Close
 


KARANASAN NG MGA KAPAMILYA HORROR STORIES "Ayaw ko nang sumilip sa kabaong sa mga lamay" | HILAKBOT
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
KARANASAN NG MGA KAPAMILYA HORROR STORIES "Ayaw ko nang sumilip sa kabaong sa mga lamay" | HILAKBOT TRUE GHOST STORIES 🔗 https://youtu.be/5p3EgNDg8nI 🔴 STORY SENDER ► JAS Story shared via sindakstories2008@gmail.com 🔴 STORY EDITOR ► HINDI KO KILALA 🔴 NARRATOR ► RED Send your horror / scary stories to ► sindakstories2008@gmail.com 🔴 HTV CHANNEL MEMBERSHIP IS ON! Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCQfBQpmxUCOab0_zUNTi1Mg/join 🔴 LISTEN TO HILAKBOT 24/7: https://youtu.be/GdUUZtzP5DA 🔴 STREAM ON HTV HORROR PODCASTS: ✅ Hilakbot The Podcast ► https://spoti.fi/3kiD4i9 ✅ Pinoy Horror Radio (HTV-Sindak) ► https://spoti.fi/2WSaPbk 🔴 SUBCRIBE FOR MORE SCARY STORIES ✅ Tagalog Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@HILAKBOTHorrorStories ✅ One-Shot Horror, Scary & Creepypasta Stories ► https://www.youtube.com/@SINDAKHorrorStories ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 🔴 SUPPORT THIS HORROR STORIES
HILAKBOT TV - Pinoy Horror Stories
  Mute  
Run time: 25:26
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
ORAS NA NAMAN NA
00:14.0
Magandang araw po sa lahat ng mga Solid HTV Positive
00:19.0
Itago nyo na lamang po ko sa pangalang Jazz
00:23.0
Ibabahagi ko po ang ilan sa mga tunay na karanasan ng aking buong pamilya
00:29.0
na salig sa kwentong katatakutan o paranormal
00:37.0
Ang unang kwento ko po ay noong namatay ang anak ng kaibigan ng nanay ko
00:42.0
at ito po ay 18 years ago na
00:47.0
Sa katunayan nga po, habang isinusulat ko ang kwentong ito
00:52.0
parang bumabalik sa akin ang lahat at tila baga kahapon lamang nangyari
00:58.0
kung kaya't gayon na lamang ang pagtindig ng aking mga balahibo
01:06.0
Ang nangyari po kasi si Sir Red ay ganito
01:10.0
Isinama ako ng nanay ko sa lamay na iyon
01:13.0
para meron daw siyang kasama
01:16.0
Sa katunayan ay may kalayuan kasi yung bahay ng kaibigan niyang namatay
01:22.0
Kahit ayaw ko naman po talagang sumama nun, e wala po akong magagawa
01:26.0
kaya sinamahan ko na lamang si nanay kahit pilit na pilit
01:30.0
pero iniisip ko na rin naman na tama lang na may kasama siya
01:35.0
sapagkat tiyak gagabihin siya ng uwi
01:39.0
So nung dumating po kami doon sa Burol
01:42.0
hindi po talaga ako sumama kay nanay na tingnan yung nasa loob ng kabaong
01:50.0
Matatakutin po talaga ako Sir Red lalo na sa mga ganong klaseng bagay
01:54.0
Ayaw ko talagang sumilip sa mga patay
01:58.0
So nung third night po ng lamay, lumabas po ako ng terrace at nakahulubilo ko nga po doon
02:04.0
ang mga kaibigan ng namatay
02:07.0
Konting tao na lang po ang natira nun kasi nagsiuwian na rin naman yung iba matapos bumisita
02:14.0
Nagpaalam po ang mga kaibigan ng namatay para kumuha ng maiinom at naiwan ako ng mag-isa sa terrace
02:22.0
May ilaw naman po doon sa labas kung saan ako nakaupo
02:26.0
pero uneasy po talaga yung aking pakiramdam at hindi ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nasa loob ko
02:35.0
Ang gilid po ng bahay nila ay bakanteng lote pero may kalsada po sa kabila para sa mga sasakyan at pedicab na dumaraan
02:45.0
Bigla po akong kinilabutan Sir Red
02:51.0
Nang magawi ang paningin ko sa nakaparadang pedicab, doon nga'y nakita ko na may nakaupong babae at puti ang suot nito
03:01.0
Hindi ko lang maaaninagan ang muka dahil napaka-dilim po sa gawing yun
03:07.0
Nakatitiyak din naman ako na ang pagbaling ng kanyang muka kahit hindi ko man klarong makita ay nasa direksyon ko at tila tinititigan ako
03:22.0
Napausal tuloy ako ng In Jesus Name ng tatlong beses at pumikit matapos noon
03:29.0
Pagmulat nga ng aking mga mata, nandun pa rin yung babaeng nakaputi
03:35.0
Kumaripas ako ng takbo sa loob ng bahay at namumutlana
03:41.0
Nilapitan ako ng nanay ko at nagtataka kaya napatanong kung bakit ako tumakbo
03:47.0
Sinabi ko kung ano ang nakita ko sa loob ng pedicab lalong lalo na yung nakaputing nila lang na naroon
03:56.0
Lahat tuloy ay natakot at nagsinabasan mula sa lamay para tignan ang sinasabi ko pero wala naman silang naabutan at nakitang babae
04:06.0
Tinignan ko rin ulit ang gawing yun pero wala na doon yung white lady
04:11.0
Hanggang sa niyaya ko na ang nanay ko na umuwi dahil kinikilabutan na ako
04:18.0
Sinangayunan naman ito ni nanay kung kaya't sinabi niya na magpaalam daw muna kami sa kaibigan niya na nakatayo at nagbabantay sa ataol ng anak nitong namatay
04:30.0
Pagkita ko sa ataol sa red, mas lalo akong nilamo ng hilakbot sapagkat yun yung babaeng nakaputi na nakaupo sa pedicab
04:45.0
Yung detalya ng kanyang suot na puti ay siyang siya at yun talaga ang nakita ko
04:53.0
Sabi ko kay nanay, siya, siya yung nakita ko
04:58.0
Nginignanginig talaga ang kalamnan ko ng sandaling yun
05:03.0
Hindi ako pwedeng magkamali
05:06.0
Hindi man klaro ang muka nung nakita kong nagmulto sa may pedicab pero ganun ang suot niya
05:15.0
Kaya simula nun mas lalo talaga akong nanindigan na sa tuwing magpupunta ng lamay ay hindi ko titignan ang nasa loob ng ataol
05:38.0
Ang susunod ko naman pong kwento ay nung namatay si Lola
05:43.0
Ang tatay ko po ay may third eye at nakakakita po siya na mga namayapang tao at ilan pang mga nila lang sa kadiliman
05:53.0
Sa lamay ni Lola, humahagulgul siya, parang kinakausap pa nga niya
06:00.0
Nilapitan ko si tatay para i-comfort at ang sabi niya, nasa tabi ko daw si Lola
06:08.0
Pinanlakihan talaga ako ng mga mata sa sobrang hilakbot nun sa red kong kaya't napatingin talaga ako sa paligid pero wala akong nakita
06:19.0
Doon nga'y naisip ko yung unang kwento ko
06:25.0
Napatanong tuloy ako kay tatay out of curiosity kung bakit nakakakita ako ng multo sa ibang lamay
06:33.0
lalong lalo na sa lama ng aking unang karanasan kanina
06:38.0
Pero bakit hindi ko nakikita si Lola
06:45.0
Ayon kay tatay, pasulput-sulput lang daw ang third eye ko
06:51.0
Pero kung gusto ko nga daw itong ipabukas ng tuluyan, ay pwede naman daw niyang gawin sapagkat marunong siya
06:58.0
Umayaw ako at ang sabi ko, ipasara ko na lamang ng tuluyan ito para hindi na ako makakakita ng kahit na anong multo
07:08.0
Hindi na nga po ako nakakakita pero may nararamdaman ako tulad na mga sumisitsits sa banyo pero ipinagsasawalang bahala ko na lamang yun
07:21.0
Ang susunod na kwento ko naman ay noong nailibing na si Lola
07:26.0
3 a.m. po nang mangyari ang bagay na ito
07:31.0
Kami pong magpipinsan noon ay natulog sa sala
07:35.0
Magkakatabi po kaming sampu
07:38.0
Hanggang samay narinig po ako na parang nagbubukas sara
07:43.0
Natuntun ko nga po ang tunog at nanggagaling iyon sa refrigerator
07:49.0
Narinig ko rin matapos noon ay ang otomatikong pagbubukas sara ng gripo na mas lalo ko pang ikinakilabot
07:58.0
Sumigaw tuloy ako ng, anong ba, pwede magpatulog naman kayo?
08:05.0
Pero patuloy pa rin po ang paglikha ng tunog na iyon
08:10.0
Hanggang sa namataan ko nga na lumakad papunta sa refrigerator at lababo ang aking dalawang taong gulang na pamangkin
08:21.0
Sinigawan ko siya para bumalik
08:24.0
Pero sa mga oras na iyon, hindi pa rin tumitigil ang kanyang paglalakad maging ang pagbubukas sara ng pintu ng ref
08:34.0
Gayun din yung gripo sa CR
08:40.0
Nagising na rin ang mga pinsan at ang maging ang lolo ko dahil sa sigaw kong iyon
08:46.0
Ang sabi ko nga kay lolo, pang, yung ref tsaka yung gripo pa na yung bukas sara
08:53.0
At nakita din po ni lolo iyon at bigla na lamang tumigil ng lapitan ito ni lolo
09:01.0
Hindi ko po maali sa isipan ko na maaaring si Lola ang gumagawa ng mga iyon
09:07.0
Mahilig din po kasi siyang mag-rosario tuwing alas tres na madaling araw at nung nabubuhay pa, siya ang pinakamaaga talagang nagigising sa amin
09:19.0
Dahil sa nangyaring pagpaparamdam na iyon, ipinagdasal po namin siya muli ng madaling araw na iyon
09:27.0
Ang ikaapat ko naman pong karanasan ay nangyari sa aking pinsan
09:42.0
Nangyari po ito two days after namin maranasan yung pagbubukas sara ng ref door at ng gripo
09:52.0
Sa veranda po natulog ang pinsan ko habang kami pong sampung mapipinsan naman ay sa sala
09:59.0
Bukas po ang pinto ng sala at ang veranda
10:03.0
Ayon kay pinsan, may naririnig daw siyang nagkikis-kis na mga plato pero binaliwala lamang po niya iyo ng sandaling yun dahil antok na antok talaga siya
10:16.0
Hanggang sa muli na naman po siyang magising dahil patuloy pa rin yung ingay na nililikha ng pagkikis-kisa na mga plato na parabang may nananadya at nakakangilo na nga daw pakinggan
10:30.0
Sa isip nga po niya ay baka may kung anong mga hayop ang naroroon sa kusina at sinusubukan na buksan ang aming dish organizer
10:41.0
Pero wala sa hinagap ang kanyang masasaksihan
10:47.0
Pagtungo daw po niya doon sa kusina para tignan kung sino o ano ang dahilan ng pag-iingay ng mga platong iyon
10:58.0
Doon daw po siya nilamon ng hilakbot
11:02.0
Kitang kita daw po niya ang namayapa naming lola na siyang nagbubukas ng dish organizer at tila ba ina-arrange ang mga platong na sa loob
11:19.0
Tumingin daw si lola sa kanya at pagkatapos ay bigla na lang nawala
11:25.0
Napatakpo siya sa sala kung saan kami natutulog at nagsisisigaw dahil sa sobrang hilakbot
11:37.0
Ang susunod ko naman pong kwento ay karanasan ng nanay ko nung siya naman ay dalaga pa
11:44.0
Madaling araw daw nangyari ito sapagkat naghahanda sila ng mga lulutuin para sa party kinabukasan
11:52.0
Siya ang naatasan noon ng kanyang nanay para magluto
11:57.0
Nasa dirty kitchen daw po sila ng kanyang pinsang babae nun
12:02.0
Nagpatugtog nga daw po sila doon at kumantakanta at sumayaw pa
12:08.0
Nang may makita daw po sila na kapre na sumilip sa dirty kitchen
12:14.0
Nanlaki daw po ang mga mata ni nanay nun at tumakbo talaga sila papalabas ng dirty kitchen
12:21.0
Nagtaka daw ang pinsan niya kung kaya't sinundan sila kung saan sila tumakbo
12:27.0
Kuwento ni nanay sa kanya ang nakita niya
12:31.0
Kahit daw yung pinsan nga niya ay nang hilakbot sa kanyang inamin
12:35.0
Hindi na daw nila nagawa pang bumalik sa dirty kitchen nun para patayin yung stove
12:41.0
Ang ginawa nila ay ginisig na lamang nila si lolo para siya ang magpunta doon
12:47.0
Buti na lamang ay mahinang apoy lamang daw ang naiwan nila doon sa stove
12:53.0
Dahil kung hindi ay masusunog talaga ang niluluto nila
12:58.0
Maaring naingayan nga daw ang kapre dahil sa tugtog maging sakantahan at sayawan na kanilang ginawa ng kanyang pinsang babae
13:09.0
Simula nga daw po ng mangyari iyon
13:14.0
Hindi na nagpapagabi sa pagluluto si nanay at hindi na siya nagluluto sa dirty kitchen
13:20.0
Sa takot na baka muling magpakita sa kanya ang kapring iyon
13:31.0
Forty days po ng lola ko at kami po ay naghanda ng kaunti
13:36.0
Nagdasal kasama ang pamilya maging yung mga malalapit na kaibigan
13:42.0
Kinagabihan nun inutusan ako ng ate ko na magtimpla ng gatas para sa anak niya sapagkat antok na antok na daw siya
13:51.0
Hindi na rin siya makabangon
13:54.0
Since ako nga ay gising pa at panay pa rin yung text ko sa mga kaibigan ay ako na nga yung gumawa at tumuho sa kusina
14:02.0
Naguhugas po ko ng feeding bottle nang unti-unti bumukas ang refrigerator
14:10.0
Yung ref po kasi ay nasa bandang kanan kaya makikita talaga sa gilid ng aking mga mata yung dahan-dahang pagbubukas nun
14:20.0
Napatili talaga ako sa sobrang hilakbot sapagkat ganitong ganito rin ang nangyari sa refrigerator naming iyon sa una kong mga ekwinento
14:32.0
Napabilis talaga ang pagtakbo ko mula sa aming kusina patungo sa kwarto
14:39.0
Naitula ko pa nga ng malakasang pintunon at napatalon sa kama sabay talukbong
14:46.0
Nagising tuloy si ate at sinigawan pa nga niya ako sapagkat muntik ko na nga daw madag-anan ng anak niya
14:54.0
Ang sagot ko naman sa kanya
14:56.0
Yung ref, yung ref bumukas, bumukas siya ng kusa ate
15:02.0
At nanginginig talaga ako ng malala ng oras na iyon sa red
15:08.0
Bumangon tuloy si ate at siya na ang tumungo sa kusina para magtimpla ng gatas ng kanyang anak na hindi ko na nagawa
15:17.0
Pagtingin nga daw po niya sa ref, totoo, nabukas ang pinto nito
15:26.0
Nang hilakbot na din siya pagkakita noon pero pinilit lamang po niya daw na magtapang-tapangan
15:33.0
Para maipagtimpla ng gatas ang kanyang nagugutom na anak
15:38.0
Doon nga'y natandaan ko na noong nabubuhay pa si Lola
15:44.0
Lagi po niyang ibinibiro sa amin na kapag siya daw ay mamatay at magmumulto
15:50.0
Hihilahin daw niya ang mga paanamin
15:52.0
Pero siyempre, tinatawanan lamang namin yun dahil alam naman namin na nagbibiro lamang si Lola
16:00.0
Sa katunayan, apat lang po kami na pinagpaparamdaman ni Lola
16:05.0
Ako, yung isa kong kapatid at yung dalawa kong pinsan na nabanggit ko kanina sa mga unang kwento ko
16:15.0
Meron pa nga pong isang karanasan namin noon isang gabi
16:19.0
Himbing na himbing ako sa pagkakatulog nang may humampas sa dulo ng aking higaan
16:26.0
Malakas po yung pagkakahampas na iyon at limang beses po siyang naulit
16:32.0
Nagising ako ng kinakabahan
16:35.0
Madilim naman yung maliit naming kwarto
16:38.0
Kinapa ako tuloy yung phone at ginamit ko ang flashlight noon
16:42.0
Ngunit wala akong nakita at nakalak pa nga ang pinto
16:50.0
Minsan din nang mag-isa na lamang po si Papang, ang tawag po namin kay Lolo
16:57.0
Ako at isa ko pang kapatid ang tumira na sa kanyang bahay para at least meron siyang makakasama
17:04.0
Isang gabing maulan iyon ang bigla pong maputol ang kuryente
17:09.0
Sobrang dilim at sobrang takot din ako sa oras na iyon
17:14.0
Naghahagilap si Papang ng kandila at posporo
17:18.0
Buti na lang at meron nga kaming nabiling kandila noong isang linggo
17:23.0
Dahil kung hindi ay tiyak mga nga pa kami sa dilim
17:28.0
Tumambay kami sa Teres at naghihintay sa pagbabalik ng kuryente
17:33.0
Maya-maya sumagi ang aking paningin sa isang sulok ng Teres
17:40.0
Hindi ako pwedeng maggamali, Sir Red, na may nakita akong anino at korte ng damit na parang Filipiniana ang itsura
17:50.0
Hindi rin ako pwedeng maggamali na maaaring si Mamang o si Lola ang nakita ako
17:58.0
Dahil kabilin-bilina niya na pag siya ay mamatay, iyon ang ipasusuot sa kanya
18:05.0
Napapikit ako at iginala ang tingin kay Papang na nooy na iiling na lamang sa pagkabagot
18:12.0
Maya-maya pa'y iginala ko ulit ang aking paningin sa sulok ng Teres na iyon kung saan ko nakita ang anino pero wala na akong nasaksihan
18:23.0
Doon nga'y nakahinga ko ng maluwag at palihimpang nagdasal
18:27.0
Ang susunod ko naman pong kwento ay nangyari sa opisina ng mami ko
18:35.0
16 years old pa lang ako noong time na iyon at 39 na po ako ngayon so matagal-tagal na rin talagang nangyari
18:44.0
Narinig ko lamang po sa mami, employee at ate ko ang pagpaparamdam ng multo sa opisina nila nang minsang masagi ito sa kanilang usapan nang tumambay sila sa bahay
18:57.0
Ang alam ko nga po ay nagsara na rin yung dating kumpanyang iyon ni mami
19:03.0
So back to the story
19:05.0
Ikwenento ng isang aplikante ni mami noon
19:10.0
Na sa tuwing tatawag daw po sila sa CP number na'y binigay ng employee
19:15.0
O yung phone po kasi ay iniiwan lang sa filing cabinet pag oras na ng uwian
19:20.0
May sumasagot daw na lalaki at napakababa ng boses
19:24.0
Napakunot nuo sila at the same time ay nangilabot din dahil wala naman silang empleyadong lalaki
19:33.0
Nakurious dulo yung ate ko at tinawagan ng phone na iyon
19:38.0
At tandang tanda ko pa nga po na sabado ito nang mangyari kasi sinamam at yung ate ko ay walang pasok
19:45.0
Nakatatlong beses silang pagdayal pero wala naman daw po sumasagot
19:50.0
Sinubukan po niya ulit at sa pagkakataon na iyon
19:55.0
Sa ikaapat na pagkakataong iyon
19:58.0
Meron nang sumagot sa kabilang linya
20:02.0
Nanlaki ang mga mata ni ate at nahirapan siyang huminga sa sobrang hilakbot niya
20:07.0
At nanginginig na nga ang kanyang mga kamay at halos pautal-utal lang ang magsalita at napapaiyak na
20:15.0
Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa
20:19.0
Sa pagkakatarantatuloy niya, agad-agad ay kumuha si mami ng tubig para ipainom kay ate
20:28.0
Nang mahimas-masan nga siya na ikuwento ni ate ang narinig niya
20:35.0
Yung boses daw nung lalaking sumagot ay parang nang gagaling sa ilalim ng balon
20:42.0
Napakalaki ng boses at pagalit daw
20:46.0
Iniisip na lamang nila na maaaring nairita ito sa ingay na ginawa ng cellphone
20:52.0
Kaya simula po noon, hindi na rin bumibisita si ate sa opisina ni mami at yung cellphone number na iyon, yung SIM card, ay itinapo na rin nila
21:08.0
Sa opisina pa rin ito ni mami
21:11.0
Next day naman nang mangyari ito
21:15.0
Isinama ako ni mami sa opisina para may katulong daw siya na mag-decorate para sa darating na Pasko
21:23.0
Naubusan nga kami ng garland noon kaya sabi ni mami, e sasaglit lamang daw po siya sa katabing store para doon bumili ng kinakailangan na pandagdag na dekorasyon
21:35.0
Umayaw talaga ako noon sir Red pero ang sabi niya ay sandali lamang daw po siya kaya napapayag na rin ako
21:43.0
So binuksan ko ang pintuan at naupo sa chair
21:47.0
Sa labas noon at nasa kabilang side ang desk ng sekretary ni mami
21:53.0
Kumuha ako ng ball pen at tinatapik-tapik iyon sa mesa para mag-create ng ingay
22:00.0
Para kong ang hinahamon yung mga multo sa opisina nilang iyon ng oras na iyon
22:05.0
Palakas ng palakas ang ginawa kong pag-iingay hanggang sa nakita ko ang pagkahulog ng kusa ng isang payong na kanina'y nakasabit sa filing cabinet
22:20.0
Pinanlakihan talaga ako ng mga mata sir Red at pinakiramdaman ko ang buong paligid
22:28.0
Mas lalo akong nasindak nang biglang pumasok ang sekretary at tinanong ako kung ano ang nangyari
22:35.0
Ang sabi ko na hulog yung payong nung gumawa ako ng ingay
22:42.0
Siya namang pagpasok din ni mami sa office
22:46.0
Natatawa na lamang siya sabay sabing
22:49.0
Ano? May naramdaman ka no?
22:53.0
At sinimangutan ko siya
22:55.0
Kwento pa niya na isang araw daw nang pumasok siya sa room niya may nakita nga daw siyang anino na nakuupo sa chair niya
23:06.0
Malaki ang anino na iyon at bulto ng isang lalaki
23:11.0
Pero bigla din daw itong naglaho makaraan ang ilang segundo
23:15.0
Simula nga daw po noon lagi niyang iniuutos sa naglilinis sa opisina nilang iyon na ipatumba ng bahagya ang upuan niya
23:29.0
sapagkat ayaw daw niyang makita muli na may nakaupo doon
23:34.0
Namulto
23:45.0
Pagkakataon
24:05.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito
24:08.0
Hit like, leave a comment, at ishare ang ating episode sa inyong social media
24:13.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pagfollow sa kanyong social media
24:18.0
Check the links sa description section
24:20.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments
24:28.0
Suportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors
24:35.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories
24:40.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive
24:46.0
Mga Solid HDV Positive, ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating Bonsong Channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories
24:59.0
Subscribe na or else
25:04.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
25:12.0
It's your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!