Close
 


SWS survey: ‘Best leader to succeed’ BBM?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Himayin natin survey ang Social Weather Stations tungkol sa mga napipisil na pumalit kay President Marcos Jr. at sa mga pwedeng manalong senador sa 2025. Di pa nakakaisang-taon sa pwesto si BBM, kapalit na nya agad ang pinag-uusapan? Bakit naman ganun? May mga political dynamics ba na dapat tayong malaman?
Christian Esguerra
  Mute  
Run time: 46:24
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ayon, late tayo nag-start, pasensya na po.
00:29.0
Hello po ako po si Christian Esguerra at welcome po sa ating episode ngayong gabi ng Facts Verse. Again paumanhin po dahil we're 12 minutes late dito sa ating programa 8.30 dahil nagkakaroon ng technical problem yung ating panauhin dapat ngayong gabi.
00:59.0
... Ito ang mga napipisil ng mga sinurvey na mga respondents na sa tingin nila the best person to succeed President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Tapos doon din po sa survey na yan ang mga napipisil ng mga sinurvey na mga pwedeng mag-senador sa darating midterm elections sa 2025.
01:29.0
... I'd like to greet yung kanilang head si Ma'am Ella Bautista, head ng office ng LTO sa PITX, napakabait na tao. At sya ka yung kanya pong assistant si Ms. Nika Enriquez.
01:59.0
... At sa mga government workers, kung ano man yung rangko nila, kango nila, nakikita natin she's among those that I've met na genuinely napakabait at mabuting tao. Very accommodating. Nakikita ko as a case nila lahat ng mga nakapila sa LTO office.
02:29.0
... So naghahanap ito ng mas maraming trabaho na mapapagservisyon. So yan, kumapadaan kayo sa PITX sa LTO.
03:00.0
Interesting yung survey kasi pag inisip natin, o kaya may survey na ngayon, this early. Pinag-uusapan dito presidential election sa 2028 pa po yan.
03:12.0
Ang survey was conducted from April 15 to 18 at ito rin pala commission survey. Ibig sabihin hindi SWS ang nag-conduct ng survey on its own. Kumbaga may nag-commission sa kanila. Binayaran sila to conduct the survey.
03:43.0
Ako mismo medyo napapaisip dito. Kasi normal na this early nagpe-prepare yung mga nagbabalak na kumandidato sa pagkasenador o nagbabalak na kumandidato muli. Yung mga those who are planning to seek re-election in 2025. Ngayon pa lang nagpaparamdam na yan.
03:59.0
Kasi alam niyo naman ang mga senador, binabota natin every 6 years para hindi nababakante yung 24-person senate natin at any given time. Kumbaga may continuity. That was how our system was designed.
04:29.0
I expect okay lang po yan. Acceptable yan. Kumbaga expected yan. Kasi yung mga nagpaplanong tumakbo sa 2025 senatorial election, siyempre ngayon pa lang nagpaparamdam na yan. Tinitingnan lang yung chances nila.
04:42.0
Pero ito nga pala, if I may give you a piece of unsolicited advice, yung mga nababasan yung survey ngayon this early, whether ang tingin nyo sa mga ganyang survey masyado maaga or mayroong ibang intention, well huwag kayong basta-basta maniniwala sa survey.
04:57.0
Hindi naman predictive ang mga surveys. Kumbaga binabanggit lang niya kung ano yung sentimiento. Assuming that the survey design was accurate and it was properly made, pating questions properly designed.
05:09.0
Kung lahat ng mga assumptions ngayon ay check, ibig sabihin lang nun reflective ang isang survey doon sa sentimiento ng mga sunurvey at any given point in time.
05:21.0
Ito yung snapshot. Hindi ibig sabihin na kung yung mga nangungulilat ngayon o nangungunan sa survey ngayon, sila ang mananalo sa 2025 and more so sa 2028.
05:34.0
Ang iniisip ko lang, okay, hindi ganoon kaaga pag iniisip natin kung may gusto magpa-survey doon sa mga senatorial prospects or mga nag-aambisyon na gusto maging senador sa 2025.
05:48.0
Medyo nagtataka lang ako, hindi kaya masyado maaga yung mga ganitong survey pagdating doon sa mga iniisip nila na pwedeng sumunod o pamalit kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
06:02.0
Sa mga nakaka-isang taon yung tao, bakit kailangan nang tanongin ang mga respondents, sino ba sa tingin niyo yung pinakamagaling na leader na dapat sumunod kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.?
06:32.0
Sa 2023 pa lang ngayon. Ang presidential election natin sa 2028 pa. At siyempre expected, 28% ng mga survey ang pinili si Sara Duterte, 11% si Sen. Rafi Tulfo, 6% si Leni Robredo, dating VP na natalo noong nakaraang eleksyon.
07:03.0
Tapos si Sen. Robin Padilla, dating Manila Mayor Isko Moreno, may Bongbong Marcos ulit, may Amy Marcos, may Sandro Marcos. Lahat naka 1%.
07:18.0
Okay. Una inisip natin dito. Mukhang lumalabas dito top of mind ng tanong. Top of mind. Alam niyo kung bakit? For example, ito ba si Sandro Marcos sapat na may edad niya para tumakbo sa pagka-presidente?
07:48.0
At nandun pa rin si Rodrigo Duterte, dating Pangulo, katatapos lang, naka-6 na taon. So mukhang lumalabas dito kung top of mind ng approach. Tinanong sila, sino ba sa tingin niya ang best leader?
08:03.0
Sinabi nila ito, for all you know. Baka lang nang gusto nila barangay captain nila. So pwede ibigay nila. So inisip ko lang ano bang intention ng ganitong survey especially given the timing.
08:16.0
So hindi ko na-question the way the survey was conducted by SWS. Pero sa akin kasi dapat medyo critical at maalam tayo sa lahat ng mga surveys na nakikita natin.
08:29.0
Pero sa SWS naman, repeatable naman ito. Parang Pulse Asia. Miski ayaw niyo ang lumalabas na risulta. Ako lang talaga ang timing. Parang masyado maaga yata ito. 2023 pala pinag-uusapan natin kung sino yung napipisil na magandang sumunod kay President Ferdinand Bombo Marcos Jr.
08:51.0
Pwede mo itong ipasok doon sa nakikita nating political dynamics between the Dutertes and the Marcoses and certain factions within that? Ano ba ito? Nagmamadali ba sila napababain si President Marcos? Bakit ganito? Kailangan palutangin ang mga ganito?
09:09.0
Nagtatanong lang naman tayo. Tapos pag iniisip natin, ito pa yung telling dito. Yung mga hindi pa alam kung sino sa tingin nila ang pinakamagaling na leader na dapat sumunod kay President Marcos Jr., actually sila ang may pinakamaraming nakuha doon sa Makasinurbe na 1,200 respondents.
09:35.0
Ang nagsabi na wala pa silang napipisil, hindi nila alam at medyo... Hindi pa nila gusto sabihing kung sino yung napipisil nila. 41%, 4-1. Ibig sabihin mas malaki yung segment na yun ng Makasinurbe ang nagsasabi na di pa namin alam kung sino, wala kami preference or ayaw namin sabihing kung sino.
10:05.0
... So sa akin dapat magpapanuri tayo sa mga ganito. Kasi sa mga forces from within the alliance, even from the unit team itself, yung mga hindi happy sa pamamalaka ni President Marcos ngayon, baka gamitin ang mga ganito resulta to actually destabilize his administration.
10:35.0
I agree yung marami sa inyo doon sa nag-resulta ng presidential election, yan ang official at may mandato. So pag may mandato ang isang tao, dapat tapusin ang termino niya. Pero siyempre we have to hold that person accountable kasi binigyan siya ng mandato e dapat magtrabaho, di pwedeng tatamad-tamad, di pwedeng lumilipad yung isip. Yan ang tinatawag na accountability and that is our responsibility as citizens.
11:05.0
So bumoto o hindi, yan ang pinili ng majority. So majority kaman na bumoto sa nakaupo o hindi kaman bumoto, lahat tayo may responsibilidad na maging mapanuri sa mga ginagawa nila.
11:36.0
Actually siya ang nagtatop. Siya ang pinakamataas. Mas mataas ang numero niya kay Bongbong Marcos. Tapos eventually nagkaroon ng alliance. Some people would like to claim credit for that sa pangbuon ng unit team.
11:48.0
So nung pumasok si Sara Duterte at nag-agree na tumakbun na lang for vice president at hindi for president, dun talaga tumaas lalo ang numero ng Bongbong Marcos kaya umabot sa 31M votes.
12:01.0
So alam natin na may utang na loob if not malaki ang utang na loob ng mga Marcos sa decision na ito ni Sara Duterte. Kaya ako napapansin nyo, in history naman hindi dapat ganoon kalakas ang isang vice president given our constitutional design.
12:16.0
Kasi wala naman talagang trabaho ang vice president. Pag tinignan nyo, pag binag-aralan nyo ang ating constitution, hindi required ang nakaupong presidente na bigyan ng cabinet position ang vice president.
12:28.0
So kaya yan ang gusto i-suggest ng ibang mga gusto ang amyandahan ng constitution. Kung gusto daw nila i-keep ang position ng vice president, dapat i-mandate o kaya i-require ang nakaupong presidente na bigyan ng position sa gabinete ang vice president.
12:45.0
Pero at present wala pang ganoon requirement sa ating constitution. Maganda lang kung ikaw ang vice president at binigyan ka ng position sa gabinete nung nanalong presidente, di mo na kailangan dumaan sa commission on appointments, di ka na kailangan dumaan sa butas ng karayo.
13:16.0
Hindi lang natin masyadong nakikita ngayon kasi magkasama pa sila officially. Pero kung sakalang magkabitak-bitak yata, doon yata magkakaalaman kung sino merong strong and wide political base, doon magkakaalaman.
13:28.0
Kaya importante ang magiging resulta ng 2025 elections. Kasi alam nyo po, sa kasaysayan din natin, given our political system, ang presidente binibigyan ng 6 taon to serve.
13:41.0
Hapakalakas ang presidente during the first half of the presidency. Pero pagkatapos yan, pagkatapos midterms, initially hindi ganoon kalakas. Although, exception din si President Duterte noong time niya dahil hanggang ngayon ang lakas pa rin.
13:57.0
Pero meron pa rin siyang political influence sa government dahil marami rin siya itinanim at na-appoint diyan. Although normally pag pinag-uusapan natin ng 6-year presidential term, dati noong 2nd half ang sinatawag nila diyan, lame duck na rin presidency especially during the final year. Bakit?
14:27.0
Kaya sa tingin nila ang malaki, ang chance ng manalo, siyempre lilipat sila sa may pinakamalaking chance ng manalo. In short, sip-sip. Kaya uso-uso sa ating political turncoatism. Mga balimbing, palipat-lipat kung sino ang may pinakamalaking chance ng manalo.
14:57.0
Kasi buka meron hindi ata ganoon kasaya sa kanyang pamamalakad. Parang pinofloat na agad ang idea, I'm sure nadidirig niyo rin ito. Even within administration supporters sinasabi nila mas ok pa ito ng panahon ni dating Presidente Duterte kasi mas safe daw noon, etc. etc. Takot dahil mga tao, wag din kayo basta-basta magpapabola sa ganoon. For all you know, sa kanila rin galing propaganda.
15:27.0
So kung sino ang democratically elected person, whether hindi nyo gusto ang desisyon, you have to ensure that they finish their mandate but you have to hold them accountable. At siyempre, hindi pwedeng magbubulag-bulagan tayo sa mga ganyan.
15:57.0
... Actually nadidirig natin ang pangalan ng Raffy Tulfo kasi may mga nakakausap din tayo from the opposition side. May nadidirig rin tayong malikot mag-isip. Sinasabi nila, panagintay pa ang opposition ng isang sistema kung saan malaki ang chance ng isang disente, matino at walang bahid na kandidato, baka mamuti na rin mata natin.
16:27.0
Mas maganda siguro pumili ng isa rin populist politician, hindi pong malakasyon dating. At nabanggit niya sa mga conversations that I had with some people, sabi nila, iba sa kanila tinitingnan ang Raffy Tulfo, baka pwede ito mag-go head-to-head kay Sara Duterte sa 2028 elections.
16:49.0
Again, napakalayo pa yan. Pero alam niyo dito sa ating politika, base na rin sa observation ko, may fatal sa isang politiko pag nagpakita ka agad ng baraha mo. Kasi pag sinabi mo for example, bahala kong tumakbo sa Presidenta sa 2028, yari ka, talagang pupupuging ka, talagang pagiinitang ka.
17:19.0
So talagang patibayan dito. Naalala ko yan, for example, ng panahon ni President Noyne Aquino, ang VP nun si Jejomar Binay. Hindi naman sila magka-partido, hindi naman sila magka-alyado. So okay din naman sila kasi malalim ang history ng Cory Aquino at Jejomar Binay.
17:49.0
Pero naaalala ko nung ang presidente ay ang anak, si Noyne Aquino, si Vice President Jejomar Binay, meron siya isang panayam. Parang natanong yata siya, balak nyo bang tatakbo ba kayo sa pagkapangulo sa 2016?
18:04.0
Hindi ko maalala exact words niya pero in so many words parang sinabi niya, parang it would be a hypocrisy o ka-hypocritohan pag sinabi niya hindi niya tinitingnan ang presidency. Kasi naman pag nasa vice presidential position ka na, isang step na lang. Pwede ka mag-presidente e ba't ka pa hindi tatakbo?
18:34.0
So eventually malaki ang ano. Actually tala siya ng 2016 kasi talaga umakatan yung Rodrigo Duterte. So dito tinitingnan natin ano pwede mangyayari sa Raffy Tulfo because sa ngayon mabango siya, very populist. Whether you agree with him or not, meron siyang wide support.
19:04.0
Although I don't agree dun sa ganyang Tulfo kind of justice. Although maintindihan natin kung bakit parami sa mga kababayan natin tinatangkilik ang kanyang TV at radio program.
19:18.0
And ako mismo dati pag wala akong ginagawa, nagdadrive ako ng panghali, magtutunin ako dun, papakinggan ko. Misan sabi ko journalism mo ba itong ginagawa niya? To be sure public service but I'm not sure whether that's journalism.
19:32.0
Pero debate kasi yan sa mga journal schools. Alam mo yung brand of journalism na mga Tulfo. Anyway, Raffy Tulfo talaga nakakatulong sa mga kababayan natin pero maintindihan natin ang mga kababayan natin kung bakit lumalapit sa kanya.
20:02.0
At kung bakit lumapit sa isang personalidad para magkaroon ka nun? Kasi wala yung pinagkaiba sa padrino system. For example, napansin nyo ba ang kulturo natin dito sa Pilipinas, pag gusto mo lumapit sa isang ahensya ng gobyerno, kukuha ka ng ganitong permit, parang hinahanap mo agad padrino.
20:20.0
Kakakalala mo ba sa ganito? Kakakalala mo ba sa ganyan? Sa barangay, kilala mo ba si barangay captain? Bakit hindi natin pangarapin ang pagkakataon na pupunta tayo sa ahensya ng gobyerno kahit walang padulas, kahit walang padrino, kahit walang kakilala, mabibigyan tayo ng serbisyo?
20:50.0
So I thank them for that. Pero sana, ganoon din sa sistema ng kustisya. Para ang naagrabiyado ng mga kababayan natin, hindi kailangan maghanap ng isang mesaya. Kasi delikado yan. Yan ang problema sa politika natin. Parang tumataya tayo sa tao, hindi doon sa sistema na maayos.
21:20.0
Nalagay lang natin sa balikat ng isang tao, hindi naman siya pwede mag-rule for life. Kahit mag-diktador pa yan. Mamamatay at mamamatay yan kasi natural consequence yan. May cycle of life and death tayo na tinatawag.
21:50.0
Bakit po tayo naging very personality oriented? Eh kasi nga yung sistema natin hindi maayos. Hindi tumatakbo na maayos. Kailangan mo lumapit sa padrino across all levels in government para magkaroon ka ng tamang serbisyo which is mali.
22:07.0
So yan, isa yan sa mga paliwanag kung bakit tulfo brand of politics talagang mabenta. Eh kasi pag lumapit ka kay tulfo...
22:18.0
Di ba mga buhay mag-asawa, away ng mga karelasyon. Kung gusto mong magsusubok kay tulfo, di ba naging verb na siya, papatulfo kita.
22:31.0
Kung ikaw naman yung tulfo, wow, nabuo mo yung brand mo as someone na tatakbuhan pag may nagrabiado. Ang galing doon.
22:39.0
Pero sa akin, that is also an indictment of the kind of system that we have. May mali talaga sa sistema natin. Kung kailangan pa natin isang personalidad, hindi naman natin alam kung talagang...
22:55.0
Anyway, ayoko na ituloy. Kung ganoon po kasi yung perspective natin, talaga meron pumali sa sistema natin. We choose persons instead of systems.
23:08.0
Kasi pag maayos po yung sistema natin, if we have good systems in place, kahit sinong pumalit dyan, yung sistema nandyan maayos.
23:17.0
Kumbaga hindi ka pwedeng, hindi mo kailangang maglupasay sa lungkot o sa kalungkutan. Pag napusna yung termo na isang politiko. Kasi alam mo, yung sistema nandyan. Kahit sinong pumalit, the system will work for you, not for them.
23:39.0
But what if naman meron tayong, let's say, nagkamari tayo sa pagboto, meron isang abusado na politiko na iloklok sa isang pwesto. Kung matino yung sistema natin, that system would make sure na minimal yung chances na meron ganoong abusado na maloloklok sa pwesto.
23:56.0
At kung sakaling maloloklok siya sa pwesto, nandun din sa sistema na meron tayo kung saan pwede mo siyang matanggal na mabilis. Okay? So yan, naisa-isa ko lang.
24:09.0
Tapos yung Lendro Bredo, dating vice president, nakakuha siya ng 6% dito sa survey ng SWS, best leader to succeed President Marcos Jr. as president, 6%. Okay.
24:22.0
Hindi natin alam kung anong plano ng Lendro Bredo sa kanyang politika. Although marami yung pinutokso, inaasara siya kayo, sinasabi, puro biyahe si mama, ginagalan siya.
24:36.0
At sa akin naman, buhay niya yan. Pero pag inisip niyo objectively, di naman siya talagang ano lang. Di naman nagbabiyahi lang. Kasi meron siya mga ginagawa behind the scenes at angkat buhay. Nandun yung NGO na yan.
24:52.0
Kasi kung ikaw ang politiko na wala ka ng pakialam sa kababayan mo, pwede ka mag-yolo na lang. You only live once. Pwede ka mag-travel na lang at kalimutan mo na yung commitment mo sa taong bayan.
25:22.0
So nasa 15 to 16 million ang bumoto sa kanya? 15 million yata. Sinasabi nila ng iba, kung in-nurture mo yan, kasi talagang nagkaroon ng spontaneous combustion of support sa kanya.
25:37.0
Kasi naka-escalate siya nag-announce sa pagtakbo sa pagkapangulo, nakita naman natin yung mga rallies. So talagang maraming pumunta. Pero talagang overwhelming yung lamang ng bombong Marco sa kanya.
26:07.0
Kasi wala tayong nadidinig sa kanya o sa mga tao niya kung anong plano niya. So hindi natin alam. Sabi na iba dapat tumakbo sa pagkasenador sa 2025, hindi natin. Yung mga nadidinig tayo baka mag-governor, hindi natin alam.
26:22.0
Kung tatakbumuli sa pagkapangulo sa 2028, well tingin ko mas mahirap yan. 2028. O ngayon, ulit. Rodrigo Duterte, naka 3%. Yan ang problema sa mga ganito na survey. Mukhang top of mind lang ito kasi alam naman natin hindi na pwedeng tumakbumuli si dating pangulong Rodrigo Duterte pero nandito pa rin sa survey nito.
26:53.0
So sorry hindi ko nababasa. Mas gusto nyo ba itong ganitong talakayan yung wala ng guest? Hindi kasi nakapasok yung guest natin, I don't know. So dapat meron tayong in-interview ngayon eh nangyari. Eh ako na lang, interview ko yung sarili ko.
27:07.0
Ano ba sa tingin mo yung, ano bang basa mo yan sa latest social weather station survey? Ano kasi yan eh. Kausapin ko na rin sarili ko. Pero maganda rin ganito kasi minsan nakakahingay.
27:19.0
Kasi marami naman ako talagang gusto sabihin sa inyo. Marami ako gusto talakayin sa inyo. Pero syempre ayoko lang kasi yung format na parang puro ako na nagsasalita. So ninalabas ko lang yung aking mga sentimiento, yung aking mga pagbasa sa mga nangyayari.
27:33.0
Usually sa truth bombs segment natin. Ayan, sinabi pinapablock nyo. Hindi ko nababasa eh. Mas okay pala itong ganito pag ako na nagsasalita, hindi ko masyado nababasa yung mga trolls. Ayan, sige basahin natin ano ba yung mga nagagarit pa.
28:03.0
Interesting na mga bakbakan nyo rito.
28:33.0
Mga napipisil na mag-senador base sa SWS survey. Kung nabansin nyo hindi ko binibida yung mga pangalan kasi it's too early, masyado pa pumaaga.
28:52.0
And ang problema dyan baka makapag-mind-conditioned by mga ganyang survey. May mga tao nagbe-benefit dyan. May mga tao nagbe-benefit sa mga ganyang palutang. Kaya medyo maingat tayo dapat sa pagbasa ng mga ganyan.
29:06.0
E kaso minsan yung mga naive coverage na nakikita tayo sa media na kung naglabas ng survey, highlight na ito. Nagkukulang sa critical thinking pagdating doon sa mga survey. So importante yan.
29:36.0
Ano ba? Nangunguna raw si Sen. Manny Pacquiao. Dating Sen. Manny Pacquiao. Wow! Okay ah. Tapos natin din yung pangalan ni Sen. Bong Revilla Jr., dating Sen. Tito Soto.
30:06.0
At this time siya mismo nandito sa ranking na ito. Katay niya si Sen. Bong Go sa 4th and 5th places. Hanepa. Tito Lapid, Bato De La Rosa, Ayme Marcos, Erwin Tulfo. Okay. Yung hindi umubra sa Department of Social Welfare and Development.
30:36.0
So meron talaga siyang kinahantungan. Rodrigo Duterte, nandun na naman. Dating Sen. Panfilo Lacson, nandun din si Sen. Pia Cayetano. Isko Moreno, na naman. Lenro Bredo, Jejomar Binay. Haba. Kayo na bahala. Tingnan nyo na lang.
30:56.0
Sa akin lang, wala namang iba. Expand nyo naman yung choices nyo. Huwag naman ganun. Alam nyo kung bakit? Kung bakit ganyan yung piece of advice ko.
31:26.0
Mga walang kwentang kandidato na nalululoklok sa pwesto. Reklamo tayo na reklamo pero bakit kasi natin binoboto? Sabihin ang iba, huwag ako. Sila binoto nila. Ako hindi ko binoto. Ito naman yung tanong ko sa iyo.
31:42.0
Ano naman ang ginawa mo para mas palawakin yung pag-unawa? At least yung katabi mo, yung kamag-anak mo, yung kapamilya mo. Doon sa mga dapat hinahanap natin sa ating mga leader.
31:56.0
Kasi kung sinarili mo lang yan, hindi ka nag-effort para siguro kausapin sila, paliwanagan o engage with them, e wala makayari sa atin. Kasi pag tuninan yung mga apelido na ito, ilan barito yung mga nagtatrabaho? May mga magagaling dito sa totoo lang pero sila lang ba talaga?
32:16.0
Bakit pare-pareho yung mga apelido? Ibarito, nagpaparticipate ba? Baka file lang ng file ng bill pero hindi naman naiintindihan yung bill nila. O baka atend lang ng atenda ng Senate hearing para magpapogi, para magdrama, para mag-viral sila sa mga TikTok videos. Pero pag inisip ko wala naman ginagawa.
32:46.0
Yan kasi dapat yung mga iniisip natin. Ilan barito sa mga lumulutang na pangalan yan? Talaga may track record ng pagservisyo. Ang problema kasi sa atin dito tulad nung binanggit ko na simula ng ating episode, masyado tayong personality oriented.
33:04.0
Nakatutok tayo sa personalidad, hindi doon sa kaalaman, kakayahan o karakter ng tao. Kasi ganito, tingnan nyo yung composition ng Senado natin ngayon. 24 Senators. Ako in favor ako sa proposal to amend the Constitution na expand ang bilang ng ating Senador.
33:34.0
At i-exploit ng ating mga kagalang-galang ng mga politiko. Agree ako sa proposal na i-vote ang Senador per region para madagdagan ang representation. Kasi masyadong konti sa akin yung 24. Yung 24 pinili pa yan kung saan yung population ng Pilipinas masyado pamaliit compared to population natin yan.
34:04.0
Kasi mamaliit ang choice ng tao. Hindi po sa pamalito ng choice ng tao. Sa akin kasi hindi porke binoto ng majority o plurality ng mga butante, ibig sabihin talagang karapat dapat sila sa posisyon. Ibig sabihin alam nila yung posisyon.
34:34.0
Kaya masyadong mga kagalang-galang na staff nila yung binoto natin. E hindi naman siyempre mananalo yun kasi di naman sila sikat. So mananalo yung sikat. Kaya mayroon ang taas talagang respeto natin kay Dolphine. Alala nyo yung The King of Comedy, mayroon siyang famous quote. Pinapatakbo siya dati Senador. Madaling tumakbo, papano pag nanalo? Anong gagawin niya kung manalo siya?
35:04.0
Nag-uumapaw yung self-confidence pero kakaunti yung self-awareness. Very confident sila na kayang-kayang mag-senator kasi maganda naman yung Amerikani, bagay naman yung suot. Wala silang pakialam kung pag-upura magmukha silang tanga.
35:34.0
Mananalo muna at mag-i-enroll sa UP. Alam nyo ba yan may course sa UP? Nakalimutan ko yung tabog ngayon dyan. Iba naman nagpapaturo sa Ateneo School of Government. Pag nanalo sila mag-i-enroll doon. Mag-aaralan nila papano ang takbo ng mga proseso sa mataas o mababang kapulungan.
35:55.0
Pag naka-coach ko papano nagiging batas sa isang panukalam batas. Ayos diba? Parang ganito yan. Mag-aartista muna ako. Pag ako pinin ang artista at pag-aaralan ko papano umarte. Happy ba kayo sa ganun?
36:25.0
So yun na talaga. May track record. Yung magaling. Di ba mas okay yan?
36:55.0
Pwede ba ilagay? Dapat may Ph.D. Bakit pag may Ph.D. ka ba sigurado ka na magiging magaling na public servant ka? Hindi naman di ba?
37:26.0
Di na ako magbigay ng pangalan. Siguro kaya na mag-name ko sino ang mga bano sa mga nakaupo sa atin ngayon. Sa totoo lang maraming magaling.
37:41.0
Pero maraming ring bano. And dapat we should not settle for less. Hindi sabi na bano nga okay bano nga. Bobo yung binoto nila pero at least nag-aaral. At least mabait naman.
37:58.0
Masyado na yata tayong happy sa mababang standards. Hayo natin taasan. Kung kayo baka mag-apply kayo ng trabaho tapos ang dami requirements.
38:12.0
Tapos pag-apply nyo, pwede nyo masabihin sa employer, kapakataas na standards nyo. Mabait naman ako. Pwede ba yan? Hindi naman di ba? Pero bakit sa mga politiko pwede na yan?
38:30.0
Kaya ang SWS survey sa mga voter preferences for senators, ganda-gandahan naman natin ang choices natin. Hindi pare-pareho. Iba rito baka nagkakaroon ng mga bagong television programs kasi nagpaparamdam para sa 2025 or 2028.
38:52.0
Alam nyo kung bakit medyo jaded yung perspective ko yan? Sinashare ko lang sa inyo. Kasi I've been covering politics for what? 20 years?
39:03.0
Kung marami na ako mga nakilala, nakausap, nakapanayam at nakasalamuhan mga politiko, nakikita mo kung sino yung mga sinsiyan, basura, banyak, plastik.
39:20.0
Nakikita mo yung mga tipong pag nakaharap ng kamera, ibang-ibay actuation pero pag switch off ng camera, uy, parang nag-ibangan nyo. Nakalala ko rin may dati akong senador na kino-cover, suplado yun.
39:38.0
Pero pag tinignan naman yung track record niya, okay lang. May abang siya pero maganda naman yung legislative record niya. So hindi naman alam lahat niya ng mga tao.
39:50.0
Ang mga ganyang kwento, hindi nyo alam yan na marami sa atin. Alam lang yan, ang alam natin sa mga politiko natin based on what we see in media, based on the projections that they have on social media.
40:04.0
And yung perception na yan, sinasabi nila, it's all about perception. It's a perception game. Totoo naman eh.
40:13.0
Ang problema kung hindi naman tugma yung perception o yung image or brand na pinoproject nila doon sa talagang pagkataon nila, ikawawa tayo padaling araw.
40:25.0
Tayo magsasuffer. So yun lang, bago tayo magtapos, ganda-gandahan naman natin sana yung choices natin.
40:56.0
Kasi kung sa marami sa mga butante natin, endearing yan. Napaka-human, napaka-reachable ang mga kandidato natin pag nagpapakita ng kabastusan, nagpapakita ng raw emotions, okay lang.
41:14.0
Pero hindi nyo ba naisip minsan, pagpapakita rin nyo ng kabastusan doon sa posisyon na pinili natin para sa kanila?
41:24.0
Hindi ba natin naisip na pagpapakita rin nyo ng kabastusan sa atin bilang mga butante?
41:32.0
Think about it. In short, yung mga gag show moments ng ilang mga senador natin, it's not something to praise or to be proud of.
41:46.0
Kasi pag in-analyze nyo, ang binabastos doon, tayo. Okay? Sige, nakarami na tayo.
41:59.0
Kayo ito lang kagawin ko minsan. Siguro ibang episodes natin ako na rin magdadakdak. Kung gusto nyo lang naman. Kung ayaw nyo e diwag.
42:08.0
Basta tayo ng mga konting comments. Sabi ni Nesima Marie, voter education ang kailangan.
42:16.0
Sabi ni Sunny Winhaha, gag show. Totoo naman, mukhang gag show minsan.
42:21.0
Naalala ko nga dati nagcocover ako ng Kamara House of Representatives. Nagulat ako. May isang kongresisan tumayo.
42:30.0
Alam nyo yung sabi niya. Inahanap niya yung para sa kanya kasi nakatanggap na rin ng mga pork barrel yung mga kasama niya. Yung para sa kanya bakit wala?
42:38.0
Sinabi niya open mic, sinabi niya in plenary. Sabi ni Zigzone Hobbies, di na dog show nyo ang bansang Pilipinas.
42:53.0
Yan may bagong term ngayon, dog show. Cute ah, cute. Magamit kayo sa mga videos natin. Di na dog show nyo.
43:00.0
Parami akong natutunan sa mga exchanges ko with yan. May tanong si, do you think the death of FPJ and the whole fiasco had a huge impact on tipping the scales and choosing candidates with personality? I'm not sure.
43:19.0
Noong namatay si FPJ? Ah hindi actually, di ba natalo muna siya noong 2004 at siya namatay? Eh di natin alam. Mahaba-baba usapan yan. Quiet muna tayo dyan. Pero naalala ko yan.
43:39.0
Sabi ni Byrne, kung gusto nila katatawa ng Senado, yung pinagtatawa ng Senado ay move, ay move. May pinaparinggan ka ba?
43:50.0
Sabi ni Bandugan, kala ko batugan eh. Bandugan, hope matauhan ang mga butante. You cannot only hope, you have to say something, you have to do something.
44:01.0
Yan, kasi di natin masisi. Eto ang suggestion ko sa inyo lang. Subukan nyo yung ano, subukan nyo yung i-analyze kung bakit yung mga trapo, sila yung pinipili.
44:16.0
Kasi sa akin, eye-opener yan. May mga kilala akong trapo na nakakausap ko. Sa kanila, alam nila kung aling gusto at kailangan ng tao. And they exploit that. Magaling sila sa mga ganyan. Pag-aralan nyo rin mabuti yan.
44:46.0
Maraming salamat po. Maganda yan. Misan, pakarap din natin gawin yan pagdating araw.
45:17.0
Pasensya na kayo, medyo cynical yung approach ko naman pero nagsasabi lang po ako ng totoo. Yan ang honest opinion natin sa mga nangyari sa bansa natin.
45:28.0
Okay sige, pasensya na po. Meron pa akong meeting ng 9.30. So again, maraming salamat po sa pagsama nyo sa ating programa ngayong gabi.
45:36.0
And magkita-kita tayo bukas. Meron tayong guest tomorrow. Ang pag-uusapan natin, national budget, pera natin, kaban ng bayan.
45:45.0
Okay, maraming salamat po sa inyong lahat. And see you tomorrow sa isa na po episode ng ating Facts Verse. Ako po si Christian Esguerra. Magandang gabi po.
46:06.0
Thank you for watching!