* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Madagascar, kilala sa mga makapigil-hiningang tanawin, white sand beaches, ibat-ibang klase ng hayop, at ang iconic na kahoy na tinatawag na Baobab.
00:11.0
Pero sa kabila ng ganda nito, ang isla ay dumaranas ngayon ng napakatinding krisis.
00:17.0
The island of Madagascar is on the brink of a humanitarian disaster. People have been forced to eat sand to survive.
00:24.0
Milyon-milyon ang kumakalam ang sikmura dahil sa gutom, walang makain at maiinom.
00:30.0
Wala kasing naaani sa kanilang lupa at ang kanilang mga ilog ay tuyo na.
00:36.0
Sa sobrang gutom, marami ang kumakain na lang ng balang at dahon ng kaktus, at ang iba ay kumakain na ng lupa para lamang maibsan ang gutom.
00:47.0
Ganito katinde ang nararanasan ng mga Madagascan.
00:51.0
Ang bansa ay pangsampurin sa pinakamahirap na bansa sa mundo noong 2022.
00:57.0
Paano ba humantong sa ganitong sitwasyon ang Madagascar?
01:04.0
Ang Madagascar ay pang-apat sa pinakamalaking isla sa mundo.
01:08.0
Meron itong natatanging ecosystem kung saan matatagpuan ang mga hayop at halaman na hindi mo makikita kahit saan.
01:16.0
Pero sa kabila ng tila mayamang kalikasan, ayon sa Global Finance, pangsampo ang Madagascar sa pinakamahirap na bansa sa mundo noong 2022.
01:26.0
At ang mas nakaramdam ng kahirapan at humaharap ngayon ng matinding krisis ay ang Southern Madagascar.
01:33.0
Sila ay nagkukulang sa paggain at malinis na inumin.
01:37.0
Ayon sa World Food Program na sa 1.64 milyon katao sa Madagascar ang nagugutom at nangangailangan ng tulong.
01:46.0
Ito ang Mandrari River, pero ang tubig nito ay natuyo na.
01:50.0
Ganito ang sitwasyon ng karamihan sa mga ilog sa Southern Madagascar.
01:55.0
Tuyo na din ang Minerandra River at Mananbovo River.
01:59.0
Ang mga ilog na ito ang siyang pinagkukuna ng tubig ng mga residente para sa kanilang mga hayop at pananim.
02:06.0
Pero ngayon ay ubus na.
02:08.0
At ang mas nakakabahala pa dito, wala ng malinis na maiinom ang mga mamayan.
02:13.0
Kaya naman marami ang naghuhukay sa mga tuyong ilog para lamang may mainom.
02:18.0
Kahit marumi ay tinitiis na lamang nila para lamang maibsan ang kanilang uhaw.
02:24.0
Nagkukulang rin sa pagkain ang bansa.
02:26.0
Ang sabi ng iba, kapag marunong kang magtanim, kailanman ay hindi ka magugutom.
02:31.0
Pero sa kaso ng mga Madagascan, napakahirap magtanim sa kanilang lupa.
02:36.0
So wala talaga silang aanihin dahil wala silang itinanim.
02:40.0
At yun nga ang matinding krisis na magpahanggang ngayon ay kinakaharap ng mga Madagascan,
02:46.0
lalo na ng mga magsasakang umaasa sa biyaya ng lupa.
02:50.0
Sa ibang lugar ay nakakaani pa ng kamote.
02:53.0
Pero may mga lugar na halos wala ng pananim na tumutubo.
02:57.0
Kaya ang mga tao ay natutong kumain ng lokos o balang.
03:01.0
Ang mga dahon at bunga ng kaktos na karaniwang pagkain ng mga alagang hayop
03:06.0
ay pinagtsatsagaan na rin, magkalaman lang ang tiyan.
03:10.0
At meron pang iba na mas matindi ang tinitiis kainin para mapawi lang ang gutom.
03:16.0
Naranasan na kasi nila ang matinding tagtuyot noong 1990s,
03:20.0
kung saan marami ang namatay dahil sa gutom.
03:23.0
Kaya naman natutunan nilang kumain ng lupa o white clay na inihahalo sa bunga ng sampalo,
03:29.0
survival soil nga kung ito'y tawagin.
03:32.0
Inihahalo ito sa bunga para mabawasan ang asedik umaasim na lasa ng sampalo para kanilang makain.
03:40.0
Sa katunayan, ang Madagascar ay nakakuha ng pangatlo sa may pinakamataas na score sa Global Hunger Index 2022.
03:49.0
Ibig sabihin, napakarami talagang gutom sa kanila.
03:53.0
Bakit ba ito nangyayari?
03:57.0
Ang lahat ng nangyayari ngayon sa Madagascar ay dahil lamang kulang sila sa ulan.
04:03.0
Ang bansa ay kadalas ang nakakaranas ng tag-init tuwing May hanggang Oktober
04:08.0
at ang tag-ulan naman ay magsisimula sa November.
04:11.0
Pero dahil sa climate change, ay nagambala ang cycle na ito.
04:16.0
Sa loob ng ilang dekada, ang tag-init ay naging mas matagal at mahirap.
04:21.0
Pagdating ng 2016, 75% ang ibinaba ng pagulan.
04:26.0
Nagresulta ito sa pagkawala ng 95% ng pananim.
04:30.0
Hindi kasi nabubuhay ang kanilang tanim dahil walang ulan.
04:34.0
At nitong mga nakaraang tatlong taon ay nakaranas ang bansa ng pinakamatinding tagtuyon.
04:40.0
Ito rin ang dahilan kung bakit nagsituyuan na ang mga ilog.
04:44.0
Nakadagdag pa sa problema ang COVID-19 pandemic,
04:47.0
kung kaya't patuloy ang naging banta sa supply ng pagkain.
04:51.0
Ayon pa sa World Food Program,
04:53.0
ang bansa ang natatanging lugar sa mundo kung saan ang dahilan sa matinding gutom
04:58.0
ay climate change at hindi labanan.
05:01.0
Kaya kung hindi daw ito malulunasan,
05:03.0
ang Madagascar ay maaaring maging world's first climate change famine.
05:09.0
ayon sa ulat ng Global Carbon Project,
05:12.0
mas mababa pa sa 0.01% lamang ang kontribusyon ng Madagascar sa carbon dioxide emissions.
05:20.0
Pero isa sila sa dumadanas ng matinding pinsala nito.
05:24.0
Speaking of carbon emissions,
05:26.0
alam mo ba naggalit rin noon si dating Pangulong Duterte sa United Nations
05:31.0
at pinangalanan pa niyang hipokrito at stupid ang mayayamang bansa
05:36.0
dahil sa ibinubuga nilang carbon emission.
05:38.0
Itong United Nations and these Madagascar countries are really hypocrites.
05:42.0
Kung gusto nyo pong malaman ang kwento nito,
05:44.0
ilalagay po namin ang link sa description at comment section.
05:48.0
Bukod sa climate change,
05:49.0
ayon naman sa ibang eksperto,
05:51.0
ang iba pang dahilan ng krisis ay dahil sa matinding kahirapan,
05:55.0
kapabayaan ng pamalaan,
05:57.0
mahinang klase ng infrastruktura
05:59.0
at ang likas na pabago-bagong kondisyon ng klima.
06:03.0
Dahil sa nangyayari sa Madagascar,
06:05.0
ang kanilang gobyerno ay gumagawa ng paraan
06:08.0
para masolusyonan ang napakalaking problemang ito ng bansa.
06:12.0
Ayon kay Soja Lahimaru,
06:14.0
Governor ng Android Region,
06:16.0
may mga plano na ang gobyerno para magpagawa ng kalsada at malalaking water pipes,
06:21.0
pero wala pang katiyakan kung kailan ito maipapatupad.
06:25.0
May mga social protection programs din ang gobyerno na ipinatupad noong 2015,
06:30.0
pero ang inilala ang gastos ay mababa pa rin,
06:33.0
0.3% lamang ng GDP,
06:35.0
kumpara sa average 1.2% sa Sub-Saharan Africa.
06:40.0
Kaya naman ang World Food Program
06:42.0
ay naghatid rin ng tulong hindi lamang sa pamamagitan ng mga food aid,
06:46.0
kundi pati na rin sa mga programang tutulong sa mga magsasaka,
06:50.0
gaya ng micro-insurance, alternatibong pananim at training.
06:54.0
Maging ang World Bank ay naghatid din ng tulong.
06:57.0
Ang kanilang programang FIA VOTA,
06:59.0
na ang ibig sabihin ay recovery,
07:02.0
na nagbibigay ng cash o stimulus funds,
07:05.0
ay nakatulong na sa 430,000 Madagascans.
07:09.0
Ang Tuseke Von Jeanne o Life Saving Support naman,
07:12.0
ay inilunsad noong 2021 para tulungan ang karagdagang 320,000 Madagascans.
07:20.0
Ikaw ka Osam, anong masasabi mo sa nangyayari ngayon sa Madagascar?
07:24.0
Pakilagay ang inyong opinion sa comment section.
07:27.0
This is your Ate O from AllRepublic.
07:29.0
Hanggang sa muli and stay awesome!