Close
 


Bakit Pinag-Aagawan Ng Russia At Japan Ang Mga Islang Ito
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Hit Subscribe kung Nagustuhan mo ang videong ito: http://bit.ly/8moobly Sobrang malaking tulong ang suporta mo para sa aming patuloy na pag gawa ng mga video na tulad nito. Maraming Salamat SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #russia #japan #worldwar
Moobly TV
  Mute  
Run time: 14:53
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Russia vs Japan
00:02.0
Sino ang karapat dapat na magmayari ng mga isla sa Kuril?
00:06.0
February 24, 2022, nang magdeklara ng gera si Vladimir Putin ng Russia laban sa Ukraine.
00:12.3
Ito ang naging sentro ng balita sa iba't ibang sulok ng mundo.
00:15.5
Subalit dalawang linggo lamang pagkatapos ng deklarasyon, isa pang kalaban ang lumitaw para sa Russia.
00:21.0
Ang mga isla ng Etorufo, Kunashiri, Shikotan at Habomai ay pinamumunuan ng Russia na inaangkindin ng Japan.
00:29.0
Ayon sa Japanese government, sila ang karapat dapat na magmayari sa apat na isla na ito at hindi ang Russia.
00:36.0
Habang abala ang Russia sa gera nila sa Ukraine, patuloy lang ang pagdeklara ng Japan ng kanilang karapatan sa mga isla.
00:43.0
Kung ngayon nyo lang ito nalaman, hindi na bago ang konflikt ng Russia at Japan.
00:47.0
Sa katunayan, matapos ang World War II, walang napagkasundo ang peace treaty ang Japan at Russia.
00:53.0
Kaya kung iisipin mong mabuti, hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang World War II sa pagitan ng dalawang bansa.
00:59.5
Ano nga ba ang nasa mga islang ito at binaliwala ng Russia at Japan ang isang peace treaty para lang dito?
01:06.5
Paano nagsimula ang kanilang konflikt?
01:08.5
At higit sa lahat, sino nga ba ang karapat dapat na magmayari ng mga isla?
01:14.0
Ang mga isla ng Kunashiri, Etorofo, Shikotan at Habomai ay parte ng Kuril Island Chain.
01:20.0
Ang Kuril Islands Archipelago ay isang grupo ng mga isla na matatagpuan sa pagitan ng Kamchatka Peninsula ng Russia at Hokkaido ng Japan.
01:28.5
Una itong na-explore ng mga Hapon noong 1635 nang nagsimula silang lumipat sa mga isla ng Hokkaida at Kuril matapos ang ilang taon ng isolasyon.
01:39.5
Sumunod naman ang mga Russians nang nag-explore sila sa Pacific at sa northern part ng Sakalin sa pamumuno ni Vladimir Atlasov noong 1697.
01:50.0
Noong February 7, 1855, opisyal na pumasok sa isang kasunduan ng dalawang bansa tungkol sa mga isla at tinawag itong the Treaty of Shimoda.
02:00.0
Ayon sa kasunduan, mapupunta sa Japan ang mga isla ng Etorofo, Kunashir, Shikotan at Lesser Kuril Ridge, habang ang northern part naman ng Kuril Islands ay mapupunta sa mga Russians.
02:12.0
Walang nakasaad sa kasunduan kung ano ang mangyayari sa mga isla ng Etorofo, Kunashiri, Shikotan at Habumai.
02:19.5
At sa mga panahon iyon, kinilala ito ng ibang mga bansa bilang parte ng Japan.
02:25.5
Subalit may isang isla pang natitira, ang Sakalin Island, at napagkasunduan ng dalawang bansa na ang islang ito ay pagmamayari nilang dalawa na tila isang joint condominium.
02:36.5
Kaya naman, maraming Russian merchants ang nagkaroon ng conflicts sa mga Japanese merchants.
02:42.0
Noong 1875, pumasok sa isa na namang kasunduan ang dalawang bansa, ang Treaty of St. Petersburg.
02:49.0
Nakasaad dito na mapupunta ang lahat ng mga isla sa Kuril sa Japan habang ang Sakalin naman ay magiging teritoryo ng Russian Empire.
02:57.0
Noong una, kahit may conflicts ang dalawang bansa ay nakuha nilang magkasundo sa mapayapang paraan.
03:03.5
Subalit matapos ng ilang taon, bigla itong nag-iba.
03:07.0
Noong gabi ng February 8, 1904, biglang inatake ng isang Japanese fleet sa pamumuno ni Admiral Togo Heihachiro ang isang Russian squadron sa Port Arthur.
03:18.0
Ito ang naging hudyat ng Russo-Japanese War na tumagal ng labing walong buwan.
03:24.0
Matapos ang matitinding labanan sa lupa sa Battle of Mukden at sa Port Arthur, nakuha ng Japanese ang momentum sa labanan sa karagatan.
03:32.5
Nagpalitan ng putok ang mga battleships ng Japan at Russia, pero sa huli, nabasag na mga Japon ang Baltic Fleet ng Russia at napilitan na silang umatras.
03:42.5
Kahit dahan-dahan nang natatalo ang Russia, ayaw pa rin nilang sumuko.
03:47.5
Sa mga panahon iyon, bago lang nagpakitanggila sa mga Japon pagkatapos ang maraming taon ng isolation.
03:53.5
Habang ang Russia ay matagal nang kinikilala bilang isang powerhouse nation,
03:59.0
para sa kanila isang matinding kahihiyan ang pagtanggap ng pagkatalo sa kamay ng mga Japon.
04:04.0
Sa katunayan, ang Japan ba nga ang nagsimula ng peace negotiations upang tapusin ang gera.
04:10.0
At noong September 5, 1905, tuluyan nang natapos ang Russo-Japanese War sa isang kasunduan,
04:17.0
ang Treaty of Portsmouth.
04:19.0
Ayon dito, mapupunta sa Japan ang Port Arthur, ang South Manchurian Railway at ang southern part ng Sakalin Island.
04:27.5
Sa mga sumunod na taon, maraming Japanese nationals ang lumipad sa southern part ng Sakalin upang doon manirahan.
04:34.5
Ang panalong ito ng mga Japon ay ang nakapagbigay sa kanila ng confidence na ma-expand ang kanilang teritoryo.
04:40.5
Ginusto ng Japanese Army na sumakop sila papuntang far east kung saan may teritoryo din ang mga Russians,
04:46.5
habang ang Japanese Navy naman ay mas pinili na umataki sa Pacific at sa Southeast Asia.
04:53.5
Dahil dito nagkaroon ng mga enkwentro ang ilang Japanese at Russian Army sa Manchuria na nasakop ng Japan noong 1931
05:01.0
at ilang Soviet-occupied lands.
05:04.0
Inataki din ng Japan ang China noong 1937 at syempre ang Pilipinas noong 1941.
05:11.0
Noong sumiklab ang World War II, nasa magkabilang grupo ang Russia, na sa panahon iyon ay Soviet Union na, at ang Japan.
05:19.0
Napabilang ang Japan sa pangunahing kalaban ng gera, ang Germany sa pamumuno ng kanilang kilabot na leader na si Adolf Hitler,
05:26.0
ang Axis Powers ay binoon ng Germany, Italy at Japan,
05:30.0
habang ang Russia naman ay kumampi sa U.S. at Great Britain upang mabuo ang Allied Powers.
05:36.0
Noong 1941, pumasok sa isang kasunduan ng Russia at Japan,
05:40.5
isang non-aggression pact kung saan hindi nila pwedeng atakihin ang isa't isa sa loob ng limang taon.
05:46.5
Gayunpaman, tinarget pa rin ng Western Allies ang Japan.
05:50.5
Pinatawan nila ito ng oil embargo na siyang nagkaroon ng napakalaking impact sa kanilang pakikitigma.
05:57.5
Sa mga panahon iyon, halos 80% ng fuel at oil na nasa Japan ay galing sa ibang bansa.
06:03.5
Kung magkakaroon sila ng shortage nito, hindi na magpafunction ng mabuti ang kanilang war machines tulad ng mga military tanks sa Tibapa.
06:11.5
Kaya naman, napilitan ang mga Japon na umataki sa Dutch East Indies na siyang ginusto ng kanilang navy.
06:17.5
Ginawa nila ito dahil sa mga panahon iyon, sikat ang Indonesia para sa kanilang malaking oil reserves.
06:24.5
Ito ang magiging solusyon nila sa oil embargo ng Allies.
06:27.5
Subalit ang hindi alam ng mga Japon, hindi nila kailangan pang pumunta sa malayo upang makakuha ng oil resources.
06:35.5
Dahil ang northern part ng Sakhalin na siyang pag-aari ng Russia at isa sa mga disputed islands ng dalawang bansa ay punong-puno ng oil resources.
06:45.5
Napakalapit lang nito kung iisipin lalo na at sakop ng mga Japon ang southern part ng Sakhalin.
06:51.5
Kung alam lang ito ng mga Japon, posibleng na silang hindi umataki sa Dutch Indies at posibleng pa nga tayong hindi madamay sa kanilang invasions.
07:00.5
Matindiman ang mga labanan noong World War II na panatili pa rin ng dalawang bansa ang kanilang peace treaty at hindi sila direktang nakipaglaban sa isa't isa.
07:10.5
Noong dahan-dahan nang nananalo ang Allies, may naisip ang US upang mas madali pa nilang mapatumba ang kanilang mga kalaban.
07:18.5
Pumasok sila sa isang kasunduan kasama ang Russia, ang Yalta Agreement ng 1945,
07:24.5
kung saan ipinangako ng US na mapupunta sa Russia ang Kuril Islands kung makikipaglaban sila sa mga Japon.
07:30.5
Kaya naman, dalawang araw lamang pagkatapos bombahin ng US ang Hiroshima, nag-declare ng gera ang Russia laban sa Japan.
07:39.5
Inataki nila ang mga teritoryo ng Japan, ang Manchuria, Korea, at syempre, ang southern part ng Sakhalin at ang Kuril Islands.
07:48.5
Madali lang na dispatya ng mga Russians ang Japanese forces sa mga lugar na ito at pagkatapos ng isang linggo, napilitan ng sumuko ang mga Japon.
07:57.5
Sa mga sumunod na dekada, dahan-dahan nang lumipat ang mga Russians sa apat na disputed islands at tinuring nila itong sariling lupa.
08:06.5
At hanggang ngayon, ay mga Russians pa rin ang naninirahan sa mga isla upang isettle ang kanilang conflict noong 1956.
08:14.5
Inoffer ng Russia na ibigay sa Japan ang isla ng Habomai at Shikotan kung tatanggapin nila na Russia na ang may-ari sa Kunashiri at Etorofu, ang dalawang mas malalaking isla.
08:26.5
Pero hindi ito tinanggap ng mga Japon. Para sa kanila, teritoryo nila ang apat na isla at hindi sila papayag sa anumang offer hanggat hindi mapapasa kanila ang lahat.
08:36.5
Paulit-ulit itong inoffer ng Russia sa Japan sa mga sumunod na taon, pero ayaw talaga itong tanggapin ng Japan.
08:43.5
Pero paano nga ba na sabi ng Japan na sila ang karapat dapat na magmay-ari ng apat na isla?
08:49.5
Una sa lahat, ayon sa Japanese government, hindi malinaw ang mga nakasaad sa mga treaties at agreements na nangyari pagkatapos ng World War II.
08:58.5
Ang isang malaking halimbawa nito ang Potsdam Declaration noong 1945 pagkatapos ng World War II kung saan nakasaad sa Section 8 nito na ang sovereignty ng Japan ay limited lamang sa mga isla ng Hokkaido, Shikoku, Kyusho, Honshua at ilang minor islands na kailangan pang pagdesisyonan ng allies.
09:16.5
Para sa mga Japon, hindi nakasaad dito na hindi kabilang ang apat na isla sa kanilang sovereignty.
09:22.5
Isa pang declaration noong World War II ay ang Cairo Declaration of 1943, nakasaad dito na kukunin mula sa Japan ang kanilang mga isla at mga teritoryo sa Pacific na nasakop nila mula pa sa World War I noong 1914.
09:37.5
Nakasaad din doon na kailangang bitawan ng Japan ang lahat ng mga teritoryo na nakuha nila gamit ang pakikitigma.
09:45.5
Subalit para sa Japan, hindi mabibilang ang mga pinagaawayan nilang mga isla sa nakasaad dito.
09:51.5
Dahil una sa lahat, nakuha nila ito bago pa man ang World War I noong 1914 matapos silang makipagkasundo sa Russia sa Treaty of Shimoda noong 1855.
10:02.5
Hindi rin nila ito nakuha gamit ang pakikitigma dahil mapaya pa ang naging kasunduan nila sa Russia.
10:08.5
Ayon sa Treaty of San Francisco noong 1951 na siyang pinirmahan ng Japan pagkatapos ng World War II, kailangan nilang bitawan ang hawak nila sa Kuril Islands.
10:18.5
Pero ayon sa Japan, hindi naman parte ng Kuril Islands sa mga isla ng Etorofu, Kunashiri, Shikotan at Habomai.
10:26.5
Dahil noon pa man ay parte na ito ng Tokugawa, Japan. Sinabi rin nila na kahit kailangan nila itong bitawan, hindi naman nakasaad sa treaty na ang Russia ang magmamayari ng mga islang ito.
10:38.5
Sa katunayan, hindi nga kasali ang Russia sa treaty na napagkasunduan.
10:42.5
Kigit sa lahat, noong nag-declare ang Russia ng gera laban sa Japan, nilabag nito ang kanilang peace agreement na dapat ay tatagal ng limang taon.
10:51.5
April 1946 pa dapat mawawala ang visa ng agreement pero 1945 pa lang ay sinugod na sila ng Russia.
10:58.5
Ang paglabag na ito ng Russia ay isang malaking dahilan kung bakit hindi sa kanila dapat mapunta ang pinagaawayang mga isla.
11:06.5
Para naman sa Russia, hindi sila naniniwala sa claim ng Japan na hindi parte ng Kuril Islands ang apat na isla.
11:12.5
Wala o manong geographic o historical proof ang Japan para sabihin ito.
11:17.5
Ginamit ding rason ng Russia ang agreement nila ng US no World War II na kung magde-declare sila ng gera laban sa China, mapapasa kanila ang mga teritoryo nito kabilang na ang Kuril Islands.
11:29.5
Hindi naman sumang-ayo ng Japan dito dahil hindi sila pumirma sa kasunduan ng Russia at US kaya hindi sila pwedeng pilitin nasundin ito.
11:38.5
Sa mga sumunod na dekada, hindi pa rin na-resolve ang conflict sa dalawang bansa.
11:43.5
Pagdating naman sa ibang bansa, may iba't iba silang sinusuportahan.
11:47.5
Para sa US at European Union, ang apat na isla ay karapat dapat na pagmamayari ng Japan pero sadya lang talagang maraming Russians na nakatira dito.
11:57.5
Iba ang paniniwala ng China. Para sa kanila, ang Russia ang tunay na mayari ng mga isla.
12:03.5
Nilagay pa nga nila ang kanilang ownership sa mga islang ito sa kanilang constitution.
12:08.5
Sa madaling salita, magiging illegal na ang pagbitaw nila dito.
12:12.5
Siyempre, hindi din papayag si Putin dito. Sinakop niya ang Ukraine dahil sa mga Russians na nasa Crimea, isang Ukrainian island na ngayon ay naangkin na rin ng Russia.
12:23.5
Kung ibibigay nila ang Kuril Island sa Japan, para na rin silang umatras sa gera at hinayaan ng Crimea na tuluyan nang mapunta sa Ukraine.
12:32.5
Magmumuka silang mahina sa mga nanunood na ibang mga bansa.
12:36.5
Maliban sa oil resources ng northern Sakhalin, may isa pang malaking rason kung bakit ayaw bitawan ng Russia ang mga isla.
12:44.5
May isang Russian Pacific Fleet na nakabasis sa Vladivostok, ang pinakamalaking Russian port sa Pacific Ocean.
12:51.5
Kabilang sa grupong ito ay ilang submarines na may nuclear guns, isa sa mga pinakamahalagang nuclear weapons ng Russia.
12:59.5
May limang pathways na madadaanan ang fleet papunta sa Central Pacific Ocean, ang Korea, Tsushima, Kanmon at Sugaroo Straits.
13:08.5
Sa bawat strait na ito, may mga kaalyado ang U.S. sa magkabilang banda. Ito ang iniiwasan ng Russia na makita ng U.S. ang kanilang bawat galaw.
13:17.5
Kung napansin nyo, apat na pathways lang ang sinabi ko dahil ang panglima ay walang iba kundi ang Kuril Islands.
13:25.5
Dahil teritoryo nila ito, syempre makakagalaw sila ng walang nakakakita at nagmamasid.
13:31.5
Pero kung mananalo ang Japan sa kanilang conflict at mapapasa kanila ang mga isla, malaki ang posibilidad na magtatayo ng base ang U.S. dito at wala na silang safe na route para sa kanilang Pacific Fleet.
13:44.5
Lalo na at may mga military presence na ang U.S. sa iba't ibang parte ng Japan.
13:50.5
Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang conflict ng dalawang bansa kung sino nga talaga ang karapat dapat na magmayari ng mga isla ng Etorofu, Kunashiri, Shikotan at Habomai.
14:01.5
Mga Russians ang nakatira doon at sa ngayon ay nagsawa na sila sa peace talks kasama ang Japan.
14:08.5
Nagpadala na ng military forces si Putin sa mga isla upang ipakita sa buong mundo at hindi lang sa Japan na wala silang planong bitawan ito at balak na protektahan kahit anumang mangyari.
14:19.5
Sa kabilang banda, pursigido naman ang mga Japon na makuhang muli ang mga isla. Kung anuman na mangyayari, iisa lang ang tiyak. Kung sino man ang magmamayari ng mga isla ngito sa huli, ay magkakaroon ng maraming geographical advantages.
14:35.5
Sino sa tingin mo ang karapat dapat na mamuno sa mga isla? Ang Russians ba? O ang mga Japon?
14:41.5
Para tuloy-tuloy ang saya at kwentuhan, huwag kalimutan mag-subscribe sa Bubli YouTube channel at pindutin ang notification bell.
14:49.5
Thank you!