Close
 


Prime Minister Pinatay Para Ipaghiganti Si Rizal
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Walong buwan matapos mamatay ni Rizal ay pinatay din ang Prime Minister ng Spain.. Hit Subscribe kung Nagustuhan mo ang videong ito: http://bit.ly/8moobly Sobrang malaking tulong ang suporta mo para sa aming patuloy na pag gawa ng mga video na tulad nito. Maraming Salamat SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #history #rizal #philippines
Moobly TV
  Mute  
Run time: 06:16
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Walong buwan matapos mamatay ni Rizal ay pinatay din ang Prime Minister ng Spain na si Senor Canovas del Castillo.
00:08.8
Ano ang kinalaman ni Rizal sa kanya? Paano ito nangyari? At ano ang dahilan ng kanyang paggamatay?
00:15.6
Sasagutin natin yan sa video na ito.
00:18.3
September 1896, sumakay si Rizal sa Bangkang Isla de Panay, paalis ng Dapitan kung saan siya pinatapon at tumira sa loob ng apat na taon.
00:28.5
Pupunta dapat siya sa Cuba upang magsilbi bilang doktor sa ilalim ng Espanya. Ito ay ayon sa payo ng kanyang kaibigan na si Ferdinand Blumentritt.
00:37.8
Ang Governor General ng Pilipinas noon na si Ramon Blanco ay pinayagan si Rizal at nagpadala pa nga ng recommendation letter sa Ministry of War ng Espanya.
00:47.8
Sinabi sa liham na, sa nakaraang apat na taong pananatili ni Rizal sa Dapitan, naging isang huwaran siya.
00:55.1
Sa aking opinyon, karapat dapat lamang na siya ay palayain sapagkat siya ay walang kasalanan.
01:01.1
Ito ay kaugnay sa pagkakasangkot ng pangalan ni Rizal sa namumuong rebeliyon na pinamumunuan naman ni Andres Bonifacio.
01:09.1
Nauna nang sinabi ni Rizal na salungat siya sa planong ito ni Bonifacio, wala ring kinalaman si Rizal sa pagkakabuo ng katipunan.
01:17.4
Ngunit dahil sa mga nobelang kanyang ginawa na nagpapakitan ang mga katiwalian ng Espanya at naglalaman ng mga liberal na ideya ay nadawit ang kanyang pangalan sa pag-aalsang nagagana.
01:29.4
Ngunit alam nating lahat na hindi natuloy ang plano ni Rizal na pumunta sa Cuba.
01:34.4
Ito ay dahil sa sumunod na pangyayari.
01:36.4
Kahit na pinayagan na siyang umalis ng Pilipinas at kahit na sa labas na siya ng Pilipinas ay hindi pa rin naging ligtas si Rizal sa paratang na siya ang lider ng rebeliyon.
01:46.7
Habang naglalakbay sa Mediterranean Sea ang barko ni Rizal, inaresto siya ng kapitan ng barko sa paratang na siya ay leader ng pag-aalsang nagaganap sa Pilipinas noong mga panahon iyon.
01:58.7
Ito ay ayon sa utos ng Minister of Colonies at dahil na rin sa utos ng mga prayle sa Manila.
02:05.0
Inaresto si Rizal ngunit hindi siya sa Pilipinas dinala.
02:09.0
Dumaong ang barkong sinasakyan niya papuntang Cuba sa Barcelona at doon siya ikinulong sa Montjuic Castle.
02:17.0
Pero ano nga ba ang Montjuic Castle? Ano ang meron dito?
02:21.0
Nagsilbingkuta ng militar ng Spain ang Montjuic Castle.
02:25.0
Malagim din ang nangyayari sa Montjuic.
02:27.0
Dahil dito kinulong at pinapatay noong mga panahon ito ang mga anarkista at revolusyonaryo.
02:33.3
Ang mga anarkista ay mga taong hindi naniniwala na kailangan ng isang gobyerno.
02:38.3
Mas naniniwala silang makakamit ang kapayapaan kung voluntary ang ating pagsunod at walang mas nakakataas na otoridad.
02:46.3
Dito na pumasok sa kwento si Michele Angiolillo,
02:49.3
isang Italian na anarkista na ang mga kasamahan ay nakakulong at nagdudusa sa Montjuic Castle.
02:56.3
Nabalitaan niya ang pagkakaaresto kay Rizal.
02:59.6
Noong December 30, 1896, hinarap ni Rizal ang hatol ng kamatayan.
03:04.6
At agad rin itong nakarating kay Angiolillo.
03:07.6
Nag-init ang kanyang ulo sa sinapit ni Rizal.
03:10.6
Bakit? Ano ba ang koneksyon niya sa kinikilalang leader umano ng revolusyon sa Pilipinas?
03:16.6
Si Rizal ay isang radikal na naniniwalang lahat ay mareresolba sa maayos na usapan at mapayapang paraan.
03:23.9
Hindi siya anarkista, ngunit nagkaroon ng usap-usapan na siya ay may ganito ring paniniwala.
03:28.9
Ito ay dahil sa isang karakter na isinulat ni Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo,
03:34.9
na karugtong ng naunang nobelang No Limitangere.
03:38.9
Ang karakter na ito ay si Simon, na sa naunang nobela ay si Crisostomo Ibarra.
03:43.9
Sa El Filibusterismo, si Simon ay salungat sa kalmado at matulungin na Ibarra sa No Limitangere.
03:51.2
Siya ngayon ay isang negosyanteng mapang-abusok.
03:54.2
Ginawa niya ito upang puwersahang maging kurap at kuhain ang tiwala ng mga opisyal ng Espanya.
04:00.2
Nang sagayon ay makita ito ng mga Pilipino at sila na mismo ang mag-aalsa laban sa gobyerno.
04:07.2
Ipinahayag din ni Rizal at mga kasamahang propagandista sa Espanya na si Francisco Pia E. Margal,
04:14.2
President ng First Spanish Republic, ay inspirasyon nila.
04:17.5
Si Francisco Pia E. Margal ay naniniwala sa anarkismo at madami siyang repormang isinulong na nakaayon sa anarkismo.
04:25.5
Dagdag pa rito, malaki ang galit ni Michele Angiolillo sa Prime Minister ng Spain na si SeƱor Canobas del Castillo.
04:33.5
Ito lang naman kasi ang number one defender ng hari ng Espanya at ang numero unong tumutuligsa sa mga kritiko ng hari,
04:41.5
tulad na lamang ng mga revolusyonaryo, sosyalista at ang mga anarkista.
04:46.8
Si Canobas ang nagpakulong ng tatlong daan na anarkista sa Montjuic Castle.
04:51.8
Ang koneksyon na ito ang nagsilbing trigger sa mga susunod na pangyayari.
04:56.8
August 8, 1897, linggo ng hapon, minamanmanan ni Michele Angiolillo ang Prime Minister at noong Macachempo ay binarilito ng malapitan.
05:07.8
Sinigurado niyang matatamaan ito at agad na mamamatay.
05:11.1
Ayon sa kanya, ginawa niya ito upang ipaghiganti si Rizal, nasaksihan ng asawa ni Canobas ang nangyari,
05:18.1
at noong nakitang duguan ng kanyang asawa, ay lumapit siya dito at umiyak.
05:23.1
Galit niyang tinignan si Angiolillo, ngunit ang sinabi lamang nito ay,
05:27.4
Nire-respeto kita dahil kagalang-galang kang babae.
05:30.4
Ngunit nagawa ko na ang aking tungkulin.
05:33.4
Payapa na ang aking isipan dahil na ipaghiganti ko na ang aking mga kaibigan at kasama na nasa Montjuic.
05:40.4
Kumalat ang balitan ito sa buong Europa at nakaabot pa sa The New York Times
05:46.4
na hatulang guilty si Angiolillo at hinarap ang parusang kamatayan.
05:50.4
Patunay lamang ito na ang mga kaganapan noon sa Pilipinas ay alam ng buong mundo
05:56.7
at ang kabayanihan ng mga Pilipino tulad ni Rizal ay naging matunog din sa Espanya.
06:01.7
Sana ay may napulot kayong aral sa video na ito.