Close
 


kumukulong asido
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 04:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang parke ng Yellowstone na matatagpuan sa Wyoming sa Bansang Amerika ay isa sa pinakamaganda at pinakamamanghanggawa ng kalikasan sa buong mundo.
00:10.5
Bukod sa kakaiba ang nilalang na doon ay matatagpuan, dito rin matatagpuan ang tinatawag nila na ang isa sa mga super volcano sa buong mundo.
00:20.3
Sa ilalim ng vulkang ito, matatagpuan ang nagbabagang lava na tinatakpa naman ng tuyo na mga kalupaan.
00:28.1
Kaya naman ang ilog na nakapatong sa bunganga ng vulkang ito, bukod sa init ay isa rin kumukulo na asido.
00:35.6
Kaya naman sa mga taong hindi pinansin ang napakaraming mga karatula na nagsabing huwag doon ay lalapit pa o sa mga babala na huwag doon ay maglalakad, ito naman ang sasapitin.
00:48.6
Una agad na malalapnos ang balat dahil sa temperatura ng tubig doon ay naitala na 392 degrees Fahrenheit.
00:57.4
Mga katinagalog ko, ang init po ng kumukulong tubig sa takore ay 212 degrees Fahrenheit lamang para lamang mas maimagine nyo kung gaano kainit ang sinasabi ko.
01:09.1
Sa loob ng hindi aabot sa isang minuto, ang ating balat ay malalapnos.
01:14.1
Mawawala na ang pakiramdam ng init, ang mga ugat naman sa ilalim ng panglabas nating mga balat ay magsisipotukan na.
01:21.9
Matapos nito ang taba na nakapalibot sa ating balat ay saka naman matutunaw na.
01:27.4
Lahat ito ay magaganap sa katawan ng isang tao sa loob lamang ng mahigit sa isang minuto.
01:33.1
Kasunod nito ang mga organ sa ating katawan dahil sa kawalan ng dugo, ito na ay hihinto.
01:39.6
Masasawi ang tao sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlo na mga minuto.
01:44.6
Saka naman ang asido sa lawang ito ang bahala sa magiging labi na maiiwan ng tao.
01:50.6
Sa loob ng lima hanggang sa anim na oras, matutunaw na lahat kasama pati ang buto.
01:56.3
Sa mga nakaaho naman, 90% ang nasawirin kalaunan dahil sa tindi ng paso na natamo na kanilang katawan.
02:04.1
Nang ikapito ng June ng taong 2016, itong si Colin Scott at ang kanyang kapatid na si Sabelle ay nagtungo sa Yellowstone.
02:12.1
Ito ay upang masilayan nila ang sikat na sikat na mainit na bukal.
02:16.8
Nagala sila sa pinakamainit na parte na ang Norris Geyser.
02:20.8
At sa kabila ng mga napakaraming mga babala at paalala na huwag lalampas sa itinakdang harang na maaari lamang nalakaran,
02:29.3
ang magkapatid ay naglakad pa rin ng 200 metro papalapid sa delikadong mainit na bukal.
02:36.3
Sa pagmamasid ni Colin, malapit sa tubig ay nadulas ito at tuluyang nalubog sa mainit at kumukulo na bukal.
02:44.8
Sa paglubog ni Collins, hindi na nakaahon pa itong muli.
02:48.3
Alam ng kapatid niya na wala itong magagawa upang tulungan ang kuya niya.
02:52.3
Wala siyang magawa kundi ang tumakbo palayo at humingi ng tulong.
02:56.3
Sa kanilang pagbabalik, niwala ng palatandaan na nahulog doon si Colin maliba na lamang sa mga lumulutang nito na mga piraso ng suot niya na tsinelas.
03:06.8
Simula pa ng taong 1890, naitala na dalawampu at isang katao ang naging biktima ng kumukulong lawa.
03:14.3
Pang dalawampu at dalawa na si Collins na bilang ng hindi na nakita pa.
03:19.3
Lahat sila ay hindi sinasadya na doon ay nahulog o nadulas.
03:24.3
Sa mga katinagalog ko, ang mga babalapo ay isang paalala na inilagay doon dahil may nauna ng nangyayari sa lugar na iyon.
03:32.8
Halimbawa sa pagtawid natin sa kalsada, kapag may nakita na kayo na karatula na bawal tumawid, malamang mayroon na doon na nasagasaan.
03:41.3
Kaya huwag pong baliwalain ang mga karatula dahil hindi man po natin alam ang historia ay malamang mayroon na pong mga nangyayari doon.
03:49.8
Dapat lagi po natin isinasaalang-alang ang ating pong kaligtasan, lalo na kung may mga naghihintay po sa ating pag-uwi sa ating tahanan.
03:57.8
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.