Close
 


ESON | PAPA DUDUT STORIES DRAMA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 43:30
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Maraming dahilan kung bakit nanlalamig ang isang tao sa kanyang minamahal.
00:07.0
Minsan ay dahil sa sobrang tagal na nila at nagkakaroon na ng pagkasawa.
00:12.0
Meron din na baka meron ng pinagiinita na iba kaya nanlalamig na.
00:17.0
O kaya ay dahil sa nakikita niya na sobrang mahal na mahal siya ng partner niya.
00:22.0
Kaya nawawala na ang thrill na magiging daan upang manlamig.
00:28.0
Ngunit paano na lamang kung sa pagbabalik ng init ng pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang manlamig sayo.
00:36.0
Magagawa pa bang isalba ang isang relasyon kung ang isa ay nais nang bumitaw?
00:42.0
Dear Papa Dudut,
00:44.0
Madalas kong marinig sayo Papa Dudut ang mga salita na nasa huli ang pagsisisi.
00:50.0
Noon ay hindi ko masyadong iniintindi ang mga salitang yan.
00:53.0
Sapagkat ako ang klase ng tao na kapag may nagawang desisyon na hindi naging maganda ang resulta ay hindi ako nagsisisi.
01:01.0
Ang ginagawa ko ay gumagawa ako ng paraan para may tama ang resulta ng aking nagawang pagkakamali.
01:09.0
Itago mo na lamang ako sa pangalang Eson.
01:13.0
Ngayon ay 29 years old at merong isang malate na online business
01:19.0
at may part time job na online ko lang din ginagawa kaya most of the time ay nasa bahay lamang ako.
01:26.0
Ayokong maging spoiler sa sarili kong kwento kaya hindi ko muna sasabihin kung meron ba kong girlfriend o wala na sa kasalukuyan.
01:35.0
Ang ikikwento ko ay tungkol pala sa love story namin ng isang babae na itatago ko sa pangalang Regine.
01:43.0
Matanda ako kay Regine ng one year.
01:46.0
Nagkakilala kami dahil sa kaibigan siya ng sister ng kabarkada ko.
01:51.0
23 years old pa lamang ako nung unang beses na nakita ko si Regine, Papa Dudut,
01:57.0
sa inuman sa bahay ng kaibigan ko kasi birthday ng father niya.
02:02.0
Nandun si Regine, nagkasama kami sa inuman at nagkakwentuhan hanggang sa naging palagay ang loob namin sa isa't isa.
02:11.0
Hindi ko na papahabain ang kwento ko. Niligawan ko si Regine kasi unang inagandahan ako sa kanya at ang bait pa niya.
02:19.0
May sense siyang kausap. Dumating ang time na sinagot na niya ko.
02:24.0
Sobrang saya ko kasi talagang mahal ko na si Regine, Papa Dudut.
02:29.0
Wala pang one month ang relationship namin ay ipinakilala ko na siya kaagad sa family and friends ko.
02:35.0
Ganon din ang ginawa niya. Ipinakilala rin niya ako sa mga taong malapit sa kanya, lalo na sa kanyang family.
02:44.0
That time pakiramdam ko ay si Regine na ang babaeng makakasama ko sa panghabang buhay.
02:50.0
Siya na yung gusto kong pakasalan at maging ina ng mga anak ko.
02:55.0
Normal siguro na mag-isip ng ganoon ang isang lalaki lalo na at mahal na mahal niya ang isang babae.
03:04.0
Siguro ay dahil na rin sa ang daming katangian ni Regine o talagang hinahanap ko sa isang babae na aking seseryosohin.
03:12.0
Sweet siya, malambing, family oriented, mabait at mataas ang pangarap niya sa buhay.
03:19.0
Gusto niya maging isang chef dahil mahilig siyang magluto.
03:23.0
Masarap siyang magluto, Papa Dudut. Kapag pumunta ko sa kanila ay siyang nagluluto.
03:30.0
Welcome rin ako ng time na yon sa pamilya ni Regine at nararamdaman ko na boto naman sila sa akin para kay Regine.
03:42.0
Sa unang tatlong taon namin ni Regine bilang magkasintahan ay doon ko naramdaman ang peak ng pagmamahal ko sa kanya.
03:51.0
Kumbaga ay sobrang mahal na mahal ko pa siya noon. Hanggang sa parehas na kaming nagtatrabaho at medyo nabawasan ang oras namin sa isa't isa.
04:02.0
Dagdag na rin siguro na may ibang tao akong nakilala at mas nagkaroon ako ng oras sa mga bago kong kakilala kesa sa aking girlfriend.
04:13.0
Kung noon ay halos araw-araw kaming nagkikita at naging every weekend na lamang at kung minsan ay hindi pa.
04:21.0
Aaminin ko na nasa akin ang problema papa dood.
04:24.0
Wiling kasi na gumawa ng paraan sa Regine basta makapagkita lamang kami pero ako parang palaging busy.
04:31.0
Minsan nga ay nakapagsisinungalin ako sa kanya na may trabaho ako kahit wala.
04:38.0
Kahit ang totoo ay nasa bahay lamang ako at natutulog o kaya ay kasama ang mga katrabaho o mga kaibigan ko.
04:47.0
Wala naman akong ibang babae papa dood o talagang naumay lamang ako sa naging routine namin ni Regine na araw-araw kaming nagkikita.
04:56.0
Kaya nang magkaroon ako ng mga bagong kaibigan ay nakita ko na marami pa pala akong ibang bagay naggagawin at hindi ko dapat ikinukulong ang circle ko sa girlfriend ko lang.
05:08.0
Alam kong napapansin ni Regine ang mga pagbabago na nangyayari sa pakikitungo ko sa kanya.
05:15.0
At ang alam ko ay hinahayaan niya lamang ako. Pakiramdam ko kasi ay ayaw niya akong kausapin tungkol sa bagay na yon kasi baka pagsimulan pa ng away o hindi pagkakaunawaan.
05:27.0
Sa loob kasi ng ilang taon na magkasintahan kami ay hindi pa kami nagkaroon ng malaking away at yung marahe lang bagay na iniwasan ni Regine.
05:37.0
May isang pagkakataon na months na rin namin ni Regine papadudut ngunit imbis na magcelebrate kaming dalawa together ay mas pinili kong sumama sa mga kaibigan ko sa isang amusement park.
05:49.0
Upang hindi magtampo si Regine sa akin ay sinabi ko na masama ang pakiramdam ko at kailangan kong magpahinga.
05:57.0
Gusto pa nga niya akong puntahan sa bahay pero ang sabi ko ay huwag na at baka mahawa pa siya sa akin.
06:04.0
Sinabi ko na pwede namang kami magcelebrate na dalawa kapag okay na ang pakiramdam ko.
06:09.0
Very understanding si Regine bilang isang girlfriend ko kaya kapag may ganong pagkakataon ay iniintindi niya ako nang hindi na siya nagtatanong pa.
06:18.0
Pero totoo nga yung walang sekreto na hindi nabubuking.
06:23.0
Nalaman ni Regine na wala talaga akong sakit ng araw ng aming montsary at nagdahilan lamang ako upang makasama ang mga kaibigan ko sa amusement park.
06:34.0
Nag-upload kasi ng picture namin sa amusement park sa Instagram yung isa kong kaibigan at itinag niya ako.
06:43.0
Nakita yun ni Regine at doon na hindi nakatiis si Regine nakausapin ako.
06:48.0
Sorry Eson pero hindi ko maiwasan na magtampo sa ginagawa mong pagsisanungaling sa akin.
06:54.0
Sana nagsabi ka na lamang ng totoo na mas gusto mong kasama ang mga kaibigan mo sa mismong araw ng monsary natin.
07:01.0
Sabi sa akin ni Regine na may kasamang pagtatampo.
07:05.0
Sorry hindi ko kasi alam kung papayagan mo ko.
07:09.0
Sakay yung isa namin kasama doon ay uuwi na sa province nila.
07:13.0
Yung araw na yun na lang ang araw na pwede namin siyang makasama bago siya umalis.
07:18.0
Katwiran ko kay Regine.
07:21.0
Sinabi na rin ni Regine sa akin sa pag-uusap naming yun.
07:26.0
Ang mga pagbabagong napansin niya sa akin.
07:29.0
Pakiramdam daw niya ay hindi ko na siya gano'ng kamahal.
07:33.0
Parang nawalan na raw ako ng gana sa kanya.
07:38.0
Ewan ko ba pero hindi ko kayang aminin kay Regine na totoo ang mga nakikita niyang pagbabago sa akin tungkol sa pakikitungo ko sa kanya.
07:47.0
Imbis na aminin ko yun ay sinasabi ko na nagkakamali siya ng iniisip.
07:53.0
Mahal ko pa rin siya at talagang sadyang naging busy lamang ako.
07:58.0
Simula nang magkaroon ako ng trabaho.
08:02.0
Ang sabi ko pa ay gano'n din naman siya pero hindi ko siya pinag-iisipan ng kagaya ng iniisip niya sa akin.
08:10.0
Naayos naman namin ni Regine ng tampuhan na yun, papadudut.
08:15.0
Nagpromise ako sa kanya na sisikapin kong mas bigyan siya ng time sa kabila ng pagiging busy ko sa aking trabaho.
08:25.0
Saka na-realize ko rin na mahal na mahal ko pa rin si Regine at hindi ko pa siya kayang mawala sa aking buhay.
08:33.0
Nagkataon lang talaga na natutuwa ako sa mga bagay na nagagawa ko kasama ang aking mga kaibigan.
08:41.0
Dagdag rin siguro na na-bored na rin ako sa relasyon naming dalawa.
08:46.0
Ngunit yung love ko para sa kanya ay nandun pa rin naman.
08:51.0
Nakita ko ang saya kay Regine nang mabilis naming naayos ang aming problema.
08:57.0
Ilang araw din kaming naging sweet sa isa't isa at palagi ko siyang tinatawagan kasi hindi kami madalas na magkasama dahil sa aming trabaho.
09:08.0
Pero bumalik na naman ako sa dati kong pagtrato sa kanya.
09:13.0
Naging cold ako sa aking girlfriend at kahit na tumatawag siya at nagchat-chat, ay hindi ako nagre-response.
09:21.0
Kung bagay naumay na naman ako sa kanya papadudut.
09:26.0
Kung tutusin ay okay na si Regine bilang isang girlfriend.
09:30.0
Wala akong problema sa kanya pero naboringan lang talaga ako sa mga routine naming dalawa bilang magkasintahan.
09:38.0
Aware ako sa kung paano ko pakitunguhan si Regine papadudut.
09:43.0
Minsan ay naisip ko na baka mas save ko ang aming relationship.
09:48.0
Kung magsasama na kami sa isang bubong o sa mas madaling salita ay mag-live-in na kami.
09:55.0
Ilang araw ko rin yung pinag-isipan bago ko tinanong kay Regine kung papayag ba siya sa ideya na iyon.
10:02.0
Regine naisip ko na baka mas okay kung magsama na tayo sa isang apartment.
10:08.0
May nakita akong muran na malapit sa work mo, one bedroom, ang turan ko kay Regine.
10:14.0
Gusto ko pero hindi ako sigurado kung papayagan ako ni na papa at mama.
10:19.0
Lalo na kapag nalaman nila na ikaw ang kasama ko.
10:23.0
Saka bakit mo naman niya naisipan?
10:26.0
Edi sabihin mo na hindi ako ang kasama mo, sabihin mo na mga friend mo o kawork mo.
10:35.0
Naisip ko kasi na ito ang dapat natin gawin para magkaroon tayo ng mas maraming time na magkasama.
10:41.0
Para hindi na natin namin miss ang isa't isa, paliwanag ko kay Regine.
10:47.0
Susubukan ko pero hindi ko maipapromise na papayagan nila ako ha, ang sabi ni Regine sa akin.
10:55.0
Sa huli ay napapayag ko si Regine at nagpaalam siya sa magulang niya.
11:01.0
Nagawa patuloy niya ang magsinungaling sa mga ito o para lamang masunod ang gusto ko.
11:06.0
Kinuha na namin yung apartment na sinasabi ko sa kanya.
11:11.0
Nang magsimula na kaming magsama sa isang bubong ay doon ko na na experience ng sobrang pag-aasikaso ni Regine.
11:19.0
Kahit parehas kami ng oras ng pasok ay gumigising pa rin siya ng sobrang maaga para makapagluto ng breakfast at maihanda ang uniform ko sa aking trabaho.
11:31.0
Tuwing weekend ay naglalabas siya ng mga damit naming dalawa at siya rin ang halos gumagawa ng mga gawaing bahay.
11:39.0
Kahit naminsan ko lang siyang tulungan ay never akong nakarinig ng reklamo mula sa kanya.
11:45.0
Papadudot lahat ng yon ay nagagawa niya kahit meron siyang trabaho.
11:50.0
Kahit sinong nalaki siguro ay papangarapin na magkaroon ng asawa na kagaya ni Regine.
11:57.0
Nang minsan nga na maginuman kami ng mga katrabaho ko sa apartment at nakita nila kung paano ako asikasuhin ni Regine, ay naingit sila sakin.
12:06.0
Huwag ko na raw pakawalan si Regine dahil bibihira na mga babaeng kagaya nito.
12:11.0
Dapat daw ay mahalin ko si Regine ng sobra at baka maasulot ito ng ibang lalaki sakin.
12:18.0
Siyempre pinagmalaki ko sa kanila na tinatrato ko ng maayos sa girlfriend ko kahit alam ko sa aking sarili na hindi.
12:26.0
May pagmamayabang lamang ako.
12:29.0
Naniniwala ako sa sinasabi ng mga katrabaho ko papadudot.
12:33.0
Alam ko sa sarili ko na sobrang swerte ko na may Regine ako.
12:37.0
Pakaramdam ko nga ay asawa ko na talaga siya sa pag-aasikaso at pagsisilbi na ginagawa niya para sa akin.
12:44.0
Hindi man lamang siya nagsasabi na napapagod na siya.
12:48.0
Parang basta makita niya ang okay ako ay masaya na siya sa ganun.
12:52.0
Sobrang selfish niya kasi madalas ay ako ang inuuna niya kesa sa kanyang sarili.
12:57.0
Dahil sa okay naman si Regine at nakikita na kami sa araw-araw ay hindi na kami nagkaroon pa ng pag-aaway tungkol sa kawalan ng oras ko sa kanya.
13:07.0
Inilalaan na lang namin ang weekend para makasama ang family o friends naming dalawa.
13:12.0
Kapag weekend ay diretso uwi na ako sa amin.
13:16.0
O kaya inaaya ko na mga kaibigan ko na lumabas o kaya ay magpunta sa kung saan.
13:21.0
Abang si Regine ay minsan lamang umuwi sa kanila dahil na rin sa mga gagawin niya.
13:27.0
Na kapag walang pasok sa trabaho lang niya nagagawa, kagayang ng paglalaba at pagpaplansya sa ilang damit naming dalawa.
13:35.0
Inahayaan ko lang si Regine sa mga ginagawa niya dahil nakikita ko na nag-i-enjoy siya ang gawin yon.
13:42.0
Naisip ko yun papadudod kasi wala kong naririnig na reklipso.
13:46.0
O kaya kahit dumain man lang siya ay wala papadudod.
13:51.0
Sa ilang buwan namin ni Regine na magka live-in ay mas nasanay na ako sa presensya niya at sa mga ginagawa niyang pagsisilbi sa akin.
14:00.0
Kung dati ay sobra ko siyang na-appreciate.
14:04.0
Noon ay dumating na ako sa point na parang normal na sakin lahat ng ginagawa niya papadudod.
14:08.0
Hindi ko na yun nakikita na espesyal na parang naiisip ko na dahil boyfriend niya ko ay dapat lang talaga na sikasuhin niya ko.
14:17.0
Kung baga ay hindi ako nagiging thankful sa lahat ng effort niya at nabaliwala ko na siya.
14:23.0
Nagluto nga pala akong adobong baboy, gusto mo bang magbaun sa work mo para hindi ka na bumili ng huling bago?
14:30.0
Tanong sa akin ni Regine nang papasok na ako sa trabaho ko isang umaga.
14:34.0
Huwag na, natatamisan ako sa adobo mo eh, casual kong sagot.
14:40.0
Pero dati kumakain ka ng adobo ko kahit na gano'ng lasa.
14:45.0
Akala ko ay gusto mo ng ganung luto kaya hindi ko na binabago ang lahat ng adobo ko.
14:51.0
Hindi kumakain ka ng adobo ko kahit na gano'ng lasa.
14:55.0
Akala ko ay gusto mo ng ganung luto kaya hindi ko na binabago ang lasa.
15:01.0
Ang sabi pa ni Regine.
15:03.0
Nahihalang kasi akong sabihin sa'yo dati pero sana.
15:07.0
Bawasan mo ang tamis.
15:09.0
Hindi naman dessert ang adobo, ulam yan.
15:12.0
Pabalangkong wika.
15:14.0
Okay buti at sinabi mo.
15:16.0
Sa susunod na pagluluto ko ay i-adjust ko na ang lasa.
15:18.0
Pasensya ka na ha.
15:20.0
Paghingi pa ng sorry ni Regine, Papa Dudut.
15:24.0
Alam kong nasaktan si Regine sa mga sinabi ko lalo na at sinabi ko yon sa kanya.
15:29.0
Sa paraan na hindi maganda.
15:31.0
May way naman upang sabihin ko sa kanya na hindi okay sa akin ang lasa ng luto niya.
15:37.0
Pero mas pinilik kong sabihin yon kay Regine sa paraan na masasaktan siya.
15:43.0
Nang sinabi ko yon sa kanya ay wala kong naramdaman na awa o konsensya.
15:49.0
Dahil sa bigla na rin akong nawala ng pakiramdam sa mararamdaman ni Regine, Papa Dudut.
15:56.0
Kung ano na lamang ang maisipan kong sabihin sa kanya ay sinasabi ko kahit alam ko na pwede siyang masaktan.
16:03.0
Ngunit sa diyang mabait si Regine, kahit na nasasaktan ko siya sa pamamagitan ng aking mga sinabi, ay wala kong narinig sa kanya.
16:14.0
Mas pinili niya ang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon.
16:20.0
Iniisip niya siguro na hindi lang maganda ang araw ko o kaya ay meron akong problemang pinagdadaanan.
16:27.0
Kaya ako ganun sa kanya.
16:28.0
Sa paglipas ng mga araw ay mas lumalapang naging pagbabaliwala ko kay Regine, Papa Dudut.
16:35.0
Nasanay na talaga ako na ganun ko siya itrato.
16:38.0
Kagaya na lamang na kapag meron akong lakad pagkatapos ng work ko, ay hindi na ako nagpapaalam sa kanya.
16:45.0
Kung minsan ay nakakalimutan ko pero mas marami yung sinasadya ko na hindi magpaalam.
16:51.0
Kahit nagchat-chat siya sa akin kung nasaan ako, ay hindi ko siya nire-replyan.
16:57.0
Nalalaman na lamang ni Regine kung saan ako nagpupunta kapag nakauwi na ako sa apartment.
17:03.0
Sana sa susunod na may pupuntahan ka ay magsabi ka naman sa akin, Eson.
17:09.0
Hindi ka naman siguro aabutin ng isang minuto sa pagchat-chat sakin para magpaalam, hindi ba?
17:14.0
Mahinahong sabi sa akin ni Regine.
17:16.0
Naubusan kasi ako ng data kanina, pasensya na, pagsisinungaling ko.
17:22.0
Hindi lang naman kanina ka hindi nagpaalam sa akin maraming beses na.
17:27.0
Ibig bang sabihin ay palagi kang nawawalan ng data sa tuwing may lakad ka?
17:33.0
Turan ni Regine.
17:35.0
Ay nakakalimutan ko rin minsan.
17:38.0
Humihingi naman ako ng pasensya sa iyo, di ba?
17:41.0
Saka ano ba ang gusto mo?
17:43.0
Magkasama tayo palagi.
17:45.0
Gusto mo ba na after ng trabaho ko ay palagi akong didiretso rito sa bahay para makasama mo ako?
17:51.0
Paano naman ang social life ko?
17:53.0
Medyo mataas ang boses na sabi ko.
17:57.0
Eson, hindi naman yun ang pinapoint ko kundi yung hindi mo magpapaalam sa akin kung saan ka nagpunta.
18:04.0
Hindi ko alam kung pauwi ka na ba o kung hihintayin ka sa akin.
18:07.0
O hindi na kasi may lakad ka.
18:09.0
Girlfriend mo ako at di naman siguro masama na i-update mo ako.
18:13.0
Kahit sa kung saan ka man lang pupunta at sino mga kasama mo.
18:18.0
Paliwanag ni Regine.
18:20.0
Hindi na lamang ako nagsalita after nasabihin niyo ni Regine kasi tinatamad na ako makipagtalo sa kanya.
18:27.0
Inisip ko pa na parang nakakalimutan.
18:30.0
Kaya nakapag-desisyon ako na bumalik na lamang ulit kami sa kanya-kanya naming buhay.
18:36.0
Ilang araw din ako nag-ipon ang lakas ng loob para sabihin kay Regine na ang desisyon kong yon papadudot.
18:42.0
Kaya na pang-araw na yun ay nagsisisi na rin ako.
18:45.0
Kung bakit ko pa pinilit na magsama kami sa iisang bubong.
18:49.0
Kaya nakapag-desisyon ako na bumalik na lamang ulit kami sa kanya-kanya naming buhay.
18:54.0
Ilang araw din ako nag-ipon ang lakas ng loob para sabihin kay Regine na ang desisyon kong yon papadudot.
19:01.0
Ang sabihin ko ay tinanong niya ako kung hindi na ba ako masaya nakasama siya.
19:07.0
Nagsinungaling ako at sinabi ko na pinapauwi na ako sa amin kasi nami-miss na ako ng mama ko.
19:14.0
Lano na yung time nasa bahay namin ako umuwi.
19:18.0
Sa naging dahilan ko na yun ay naunawaan ako ni Regine at sumang-ayo na rin siya.
19:22.0
Sa pag-alis namin dalawa sa apartment.
19:25.0
Two weeks after ng pag-uusap namin ni Regine ay bumalik na ako sa bahay namin at ganoon din si Regine.
19:32.0
Sobrang lungkot niya kasi nasanay na raw kasi siya.
19:35.0
Na nagkakasama kami sa iisang bahay.
19:38.0
Nang nasa amin na ulit ako ay mas nagkaroon na ako ng kalayaan na gawin ang mga bagay na gusto ko.
19:44.0
Nagpatuloy pa ang pambabaliwala ko kay Regine at may mga araw na hindi na kami nagkakausap.
19:51.0
Kahit sobrang haba ng chat niya sa akin ay may ikling reply lang palagi ang pinapadala ko sa kanya.
19:58.0
Kapag sinasabi ni Regine na parang nagbago na ako, ay sinasabi ko na nasa utak niya lamang yun o kaya ay pagod lamang ako sa trabaho.
20:08.0
Hindi na rin ako nage-effort na makipagkita kay Regine.
20:12.0
Inahayaan ko na siya na magpunta sa bahay namin kung gusto niya akong makita.
20:17.0
Kapag inaaya niya akong pumunta sa isang lugar o kaya ay mag-date ay palagi akong may dahilan para hindi ko siya masamahan.
20:27.0
Kahit nga si mama ay napansin na palaging si Regine ang nagpupunta sa bahay at nage-effort na makita ako.
20:36.0
Ang sabi ko na lamang ay si Regine ang may gusto na gawin yun.
20:40.0
Naging marupok at tanga ako ng time na yon, papadudot.
20:45.0
Nag-entertain ako ng ibang babae habang kami pa ni Regine.
20:49.0
Hindi alam ng babaeng nakilala ko na meron akong girlfriend.
20:54.0
Mahigit isang buwan din kaming magkausap noong girl na yon, bago nalaman ni Regine ang kalokohan ko.
21:01.0
Naghinginala na pala siya kaya pasimple niyang binuksan ang phone ko.
21:07.0
Nang nasa bahay siya namin at doon ay nakita niya ang mga ebidensya ng panluloko ko sa kanya sa pamamagitan ng ibang babae.
21:16.0
For the first time ay nakita ko na umiyak ng matindi si Regine.
21:21.0
Doon ako nakaramdam ng sobrang konsensya.
21:24.0
Hindi ko maintindihan ng sarili ko kung bakit ko siya nagawang saktaan gayong wala naman siyang ginawang masama sa akin.
21:33.0
Papatawarin kita eh son, kahit sobrang sakit ng ginawa mo.
21:39.0
Bibigyan pa kita ng isa pang chance, kakalimutan ko na lamang ang nangyari na ito.
21:45.0
Siguro inatokso ka lamang kasi magkalayo na tayo.
21:49.0
Puno ng pangunawa na sabi ni Regine.
21:52.0
Hindi ko inaasahan yun kasi akala ko ay makikipagbreak na siya sa akin.
21:58.0
Sobrang naawa ako sa kanya ng time na yon papadudod.
22:02.0
Kung sa iba ay sasabihin na tanga si Regine kasi pinatawad pa niya ako pero para sa akin ay napakabuti ng puso niya.
22:10.0
Binalikan ko ang lahat ng masasayang memories naming dalawa.
22:14.0
At kung paano niya ako asikasuhin nung nasa iisang apartment pa kaming dalawa.
22:20.0
Ramdam ko pa naman sa sarili ko na mahal ko pa si Regine.
22:25.0
Sadyang ang boring niya lang siguro kasi sobrang bait niya at nawala na yung thrill.
22:31.0
Pumingi ako ng tawad kay Regine at nagpromise ako na hindi ko na siya lolokohin ulit.
22:37.0
Naisip ko na dapat kung isave ang relationship namin ni Regine.
22:41.0
Dahil sa pagmamahal na meron pa ako para sa kanya.
22:45.0
Sinigkap kong ibalik ang spark sa relasyon namin.
22:49.0
Naging madalas ulit ang paglidate namin at pagkikita.
22:53.0
Kung minsan ay sinosurpresa ko siya at ako na ang nagpupunta sa kanilang bahay.
23:00.0
Kaya lang ay sa umpisa lamang ako naging ganon papadudod.
23:04.0
Sa paglipas ng ilang linggo ay nawalan ulit ako ng oras kay Regine dahil naisip ko na mahal.
23:09.0
Sa paglipas ng ilang linggo ay nawalan ulit ako ng oras kay Regine dahil sa mas pinili kong makasama ang mga kaibigan ko kesa sa kanya.
23:17.0
Dahil sa pagbalik ko sa pambabaliwala ko kay Regine ay bumalik na ulit siya sa pag-i-effort na makita ako.
23:25.0
Ilang beses ko nang pinag-isipan na makipaghiwalay na lamang kay Regine.
23:30.0
Pero wala pa talaga akong lakas ng loob ng panahon na yon.
23:35.0
Saka ayoko rin kasi na ako ang makipaghiwalay sa kanya.
23:39.0
Nangyari ay si Regine na mismo ang makipaghiwalay sa akin.
23:43.0
Kapag kasi nalaman ang mga kakilala namin na ako ang nakipag-break kay Regine,
23:48.0
ay baka hindi maging maganda ang tingin nila sa akin.
23:52.0
At ayoko ng ganon papadudod.
23:55.0
Maraming months na rin namin ang lumipas na hindi kami nakapag-celebrate dahil sa kagagawan ko.
24:02.0
Tinamad na kasi ako noon na mag-celebrate kami ni Regine kapag months na rin naming dalawa.
24:06.0
Lumipas na lamang ang mga araw na yon na parang isang normal na araw na lamang.
24:12.0
Kahit simpleng regalo ay hindi ko na nabibigyan si Regine,
24:16.0
ngunit patuloy pa rin siya sa pagbibigay sa akin ng regalo kapag okasyon o dapat merong kaming i-celebrate.
24:25.0
Ramdam ko na nagtitiis si Regine sa mga ginagawa kong pambabaliwala sa kanya.
24:31.0
Alam ko na nag-stay pa rin siya sa akin sa kabila ng lahat dahil sa mahal na mahal niya ako.
24:37.0
Dumating na ako sa point na naramdaman ko na wala nang patutunguhan ang relasyon namin ni Regine
24:44.0
kaya naisipan ko na makipag-cool off na lamang muna sa kanya.
24:48.0
At least ay hindi pa totally breakup yon at hindi pa sa akin mabubunto ng sisi.
24:54.0
Pero nakita ko na kagad na ang cool off na yon ay mauwi rin sa breakup at yon talaga ang aking plano papadudod.
25:03.0
Kinausap ko si Regine at sinabi ko na baka pwedeng mag-cool off muna kaming dalawa.
25:08.0
Cool off? Ibig sabihin ba ay break na tayo?
25:12.0
Naiiyak na tanong ni Regine.
25:15.0
Hindi naman sa ganun, ibig sabihin ay bibigyan muna natin ang isa't isa ng space para mag-isip
25:23.0
Alam ko na napapansin mo na parang nawawala na ang spark sa ating dalawa.
25:28.0
Baka kapag nag-cool off tayo ay may mga bagay tayong ma-realize at malaman natin kung itutuloy pa ba natin tong relasyon nating dalawa.
25:35.0
O hindi na, saka no contact muna tayo habang cool off tayo ha?
25:40.0
Paliwanag ko kay Regine.
25:43.0
Parang hindi ko kaya na hindi tayo mag-communicate eson.
25:46.0
Malungkot na sambit niya.
25:49.0
Pero ganun talaga kapag nag-cool off ang magkasintahan, turan ko.
25:54.0
Hanggang kailan naman tayo cool off? Tanong niya.
25:58.0
Hindi ko alam pero pwedeng 1 month, 2 months, pwedeng mas matagal pa.
26:04.0
Nasa parehas naman nating mararamdaman kapag kailangan na nating mag-usap kung ano ba talaga ang gagawin natin sa relationship natin.
26:13.0
Sagot ko kay Regine.
26:15.0
Sinabi ko pa kay Regine na habang cool off kaming dalawa, ay pwede niyang gawin ang lahat ng gusto niya at ganun din ako.
26:24.0
Kahit nang makipag-date siya sa iba ay pwede rin.
26:27.0
In-explain ko sa kanya na paraan yun para malaman kung mahal pa ba namin ang isa't isa.
26:34.0
Kapag na-attract kami sa iba, ibig sabihin na hindi ko na siya mahal.
26:38.0
O hindi na niya ako mahal.
26:40.0
Pero pinangako ni Regine sa akin na wala siyang balak na makipag-date sa iba at hindi na niya kailangan pang gawin yun para malaman kung mahal ba niya ako o hindi.
26:50.0
Ang sabi niya ay mahal na mahal pa rin niya ako sa kabila ng pambabaliwala ko sa kanya.
26:57.0
Medyo na-touch ako sa sinabi na yun ni Regine pero hindi pa rin yun naging sapat na dahilan para bawiin ko ang pakikipag-cool off sa kanya.
27:06.0
Walang kalam-alam noon si Regine na ginusto ko na na mag-cool off kami para maging daan yun para mag-break na talaga kami.
27:15.0
Sakaparaan ko na rin yun para magawa ko ng lahat ng gusto ko at mapuntahan ko na ang gusto kong puntahan ng walang iniisip na tao na kailangan kong i-update.
27:27.0
Binala ko talaga na mag-feeling single habang cool off kami ni Regine papadudud.
27:33.0
Naging pabor sa akin ng cool off naming yun ni Regine papadudud.
27:37.0
Sinunod niya rin ang sinabi ko na bawal muna kaming mag-communicate sa isa't isa.
27:42.0
Mas naging malaya na ako kasi hindi ko na kailangan magpaalam kay Regine kung saan ako magpupunta.
27:48.0
Sinubukan ko rin na makipag-date at mag-meet sa ibang babae pero wala akong sineseryoso.
27:54.0
Gusto ko lang din kasing maramdaman yung feeling na may bagong tao akong kinikilala.
27:59.0
Inaabot na ng isang buwan ang cool off namin ni Regine at nabahala na ako kasi hindi na talaga siya nag-reach out sa akin.
28:07.0
Nag-expect kasi ako na sa aming dalawa ay siya ang hindi makakaties at siya ang unang sisirad sa rule namin na no contact rule.
28:16.0
Pero parang iba ang nangyari, papadudud.
28:19.0
Ako ang kinabahan sa ilang linggo na hindi kami nag-uusap at hindi ko alam ang nangyayari kay Regine.
28:25.0
Bigla ko na miss ang presensya niya at ang mga paalala niya sa akin.
28:30.0
Ako pa yung natukso na i-chat o tawagan siya ng panahon na yon.
28:35.0
Pero dahil sa ayokong sumira sa napag-usapan naming dalawa, ay pinipigilan ko ang aking sarili.
28:45.0
Panay ang stalk ko sa social media ni Regine pero wala siyang update
28:50.0
kaya talagang wala kong ideya sa kung ano ang nangyayari sa buhay niya habang cool off kami.
28:59.0
Napaparanoid na rin ako na baka meron na siyang bagong lalaki na nakilala at baka may dinedate na siya.
29:07.0
Kung ano na na ang tumatakbo sa utak ko papadudud.
29:10.0
Alos hindi na ako makatulog ng maayos at makapagkonsentrate sa aking trabaho.
29:15.0
Kahit nang makipagdate sa ibang babae ay nawala na ako ng gana.
29:20.0
Wala kong ibang gustong makasama at makita kundi si Regine lamang.
29:25.0
Masasabi ko na ako ang mas nahirapan sa aming dalawa ni Regine nang mag cool off kami.
29:31.0
Sa hindi namin pagkikita at pag-uusap ay doon ko na na-realize na mahal na mahal ko pala siya at hindi ko siya kayang mawala sa buhay.
29:41.0
Aminado ako sa aking sarili na binaliwala ko siya at tinitaken for granted ng panahon na magkasama kami at palagi siyang nandiyan.
29:51.0
Saka ko lang na-appreciate si Regine nang hindi ko na siya nakikita kahit na isang beses sa isang linggo.
29:58.0
Isang gabi pagka-uwi ko sa aming bahay ay napansin ko ang kapatid kong babae na dalagita na patingin-tingin sa akin at parang may gustong sabihin.
30:07.0
Hindi na ako nakatiis kaya naman tinanong ko siya kung meron ba siyang gustong sabihin sa akin o baka meron siyang ipapabili.
30:16.0
Aniya ay meron siyang sasabihin pero huwag na lamang daw kasi baka magalit ako.
30:21.0
Siyempre na-curious na ako papadudut at pinilid ko na ang kapatid ko na sabihin sa akin kasi hindi ako makakatulog sa pag-iisip kapag gano'n.
30:29.0
Kay pa ba ni Ate Regine kuya? Tanong ng kapatid ko sa akin.
30:34.0
Oo bakit? Nagtataka kong tanong.
30:37.0
Relax ka lang sa sasabihin ko kuya ha.
30:40.0
Kanina kasi nung nasa mall ako ay nakita ko si Ate Regine na may kasamang lalaki.
30:45.0
Feeling ko hindi niya kamag-anak kasi nakakbay yung gaye kay ate.
30:49.0
Yun lang naman.
30:51.0
Sorry kung sinabi ko sayo ha.
30:53.0
Tura ng kapatid ko.
30:54.0
Feeling ko ay paulit-ulit na sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib ko sa aking nalaman mula sa aking kapatid papadudut.
31:02.0
Sobra akong nasaktan kahit pa hindi ako sigurado kung kaano-ano ba ni Regine ang lalaking kasama niya sa mall.
31:10.0
Naisip ko na baka nga may bago ng minamahal si Regine at mas lalo akong nasaktan sa naisip ko na yun.
31:17.0
Sa sobrang pag-iisip ko na baka pinalitan ako ni Regine ay na panaginipan ko pa siya na may ibang kahalikan na lalaki at ginawa nila yun sa mismong harapan ko pa.
31:29.0
Sa original kong plano, kaya ako nakipag-cool off kay Regine ay si Regine ang dapat na unang lalapit sa akin para makipag-usap.
31:38.0
Tapos hindi ko nalapit sa akin.
31:40.0
Kaya ako nakipag-cool off kay Regine ay si Regine ang dapat na unang lalapit sa akin para makipag-usap.
31:47.0
Tapos sasabihin ko na kaya ko pala na wala siya at makikipag-break na ako.
31:52.0
Pero dahil sa nararamdaman ko sa mahigit one month na wala kaming communication ay nag-iba na ang plano ko papadudut.
32:00.0
Pakikipagbalikan na ang gusto ko at sinabi ko sa sarili ko na magiging mabuting boyfriend na ako sa kanya.
32:08.0
Napaisip na rin ako na baka oras na para mag-level up na kami ni Regine sa aming relasyon.
32:15.0
Gumili ako ng medyo mamahaling singsing gamit ang savings ko dahil ang plano ko ay mag-propose na ako sa kanya ng kasal.
32:24.0
Tiwala pa ako noon natatanggapin ni Regine ang proposal ko kasi alam ko na ako pa rin ang mahal niya.
32:30.0
Inawagan ko na rin si Regine sa number niya at kinumusta ko siya.
32:35.0
Ayos lang naman daw siya at sinabi ko sa kanya na baka pwedeng magkita na kami.
32:40.0
Umayag naman si Regine at ang pinili kong date ay ang araw ng month sa rinamin para sa buwan na yon.
32:48.0
Tapos ang lugar kung saan kami magkikita ay isang rooftop restaurant na favorite naming kainan dati.
32:55.0
Doon na rin ako magpopropose ng kasal sa kanya papadudut.
33:00.0
Sobra kong excited sa paghihintay ng araw ng pagkikita ulit namin ni Regine.
33:06.0
Matapos ako makipag cool off sa kanya hanggang sa dumating na ang araw na yon.
33:12.0
Napansin ko na mas gumanda si Regine at nagbago rin siya ng style ng buhok niya.
33:18.0
Piniklian niya ang mahaban niyang buhok, kumain muna kami at nang matapos na ay doon na ako nagumpisang magsalita papadudut.
33:27.0
Una ay tinanong ko siya kung meron na siyang bagong mahal.
33:31.0
Sabi niya ay wala at sinabi ko na nakita siya ng kapatid ko na may kasamang lalaki na nakakbay pa sa kanya sa isang mall.
33:39.0
Natawa muna si Regine at ang sabi niya ay baka ang bakla niyang katrabaho ang nakita ng kapatid ko na kasama niya.
33:46.0
Kung meron man daw siyang dinidate habang cool off kami ay sasabihin naman niya sakin.
33:51.0
Sinabi ko kay Regine na malaki ang naparealize sakin ang pakikipag cool off ko sa kanya.
33:57.0
Nakita ko ang importansya niya at mas naramdaman ko ang pagmamahal ko para sa kanya.
34:03.0
Umingi ako ng sorry sa kanya kung matagal ko siyang binaliwala.
34:07.0
Nangako ako sa kanya na magbabago na ako at hinding hindi na ako babalik sa hindi magandang pagtrato ko sa kanya.
34:14.0
Regine, tinatapos ko na ang cool off natin.
34:18.0
Bumalik na tayo sa dating tayo. Mahal na mahal kita.
34:22.0
Buong puso kong pahayag sa kanya.
34:24.0
Nagtaka ko kung bakit bigla na namang naiyak si Regine papadudut.
34:29.0
Ang akala ko ay luha yun, ang kasiyahan.
34:32.0
Ngunit mali pala ko.
34:35.0
Eh son?
34:37.0
Ako rin kasi may narealize nung nag cool off tayo.
34:41.0
Narealize ko ang worth ko sa mga taon na naging tayo.
34:47.0
Wala kong ginawa kung hindi ang intindihin ka kung bakit mo ko binaliwala.
34:52.0
Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ka naman ganon dati kaya alam kong babalik ka rin sa dating Eson na nakilala ko.
35:01.0
Pero hindi eh.
35:03.0
Tapos nakipag cool off ka pa sa akin.
35:06.0
Sa mahigit one month na maghiwalay tayo ay doon ko nalaman na kaya ko nawala ka.
35:14.0
Sorry Eson pero nakipagkita lamang ako sa iyo ngayon para sabihin sa iyo na gusto ko na makipaghiwalay sa iyo.
35:22.0
Mahabang sabi ni Regine habang lumuluha.
35:25.0
Napatulala ako sa narinig ko mula kay Regine dahil hindi ko yun inaasahan.
35:32.0
Ang inexpect ko ay tatanggapin niya ang pakikipagbalikan ko.
35:36.0
Nakiusap ako kay Regine na baka bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon pero ayaw niya talaga.
35:44.0
Maraming beses na niya akong binigyan ng pagkakataon pero sinayang kong lahat ng yon.
35:50.0
Kung totoo daw na nagbabago na ako ay iparanas ko na lamang daw ang pagbabago ko sa susunod na babae na mamahaling ko.
35:57.0
Sobrang sakit ng naramdaman ko ng gabing yon, Papa Dudut.
36:01.0
Nangihinahing ako sa singsing na binili ko para sa kanya, para sa proposal ko kay Regine.
36:06.0
Hindi ko na yun ipakita sa kanya kasi after niyang sabihin na nakikipaghiwalay na siya ay umalis na siya at iniwan ako sa restaurant na yon.
36:16.0
Pag uwi sa bahay ay iyak ako ng iyak. First time na umiyak ako ng gano'n sa buong buhay ko.
36:22.0
The next day ay sinubukan kong kausapin si Regine pero hindi ko na makontak ang number niya.
36:27.0
Sinubukan kong i-check ang mga social media niya pero hindi ko na makita.
36:32.0
Hindi ko alam kung nag-deactivate ba siya o blinak na niya ako.
36:36.0
Gumawa pa talaga ako ng dummy account at nakita ko gamit ang account na yon ng mga social media ni Regine kaya nalaman kong blinak na pala niya ako, Papa Dudut.
36:46.0
Hindi pa rin ako sumuko, ang lakas pa rin ang paniniwala ko na mahal pa ako ni Regine at baka kapag sinuyo ko siya o niligawan ulit ay babalikan na niya ako.
36:56.0
Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero ayaw na niya akong harapin.
37:00.0
Kahit ang parents niya ay sinabi sa akin na tigilan ko na si Regine kasi walang ibang gustong gawin si Regine kundi ang mag-move on.
37:07.0
Naging makulit ako ng time na yon, Papa Dudut, kung hindi sa bahay ay sa trabaho ko pinupuntahan si Regine.
37:14.0
Nagpapadala ako ng bulaklak at sulat sa kanya kahit na hindi ako sigurado kung tinatanggap ba niya ang mga yon o tinatapon niya lamang sa basurahan.
37:23.0
Kung hindi ako nagkakamalay, inabot din ng dalawang buwan akong ganun.
37:27.0
Kahit wala akong nakukuhang response mula kay Regine ay patuloy pa rin ako sa pagpapadala ng kung ano-ano sa kanya.
37:34.0
Hindi pa rin ako huminto sa pag-iisip na babalik pa rin si Regine sa akin.
37:39.0
Hanggang isang araw ay nakatanggap ako ng chat message mula kay Regine.
37:44.0
Nakalagay sa chat niya na tigilan ko na siya dahil kung iniisip ko pa raw na babalik ako sa kanya sa lahat ng ginawa ko ay hindi na yon mangyayari.
37:54.0
Hindi na raw niya ako mahal.
37:57.0
Pabayaan ko na lang daw siya na makapag-move on ng tahimik.
38:02.0
Nang mabasa ko ang chat na yon ay nakablak na ulit ako kay Regine.
38:07.0
Talagang sinenya lang yon tapos ay blinak na niya ako ulit, Papa Dudut.
38:10.0
Hindi ma lang niya ako binigyan ng chance na makapag-reply sa kanya.
38:15.0
Gusto ko sanang sabihin kay Regine ang harapan ng unfair niya kasi hindi niya ako mabigyan ng last chance at talagang nagagawa pa niya akong tisin.
38:26.0
Pero bigla akong naalala ang lahat ng pambabaliwala ko sa kanya.
38:31.0
At doon ko napagtanto na ako pala ang totoong naging unfair kay Regine.
38:37.0
Matagal ako naging unfair sa kanya, Papa Dudut.
38:40.0
Kung ano man ang trato niya sa akin matapos niyang makipaghiwalay sa akin ay resulta ng pambabaliwala ko sa kanya.
38:47.0
Na-realize ko rin na hindi nga talaga deserve ni Regine ang lalaking kagaya ko.
38:53.0
Ang dapat kay Regine ay isang lalaki na kaya siyang pahalagahan.
38:58.0
At kayang ibalik ang effort at pagmamahal na ibinibigay niya.
39:04.0
Sobrang tanga ko para pakawalan pa ang babaeng kagaya ni Regine, Papa Dudut.
39:10.0
Pero naisip ko na mas magiging masaya siya sa ibang lalaki.
39:15.0
Kaya kahit masakit ay tinanggap ko na kahit kailan ay hindi ko na magagawang maibalik ang pagmamahal ni Regine sa akin.
39:25.0
Kahit sa kasalukuyan ay nagmo-move on pa rin ako kay Regine, Papa Dudut.
39:30.0
Hirap na hirap akong makalimutan siya at may pangihinayang pa rin sa aking puso.
39:36.0
Alam ko na sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya kaya para makabawi sa kanya ay hindi ko na lamang siya ginulo.
39:44.0
Ipinagdarasal ko rin na sana ay isang mabuting lalaki ang susunod na mamahalin niya at hindi ang kagaya ko.
39:52.0
Ang huling balita ko kay Regine ay palis na siya sa Pilipinas para sa ibang bansa na magtrabaho.
39:57.0
Wala kong ibang hiling kundi ang kaligtasan niya at ang pagtatagumpay niya sa buhay.
40:02.0
Dito ko na pala tatapusin ang aking kwento.
40:05.0
Papa Dudut, sana ay may nakuhang aral ang mga listeners mo sa aking kwento lalo na sa mga kalalakihan na binabaliwala ang kanilang girlfriend o asawa.
40:14.0
Sana'y huwag kayong magaya sa akin na sobrang nagsisise.
40:18.0
Totoo nga na ang pagsisise ay palaging nasa huli.
40:21.0
Nakasubscribe na rin po ako sa inyong mga YouTube channel.
40:25.0
Ang Papa Dudut, ang Papa Dudut Vlogs at ang Kaistorya YouTube Channel mo.
40:32.0
Maraming salamat Papa Dudut.
40:35.0
Lumos na gumagalang Eson
40:39.0
Malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag ito ay wala na sa iyo.
40:44.0
Malalaman mo kung gaano siya kaimportante kapag huli na ang lahat.
40:48.0
Kung nakikita mo naman na maganda ang ipinapakita sa'yo ng partner mo ay suklian mo ito ng maganda at mabuti.
40:56.0
Kung nararamdaman mo na medyo nagsasawa ka na sa routine ninyong dalawa ng partner mo ay humanap kayo ng bagong pagkakabalahan o activity na pwede ninyong gawin nang kayo ay magkasama.
41:08.0
Lahat ng relasyon ay dumarating sa point na nagkakasawaan ngunit ito ay hindi konkretong dahilan upang baliwalain mo ang partner mo at iparamdam mo na hindi siya mahalaga.
41:20.0
Huwag mong sayangin ang pagmamahal na ibinigay niya sa iyo dahil lahat ng tao ay merong limitasyon.
41:27.0
Lahat ng tao ay napapagod at kapag napagod na yan minsan, kahit na anong tilit at effort mo ay hinding hindi na siya babalik sa'yo.
41:37.0
Huwag punin yung kalimutan na mag like, share and subscribe. Maraming salamat po sa inyong lahat.
42:08.0
Mga problemang kaibigan Dito ay pakikinggan ka
42:22.0
Sa Papadudud Stories Kami ay iyong kasama
42:34.0
Dito sa Papadudud Stories Ikaw ay hindi nag-iisa
42:47.0
Dito sa Papadudud Stories May nagmamahal sa'yo
42:59.0
Papadudud Stories
43:05.0
Papadudud Stories
43:12.0
Papadudud Stories
43:28.0
Papadudud Stories
43:40.0
Papadudud Stories