Close
 


Threats to Estuaries | Puno ng Buhay
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Subscribe to Knowledge Channel YOUTUBE Channel: http://bit.ly/KnowledgeChannel For Donors, Teachers and Learners: www.knowledgechannel.org Knowledge Channel Foundation Inc. 3rd Floor Main Building, ABS-CBN Compound, Sgt. Esguerra Ave., South Triangle, Diliman, Quezon City Email: info@knowledgechannel.org
Knowledge Channel
  Mute  
Run time: 03:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang dami palang nagagawa ng estuary sa atin, David, no?
00:04.0
Ngayon napak-importante pala talaga sila sa kalikasan.
00:08.0
Tama. Maraming kayang buhayan ng isang estuary.
00:12.0
Pero sensitibo din sila may-may.
00:14.0
Madaling mapinsala dulot ng sari-saring mga bagay.
00:17.0
Hala, tulad ng ano?
00:19.0
Dalawang klase ng bagay ay pwedeng sumira sa mga estuary.
00:22.0
Mga gawa ng kalikasan at gawa ng mga tao.
00:25.0
Kasama sa mga gawa ng kalikasan ay ang hangin at mga alon.
00:28.0
Kapag malakas ang hangin at alon, halimbawa kapag may bagyo,
00:32.0
pwede nitong sirain ang mga natural na harang na pungo protekta sa mga estuary.
00:36.0
Mawawasak ang mga tirahan at pinagkukunan ng paggain ng mga hayop at halaman.
00:41.0
Ganun din kapag sobra ang tubig dagat na pungo pasok sa mga estuary.
00:45.0
Bukod pa dyan, maraming hayop na steno-hay line
00:48.0
o hindi sanay sa bigla ang pagtaas ng tubig alon.
00:51.0
Sa mga bansa na meron taglamig o winter,
00:53.0
ang mga tubig sa estuary ay nagiging yelo.
00:56.0
Kapag nagpalutang-lutang ang mga yelong ito,
00:58.0
nababanggan ito ang mga halaman at hayop na nakatira sa paligid.
01:02.0
Kaya sila namamatay.
01:04.0
Eh David, ano naman yung mga pinsalang na gawa ng tao?
01:07.0
Isa na dyan ang overfishing, Maymay.
01:09.0
Kapag sobra ang ginagawang pangingisda sa dagat,
01:12.0
lilipat ang mga isda sa estuary para magparami
01:15.0
at masisira ang mga isda.
01:17.0
Ang labis ng mga coastal development,
01:19.0
tulad ng paggawa ng mga resort at hotel,
01:21.0
ay nakakasama din sa mga estuary.
01:23.0
Sa paguhukay nila ng lupa,
01:25.0
nasisira ang mga habitat ng mga organisms sa estuary.
01:28.0
Nakasasama din sa mga estuary
01:30.0
ang pagtatapon natin ng mga basura kung saan-saan
01:33.0
dahil napupunta ito sa daluyan ng tubig
01:35.0
at nakakaapekto sa pagkain at tirahan ng mga hayop
01:38.0
sa mga lugar na ito.
01:39.0
Ang mga kamikal tulad ng fertilizer at pesticide
01:42.0
ay nakakasama din sa mga estuary.
01:44.0
Ang mga kamikal tulad ng fertilizer at pesticides
01:47.0
na ginagamit sa mga pananim at hardin
01:49.0
ay napupunta sa mga ilog at nasasala ng mga estuary.
01:53.0
Pero kapag sumobra ito,
01:54.0
maapektohan na ang mga halaman at hayop.
01:57.0
Halimbawa, dadami ang algae na nakakabawa sa oxygen sa tubig
02:00.0
at nakakamatay sa mga hayop.
02:02.0
Mababawasan din ang pagkain dahil sa sobrang lason
02:05.0
sa mga halaman at hayop.
02:06.0
Problema rin ang invasive species,
02:08.0
mga organism na hindi likas sa isang estuary.
02:11.0
Nadadala sila ng mga barko galing sa ibang lugar
02:13.0
o kaya ay dahil sa mga aktibidad tulad ng fish farming.
02:16.0
Ang invasive species ay walang likas na predator
02:19.0
na kukontrol sa kanila
02:20.0
at pwede itong makasira sa balansin ng pagkain sa estuary.
02:23.0
Panganib din sa mga estuary ang climate change
02:25.0
o pagbabago ng klima
02:27.0
dala ng mga pagbabago ng temperatura sa buong mundo.
02:30.0
Naghahatid ito ng mas malalakas na bagyo
02:32.0
o kaya ang pagtaas ng tubig dagat
02:34.0
na pwedeng magpalubog sa mga estuary
02:36.0
para mabura ang mga ito sa mapa.
02:38.0
Sa mahigit 30 malalaking syudad sa buong mundo,
02:41.0
dalawang po ang nakatayo sa mga estuary.
02:43.0
Kaya isipin mo na lang kung anong pwedeng mangyari
02:45.0
kapag lumubog lahat ng iyan sa ilalim ng tubig.
02:48.0
Nakatakot, David, kasi kailangan pala talaga
02:51.0
nating alagaan ang estuary
02:53.0
dahil napakaraming nakadepende dito.
02:55.0
Tama ka, Maimai.
02:57.0
Kaya yung mga gawain tulad ng river cleanup
02:59.0
ay malaki ang maitutulong para hindi mabigatan
03:02.0
ang mga estuary sa paglilinis ng tubig
03:04.0
at mas sigurong mas marami pang hayop at halaman
03:07.0
ang mabubuhay dito.
03:11.0
BABAY!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.