Close
 


PBBM, nakatutok sa sitwasyon ng nag-aalburutong Bulkang Taal at Mayon
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
BALITA NG BANSA Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCNaQMcnWvx95j7OG3217IMg/join Follow SMNI News Viber & Telegram Community Get updates via Viber: https://bit.ly/3od1x76 Join us on Telegram: https://t.me/joinchat/cUkfwNmbtT4yYTg1 Wag kalimutang mag-JOIN at mag-SUBSCRIBE sa ating Youtube channel Click the link to Subscribe: πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡ https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1 πŸ“Ί Watch Us On Digital TV SMNI News Channel FREE TV on Ch. 39 Manila, Ch. 39 Butuan, Ch. 39 Roxas, Ch. 38 Vigan, Ch. 37 Isabela, Ch. 35 Laoag, Sky Cable Ch. 162 Manila. Sky Cable Ch 46 Davao and Cignal Ch. 186 πŸ’»πŸ“± Online at www.smninewschannel.com #TruththatMatters #roadto2millionsubs #SMNINews Visit us on : http://www.smninewschannel.com Visit us on : https://www.facebook.com/SmniNews/ Visit us on : https://www.facebook.com/DZAR1026/ Follow us on : https://www.instagram.com/smninewschannel/ Tiktok: www.tiktok.com/@smninewsofficial
SMNI News
  Mute  
Run time: 29:15
Has AI Subtitles


Video Transcript / Subtitles:

About AI Subtitles »

00:00.0
S.M.N.I. Truth That Matters
00:06.0
Magandang hapon, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:09.0
Mula dito sa SMNi News Studios sa ACQ Tower, Makati City, Philippines.
00:13.0
Ako si Carlo Dela PeΓ±a at ito ang Balita ng Bansa.
00:16.0
Araw ngayon ng biyernes, ikasyam sa buwan ng hunyo sa taong 2023.
00:21.0
Ihatid namin sa inyo ang mga mainit na balitang nakalap ng SMNi Integrated News and Public Affairs.
00:31.0
Sa ulo ng mga balita.
00:33.0
Mga residente ng Ginubatan Albay nakatakdang ilikas gahil sa Mayon Volcano Activities.
00:39.0
Pangulong Bombo Marcos nakatutok sa sitwasyon na nagaalburutong Bulkang Taal at Mayon.
00:45.0
Tulong sa mga maaapektuhan na kahanda na.
00:49.0
Pangulong Marcos ipinangako ang matibay na ugnayan sa China.
00:53.0
Kontribusyon sa bansa ni na dating Pangulong Gloria Macapagalaroyo at Duterte, kinilala.
01:00.0
Tatlo pang posibleng sospek iniimbestigahan sa pagpaslang sa isang radio commentator sa Oriental Mindoro.
01:08.0
Bilang nang walang trabaho sa bansa nitong Abril, bumaba.
01:13.0
At sa balitang pampalakasan.
01:15.0
Pilipinas nasa ikalimang spot sa medal tally sa 2023 ASEAN Para Games.
01:22.0
Yan at marami pang balita dito sa Balitan ng Bansa.
01:30.0
Sa detali ng ating mga balita, inaasahang ililikas ang nasa limang daang o limang libong katao
01:35.0
o isang libong pamilya mula sa sarili nitong kabahayan sa ginobatan albay.
01:40.0
Bonsod ng mag-alburuto ng Bulkang Mayon.
01:43.0
Ayon kay Vice Mayor Anne Gemma Onghoko.
01:50.0
Sinabi ni Vice Mayor Onghoko na inabisuhan sila ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
01:56.0
o PDRRMO na ilikas ang lahat ng taong nakapaloob sa 7-kilometer radius ng bulkan.
02:02.0
Dagdag ni Onghoko nakahanda ang mga evacuation centers at paralan upang i-accommodate ang lahat ng pamilyang kailangang ilikas.
02:10.0
Sa ngayon ay nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon na nangangahulugang mas mataas na posibilidad ng pagsabog nito.
02:18.0
Samatala sa iba pang balita, Pangulong Bongbong Marcos nakatutok sa sitwasyon ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal at Mayon.
02:26.0
Tulong sa mga na maaapektuhan, nakahanda na.
02:29.0
Samatala DOH naglabas na ng health advisories kaugnays sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal at Mayon.
02:35.0
Si Prince Tripuli magbabalita.
02:39.0
We have been watching both Mayon and Taal.
02:42.0
Taal, it seems, is not in such a precarious, such a dangerous situation.
02:48.0
Mayon is a little bit more advanced in terms of...
02:53.0
Hindi pa naman lumalabas yung lava.
02:57.0
But if the lava flow starts, that's when we really have a disaster.
03:03.0
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalaan sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal at Mayon.
03:10.0
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalaan sa sitwasyon ng Bulkang Taal sa Batangas at Mayon Volcano sa Albay.
03:16.0
Sa ngayon, inilagay na ng FIVO sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.
03:21.0
Sa isang media interview matapos ang dinaluhang event sa Manila Hotel itong Huwebes,
03:25.0
sinabi ni Pangulong Marcos na nakahanda na ang pamahalaan sa maaring mangyari at pinalikas na ang mga taong naninirahan malapit sa mga naturang bulkan.
03:35.0
Right now, what we are doing is preparing and moving people away from the area so that should the time come,
03:44.0
kung hindi na, I hope it doesn't happen, but unfortunately the science tells us na parang ganun ang mangyayari.
03:51.0
Kasi yung the lid or the cap on top of the lava is slowly rising, not so slowly rising,
04:04.0
at paka puputok nga, kaya nakabang tayo ng husto.
04:07.0
Sinigurado rin anya ng gobyerno na lahat ng makomunidad na posibling maapektuhan ay mailikas at mabigyan ng tulong.
04:14.0
At nakaredy na naman tayo, at ganun naman talagang ating ginagawa.
04:19.0
We watch it very very closely, make sure that any of the communities that could be affected are evacuated
04:27.0
and are given assistance while they are evacuated until the time that they can return to their homes.
04:37.0
Muli namang ipinabatid ni Pangulong Marcos ang babala ng Department of Health sa publiko
04:43.0
kaugnay ng toxic gas na maaaring iboga ng bulkan.
04:47.0
Yung Taal, the problem is the release of the gas, toxic gas na medyo naramdaman na ng mga ibang tiga doon.
04:56.0
At yun, the DOH is looking after those people.
05:00.0
And we have analyzed the problem and we know where the wind is blowing,
05:05.0
kaya alam na natin kung saan dadaan yung mga toxic na gases,
05:08.0
kaya paiiwasin na natin yung mga tao na nakatira doon sa area nayon.
05:16.0
Kaugnay nito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na naninirahan o malapit sa bulkan
05:22.0
at iba pang high risk areas na maging mapagbantay.
05:25.0
Naglabas na rin ang DOH ng health advisories kaugnay ng posibleng sulfur dioxide emissions
05:31.0
na makakaafekto sa kalusugan ng tao at hayop at maging sa mga halaman.
05:36.0
Ayon sa health department, maaaring ma-expose ang isang tao sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin
05:42.0
na naglalaman ng sulfur dioxide o sa pamamagitan ng pagkakadikit sa balat.
05:47.0
Ang panandaliang pagkakalantad ng sulfur dioxide ay maaaring makapinsala sa respiratory system ng tao
05:53.0
at magpapahirap sa paghinga.
05:56.0
Narito naman ang mga hakbang sa pag-iingat.
05:59.0
Iwasan ang hindi kinakailangang paglabas ng mga tahanan.
06:02.0
Isara ang mga pinto at bintana, lalo na kung ikaw ay nakatira malapit sa bulkan.
06:08.0
At palaging magsuot ng face mask at protective gear para sa iyong mga mata at panakip para sa iyong balat.
06:14.0
Kung sa tingin mo ay exposed ka sa sulfur dioxide,
06:18.0
mangyaring magipag-ugnayan sa mga poison control center o hospital na malapit sa inyong lugar
06:23.0
para sa initial assessment and management.
06:26.0
Bukod sa sulfur dioxide, ay pinag-iingat din ng DOH ang mga maapektuhang residente sa ash fall.
06:32.0
Para sa emergencies, mangyaring tumawag sa DOH Health Emergency Management Bureau Operations Center sa 8711-1001 o 8711-1002.
06:46.0
Para sa Diyos at sa Pilipinas Kumahal, Prince Tripoli, SMN News.
06:53.0
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa bagong ambasador na Singapore
06:58.0
at muling siniguro ang malakas na trade and investment relations sa pagitan ng dalawang bansa.
07:06.0
Sa kanyang talumpati matapos nitong tanggapin ang credentials ni Ambassador Constance C. Sinuyuan sa Malacanang,
07:12.0
sinabi ni Marcos na katuwang ng Singapore ang Pilipinas sa maraming bagay at interes.
07:17.0
Ayon kay Marcos bilang co-founders ng Association of Southeast Asian Nations,
07:22.0
magkatuwang ang Pilipinas at Singapore sa mga pangunahing issues sa regional at international forums.
07:28.0
Sinabi naman ni C. sa kanyang talumpati na ang state visits ng mga leader ng dalawang bansa ay susi upang mapagtibay pa ang kanilang relasyon.
07:41.0
Nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Association for Philippines-China Understanding o APCO Award Ceremony nitong Webes
07:50.0
sa naturang event tiniyak ni PBBM na patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa China para sa regional na kapayapaan.
07:58.0
Katatagan at masiglang kalakalan, si Ina Mortel magbabalita.
08:05.0
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patatatagin pa ang mas malapit na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China.
08:13.0
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa Award for Promoting Philippines-China Understanding o APCO Award Ceremony sa Manila Hotel nitong gabi ng Webes.
08:22.0
Inihayag ng Puno Ejecutivo na ang naturang event ay isang angkop na pasimula sa pagderiwang na ika-48 taon ng formal na pagkakatatag ng relasyon ng Pilipinas at China
08:33.0
na naging biyaya sa lakas na ekonomiya ng Pilipinas sa mga nakaraang taon.
08:37.0
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na magsisikap ang kanyang pamahalaan na patatagin ang relasyon ito at sisikapin gawing itong mas komprehensibo.
09:07.0
Sa adpa ni Marcos, ang China ang naging nangungunang kasosyo ng bansa sa kabuang kalakalan, nangunguna bilang import source at pangalawa bilang export destination ng Pilipinas.
09:21.0
Ang China at ang Special Administrative Regions ito ay pangalawang tahanan din ng malaking bilang ng mga overseas Filipino.
09:29.0
Pinahalagahan din ng Pangulo ang inisyatiba ng Association for Philippines-China Understanding para sa pag-organisa ng nasabing kaganapan.
09:37.0
Binigyang parangal ni PBBM si na dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanilang mga nagawa at kontribisyon sa pag-unlad ng bansa.
09:48.0
Sinabi ni Marcos na si dating Pangulong Arroyo ay may mahalagang papel sa pagpapasigla ng APCU.
09:54.0
Idinagdag pa ni PBBM ang pinakatampok ng gabi ng parangal, ang mataas na pagkilalang ipinagkaloob sa dating Pangulo ng Republika ng Bansa na si FPRRD.
10:24.0
Ang APCU, na isang joint undertaking na pinamunuan ng APCU at ng Chinese Embassy sa Pilipinas, ay isang award-giving body na nagbigay ng spesyal na pagbupukay sa mga Filipino na nagsikap na palakasin ang ugnayong pangkaibigan at itaguyod ang mutual understanding sa pagitan ng Pilipinas at China.
10:46.0
Inilunsan ng APCU noong Jan. 16, 2021, ng magkatuwang na dumalo si na dating Chinese State Consular at Foreign Minister Wang Yi at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa inaugurasyon ng Manila Forum para sa China-Philippines Relations sa pamamagitan ng video link.
11:01.0
Kasama sa mga kategorya ng APCU Award ang Hall of Fame, Outstanding Contributions at Major Contributions.
11:08.0
Samantala, inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy na nakikipagtulungan sa China upang matiyak ang kapayapaan at katataga ng regyon, partikular sa usapin sa West Philippine Sea, gayon din sa pagpapanatili ng aktibidad sa kalakalan at nekonomya.
11:22.0
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng tanungin ng media ang kasulukuyang relasyon ng Pilipinas at China sa ilalim ng kanyang administrasyon.
11:29.0
Sinabi ni Pangulong Marcos na tinitingnan ng Pilipinas ang China bilang katuwang sa pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at mapanatili ang masiglang kalakalan sa regyon.
11:38.0
Sa usapin ng pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas, sinabi ni Marcos na nagsimula ng proseso pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping noong Enero kung saan bumuo sila ng mga estrategiya para sa mas mabuting komunikasyon, gayon din ang pag-unawa patungkol sa fishing grounds.
12:08.0
Para sa Diyos at sa Pilipinas kumahal, ito si Ino Martel, SM9 News.
12:28.0
Hindi basta-basta na maaaprubahan ang isang bansa na magkaroon ng operasyon ng nuclear power plant.
12:36.0
Ayon kay Atty. Harry Roques sa kanyang programa sa SM9 News, maraming factors ang ikinukonsideran ng International Energy Agency o IEA upang maging ligtas ang nuclear plant.
12:48.0
Sa kanyang nakuhang impormasyon, aabutin pa ng 20 taon ang proseso bago mapahintulutan ang operasyon nito.
12:56.0
Abay, kapag pala tayo mag-decide na i-turn on ang nuclear plant, kahit anong nuclear plant, ang proseso will take around 20 years.
13:06.0
Kasi hindi basta-basta tayo maaapruban ng IAEA na magpatakbo ng nuclear plant.
13:13.0
At isa sa component na hahanapin ng IAEA, ang International Atomic Energy Agency na nakabase rin sa Austria, ay ang pagtanggap ng komunidad doon sa nuclear plant.
13:24.0
Kaya ako nananawagan ako, lalo na sa Kongresman Marco Juanco, hindi po ako tutul sa nuclear plant pero bilang isang taga-bataan tutul kami sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Plant dahil yan bayad na.
13:36.0
Ininuno na natin yan, then declare na natin loss yan. At kung aabut pa ng 20 years muli, 40 anyos na ang nuclear plant na yan, 60 anyos bago magsimula na naman yan.
13:53.0
At kung nakalipas na mula nang itinayo ito at kung madadagdagan pa na nga ng 20 taon dahil sa proseso, mas magandang kumuha na lang ng bagong teknolohiya ang bansa.
14:05.0
Panahon pa yan ni Marco Sr. 40 anyos nang nakalipas mula ng mga panahon na yan na siya itinayo na hindi naman nagamit at ang naging issue na naman talaga,
14:15.0
iyong issue ng corruption na napatunayan naman sa hukuma dahil nagkaroon ng judgment labanin doon kay Herminio Decini na meron talagang sukulan na nangyari dyan sa nuclear plant na yan.
14:27.0
Pero ang punto nga is kung 40 years ago na yan itinayo at hindi natin ginamit tapos 20 years bago mabigyan ng authorization ng Pilipinas para magamit yan ng IAEA, ay nakukumuna tayong bagong teknolohiya. Lulo na yan kumbaga.
14:41.0
Samatala sa planong oil production cut ngayong taon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC, sinabi ni Rokin na panahon ng paigtingin ng bansa ang mga hakbang nitungo sa energy security.
14:54.0
Hiniling na rin ito sa Office of the Solicitor General na ipawalang visa ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabawal ng joint expirations sa West Philippine Sea.
15:04.0
Walang masasabi ko lang habang hindi pa tayo nakakalak ng sariling langis natin sa ating teritoryo o sa ating EEZ o continental shelf, talagang kinakailangan paintingin natin ang mga hakbang na ginagawa natin para magkaroon tayong energy security.
15:17.0
Kaya nananawagan ako, Office of the Solicitor General, kinakailangan mag-ha-in na kayo ng motion for reconsideration sa desisyon ng Korte Suprema na nagde-deklara na labag daw, di umano sa saling batas ang joint exploration.
15:30.0
Dahil habang wala tayong sariling produksyon ng langis talagang tayo nakadepende sa desisyon ng OPEC. At ang ating ekonomiya nakatali yan sa pagbaba at pagtaas ng presyo ng petrolyo at iba pang mga inaangkat na produktong langis.
15:45.0
So important po talaga diyan, paintingin ang ating energy security, kilalanin po natin sa UN Convention on the Law of the Sea, hindi dapat ina-apply ang ating saligang batas sa mga lugar na covered lamang ng sovereign rights.
16:00.1
Dahil ang mga lugar na sovereign rights lang ang meron tayo, yan lang po ay exclusive na krapatan mangalap ng tanging yaman. Pero kapag exclusive yan, kasama naman yan ang desisyon ng isang sobrenyang bansa na magkaroon ng joint exploration.
16:16.0
Kasalukuyang iniimbestigahan ng tatlo pang posibling sospek sa pagpatay sa isang radio commentator na si Cresenciano Bunduquin noong May 31 sa Oriental Mindoro.
16:28.0
Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security, ang isa sa mga persons of interest ay isang police major na nakatalaga sa Mimaropa Regional Police Office.
16:42.0
Ang isa naman ay isang opisyal ng probinsya na nabibilang sa isang prominenteng political clan, habang ang isa naman ay isang long-time, big-time operator ng isang perya na malapit sa maraming lokal na opisyal at sa nabanggit na polis.
16:56.0
Matatandaan na ipinagutos na rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Rimulya sa National Bureau of Investigation ang pagsasigwa ng parallel investigation sa kaso ng pagpatay kay Bunduquin.
17:10.0
Bumaba ang bilang ng walang trabaho sa bansa nitong Abril taong kasalukuyan.
17:16.0
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumaba sa 4.5% nitong Abril kung ikukumpara sa naitalang 4.7% noong Marso.
17:28.0
Ito ay katumbas ng 2.26 milyong Pilipino nitong Abril mula sa 2.42 milyong Pilipino na walang trabaho sa buwan ng Marso.
17:37.0
Aabot naman sa 95.5% ang employment rate o 48.06 milyong Pilipino ang may trabaho sa bansa.
17:49.0
May alok na libreng sakay ang Light Rail Manila Corporation sa Light Rail Transit Line 1 ngayon, ngayong Independence Day, Ikalabing Dalawa ng Hunyo.
17:59.0
Maaaring ma-vail ang libreng sakay sa nasabing araw mula 7am hanggang 9am at 5pm hanggang 7pm.
18:08.0
Ang mga pasaherong beep card holder ay maaaring nang dumaan sa karaniwang automated fare collection system gates at itap ang kanilang mga card para sa libreng sakay.
18:19.0
Ang mga pasaherong wala namang beep card ay maaaring makakuha ng mga single journey ticket ng libre mula sa LRT1 teller booths.
18:28.0
Sa ating balita sa labas ng Metro Manila, ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hunyo ang Philippine Environment Month at isa ang Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 1 sa nakiisa nito.
18:45.0
Si J. Miguel Mendoza magbabalita.
18:48.0
Sunod-sunod na aktibidad ng DENR Region 1 sa buwang buwan ng Hunyo bilang pakikipag-isa sa celebration ng Philippine Environmental Month.
18:56.0
Sinimula ng DENR Region 1 ang selebrasyon ng Philippine Environmental Month nitong Hunyo at 5 sa Malawa Country Planting and Cleanup Drive sa mga Regional Environment and Natural Resources offices sa regyon.
19:08.0
Ito'y kasabay na rin sa selebrasyon ng World Environmental Day na may temang Environment for Life.
19:13.0
Ang nasabing aktibidad ay sabay ring isinagawa sa mga reyon sa buong bansa.
19:27.0
Meron tayong activities na cleanup and tree planting. Ito ay scattered all over our four Provincial Environment and Natural Resources offices na meron din tayong Community Environment and Natural Resources offices. So lahat po yan may mga kanya-kanya silang activities.
19:53.0
Nitong 8 ng Hunyo ay pinagdiriwang 36th DENR Anniversary at Family Day kasabay ang sinagawang search formula ng kalikasan. Ito'y paligsahan ng mga kandidatos suot ang mga suotang gawa sa recycled o gawa sa environment-friendly raw materials na naayon sa tema ng ahensya ang protection, conservation and management of environment.
20:12.0
Tayo na po ay pinagdiriwang ng aming 36th DENR Anniversary and at the same time Family Day namin at yung Environment Month celebration.
20:26.0
So we have so many lined up activities for this Environment Month celebration. Meron kaming coastal cleanup, may Family Day, may tree planting activity, meron din kaming awarding ng Best Environmental Partners.
20:45.0
Kabilang din sa aktibidad ng DENR Region 1 ang sports events at trade fair na gaganapin naman sa Hunyo at Rese. Magkakaroon din ang Search for Best River for Life Award na ilulunsan sa buong bansa at ang Soyo River sa Tagudin, Ilocos Sur ang magiging entry ng DENR Region 1.
21:00.0
Magkakaroon ulit tayo ng Search for Best River for Life Award at ang entry natin ay yung sa Soyo River. Soyo River na nagaano siya sa Tagudin, Tagudin, Ilocos Sur.
21:14.0
Highlights naman sa month-long activity ng DENR Region 1 ang Search for Best Environmental Partner Awards.
21:20.0
We will recognize yung ating mga partners and other stakeholders, particularly yung mga permittees natin sa mining, ganoon din yung mga industries natin sa EMB at yung sa DENR din, yung mga partners natin sa law enforcement at ganoon din sa mga POs, NGOs natin sa NGP, CBFM and the likes.
21:48.0
Isa sa kriteria ng Best Environmental Partners ang sustainability, replicability and social inclusivity sa mga aktividad na pangkapaligiran. Para sa Diyos at Pilipinas kong mahal, J. Miguel Mendoza, SBNU's Lord Luzon.
22:05.0
Pag-ibig Asenso Riders Raffle Promo, inilunsan sa Cebu upang mahikayat ang mga delivery rider na maging miembro nito. Alamin natin ang detalye mula kay Jim Ray Biosa.
22:17.0
Daang-daang mga delivery riders ang nakiliho kahapon nang inilunsan ng pag-ibig ang kanilang pag-ibig Asenso Riders Raffle Promo.
22:24.0
Bago ang opisyal na pag-ilunsan ng pag-ibig Asenso Riders Raffle Promo sa Cebu, isang motorcade ang isinagawa sa syudad kasama ang ilang mga matataas na opisyalis ng pag-ibig, mga kinitawan ng transport network at app-based courier companies tulad ng Angkas, Foodpanda, Grab, Lalamove at Moveit.
22:43.0
Layon ng programa na mahikayat ang mga delivery riders na maging miyembro ng pag-ibig. Sa bawat raffle entry sa Asenso Riders Raffle Promo ay otomatikong miyembro na ng pag-ibig ang mga riders. Kailangan lang na ipagpatuloy ang paguhulog nito upang tuluyan ng maging active members ang mga ito.
23:00.0
Iginiit naman ni pag-ibig fund chief executive officer Marlene Acosta na importante na maging miyembro ang mga riders dahil makakatulong ito sa kanilang pangangailangan pagdating ng panahon.
23:30.0
Meron din niyang dibidendo. Hindi niyo alam niyo na yung iniipon niyo sa pag-ibig fund ay mayroong dibidendo dahil kayo na mga miyembro ng pag-ibig fund ang may-ari ng pondo.
23:50.0
Dagdag pa ni Acosta makakatulong ang pag-ibig sa mga miyembro nito na ito pa rin ang minimithing bahay para sa pamilya.
23:57.0
At kung ikaw ay isang pag-ibig fund member, may pagkakataon kang makahiram ng maipagbibili sa mga housing units na itatayo under sa Pangbansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino Program.
24:14.0
Makakaasa po kayong lahat na kasama po kayo sa mga plano ng pag-ibig fund. Ulitin ko po, yan ang dahilan kung bakit kami narito ngayon. Ang mabigyan kayo ng magpagkakataon na magkaroon ng ipon sa pag-ibig at magkaroon ng disente at abot-kayang pabahay para sa inyo at para sa inyong mga pamilya."
24:44.0
Pagkakataon ang humigit kumulang na 420,000 na mga delivery riders sa buong bansa at inaasahan ng ahensya na sa Pag-ibig Asenso Rider Raffle Promo, maraming mga riders sa bansa ang mahikaya at pa na maging miyembro ng pag-ibig.
24:58.0
Ayon naman kay Philips DelapeΓ±a, isang rider, nagpapasalamat ito sa pag-ibig dahil sa raffle promo at kaagad naging miyembro ito ng pag-ibig.
25:05.0
Salamat po sa pag-ibig dahil sa promo naging miyembro kaagad ako. Nais ko itong ipagpatuloy dahil nais kong magkabahay para sa ating pamilya."
25:16.0
Sa kasulukuyan mayroon ng 15.32 milyong mga Pilipinong manggagawa ang active pag-ibig members, pinakamataas na rekord ng ahensya simula noong pandemic.
25:27.0
Para sa Diyos at sa Pilipinas kumahal, Jim Riviosa, SMN News, Cebu.
25:35.0
Ang anti-narcotics operative sa probinsya ng Sulu ang nasa mahigit 12 milyong pisong halaga ng marijuana plants ayon sa Philippine National Police.
25:47.0
Ayon sa PNP, nadiskubre ng operatiba ang malawak na marijuana plantation na may lawak na 15,000 square meters katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency at Armed Forces of the Philippines sa sityo Tubigbaba, Barangay Pitogo, Kalingalan, Kaluang.
26:02.0
Base sa ulat ng PNP, ang plantasyon ay naglalaman na mga fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng 12,900 pesos na agad nang hinukay at sinira ng otoridad.
26:14.0
Samantala, tatlong sample naman ng mga marijuana plant ang hinukay at ibinigay sa Sulu Provincial Crime Laboratory Office upang mas mapag-aralan pa.
26:22.0
Arestado ang indibidwal na si Maddie Khan na siya umanong sospek sa pagtatanim ng mga marijuana kasama ang ilang kasabwat nito at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
26:38.0
Sa ating balitang pampalakasan, Pilipinas nasa ikalamang spot sa medal tally sa 2023 ASEAN ParaGames. Si Prince Tripuli magbabalita.
26:57.0
Sa uling update, nakakuha na ang bansa ng 116 na kabuang medalya. 34 ang gold, 33 ang silver at 47 ang bronze. Nangunguna naman ang bansang Indonesia na may kabuang 153 na gintong medalya.
27:23.0
Pangalawa ang Thailand na may 123, 66 naman sa Vietnam at pang-apat ang Malaysia na may 47. Habang nasa ikawalong spot naman ang host country na Kambodya na may siyam na gold medal. Nagsimula ang palaro nitong ikatlo ng Hunyo at magtatapos ng araw June 9.
27:42.0
Nasa labing isang bansa naman ang mula sa South East Asian ang kalahok sa 2023 ASEAN ParaGames. Para sa Diyos at sa Pilipinas kumahal, Prince Tripuli, SMN News.
28:03.0
At maga po tayo tuluyang magtapos, tunghayan natin ang sunspeak para sa oras na ito.
28:11.0
Kung ikaw ay nakatuon na sa kalooban ng ama, siya ang magiging pinakamahalaga sa iyong buhay.
28:41.0
Para sa Diyos at sa Pilipinas kumahal, ko si Carlo de la PeΓ±a. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay at magandang hapon.
29:11.0
Thank you for watching!