Close
 


JAPAN Tutugon Na Sa Mga Probokasyon, SM-3 Interceptors Gagamitin Upang Wasakin Ang kalaban
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#japaneseship #patriotmissile #northkorea
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 06:44
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dahil sa pumalpak ang kauna-unahang reconnaissance satellite ng North Korea, ay kaagad itong nag-anunsyo na susundan uli ito ng isa pa.
00:26.0
Dahil dyan nagpalawig ang Japan ng utos na sirain ang anumang North Korean ballistic missiles, rocket o debris na nagbabanta sa teritoryo ng bansa ayon sa Defense Ministry ng Japan.
00:38.0
Noong May 31, tinangka ng North Korea na maglagay ng military reconnaissance satellite sa orbit.
00:51.0
Ang unang araw ng paglunsad, saglit na nagudyok sa Japan na maglabas ng emergency alert para sa Okinawa Prefecture.
00:59.0
Ngunit sinabing ang rocket ay pumalya at bumagsak sa karagatan ilang sandali matapos itong pinalipad.
01:09.0
Sa kabila ng kabiguan, sinabi ng North Korea na darating ang pangalawang pagtatangka sa lalong madaling panahon na posibleng walang anunsyo o paunang abiso.
01:23.0
Ang planong paglagay ng reconnaissance satellite sa orbit ng North Korea ay natugunan ng pagkondina mula sa Japan, South Korea at United States.
01:47.0
Sa Tokyo noong Lunes, sinabi ng nangungunang tagapagsalita ng gobyerno ng Japan na posibleng maghangad ang North Korea na itulak pasulong ang pangalawang paglulunsad.
01:58.0
Ang nasabing paglulunsad, kahit na para sa layunin ng paglunsad ng satellite, ay labag sa mga resolusyon ng United Nations Security Council
Show More Subtitles »


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.