest pala yun eh. Wala akong beauty ate.
09:16.6
Pinangihinaan na loob na wika ko.
09:20.2
May ganda ka Ariel. Yun ang ilalabas natin.
09:24.1
Nakasamula man ang loob mo at kapalan ang mukha.
09:27.0
Wala ka bang tiwala sa akin?
09:29.0
Hindi kita. Pababayaan.
09:31.4
Huwi ka pa ng aking ate.
09:34.0
Sa huli ay nakumbinsya ako ni ate Joyce na sumali sa gaganaping Miss Gays sa kabilang bayan.
09:39.8
Siyang nanghiram na mga susu o tingko at siya rin ang nagmake up sa akin.
09:43.8
Kasama niyang boyfriend niya sa pagsuporta sa akin,
09:46.8
ang dyawa ni ate Joyce ang nagbayad ng registration fee para makasali ako sa contest.
09:53.0
Sa gabi ng contest ay sinabi ni ate kay nanay na isasama niya ako sa disco sa bayan dahil nga sa fiesta doon.
10:01.0
Pinayagan naman kami ni nanay basta huwag kami magpapagabi ng sobra.
10:05.4
Kinakabahan man ako ng gabing yun ay masaya pa rin ako dahil maipapakilala ko na rin sa napakaraming tao ang totoong ako, Papa Dudut.
10:13.4
Sa totoo lang kasi, pangarap ko rin na sumali sa ganung contest.
10:17.4
Yung maipakilala ko na proud becky ako at maisyoshowcase ko rin ng aking talent sa pagsasayaw.
10:24.4
Hindi ako nagwaging sa Miss Gay na yun, Papa Dudut, third runner up ako pero meron akong 1,000 pesos, grocery, sash at corona.
10:33.4
Tuwang-tuwang kami ng ate ko at ng dyawa niya kasi unang sali ko pa lamang sa ganung contest ay third runner up ka agad ako.
10:41.2
Iba pala ang pakiramdam, ang ganun na pinapalakpakangka ng mga tao.
10:46.3
Bago kami umuwi ay nalis ko muna ang make up ko at ang gaon na aking suot.
10:51.1
Madaling araw na kaming naka uwi ni ate at nagpasalamat kami dahil tulog na si nanay.
10:56.3
Itinago ko sa aking mga damit, ang corona at ang sash.
11:00.4
Ang grocery ay binigay namin sa dyawa ni ate at naghati kami ni ate sa pera.
11:05.1
700 sa akin at 300 naman sa kanya.
11:09.3
Akala ko ay maililihim namin ni ate kay nanay ang lahat.
11:13.3
Pero kinabukasan ng umaga ay may nakausap si nanay na isang babae sa tapat ng aming bahay.
11:19.2
Sinabi niya kay nanay na ang ganda-ganda koraw nang sumali ako sa Miss Gay noong isang gabi.
11:25.1
Naninig ko yun habang nasa loob ako ng bahay kaya alam ko agad ang mangyayari sa akin.
11:31.0
Galit na galit na pumasok sa bahay si nanay at sinabunutan niya ko.
11:36.6
Wala ka na talagang kahihiyan sa katawan mong bakla ka?
11:39.8
Talagang pinapakita mo pa sa ibang tao yung kabaklaan mo?
11:43.4
Galit na sigaw ni nanay sa akin.
11:46.8
To the rescue naman si ate Joyce.
11:49.0
Sinabi niya kay nanay na walang mali sa ginawa ko.
11:52.0
Marami pa nga raw tao ang humanga sa akin pero kahit anong sabihin ni ate,
11:57.0
ay sarado talaga ang isip ng aming ina.
12:01.2
Hinalughug niya ang mga damit ko at nang makita niya ang sash at korona ko ay sinira niyon at itinapon sa basurahan.
12:09.0
Grabe ang iyako noon.
12:10.5
Napakasakit sa akin na sinira lamang ng nanay ko ang bagay na napakahalaga sa akin.
12:15.7
Para kasi sa akin ay simbolo ang sash at korona na yun, ang totoong pagkatao ko.
12:20.8
Isa pa yung remembrance ko yun sa una kong pagsale sa Miss Gay.
12:25.0
Tama na ang pagkonsentimo sa kabaklaan ng kapatid mo, Joyce.
12:28.6
Papalayasin talaga kita kapag naulit pa ito.
12:31.6
Hindi na kayo nahiya, sigaw ni nanay kay ate.
12:35.5
Kayo lang naman ang ikinakahiya si Ariel nanay.
12:39.0
Maraming tao ang nagandahan sa kanya kagabi, sagot pa ni ate Joyce.
12:44.1
At talagang sumasagot ka na sa akin ngayon ha, sigaw pa ni nanay.
12:49.0
Pinalo kaming dalawa ni ate Joyce ni nanay.
12:51.9
Iya kami ng iyak pagkatapos.
12:54.3
Nagsisisituloy ako kung bakit pa ako nagpush sa Miss Gay na yon, papadudot.
12:59.0
Nasaktan patuloy si ate.
13:01.4
Pero ang sabi niya sa akin ay huwag, huwag akong matakot.
13:05.0
Kasi meron namang kaming pera at kapag daw nagkaroon ulit ng ganong contest ay isasali niya ulit ako.
13:11.3
Kahit napalo kaming dalawa ay hindi ko pa rin mapigila ng maging masaya dahil
13:16.0
meron akong isang kapatid na supportado ako at naniniwala sa akin.
13:20.6
Kaya sinabi ko kay ate Joyce na sana ay huwag niya akong iiwanan kasi wala na akong magiging kakampi kapag iniwan niya ako.
13:29.2
Nangako si ate Joyce sa akin na hindi niya ako iiwanan.
13:32.8
Hanggang sa pangtandaraw namin ay magkasama pa kaming dalawa, papadudot.
13:38.6
Isang umaga'y nagising ako nang marinig ko ang sigawan ni na nanay at ate Joyce.
13:44.2
Napatayo ka agad ako at nakita ko na sinasabunutan ni nanay si ate.
13:49.2
Agad akong umawat pero maging ako ay sinaktan din ni nanay, papadudot.
13:53.3
Parehas lang umiiyak na dalawa at yon pala ay nalaman ni nanay na buntis si ate Joyce.
13:58.8
Maging ako ay nagulat sa mga nalaman ko, papadudot.
14:02.4
Ang naisip ko kaagad ay malaki ang chance na maging si ate Joyce na nag-iisa kong kakampi sa bahay na yon ay mawala na rin.
14:10.1
Matapos nasaktan ni nanay si ate ay nag-usap kaming dalawa.
14:15.2
Ate, bakit mo naman hinayaan na mabuntis ka?
14:19.2
Aalis ka na rin ba dito sa bahay kagayan ng iba nating kapatid?
14:22.8
Umiiyak kong tanong sa kanya.
14:25.7
Hindi ko alam Ariel, sorry kung hinayaan ko mangyari ito.
14:30.6
Ang totoo ay natatakot ako sa gagawin ni nanay sa akin at sa baby ko.
14:35.1
Gusto niya kasi na ipalaglag ko ito, turan pa ni ate.
14:40.2
Buhay yan ate, huwag kang papayag, wika ko.
14:45.0
Hindi naman talaga ako papayag eh, ewan ko ba kay nanay?
14:49.0
Hindi ko na maintindihan ang paraan niya ng pag-iisip, sambit pa ni ate Joyce.
14:54.6
Ate please, huwag kang aalis dito sa bahay, hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwanan mo ko.
15:01.8
Patuloy sa pag-iiyak na sabi ko.
15:05.2
Hindi na nagsalita si ate at niyakap na lamang niya ko.
15:09.2
Makalipas nga ang dalawang araw ay doon na nangyari ang kinakatakutan ko.
15:13.8
Sabi nga nila promises are meant to be broken at isang gabi ay nalimpungatan ako sa aking pagtulog at nahuli ko si ate Joyce,
15:21.8
na may nakasukbit na bag sa likod at tahimik na lumalabas ng bahay.
15:26.6
Hindi na ko nag-isip pa.
15:28.4
Sinundan ko siya sa labas dahil alam ko na maglalaya siya.
15:32.2
Agad ko siyang niyakap para pigilan at napaiyak ako ng sobra.
15:37.0
Akala ko ba hindi mo ko iiwanan ate?
15:41.0
Bakit aalis ka? tanong ko sa kanya habang luhaan.
15:45.4
Ariel sana maintindihan mo ko sa gagawin kong ito.
15:48.6
Ayokong iwanan ka pero kailangan kong protektahan ang anak ko kay nanay.
15:53.4
Disidido na kasi talaga siya na ipalaglag ang anak ko at ayokong mangyari yun.
15:58.5
Naiiyak niyang paliwanag.
16:01.7
Pero paano ka? saan ka magtatago? tanong ko.
16:07.0
Sasama ako sa boyfriend ko.
16:09.0
Doon kami sa probinsya nila sa Leyte.
16:11.5
Mas okay doon kasi malayo kay nanay.
16:14.6
Kaya hayaan mo na akong umalis Ariel.
16:17.2
Huwag ka maglalala dahil kapag naging okay na ang buhay ko doon ikukunin kita.
16:21.2
Babalikan kita pangako ang sabi pa ni ate Joyce.
16:25.5
Masakit man para sa akin na hayaan si ate Joyce na umalis ay hinayaan ko na lamang siya papadudut.
16:32.2
Nakasalalay na kasi ang buhay niya at ng kanyang dinadala.
16:36.1
Ayokong magiging makasarili ng time na yun at kinabukasan ng umaga'y nagkunwari akong walang kalam-alam.
16:42.4
Nalaman na nalabang ni nanay na naglaya si ate ng hindi na nito makita ang mga gamit ni ate.
16:48.1
Nakita ko na pinipigilan ni nanay ang mga luha niya.
16:52.1
Lahat na lang ng anak ko iniwanan ako.
16:54.5
Testing buhay ito.
16:56.1
Ang natira pa'y walang silbing bakla.
16:58.4
Imotok ni nanay.
17:01.0
Tinanong ako ni nanay kung alam ko kung saan nagpunta si ate.
17:05.0
Hindi ko po alam.
17:06.6
Wala po siyang nabanggit sa akin pagsisinungaling ko.
17:11.0
Napaka tigas talaga ng ulo ng Joyce na yan.
17:14.6
Ikaw Ariel, kung lalayas ka ay lumayas ka na rin.
17:18.2
Wala kong pakialam kung mawala ka pa sa buhay ko.
17:22.1
Ang sabi ni nanay.
17:24.5
Hindi po ko maglalayas, nay.
17:26.9
Hindi ko po kayo iiwanan.
17:29.1
Turan ko.
17:31.0
Dahil siguro sa labis na dinamdam ni nanay ang paglalayas ni ate Joyce.
17:36.0
At dahil na rin sa pagod sa pagtatrabaho ay inatake siya sa puso.
17:40.6
Walang wala kami noon papadudud at hindi ko alam kung kanino ako lalapit.
17:46.1
Hanggang isang may kaya naming kamag-anak ang kinausap ni nanay.
17:50.2
Gusto niyang ampunin ang bunso naming kapatid at hindi kasi sila nagkaroon ng anak ng asawa niya.
17:55.8
Ang sabi ni nanay ay ako na lang daw ang ampunin pero ayaw ng kamag-anak namin dahil hindi na raw ako bata.
18:03.6
Nangako kay nanay ang kamag-anak namin nayon na magiging maganda ang buhay ng kapatid ko sa kanila
18:09.1
at babayaran din ito ang bills ni nanay sa ospital at bibigyan pa ng pera si nanay.
18:15.2
Hindi ako makapaniwala na pumayag si nanay na ipampon ang aming bunso, papadudud.
18:21.0
Siguro talagang gipit na rin siya at yun lamang ang tanging paraan na naisip niya para makapagbayad kami sa bills
18:28.1
sa ospital at para na rin meron siyang pambilin ng gamot na kailangan niyang i-take ng pangmatagalan na panahon.
18:36.2
Kaya nangyari nang makala ba si nanay ng ospital ay kaming dalawa na lamang ang natira sa bahay.
18:43.3
Ginamit ni nanay sa puhunan sa pagtitinda ng isda ang perang na kuha niya sa pagpapaampon sa bunso kong kapatid.
18:52.4
Kahit na hindi ganong kalakas ang katawan niya at namamanhid ng madalas ang kaliwang bahagi ng katawan niya ay patuloy pa rin siya sa kanyang pagtatrabaho.
19:01.5
Napansin ko na mas naging mainitin ang ulo ni nanay nang kaming dalawa na lamang sa bahay.
19:06.9
Natuto na rin siyang mag-inoma at kapag umuwi siyang lasing ay ako ang palaging niyang pinagdidiskitahan.
19:13.1
Minsan ay binubugbog pa niya ako, parang ang pananakid sa akin ang naging pampaantok niya kapag lasing siya.
19:20.2
Palagi niya rin sinasabi sa akin na ako ang punot dulo ng kamalasan niya sa buhay dahil isa akong bakla.
19:27.9
Pinagtapos naman ako ni nanay ng high school pero after noon ay sinabi niya sa akin na bahala na ako sa buhay ko.
19:34.8
Wala raw siyang balak na pag-aralin ako ng college dahil alam niya na kahit anong aral ko ay kung bakla ako ay walang mangyayari sa aking buhay.
19:44.5
Wala raw akong pag-asenso.
19:47.6
Sa kabila ng lahat ng naranasan ko sa aking ina ay never akong nagtanim ng samanang loob sa kanya.
19:53.8
Ang totoo ay naiintindihan ko siya papadudod.
19:57.8
Yung galit niya sa kagaya kung bakla ay nagmula sa pagtataksil ni tatay sa kanya at sa pagsama nito sa isang begi.
20:07.2
Alam ko rin na sobra siyang nasakta dahil sa isa-isang umalis ang mga anak niya at wala siyang nagawa.
20:13.8
Kumbaga ang galit ni nanay ay result na ng mga masasakit na bagay na nangyari sa kanyang buhay.
20:19.8
Kaya kahit anong hampas paalo at sa punot niya sa akin ay mahal na mahal ko pa rin siya.
20:25.8
Nangako rin ako sa sarili ko na darating ang panahon na mapapatunayan ko kay nanay na walang mali sa pagiging bakla ko.
20:34.9
At kahit iniwanan siya ng ibang tao ng iba kong kapatid ay mananatili ako sa tabi niya habang buhay.
20:45.1
Hindi ko kayang iwanan ang nanay ko papadudod kahit napakaraming dahilan para gawin ko yun.
20:51.6
Iniisip ko pa lamang na magiging mag-isa si nanay ay nasasaktan na kaagad ako para sa kanya.
20:58.0
Ayokong isipin na isa akong pabigat sa nanay ko kaya kahit wala pa akong 18 years old ay nagtrabaho na kaagad ako.
21:06.0
Natanggap ako sa isang parlor, nagwawalis ako ng mga buhok at naglilinis ng mga gamit.
21:11.4
150 pesos ang kinikita ko kada araw at lahat ng yun ay ibinibigay ko sa aking nanay.
21:17.6
Wala akong itinitira para sa aking sarili.
21:20.6
Wala rin namang kasi akong gustong binihin.
21:23.2
Mas importante sa akin ang makatulong kahit papaano sa gastos namin sa bahay.
21:29.6
Palagi ako nanonood noon ang paggupit sa parlor.
21:32.8
Natuwang isang beki na nagtatrabaho sa akin doon na si Natasha.
21:37.0
Aniya'y manood lamang ako dahil sa ganoon ay pwede akong matuto.
21:41.2
Hanggang sa tinaruan niya ako ni Natasha na maggupit ng buhok.
21:45.2
Mabilis akong natuto at makalipas nga ang isang taon ay isa na rin po akong hair stylist sa parlor na yon.
21:51.8
Nadagdaga na rin ang sinasahod ko kahit papaano.
21:55.2
Si Natasha ang nag-guide sa akin.
21:57.6
Siya rin ang nagturo sa akin kung paano ang mag-makeup.
22:01.0
Siya ang naging testingan ko noon.
22:03.3
Naging matsaga siya sa akin hanggang sa natuto na talaga ako na mag-makeup.
22:09.0
Dapat ay marami kang alam na skills Ariel.
22:12.1
Mas marami kang alam, mas malaki ang kikitain mo, ang sabi sa akin ni Natasha.
22:18.7
Kaya nga thank you kasi tinuruan mo ko sa lahat ng nalalaman mo.
22:23.1
Hindi ako matututong maggupit at mag-makeup kung hindi dahil sa'yo.
22:27.3
Pagpapasalamat ko.
22:29.8
Nakita ko kasi ang sarili ko sa'yo.
22:32.7
Kagaya mo hindi rin tanggap ng pamilya ko na bakla ako.
22:36.2
Lalo na ang tatay ko.
22:38.3
Palagay niya akong pinapalo.
22:40.3
Nagles na lang ako kesa madeads ako sa bugbog niya.
22:43.9
Pero ikaw?
22:45.3
Alam ko ang kwento mo.
22:47.7
Huwag mong iiwanan ang nanay mo at ipakita mo sa kanya na mali siya nang akala sa'yo.
22:52.3
Magsumikap ka sa buhay at isama mo ang nanay mo kapag umahon ka na sa kahirapan.
22:57.0
Ang payupan ni Natasha sa akin.
23:00.6
Yan talaga ang gusto kong mangyari.
23:03.0
Gusto ko na matanggap ni nanay kung ano ako.
23:06.2
Gusto ko na ako ang mag-ahon sa kanya sa hirap.
23:09.3
Kila nangangarap kong wika.
23:12.2
Ngunit ng time na yon ay parang hanggang pangarap na lamang talaga ang matanggap ako ni nanay.
23:18.4
Kahit kasi nakapagbibigay na ako sa nanay ko ng pera ay alam ko naggalit pa rin siya sa akin.
23:24.9
Palagi pa rin siyang nakabulyaw sa akin at ako pa rin ang sinisisi niya sa lahat ng kamalasan na nangyayari sa kanyang buhay.
23:33.0
Masakit man yon sa akin ay patuloy pa rin ako sa pagmamahal sa aking nanay, Papa Dudot.
23:38.8
Dumating ang panahon na nalugi ang pagtitinda ni nanay ng isda.
23:43.3
Doon na lang kasi siya nagfocus.
23:45.8
Dumami na kasi ang nagtitinda ng isda sa lugar namin hanggang sa tuluyan ang naubos ang pera ni nanay para makapagtinda siya ng isda.
23:54.4
Hindi niya yon sinabi sa akin at napansin ko na lamang na hindi na siya nagtitinda.
23:59.0
At nang tanungin ko siya ay sakalang niya yon sinabi sa akin.
24:03.8
Gusto niyo po bang magtinda ulit ng isda, nay?
24:06.6
Mangutang po ako sa mga katrabaho ko ng pera para meron po ulit kayong puhunan, ang sabi ko.
24:13.6
Huwag na, magkakaroon pa ako ng utang na loob sa iyo, sagot ni nanay.
24:18.9
Nay, hindi naman po utang na loob yun.
24:21.4
Bilang anak ninyo ay obligasyon ko na tulungan kayo.
24:24.8
Huwag po kayong mag-alala at bigay ko po yon sa inyo at hindi niyo kailangang bayaran, wika ko.
24:31.1
Ayoko, kung makakapagtinda ulit ako ay sa sarili kong paraan.
24:35.6
Baka mas lalo pa akong malugi kapag nanggaling ang puhunan sa iyo.
24:39.2
Malas ka kasi, inis na wika ni nanay.
24:43.2
Bumanig si nanay sa pagtanggap ng labada-papadudut.
24:47.0
Minsan, kahit gabing-gabi na akong umuwi ay naglalaba pa rin siya.
24:51.9
Awangawa ako sa kanya at isang beses ay sinubukan ko siyang tulungan pero bigla siyang nagwala.
24:58.9
Galit na galit siya sa akin at ibinuhos pa niya sa akin ng isang palanggana na may sabon.
25:06.2
Gaya ng dati ay sinabi niya na ako ang dahila ng lahat ng nangyayaring hindi maganda sa buhay niya.
25:13.0
Wala kong nagawa kundi ang umiyak ng time na yon.
25:16.3
Kaya sumula ng mangyari yun ay hindi na ako nagtangka.
25:20.1
Natulungan si nanay sa paglalaba kasi natatakot na ako na maulit yon.
25:25.0
20 years old ako nang may makilala akong lalaki, si William.
25:30.1
Matanda siya sa akin ng dalawang taon at madalas ay sa parlor kung saan ako nagtatrabaho siya nagpapagupit.
25:37.0
Ako ang palaging niyang nirequest na maggupit sa kanya dahil kuha ako raw ang gusto niyang gupit.
25:42.3
Palagi kami nagkwekwentuhan habang ginugupitan ko siya hanggang sa naging close na kaming dalawa.
25:48.0
Isang beses ay inaya niya ako na uminom sa bahay nila dahil birthday pala ng kaibigan niya.
25:53.4
Kahit na hindi ako umiinom ay sumama pa rin ako sa kanya at aaminin ko na crush ko na si William.
25:58.9
At umaasa ako na kahit bakla ako ay may mararamdaman pa rin siyang pag-ibig sa akin.
26:05.1
Sa inuman ay hindi ako masyadong umiinom, marami sila.
26:08.7
Sa pagkakatanda ko ay sampu kaming nagiinoma ng gabing yon.
26:12.3
Nang maubos ang alak ay nagkaturuan kung sino ang susunod na bibili.
26:17.2
Binunungan ako ni William na baka pwedeng humiram siya ng 500 pesos para pambili ng alak.
26:23.0
Malaking bagay na para sa akin ng 500 at nakabadget na ang pera ko para sa amin ang nanay ko.
26:29.4
Pero dahil sa ayaw kong mapahiya kay William ay pinautam ko siya ng halaga ng pera na hinihiram niya.
26:37.4
Simula nang manghiram si William, sa akin ang pera ay naging habit na nyayon papadudut.
26:42.9
Kapag nakikipagkita siya sa akin ay hindi pwedeng hindi siya mangungutang sa akin.
26:47.7
Dahil sa crush ko talaga siya ay sigil lang ako ng pagbigay sa kanya.
26:52.6
Naaawa kasi ako sa kanya papadudut.
26:55.6
Nangihiram siya ng pera sa akin at ang sabi niya ay pinangbibili niya yon ng gamot ng nanay niyang may sakit.
27:02.6
Naiintindihan ko si William, kahit man ako kung may sakit ang nanay ko at wala akong pera ay kakapalang ko rin ang mukha ko para manguntang.
27:11.8
Pero si William pala ay isang manluloko.
27:15.0
Isang umaga sa parlor ay may sinabi sa akin si Natasha.
27:19.2
Ariel, alam mo na ba ang latest? tanong sa akin ni Natasha.
27:24.4
Naku, chismis na naman yan ha, wala akong interes na ganyan, walang gana kong sabi.
27:30.3
Talaga ba? wala ka pa rin bang interes kung sabihin kong tungkol kay William ang sinasabi mong chismis?
27:36.6
Wika pa ni Natasha
27:39.1
Anong tungkol kay William?
27:41.1
Agad ako nagkaroon ng interes nang bangitin ni Natasha ang pangalan ng crush ko.
27:46.5
Kita mo na kapag si William umiikot yung puto mo, eto na nga o ito ang chika chika ko sayo.
27:54.3
At hindi ito chismis ha, at pawang katotohanan lamang.
27:58.8
Nahuli raw ng pulis si William, nirid ang bahay nila at nahuli sa akto na gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
28:06.3
Ayun kalaboso ang loko, ang turan pa ni Natasha.
28:11.4
Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa aking nalaman papadudut.
28:16.6
Agad ko napagtanto, na ang perang pinapahiram ko kay William ay ginagamit pala niya sa bisyo.
28:22.6
At hindi totoo na pinambibilin niya ng gamot ng kanyang nanay.
28:26.9
Alam ko kasi na walang trabaho si William, kaya yun ang naisip ko.
28:31.4
Kaya pala halos linggo-linggo siya kong manghiram sa akin ng pera.
28:36.2
Nasaktan ako ang buong akala ko kasi ay crush din ako ni William, kaya siya palagin nakikipag-usap sa akin.
28:43.6
Yun pala ay ginagamit lamang niya ako dahil alam niya siguro na may gusto ako sa kanya.
28:49.4
At hindi ko siya matatanggihan kapag sa akin siya humiram ng pera.
28:54.2
Sa pag-uwi ko sa bahay namin ang gabing yun ay hindi ko maitago ang kalungkutan.
28:59.4
Nangihina akong umupo at napatulala.
29:02.7
Nang makita ako ng nanay ko ay napansin niya na malungkot ako.
29:07.3
Bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang baklang na talo sa tongits po na ni nanay.
29:14.2
Natalo nga po ako pero hindi sa sugal kundi sa pag-ibig.
29:17.9
Yun lalaki po kasi na akala ko yung may gusto sa akin ay pinarahan lang pala ko.
29:22.0
Sumbong ko.
29:23.8
That time ay sinabi ko yun sa nanay ko dahil kailangan ko ng isang tao na mapagsasabihin ang aking pinagdadaanan.
29:31.2
Inasahan ko na ay kukomfort ako ni nanay pero iba ang nangyari.
29:35.4
Tinawanan pa niya ako at imbis na palakasin ang aking loob ay sinabing ni nanay natanggapin ko na walang lalaki ang magseseryoso sa akin.
29:45.1
Lahat daon ng lalaki ay peperahan lamang ako at yun daw ay dahil sa isa akong bakla.
29:52.6
Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ng nanay ko, Papa Dudut.
29:56.6
Tumanim yun sa isipan ko at nasabi ko na baka nga ganun talaga ang rule ko sa mundo.
30:03.0
Ang perahan lamang ng mga lalaki.
30:05.6
Kaya simula ng gabing yun ay nangako ako sa aking sarili na isasantabi ko na muna ang pangarap ko na may lalaking magmamahal sakin.
30:14.7
Ayaw ko na kasing masaktan ulit kaya mas makakabuti kung iwasan ko na ang mga bagay na pwedeng makapanakit sa aking puso.
30:23.8
Itinoon ko na lamang ang aking sarili sa pagtatrabaho.
30:27.7
Isang araw ay nagpaalam sakin si Natasha.
30:30.7
Magpupunta na raw kasi siya sa Japan at doon na siya magtatrabaho.
30:34.9
Matagal na raw niyang inasikaso yun.
30:37.3
Sobra akong nalungkot dahil sa si Natasha lamang ang kaklose ko sa parlor tapos ay mawawala pa siya.
30:43.8
Nararamdaman ko ulit yung nararamdaman ko nang umalis si Ate Joyce.
30:47.8
Pero dahil alam ko na para yun sa pangarap ni Natasha ay naging masaya ako para sa kanya.
30:54.2
Ilang araw bago ang Pasko ay binigyan kami ng bonus ng may ari ng parlor.
30:59.0
Tuwang tuwa ako kasi may pera na ako na pambilin ng pangnoche buena.
31:03.4
Namin ang nanay ko.
31:05.4
Isang araw bago ang Pasko ay namili na ako ng panghahanda namin.
31:10.2
Bumili ako ng pangspageti, ham at tinapay.
31:13.8
Para sa akin ay okay na yun lalo na at ng mga lumipas na Pasko.
31:18.1
Ay wala kaming handa dahil wala kaming pera.
31:21.3
Gusto ko na kahit dalawa lamang kami ni nanay ay merong kaming mapagsaluhan kahit bapaano.
31:27.7
Hapon pa lamang ay inumpisahan ko ng pagluluto ng spageti.
31:31.8
Wala panoon si nanay sa bahay at hindi ko alam kung nasaan siya.
31:35.9
Ilang minuto bago mag alas 12 ay dumating si nanay at lasing na lasing siya.
31:40.9
Sinabi ko sa kanya na naghanda ako para sa aming noche buena.
31:45.7
Talagang gumastos ka pa para sa pagbili ng mga yan?
31:49.0
Kung ibinigay mo na lang sa akin yan ay may pambili pa sana ako ng bigas, bulyaw niya sa akin.
31:56.5
Binigyan po kasi ako ng bonus ng boss namin.
31:59.7
Nay, halika't kumain na tayo, mag noche buena po tayo, anyaya ako kay nanay.
32:06.4
Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa saluhan ka ng pagkain, baka malasin pa ako lalo eh ang tura niya.
32:14.2
Kahit ngayong noche buena lang po, magkasabay tayong kumain, Pasko naman po nanay.
32:20.6
Sanay pagbigyan niyo ako, ang tagal na kasi natin hindi sabay na kumakain, please po ang nakikiusap kong wika.
32:30.0
Hindi ko napilit si nanay na mag noche buena nagkasama ko o papatudot, umiga siya at natulog na.
32:36.5
Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa sobrang sakit.
32:40.2
Habang mag isa akong kumakain ay iyak ako ng iyak.
32:44.2
Hindi ko kasi alam kung paano ko uubusin ang handa na aking niluto.
32:49.3
Saka masamarin ang loob ko pero hindi ko pa rin magawang maggalit sa aking nanay.
32:55.2
Naisip ko na ang ibang pamilya ay masayang nagsasalo-salo ng kanilang handa tapos ako ay mag-isa at umiiyak.
33:02.8
Natapos ang Pasko at New Year na hindi ako sinaluhan ang nanay ko sa mga inihanda ko.
33:08.2
Siguro nga'y hindi na ako matatanggap ni nanay, baka forever na niya akong ituturing na mala sa buhay niya kahit na anong gawin ko.
33:18.0
Umalis na rin ako sa parlor na aking pinagtatrabahuhan nang magkaroon ako ng chance na magtrabaho sa isang patahian sa bayan.
33:25.1
Medyo mas malaki kasi ang saho doon kaya kahit mas bet ko ang magupit ng buhok at mag-make up ay mas pinili kong umalis sa parlor.
33:35.7
Kahit kasi dalawa na lamang kami ni nanay ay kailangan ko pa rin kumayod ng sobra dahil hindi tumitigil ang mga dapat naming bayaran.
33:43.8
Buwan-buwan kagaya ng kuryente at ng utang ni nanay.
33:49.0
Isang gabi kaka-uwi ko lang noon sa trabaho. Sobra akong nagulat nang pagating ko sa bahay ay naroon si Ati Joyce at ang baby niya.
33:57.7
Napaeyak ako sa sobrang tua at niyakap ko pa siya.
34:01.7
Ang akala ko kasi talaga ay hindi na siya bibisita sa bahay pero hindi pala yun simpleng pagbisita lamang kundi talagang nagbabalik na siya.
34:11.7
Dito na ulit ako titira Ariel. Nakausap ko na si nanay kanina as usual binungangaan niya ako pero sa huli pumayag siya. Ang sabi ni Ati Joyce.
34:22.9
Masaya ako na dito ka na ulit titira kasama ang baby mo pero bakit? Anong nangyari? Tanong ko.
34:30.1
Naghiwalay na kami ng boyfriend ko. Babaero pala ang hayop na yun. Ilang beses kong nahuli na may ibang babae.
34:37.2
Matagal ko nang gustong lumaya sa kanila kasi hindi rin magandang pakikitungo sa akin ng pamilya niya.
34:42.8
Dito lang kasi ako nakapag-ipon ng perang pamasahe pabalik.
34:46.3
Naiiyak na sabi pa ni Ati Joyce.
34:49.6
Bakit hindi ka nagsabi sa akin? Bakit hindi ka tumawag sa akin o nag-text para natunuan kita?
34:55.9
Ang naaawa kong tanong.
34:58.3
Nahihiya kasi ako sayo Ariel. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo kasi iniwanan kita.
35:03.9
Kahit ako lamang ang kakampi mo rito sa bahay.
35:07.2
Ayaw ko nang abalahin ka pa. Turaan ni ate.
35:11.4
Hindi ako galit sa iyo ate. Ang totoo niya na inaintindihan ko kung bakit ka umalis at araw-araw kong umaasa na isang araw ay babalik ka.
35:21.0
At eto na nga nangyari na. Masaya kong wiga.
35:25.3
Isa na yata yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko Papa Dudut.
35:29.4
Sa wakas ay makakasama ko na ulit si Ati Joyce na matagal kong hindi nakita.
35:34.6
Bonus pa ang cute na cute niyang baby girl.
35:37.4
Nangako ako kay ate na tutulungan ko siya sa pagpapalaki sa kanyang anak.
35:41.3
Hindi ko siya maaaring pabayaan dahil sa ang sabi niya ay hindi na siya umaasa ng sustento ng ex niya dahil buntis na pala ang iba nitong babae.
35:51.3
Hindi naman iniimikan ni Nanay si Ati Joyce. Alam namin na masama pa rin ang loob niya kay ate dahil sa nangyari.
35:57.8
Ang sabi ko kay ate huwag na naman niyang dibdibin ng hindi pagpansin ni Nanay sa kanya at kapag lumipas na ang galit nito ay kakausapin din siya nito.
36:07.0
Kagayang ang pangako ko kay ate, tinulungan ko siya sa mga kailangan ng baby niya.
36:11.8
Mula sa diaper at gatas ay nagbibigay ako sa kanya.
36:15.9
Walang problema yun sa akin dahil kasiyahan ko na makatulong sa kanya kahit na sa maliit na paraan.
36:21.7
Yun nga lang ay kailangan ko mag-overtime ng madalas para lamang madagdagal ang sinasahod ko.
36:27.3
May mga times pa nga na puhapasok ako sa trabaho ng masamaang pakiramdam papadudot.
36:32.6
Makalipas ang ilang buwan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Natasha.
36:37.0
Masaya niyang ikinuwento sa akin ang trabaho niya sa Japan bilang hair stylist.
36:41.4
Mas malaki pala ang sinasahod niya roon kumpara sa Pilipinas.
36:45.5
Ariel magasikaso ka ng pagkuhan ng passport. Tutulungan kita na makapunta rito.
36:50.8
Bilisan mo habang hiring pa sila para magkasama ulit tayo sa trabaho.
36:55.0
Ang sabihin ni Natasha,
36:57.4
Seryoso ka ba? Pero parang hindi ko kayang malayo sa pamilya ko.
37:01.0
Bika ko.
37:03.0
Ganun talaga kailangan natin magsakripisyo para sa ating pamilya at sa ating sarili.
37:07.8
Walang mangyayari kung dyan ka lang.
37:09.8
Sayang ang husay mo.
37:11.8
Kung ang iniisip mo ay ang gaso sa pag-aasikaso, ako ng bahala.
37:15.7
Saka muna ako bayaran kapag nakaka-LL ka na.
37:18.9
Sambit pa ni Natasha.
37:21.6
Makailang beses kong pinag-isipan ang offer na yon ni Natasha Papadudut.
37:26.3
Maging si Ati Joyce ay hinihingian ko ng opinion at ayon sa kanya ay pagkakataon ko na yon.
37:33.4
Para patunayan kay nanay na wala akong kwenta at ako ang malas sa aming pamilya.
37:39.5
Ang sinabi ng kapatid ko ang nagtulak sa akin para tuluyang tanggapin ang offer ni Natasha.
37:45.4
Inasikaso ko ang pagkuhan ng passport at tinulungan din ako ni Natasha sa proseso kung paano ako makakaalis.
37:52.9
Wala akong nilabas na pera at si Natasha ang sumagot ng lahat hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa Pilipinas.
38:01.1
Hindi naging madali ang pag-aadjust ko sa Japan.
38:03.6
Palagi ako na ho-homesick at ng mga panahon na yon, may mga pagkakataon na gusto ko ng umuwi.
38:10.1
Mabuti at palaging nasa tabi ko si Natasha at nagsasabi na kailangan kong tibayan ang aking loob.
38:17.3
Sa loob ng mahigit isang taon ko sa Japan ay malaki na kagadang naitulong ko kina nanay.
38:22.4
Naumpisahan ko ng may paayos ang aming bahay at kahit papaano ay nakapag-ipon ako.
38:28.6
Unti-unti ko na rin nababayaran ang utang ko kay Natasha papadudut, yun nga lang kung kailan nasa point na ako ng buhay ko.
38:36.2
Nakaya ko ng patunayan kay nanay na mali siya nang iniisip na wala kong mararating ay saka naman siya nawala.
38:44.2
Isang umaga ayon kay Ati Joyce ay hindi nananagising pa si nanay.
38:49.4
Inatake pala ito habang natutulog.
38:52.3
Grabe ang iyako noon dahil hindi ako maaaring makauwi para sa libing ng aking nanay.
38:59.0
Nang makauwi ako sa Pilipinas ay ang puntudagad ni nanay ang pinuntahan ko.
39:04.6
Sinabi ko sa kanya na nangihinayang ako kasi hindi man lang siya nakapaghintay na tuluyan ko siyang may ahon sa kahirapan.
39:12.6
Hindi ko man lang na-experience at napa-experience sa kanya ang magandang buhay na deserve niya.
39:20.0
Sinabi ko rin na nagpapasalamat ako sa kanya dahil ang mga salita niya ang naging motivation ko sa buhay para mas lalong magsumikap.
39:28.1
Ganon pa man ay alam ko na kung nasaan man si nanay ay masaya siya dahil nakikita niya na kahit paunti-unti ay nagbabago na ang buhay ko.
39:36.6
At pinapangako ko sa kanya na hindi ko pababayaan si Ati Joyce at ang baby nito.
39:42.8
Sa kasalukuyan ay nandito pa rin ako sa Japan at nagtatrabaho.
39:46.9
Masasabi ko na malayo na ang buhay ko sa buhay ko noon.
39:50.9
Kuminsan hindi pa rin may iwasang manungkot dahil mas gusto ko sana nakasama ko si nanay hanggang ngayon para maibigay ko ang buhay na madagal ko ng pangarap para sa kanya.
40:02.6
Lubos na nagmamahal Ariel
40:07.4
Tunay na pinagpapala ang mga anak na hindi nagtatanim ng samaan ng loob sa kanyang mga magulang.
40:14.2
Ang isang anak na may respeto at pagmamahal sa magulang ay nagtatagumpay sa kanyang buhay.
40:20.5
Ngunit sa parte naman ng isang magulang, importante na tinatrato natin ang mabuti ang ating mga anak.
40:27.3
Huwag natin silang itakwil o kagalitan kung sila ay iba ang piniling landas, lalo na kung ito ay hindi naman masama.
40:36.7
Kung minsan kung sino pa ang minamaliit at ibinababa ay siya ang tumataas,
40:43.8
Huwag natin agad husgahan ng ating anak base sa kanyang kasarian, higit kung sila ay bata pa.
40:51.7
Mas kailangan nila ng ating paggabay at pagmamahal kesa sa palo at masasakit na salita na maaaring makaapegto ng malaki sa kanilang paglaki.
41:05.5
Huwag kalimutan na mag like, share and subscribe.
41:10.2
Maraming salamat po sa inyong lahat.
41:13.3
Ang buhay ay mahihwag at
41:19.5
Laging may lungkot at saya
41:25.7
Sa papatutut stories
41:30.0
Laging may karamay ka
41:38.1
Mga problemang kaibigan
41:44.8
Dito ay pakikinggan ka
41:50.8
Sa papatutut stories
41:55.7
Kami ay iyong kasama
42:03.6
Dito sa papatutut stories
42:07.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
42:16.4
Dito sa papatutut stories
42:20.3
May nagmamahal sa'yo
42:28.4
Papatutut stories
42:34.9
Papatutut stories
42:41.6
Papatutut stories
42:58.9
Papatutut stories
43:08.9
Papatutut stories
43:16.9
Papatutut stories


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.