Close
 


SHEENA | PAPA DUDUT STORIES HORROR
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 42:19
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sadyag makulay ang metolohiya nating mga Pilipino.
00:05.2
Marami tayong pinapaniwala ang mga nilalang at elemento na para sa iba ay mahirap paniwalaan.
00:11.8
Isa na siguro sa kilala natin ay ang tikbalang.
00:16.0
Sinasabi na ito ay kalahating tao at kalahating kabayo.
00:20.3
May kakaihan daw ito na iligaw ang kahit na sino.
00:24.9
Karaniwan daw na matatagpuan ang nilalang na ito sa gubat, bundok o sa kung saan na maraming puno.
00:33.1
Pero paano kung ang ganitong nilalang ay nananahan sa iyong bahay nang wala kayong kaalam-alam?
00:41.4
Dear Papa Dudut, Magandang gabi po, itago mo na lamang ako sa pangalang Shina.
00:46.9
Isa pala ako sa napakarami mong fans, Papa Dudut.
00:51.6
Kaya isang karangalan para sa akin kung babasahin mo ang kwento ko sa iyong programa.
00:58.0
Ako pala ay 28 years old at sa ngayon ay nagtatrabaho sa isang BPO company.
01:04.2
Ngayon ay single ako at wala pang balak na magkaroon ng boyfriend.
01:09.2
Choice ko po yan, Papa Dudut.
01:12.2
Last year kasi kinuha na sa amin ni Lord si Papa kaya si Mama ay bumalik na sa pagtatrabaho bilang kasambahay.
01:19.0
At pag-ekstra sa mga gustong magpalinis ng kanilang bahay kapag naka-off si Mama.
01:25.2
May dalawa pa akong kapatid na nag-aaral sa college at kailangan kong tulungan si Mama na makatapos ang mga kapatid ko.
01:35.3
Kaya may mga pagkakataon na nagtatampo sa akin ng mga kaibigan ko kapag hindi ako nakakasama sa lakad nila.
01:42.8
Kasi talagang tinitipid ko ng husto ang kinikita kong pera.
01:47.1
Priority ko talaga ang family ko.
01:50.7
Nag-promise naman ako sa sarili ko na kapag natapos na sa pag-aaral ng dalawang kapatid ay pagbibigyan ko naman ang sarili ko sa mga bagay na tinitiis kong huwag gawin.
02:03.3
Siguro magsisimula na ulit ako makipag-date basta tapos na sa college ang mga kapatid ko.
02:10.9
Hanggang kaya ko ay gagawin ko ang lahat para hindi mahirapan si Mama.
02:15.9
May mga pagkakataon na kapag wala akong pasok at merong nagpapalinis ng bahay sa Mama ko ay sumasama ako sa kanya para tulungan siya.
02:26.0
Lalo na kapag nalaman kong malaking bahay ang lilinisin niya ay sumasama ako sa kanya.
02:32.0
Kasi alam kong mahihirapan si Mama kung siya lamang mag-isa ang maglilinis sa ganong klase ng bahay.
02:40.0
Kahit pagod pa ako mula sa aking trabaho ay tumutulong ako.
02:45.4
Madalas naman ay tuwing Sunday tumatanggap si Mama ng ganong klase ng trabaho
02:50.8
dahil yun lamang ang araw sa isang linggo na wala siya doon sa pamilya kung saan ay isa siyang kasambahay.
02:58.8
Yun din ang araw na wala akong paso kaya natutulungan ko talaga si Mama.
03:03.7
Bukod sa pagtulong sa nanay ko,
03:06.5
ay natutuwa rin akong sumama sa work niya.
03:09.8
Na gano'n kasi nakakapasok ako sa iba't ibang mga bahay.
03:14.0
Tapos halos lahat ay sa mayayaman ang nililinisan ni Mama kaya namamangha talaga ako, Papa Dudut.
03:22.8
At the same time ay nai-inspire ako na magsumika pa lalo sa buhay.
03:28.4
Para mabigyan ko rin ng malaki at magandang bahay ang aking nanay.
03:33.3
Deserved naman kasi niya yun kasi masipag siya.
03:37.4
At hindi niya kami pinabayaan kahit wala na si Papa.
03:42.4
Alam ng Mama ko ang pangarap ko na yun at ang sabi niya ay hindi mahalaga sa kanya ang magkaroon ng malaking bahay.
03:49.8
Okay na siya sa magkakasama kaming lahat tapos ay walang sakit at merong nakakakain.
03:56.2
Nagi matuma lang pagpa part time ni Mama sa paglilinis ng bahay nang magkaroon ng pandemic.
04:03.5
Mabuti na lamang at nagpatuloy pa rin siya sa trabaho niya doon sa pamilya kung saan ay isa siyang kasambahay.
04:10.9
Ako naman ay naging work from home kaya umalis muna ako sa tinutuluyan kong apartment kung saan ay kasama ko ang tatlong babae na katrabaho ko rin, Papa Dudut.
04:20.5
Two years din ako nag work from home hanggang sa sinabihan na kami na magbabalik na kami sa site.
04:27.0
Medyo nalungkot ako kasi nasanay na ako na nakakasama ko ang mga kapatid ko sa pangaraw-araw.
04:32.9
Nasanay na ako sa ingay nila kahit nagtatrabaho ako.
04:36.6
Pero ganon talagang life, may mga bagay na kahit nakasanayan mo na ay kailangan mong i-give up kasi yun ang nararapat.
04:46.2
Alala ko na Saturday ng gabi nang umuwi si Mama sa bahay.
04:50.6
Sinabi ko sa kanya na next week ay babalik na ako sa apartment ko kasi back to normal na kami sa aming trabaho.
04:59.0
Kahit si Mama ay nalungkod kasi mommy miss niya ako.
05:03.5
Minsan kasi umuwi siya tuwing gabi kahit weekdays para lamang makasama kaming magkakapatid.
05:10.7
Hayaan mo Mama, every Sunday ay uuwi pa rin ako rito.
05:15.5
Teka may racket ka ba bukas, Sunday, hindi ba? tanong ko kay Mama.
05:21.6
Meron, bago nga ito at nerekomenda lang ako nung kakilala ko, tugon pa ni Mama.
05:28.1
Saan po ba, sasamahan po ulit kita, uwi ka ko.
05:32.6
Bahay ng isang pamilya na nasa Japana, wala na raw titira sa bahay kaya ipagbibenta na, gusto yung malinis bago ipagbili.
05:41.0
Ang sabi pa nga sa akin ay kunin ko raw ang kaya kong kunin na gamit doon sa storage room, titignan ko kung meron pang mapapakinabangan, ang sabi pa ni Mama.
05:52.5
Na-excite ako sa sinabi ni Mama na pwede naming kunin ang mga gamit na naroon sa storage ng bahay na lininisan niya.
06:00.1
Alam ko kasi na halos lahat ng bahay na nililinisan ni Mama ay mayayaman ang nagmamayari, kaya inisip ko na ganun din ang bahay na sinasabi ni Mama sa akin.
06:12.1
At hindi nga ako nagkamali, Papa Dudut, malaki at maganda ang bahay na pinuntahan namin kahapon.
06:19.2
Two story yun at kahit medyo luma na ay maganda pa rin.
06:24.0
Ang sabi ng babaeng naroon ay malinis na ang buong ibaba.
06:28.2
Ang lilinisan na lamang pala namin ni Mama ay ang apat na kwarto sa itas.
06:33.7
Binigay kay Mama ang susi sa mga kwarto.
06:37.0
Ako rin ang nagsabi sa taon na sinabihan kami na pwede kaming kumuha ng kaya naming dalhin na gamit sa storage room.
06:45.4
Ay oo, sinabi rin sa akin niya ng mayayari ng bahay.
06:49.3
Yung mga nasa storage room kasi ay hindi na nila mapapakinabangan pero nangihinayang silang itapon at baka rin magamit pa ng iba.
06:57.8
Kaya mamaya pagkatapos ninyong maglinis sa itaas ay pumunta na kayo sa storage room at tingnan ninyo kung ano ang pwede ninyong magamit.
07:06.7
Ang sabi sa amin ang babae.
07:08.9
Itinuro pa sa amin ang babae kung nasaan ang storage room para raw alam na namin kung nasaan yon.
07:15.1
Excited ako sa paglilinis ng mga kwarto kasi gusto ko na kaagad na matapos yon.
07:20.4
Para makita ko na ang mga gamit na meron sa storage room papadudut.
07:24.8
Inabot na kami ng gamit ni Mama bago kami natapos sa paglilinis ng mga kwarto sa itaas ng bahay na yon.
07:31.0
Naghapuna na rin kami doon at pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa storage room.
07:36.6
Ang dami pa palang gamit na naroon kagaya ng mga pang-display, drawers, mga upuan at mga damit.
07:45.5
Una kong tinignan ang mga damit at may nakuha akong isang bestida at isang pair ng shoes na kasha sa akin.
07:53.0
Si Mama naman ay nakagustuhan ang isang upuan na gawa sa matibay na kahoy at nakakuha rin siya ng mga damit na kasha sa mga kapatid ko at sa kanya na rin.
08:03.5
Si na tara na, tama na at baka may iba pa silang pagbigyan, huwag naman natin ubusin.
08:10.1
Ang sabi sa akin ni Mama nang medyo marami na akong nakuhang mga damit at mga pigurin na halatang galing pa sa Japan.
08:17.8
Wait lang ma, last na lang tapos ay okay na ako, turan ko.
08:24.0
Naghanap ako sa mga malalaking box pero wala na akong nakita na mapapakinabangan o magagamit ko pa.
08:32.5
Paalis na sana ako ng may makita akong bagay na nakabalod sa Manila paper.
08:38.0
Alam ko kaagad na isa yung painting at noon pa ma, naiinteresado na ako sa pagpipaint.
08:43.5
Sahula ko ay nasa 4 na 5 dangkal ang taas noon at 3 dangkal ang lapad.
08:51.3
Sinira ko ng kaunti ang nakabalot at sinilip ko ang nasa loob.
08:55.8
Nakita ko na may nakapintang babae na nakasuot ng kimono.
09:01.0
Tinanong ako ni Mama kung ano ang hawa ko.
09:04.2
Nang sabihin kong magandang painting ay sinabi niya na huwag ko yung kunin at baka hindi yon kasama sa ipinamimigay.
09:11.1
Ipinaalala ko sa nanay ko na ang sabi ng babae lahat ng nasa storage room ay pwede naming kunin.
09:18.5
Nagustuhan ko ang painting na yon papadudod.
09:21.3
May dingding kasi sa kwarto ko sa bahay na walang nakalagay na kahit na ano at naisip kong babaga yon.
09:28.5
Kapag doon ko ay sinabit.
09:30.8
Tapos dadalhin ko rin yon kapag lumipat na ako sa apartment ko para magkaroon ng buhay yung kwarto doon ng mga katrabaho ko.
09:38.8
Magkakasama kasi kami sa isang kwarto.
09:41.9
Hindi na ako kinontra ni Mama nang sabihin kung gusto ko talagang iuwi ang painting.
09:46.2
Sa pag-uwi namin na nag-tricycle kami dahil medyo marami kaming dala.
09:50.6
Ingat na ingat pa nga ako sa painting kasi baka magkaroon ng damage.
09:54.7
Excited na rin akong makauwi para makita ko ng buo ang painting.
09:59.8
Nang makauwi kami ni Mama ay tuwang-tuwa ang mga kapatid ko sa mga damit na pasalubong namin.
10:05.7
Kinuha na nila ang mga kasya sa kanila habang ako naman ay inalis ko na ng tuluyan ang nakabalot na papel sa painting.
10:13.5
Napawawa ko nang makita ang kabuuan ng painting sa maliwanag papadudod.
10:19.6
Buhay na buhay ang mukha ng babae na naroon.
10:23.0
Sa tingin ko pa nga isang Japanese yung babae sa painting gawa ng kanyang mga mata.
10:28.3
Siguro nasa early 30s ang edad ng babae na yon.
10:32.3
Hindi ko nga lang alam kung siya ba ay base sa totoong tao o basta na lamang siyang ipininta.
10:38.2
Pero kung ako ay nagustuhan yon, kabaligtara naman si Mama.
10:42.6
Nakakatakot naman yung babae sa painting na yan, Shaina.
10:46.1
Bakit ba kasi kinuha mo pa yan?
10:48.6
Ibalik mo na lang kaya yan bukas.
10:51.1
Kung ayaw mong ibalik kaya itapon mo na lang, turan pa ni Mama.
10:56.3
Ayaw ko nga ma, hindi ko na ito ibabalik, saka paano mo naman nasabing nakakatakot?
11:03.8
Eh ang ganda-ganda niya, sobrang tanga ko kapag binalik ko pa ito o kaya itinapon ko kasi wala na ako makikita ang kagaya nito.
11:12.8
Pagtatanggol ko sa painting.
11:15.4
Ewan ko ha, parang nakakakilabot yung tingin niya eh.
11:19.8
Buhay na buhay ang mga mata niya.
11:21.8
Parang palagi siyang nakatingin sa akin kahit saan ako magpunta.
11:25.4
Ang sabi ni Mama na may kasamang paghimas pa sa mga braso niya.
11:30.2
Ibig sabihin po ay magaling niyong nagpaint nito kasi buhay na buhay yung babae.
11:35.0
Saka sa kwarto ko po ito ilalagay kaya hindi niyo rin makikita at dadalhin ko rin po ito sa apartment ko sa susunod na weekend.
11:42.6
Wika ko.
11:44.6
Mabuti naman at baka iwanan mo yan dito o ay maitapon ko yan sa sobrang takot ko.
11:49.8
Tignan mo nga at nagkataasa ng mga balahibo ko nang tingnan ko yan o.
11:53.4
Sambit pa ni Mama.
11:56.5
Kaya nga ate baka mamaya ay patay na yung babae na nasa painting.
12:01.0
Sabi pa ng kapatid kong babae na mas bata sa akin.
12:05.0
Hindi naman sa ganun.
12:07.0
Saka ano kung patay na siya.
12:09.4
Painting lang yan at hindi yan yung mismong patay no.
12:12.6
Pabali wala kong paliwanag.
12:15.7
Kahit anong sigurong sabihin masama ng kahit na sino sa painting na yon ay hindi ko papakinggan, papadudod.
12:23.2
Basta para sa akin ay magandang painting na nakuha ako doon sa bahay kung saan kami naglinis ni Mama.
12:30.1
Nawala na ang atensyon ko sa mga damit na nakuha ako doon sa bahay dahil natuwa talaga ako sa painting na yon papadudod.
12:37.8
Feeling ko ay nakahukay ako ng ginto sa lupa.
12:42.4
Ako na ang mismong naglagay ng sabitan sa dingding ng aking kwarto at hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang kagaan ang pakiramdam ko
12:52.6
nang maisabit ko na ang painting sa aking kwarto.
12:57.8
Hindi ko rin alam kung meron bang kinalaman yung painting pero naging masarap ang tulog ko ng gabing yon.
13:04.3
Magaan ang gising ko at nakakakumpleto pa nga ako ng 8 hours na tulog na hindi ko nagagawa bago dubating sa kwarto ko ang painting.
13:13.0
Kaya kahit na hindi kami parehas ni Mama ng feeling, sa painting na yon ay talagang hindi ko sinunod si Mama sa gusto niya na ibalik ko yon.
13:21.8
Talagang sinabi ko sa aking sarili na ako na ang bagong may-ari ng painting na yon papadudod.
13:28.6
Isang tanghalin nasa sala ako at nagtatrabaho.
13:32.1
Kapag gano'ng oras at meron akong trabaho ay nasa kwarto ko ang iba kong kapatid.
13:37.0
Marunong na kasi silang makiramdam na kailangan ko ng tahimik na kapanigiran kapag oras ng work ko papadudod.
13:43.7
Alos kakatapos lang namin ang tanghalian noon at may maliit akong TV sa kwarto at alam ko na nanunood sila ng favorite nilang noontime show.
13:53.0
Nasa gitna ko ng isang call nang magulat ako dahil nagsisigawan ang dalawa kong kapatid at tumakbo sila palabas ng kwarto ko.
14:00.9
Nagsisiksikan sila sa isang sulok at wala si Mama ng time na yon dahil nagtatrabaho siya.
14:06.6
Kahit anong panlalaki ng mata ang gawin ko sa mga kapatid ko para ipaalam sa kanila na tumahimik sila ay hindi sila huminto sa pagsigaw.
14:15.0
Takot na takot sila at talagang magkayakap na sila.
14:19.0
Nang sumenyas ako na tumahimik sila at itinuro ko ang suot kong headset ay doon lamang sila tumahimik pero nakita ko na halos maiyak na silang dalawa lalo na yung sumunod sa akin.
14:30.5
Nang matapos lang ang tawag ko ay pinalabit ko sa akin para kausapin sila.
14:35.2
Alam niyo naman na meron akong working day ba? Bakit kayo naghaharutan at nagsisigawan habang meron akong kausap?
14:42.6
Seryoso kong tanong sa kanila.
14:45.5
At hindi po kami naghaharutan.
14:47.9
Si Ate kasi nakita niya yung babae sa painting mo na gumalaw.
14:52.0
Sinabi niya sa akin kaya napasigaw kami sa takot, tura ng bunso namin.
14:57.4
Gumalaw? Paanong gumalaw? Nahulog ba sa pagkakasabit? Ang nalilito kong tanong.
15:05.7
Ikinawento sa akin ang pangalawakong kapatid ang nangyari.
15:09.2
Habang nanonood daw sila ng TV ay parang nakikita niya na gumagalaw yung ulo ng babae sa painting.
15:16.4
Kaya ang ginawa niya ay tinitigan niya ng matagalang painting at baka mahuli niya ang paggalaw ng babae.
15:23.9
Hanggang sa nakita niya na gumalaw daw ang ulo ng babae na nasa painting at tumingin ito sa kanya na parang nililisik ang mga mata.
15:32.2
Nang sabihin niya rao sa bunso namin kapatid ay natakot na ito kaya nagkasigawan silang dalawa.
15:37.9
Masasabi ko na totoo ang takot sa muka ng mga kapatid ko papadudot.
15:42.8
Hindi ko lang kayang paniwalaan ang sinabi nila na gumalaw yung babae na nasa painting kasi para sa akin
15:48.7
ay imposibleng gumalaw ang isang bagay lalo na kung wala naman itong buhay.
15:53.0
Alam niyo, sasabihin ko kay mama na pagbawala na kayong panoorin ang mga horror movies,
15:58.6
kung ano-anong nakikita ninyo kahit na hindi totoo.
16:01.8
Kunwari, galit kong sabi sa mga kapatid ko.
16:05.5
Nagsasabi ako ng totoo ate, gumalaw talaga siya, pilit ng kapatid ko.
16:12.0
Naku ba ka sinasabi nyo lang yan para itapon ko na yung painting?
16:16.0
Inutosang kayo siguro ni mama na gawin yan no?
16:19.4
Pakisabi kay mama na walang magiging reason para itapon ko ang painting, akin na yun, ang sabi ko.
16:27.1
Sinabi ng dalawang kapatid na hindi sila inutosan ng nanay namin na gawin yon.
16:31.7
Ikinit ng pangalawakong kapatid ang paggalaw ng babae na nasa painting.
16:36.2
Simula na mangyari yun ay hindi na tumambay pa ang dalawakong kapatid sa aking kuwarto.
16:41.1
Doon na sila sa kuwarto nila ni na mama kahit wala roong TV.
16:45.0
Panayang cellphone na lamang nilang dalawa papadudut.
16:48.5
Sabado ng umaga ay umuwi si mama sa bahay at sinabi ng dalawang kapatid ko ang nangyari sa babae na nasa painting.
16:55.3
Inutosan ako ni mama na itapo na ang painting at huwag ko na yung dalhin sa apartment ko.
17:00.3
Ibaraw kasi talaga ang pakiramdam niya sa painting na yon.
17:04.5
Pero kinit ko na wala akong nafe-feel na kakaiba o masama sa painting kaya walang dahilan para itapon ko yon.
17:11.8
Saka first time kong magkaroon ng totoong painting kaya mabigat talaga sa loob ko.
17:16.2
Kung ididispatsa ko yon, papadudut.
17:19.2
Inisip ko na ng time na yon na mangulekta ng mga painting o kaya ipush ko na ang hilig ko sa ganong mga gawain.
17:27.4
Huwag kayong mag-alala ma, bukas naman ay alis na ako at dadaling ko na yung painting.
17:33.0
Hindi nyo na yan makikita pa, ang sabi ko kay mama.
17:37.5
Sina hindi yan ang punto ko, ikaw ang inaalala ko.
17:41.4
Baka kasi may masamang kung anong mangyari at nakadikit dyan sa painting na yan at mangyari sa'yo.
17:47.6
Hindi ba may mga ganong bagay lalo na kung patay na ang may-ari?
17:51.2
Baka tamang sinasabi ng kapatid mo na patay na ang babae nasa painting.
17:55.5
Nag-aala lang sabi ni mama.
17:58.4
Ang paranoid mo naman ma, kayo lang ang nag-iisip ng masama sa painting.
18:03.8
Halos one week na yung nasa kwarto ko pero wala naman akong napapansin na masama o kakaiba.
18:09.1
Katuwiran ko.
18:11.1
Sinabi ko kay mama na huwag na muna naming pag-usapan ng painting at ang mas maganda pa ay mag-banding na lamang kami kasi aalis na ako next day.
18:20.7
Tuwing sunday na lang ulit nila ako makikita at hindi pa ako sure kung every sunday ay makaka-uwi ako kasi pandemic pa rin.
18:28.4
The next day, sinundo na ako ng isang van na pag may-ari ng company kung saan ako nag-work.
18:33.7
Nagpasundo talaga ako kasi hindi ko kayang mag-commute na dala ang isang set ng desktop computer
18:39.4
na pinauwi sa amin at pinagamit ng company noong nag-work from home ako.
18:44.5
Mabuti na lang din at kaklose namin yung may-ari ng apartment na inalisan naming magkatrabaho.
18:50.2
Kaya nang mabakandi yun ang ilang buwan bago kami bumalik sa Saet ay hindi na niyon pinaupahan pa.
18:57.0
Nakadunog na rin kasi kami na matatapos na ang work from home setup namin kaya pina-reserve na namin yung dati naming unit sa apartment na yon.
19:06.0
Kahit na nalayo na ulit ako sa family ko ay masaya pa rin ako dahil makakasama ko ulit ang makukulit kong katrabaho.
19:14.9
Ang tatlong kasama ko sa apartment kasi ang pinakaklose ko sa work pa padudod.
19:19.6
Kaya nang magkita-kita ulit kami sa apartment ay nagkaya kapan kaming apat kasi na-miss talaga namin ang isa't isa.
19:26.7
Matapos ang kumustahan ay kanya-kanya na kami ng pag-aanpack na mga gamit.
19:31.5
Hindi ko alam kung nasabi ko na kanina pero iisa lang ang kwarto sa apartment na yon.
19:38.5
May dalawang single bed at isang double deck bed.
19:41.4
Pari doon ako sa isang single bed na nasa tabi ng dingding dahil sa medyo malikot akong matulog kaya hindi ako pwede sa double deck.
19:49.6
Sinabit ko yung painting sa dingding na nasa tapat ng paano namin.
19:53.4
Wala naman problema sa mga kasama kung sa apartment ang painting.
19:56.9
Nagandahan pa nga sila at akala nila ay binili ko yon sa mahal na halaga.
20:02.0
Hindi ko yon binili.
20:03.8
Nakuha ko yon doon sa mga gamit na pinamigay ng may-ari ng bahay na nilinisan namin ni mama.
20:09.4
Alam nyo na kapag mayaman, kapag marami ng gamit ay ipinamimigay nalang, turan ko sa kanila.
20:16.8
Mayaman pala ang dating may-ari niyan?
20:19.4
Hindi kaya mahal ang painting na iyan, Sheena?
20:21.8
Ipagbenta mo kaya?
20:23.2
Baka kumita ka ng malaki.
20:25.0
Ang sabi sa akin ni Dana.
20:27.0
Isa siya sa kasama ko sa apartment.
20:30.0
Sinangayon na ng dalawa ko pang kasama sa apartment na sina Mylene at Ruby.
20:34.8
Sabi pa nila ay baka nakatadhana na mapunta sa akin ng painting para pagkapirahan ko.
20:40.9
Ayaw kong ipagbenta ang painting na iyan.
20:43.5
No.
20:44.6
Kahit pang malaki ang value niya na ayaw ko talaga.
20:47.7
Piling ko kasi lucky charm ko iyan, turan ko sa kanila.
20:52.2
Hindi ako napilit ng mga katrabaho ko sa suggestion nila na ipagbenta ko ang painting.
20:57.7
Sabi ko pa ay nakuha ko na iyon at hindi na ako makakapayag pa na may ibang tao na magmay-ari noon kundi ako lamang.
21:06.2
The next day ay nagreport na ako sa office at nagstart na rin ako ng work papadudut.
21:11.8
Night shift agad ako at si Ruby.
21:14.5
Abang sina Mylene at Dana ay pang umaga.
21:17.5
Kaya alam na namin na hindi kami magkakatagpungapad sa apartment kasi magkakayba kami ng oras ng pagpasok.
21:25.6
Three days na kami nagtatrabaho at nagtaka ako ng pag-uwi namin ni Ruby.
21:29.8
Umaga ay nasa apartment si Mylene.
21:32.6
Kayga siya at nakabalot ng kumot.
21:35.0
Anata na masama ang pakiramdam niya.
21:37.9
Sinabi sa amin ni Mylene na hindi siya nakapasok kasi sobrang sama ng pakiramdam niya.
21:42.6
Kagabi pa pala siya nilalagnat at ang akalan niya ay gagaling din kaagad siya after niyang uminom ng gamot.
21:48.7
E bakit ka ba kasi nilalagnat?
21:50.7
Siguro nagpaulan ka pa kahapon, ang sabi ni Ruby kay Mylene.
21:55.7
Hindi ito dahil sa ulan.
21:57.7
Ewan ko ba pero sumula nang bumalik ako rito sa apartment natin ay iba na ang pakiramdam ko.
22:02.8
Ang bigad sa dibdib lalo na kapag nandito ako sa kwarto.
22:07.2
Hindi naman ako ganito dati, bagong magpandemic, paliwanag ni Mylene.
22:12.6
Naninibago ka lang siguro, mahigit dalawang taon din kasi tayong nawala dito, hindi ba?
22:17.9
Huwi ka ako naman.
22:20.3
Hindi ko rin alam e, baka nga ganyan na nangyari sakin, sabi na lamang ni Mylene.
22:26.2
After naming mag-breakfast ni Ruby ay nagpahinga na lamang kami ng kaunti, at umiga na kami para matulog.
22:33.6
Nakababa ang kurtina sa bintana at patay ang ilaw para madilim na madilim ang buong kwarto.
22:39.9
Lahat kasi kami ay hindi nakakatulog ng maayos kapag maliwanag.
22:44.7
Nanaginip ako noon, Papa Dudut, nasa isang lumang bahay ako na hindi ko alam kung saan at kung kanino.
22:52.2
Umakyat ako sa isang hagdaan at pumasok sa isang kwarto.
22:55.9
Sa kwarto ay meron akong nakitang babae na nakaupo sa harapan ng malaking salamin.
23:01.2
Hindi ko na matandaan kung nagsusuklay ba siya o naglalagay ng make-up, basta nakaharap siya sa may salamin, Papa Dudut.
23:09.0
Nakatingin lang bang ako sa babae at dahil sa medyo madilim sa kwarto ay hindi ko makita ng maayos ang itsura ng babae nang tumayo siya at tumarap sa akin.
23:19.0
Pagkaharap ng babae sa akin ay naputol na ang panaginip ko.
23:24.1
Sa unang beses ay napanaginipan ko ang babaeng yon ay wala akong inisip na kakaiba.
23:30.4
Parang normal na panaginip lamang siya para sa akin.
23:34.2
Pero nang maulit ang panaginip na yon, sa pangalawang pagkakataon ay medyo may naramdaman na akong kakaiba.
23:40.8
Sinabi ko kay Ruby ang tungkol sa bagay na yon at baka raw ang babae sa panaginip ko ay ako lang din.
23:46.6
Parang pinapakita raw sa akin ang mangyayari sa future.
23:50.2
Baka raw magiging mayaman ako at magkakaroon ng malaking bahay dahil sa nakikita kong malaking bahay sa aking panaginip.
23:56.6
Siyempre natuwa ako sa sinabi ni Ruby, Papa Dudut.
24:00.3
Ilang beses ko pang napanaginipan yung babae hanggang sa parang naging normal na sa akin na sa tuwing matutulog ako ay mapapanaginipan ko siya.
24:09.1
Yung tungkol pala sa lagnat ni Mylene, tatlong araw din siyang hindi nakapasok dahil kahit na anong inom niya ng gamot ay hindi siya gumagaling.
24:17.4
Dadali na nga sana namin siya sa ospital pero bigla naman siyang gumaling na parang nagdahilan lamang.
24:23.0
Umuyon na lamang kami ni Ruby sa apartment na wala na si Mylene at yon pala ay lumabas para magjogging.
24:30.2
Nagulat kami nang umuwi si Mylene na pawis na pawis.
24:33.7
Nang sinabi niyang nagjogging siya ay pinagalitan ko siya kasi baka mabinat siya.
24:38.7
Wag kayong magalala kasi malakas na ako.
24:41.5
Nakapagtataka nga kasi bigla na lang akong gumaling samantalang kagabi ang taas pa ng lagnat ko ang namamanghangwi ka ni Mylene.
24:49.0
Kahit na dapat pinagpahinga mo muna ang katawan mo kasi kakagaling mo lang sa sakit, turan ko.
24:56.3
Okay lang ako wag na kayong mag-OA okay?
24:59.6
Pabirongwi ka pa ni Mylene.
25:02.2
Ignite ni Mylene na wala na kaming dapat na ipag-alala sa kanya.
25:06.4
Hindi niya round na aramdaman na galing siya sa lagnat kaya agad siyang nagjogging dahil ilang araw din daw siyang hindi nakapag-exercise.
25:15.1
Isanabayan na namin ni Ruby si Mylene sa pagkain ng breakfast.
25:19.1
Habang kumakain kami sinabi ni Mylene
25:21.8
na nagtataka siya noon habang may lagnat siya ay may babae siyang napapanaginipan.
25:27.4
Nasa isang kwarto rawang babae at nakaharap sa malaking salamin.
25:31.9
Nagkatingin ang kami ni Ruby dahil alam naming dalawa na, ganon din ang napanaginipan ko na maraming beses na.
25:39.4
Ang sabi pa ni Ruby na hinto yun ang gabi bago siya gumaling mula sa kanyang lagnat.
25:44.8
Sinabi ko kay Mylene na parehas kami ng napapanaginipan at namang ha kami dalawa.
25:49.4
Hindi nga lang namin alam kung ano bang ibig sabihin noon Papa Dudut.
25:53.7
Pero nagbigay pa rin ng katanungan sa akin kung bakit parehas kami ng panaginip ni Mylene-Papa Dudut.
26:01.8
Hindi ko naisip ng time na yun na may kinalaman ng painting sa bigla ang pagkakaroon ng lagnat ni Mylene
26:07.6
at yung pagkakaparehas ng aming mga panaginip.
26:11.0
Kahit ang mga kasama ko sa apartment ay hindi yun naiisip Papa Dudut.
26:15.3
Nang umuwi pa nga ako sa bahay ay agad akong tinanong ni Mama kung kumusta ako sa apartment at kung may nangyari ba na hindi maganda.
26:23.8
Mama, bakit may hindi magandang mangyayari sa apartment?
26:28.2
Pagkakatiwalaan po ang mga kasama ko doon.
26:31.0
Sana rin po ang kasama ko dati, sabi ko kay Mama.
26:34.9
Alam ko na sina Ruby pa rin ang kasama mo, ang tinutukoy ko ay yung painting.
26:39.6
Wala ka bang nararamdaman na kakaiba sa painting na yun, tanong pa ni Mama sa akin.
26:44.7
Wala po Mama, sabi ko kasi sayo okay ang painting na yun.
26:49.4
Saka paano yung makakagawa ng masama, ibagay lang yun Ma.
26:52.9
Hindi yung makakagalaw para manuntok o manampal, ang pabiru kong sabi.
26:58.0
Ang sabi ni Mama ay hindi siya nakikipagbiruan.
27:00.9
Kinilabutan ako nang sabihin niya na tatlong beses na siyang nananagilip na nasa isang malaking bahay siya.
27:06.5
Tapos pumasok siya sa isang kwarto kung saan ay may babae na nakaharap sa may salamin.
27:12.2
Kahit na hindi raw malinaw na nakikita niya yung babae ay malakas ang pakaramdam niya,
27:16.9
na yun ang babae na nasa painting,
27:19.3
hindi raw maganda ang pakaramdam niya na nagpapakita sa panaginip yung babae sa painting papadudut.
27:25.5
Hindi ko na lamang sinabi kay Mama na nananaginip din ako ng ganon at baka bigyan pa niya ng hindi magandang kahulugan.
27:32.5
Itapon mo na kasi ang painting na yun, Shayna.
27:35.3
Para matahimik na ako at hindi na ako nagaalala sayo, pakiusapan ni Mama.
27:40.8
Ma, ilang beses ba natin pag-uusapan yan?
27:44.0
Hindi ko po itatapon yung painting kasi importante na yun sa akin.
27:48.0
Lucky charm ko yun, ang sabi ko.
27:51.0
Lucky charm?
27:52.2
Ano bang swerte ang naibigay sa'yo ng painting na yun? tanong pa ni Mama.
27:56.7
Wala pa po pero malakas ang pakaramdam ko na swerte ang dala sa akin ng painting, ang sabi ko.
28:03.0
Hindi pa rin ako nagawang mapilit ng nari ko na i-dispatch siya yung painting kasi wala talaga akong nakikitang dahilan para gawin ko yun papadudut.
28:12.2
That time kapag giniisip ko na itatapon ko yung painting ay talagang nangihinayang ako ng sobra.
28:18.2
Nang bumalik ako sa apartment namin ay tinignan ko yung babae na nasa painting at noon ko lang napansin
28:24.3
na malaki nga ang pagkakahawig nito sa babae na palagi kong napapanaginipan.
28:29.3
Kinilabutan ako nang ma-realize ko yun, papadudut.
28:32.8
Dalawang buwan ang nasa akin yung painting nang may kakaiba na kaming maramdaman ng mga kasama ko sa apartment, papadudut.
28:40.8
Ang una ay si Dana.
28:42.7
Sa mga kasama ko ay siyang may pinaka-ayaw sa painting.
28:46.7
Natatakot daw kasi siya sa babae na nasa painting dahil parang nakasunod palagi ang tingin sa kanya.
28:52.2
Kahit saan siya pumuesto sa kwarto.
28:54.6
Tinatawanan ko na lamang siya at sinasabi ko na ayos na yun para merong nagkakabul ng tingin sa kanya.
29:01.4
Ang totoo ay napapansin ko rin yun na sa sobrang buhay ng mukha ng babae sa painting ay talagang iisipin mo
29:07.5
na palagi siyang nakasunod ng tingin sa iyo.
29:10.6
Isang gabi pare-parehas kaming walang pasok na apat.
29:14.2
Nagkasundo kaming mag-inuman ng kaunti dahil matagal na namin hindi yung nagagawa.
29:19.0
Medyo takot pa nga kaming mag-inom sa labas dahil sa banta din ng virus.
29:24.0
Bumili kami ng mga tsitserya at tig dalawa ng beer, kaming apat.
29:27.9
Hindi kasi kami ganon kalakas mag-inom.
29:30.6
Kumbagay, e-chill lang kami ng gabing yon, Papa Dudut.
29:34.0
Kwentuhan lamang kaming apat nungkol sa trabaho at sa mga taong kinakain na sa namin ng pasekreto sa aming workplace.
29:41.4
Nang maubos na ang aming mga beer ay nagpatuloy pa rin kami sa kwentuhan hanggang sinapansin ko si Dana
29:47.5
na nakatitig siya roon sa painting na nakasabit sa may dingding.
29:51.6
Hoy Dana, titig ka ng titig sa painting ha. Natatawa kong punas sa kanya.
29:57.2
Para kasi nakita kong gumalaw yung ulo ng babae sa painting.
30:00.6
Aniya, sa seryosong tono.
30:03.0
Hindi si Dana ang klase ng kaibigan na mahiling magbiro at sobrang seryoso niyang tao.
30:08.1
Dana, huwag kang manakot, ang sabi pa ni Mylene.
30:11.7
Hindi ako nananakot, no.
30:13.5
Talagang nakita kong gumalaw yung babae na nasa painting.
30:16.4
Parang gumagalaw yung ulo niya tapos ay tumitingin dito sa atin.
30:19.8
Wika ni Dana.
30:21.8
Sinabi ko sa kanila na imposible yung gumalaw yung babae sa painting kasi wala yung buhay.
30:27.0
Ang sabi ko pa ay baka dahil sa lasing na si Dana,
30:29.6
kaya ang akalan niya ay gumagalaw yung babae na nasa painting.
30:33.1
At huwag nilang tinatakot ang kanilang sarili.
30:36.7
Inaya ko na lamang sila na matulog pero may kaba akong naramdaman, Papa Dudut.
30:41.9
Naalala ko kasi yung sinasabi ng kapatid ko na nakita niya rin na gumalaw yung babae na nasa painting.
30:48.2
Naisip ko lang na baka nga gumagalaw talaga yung babae na roon.
30:52.8
Habang tulog na kaming lahat ay nagising kami nang biglang sumigaw si Dana.
30:57.3
Yung sigaw niya ay parang takot na takot siya.
31:00.6
Ako na ang malapit sa switch ng ilaw kaya ako ang nagbukas noon.
31:05.8
Nakita ko si Dana na nakayakap kina Ruby at Mylene.
31:09.1
Nanginginig siya sa sobrang takot.
31:11.8
Tinanong namin si Dana kung ano nangyayari at sumisigaw siya.
31:15.2
Nakita akong babae na naglalakad sa harapan ng painting.
31:18.7
Itinuro pa niya yung painting.
31:21.3
Meron bang tumayong sa inyo o nananakot? Tanong ko.
31:25.1
Ang sabi ni na Ruby at Mylene ay nakahiga na sila at tulog kaya hindi sila ang nakita ni Dana.
31:31.2
Alam ko rin sa sarili kung hindi ako ang nakita ni Dana dahil tulog na rin ako.
31:35.3
Kung hindi pa nga sumigaw si Dana ay hindi ako tatayo.
31:38.6
Sinabi ko na baka namamalikmata lamang siya pero iginit ni Dana na totoo ang nakita niya.
31:43.2
Matangkad at payat ang babae na nakita niya.
31:46.2
Nakasuot pa raw ito ng kimono kagayang ang babae na nasa painting.
31:50.2
Biniro ko pa siya na sinabi niya kasi na gumagalaw yung babae sa painting kaya nagpakita na sa kanya ng totoo.
31:57.0
Umiiyak si Dana at sinabi niya hindi siya nagbibiro.
32:00.2
Siguradong sigurado raw talaga siya sa nakita niya papadudut.
32:04.3
Natoon ang usapan namin sa painting at sinabi ni Mylene na madalas siyang nakatitik doon bago siya nagkaroon ng lagnat.
32:11.2
Pati siya ay napansin na malaki nga ang pagkakahawig ng babae sa painting sa napapanaginipan niya noon.
32:17.0
Si Ruby naman ay sinabi niya na parang ambigat sa pakiramdam niya kapag nasa kwarto siya at ang naiisip niyang dahila na yung painting.
32:24.7
Hindi kaya may dalang sumpa ang painting na nakuha mo, Sheena?
32:28.3
O kaya ay namatay na yung babae na nasa painting at nakadikit sa painting na yan ang kanalunga niya?
32:33.4
Ang sabi pa ni Dana.
32:35.5
Sa mga movie lang yun ang ngayari, Dana.
32:38.2
E ano bang gusto ninyong gawin ko sa painting? Itapon ko?
32:41.3
Tanong ko sa kanila.
32:43.2
Bukang yan ang tama mong gawin, Sheena.
32:45.5
Itapon mo na yung painting na yan.
32:47.8
O kung hindi mo kaya, ay ibalik mo na lang doon sa pinagkunan mo.
32:51.1
Ang sabi pa ni Mylene.
32:53.5
Sumama ang loob ko sa gusto nilang gawin sa painting na yon, Papa Dudut.
32:57.8
Dahil sa hindi ko talaga kayang i-give up yun, ay nakiusap ako sa kanilang tatlo.
33:01.9
Na imbis na itapon o ibalik sa may ari ay itago ko na lamang ang painting.
33:06.7
Nangihinayang talaga kasi ako na mawala yun sa akin, Papa Dudut.
33:10.6
Mabuti na lamang at pumayag ang mga kasama ko na itago ko na lamang ang painting.
33:14.8
Basta huwag daw nila na makikita yon dahil iba na ang pakaramdam nila sa babaeng nasa painting.
33:20.4
Labag sa kaloobang kong alisin ang painting sa pagkakasabi dahil ang gusto ko ay palagi ko yung nakikita.
33:27.3
Pero dahil sa majority ay ayaw sa painting at pare-parehas lamang ang ibinabayad namin sa apartment, ay kailangan kong sumunod.
33:34.1
Sa gusto ng mas nakakarami.
33:36.2
Binalutang ko ulit ng Manila Paper ang painting at nilagyan ko ng plastic bago ko ilagay sa ilalim ng aking kama.
33:42.7
Sinabi ko pa sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng sariling bahay ay isasabit ko sa dingding ng aking kwarto ang painting na yon.
33:50.9
Simula nang alisin ko sa pagkakasabit ang painting ay sinabi sa akin ni Rubi na hindi na mabigat ang pakaramdam niya sa aming kwarto.
33:57.8
Hindi na rin natatakot si Dana at si Mylene ay hindi na rin nagkakasakit.
34:02.1
Malaki ang paniniwala nilang tatlo na may dalang hindi magandang bagay ang painting.
34:06.7
Hindi na lamang ako nagsalita pa kasi tutul ako sa kanilang tatlo.
34:10.9
Baka kasi yon pa ang pagmula ng hindi namin pagkakaintindihan na matuloy pa sa away.
34:17.0
Yon ang bagay na talagang iniiwasan kong mangyari ang pangit din naman na naggalit sila sa akin ng dahil lamang sa isang painting.
34:25.3
Sa ikalawang gabi na nakatago sa ilalim ng kama ko ang painting ay isang pangyayari ang tuluyang nagpaiba ng tingin ko sa painting na dati ay ayaw kong bitawan.
34:35.5
Kaming dalawa lang ni Ruby ang naroon sa apartment at nauna nang matulog si Ruby sa akin habang ako ay nanonood pa ng paborito kong k-drama.
34:44.8
Hindi ko na namalaya na inabot na ako ng alauna ng madaling araw.
34:49.1
Palagi ko kasing sinasabi na isang episode na lamang at matutulog na ako.
34:53.5
Pero dahil sabitin palagi ang bawat episode ay napipilit ang tuloy akong manood pa ng isa pa.
34:59.6
Naisipan ko lang na huminto muna sa panonood nang makita ko ang oras.
35:03.9
Pilatay ko ng wifi para hindi na ako matukso na manood.
35:07.3
Naghilamos na lamang ako at uminom ng tubig.
35:09.8
Nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto nang may marinig akong umiiyak na babae sa loob ng kwarto.
35:16.2
Yung iyak niya ay parang pinipigilan niyang may makarinig.
35:19.8
Saka parang nahihirapan siya.
35:22.2
Nag-alala ako kasi sino pa ba ang iisipin kung umiiyak kundi si Ruby.
35:26.7
Siya lang naman kasi ang kasama ko sa kwarto ng gabing yon.
35:30.1
Pagbukas ko ng pinto ay nawala ang iyak at nakita ko si Ruby na nakahiga at tulog na.
35:35.2
Pero ang talagang gumulat sa akin ay nang nakita kong may babae na nakatayo sa ibabaw ng aking kama.
35:41.4
Nakasuot siya ng kimono na kagayang-kagayang ang suot ng babaeng nasa painting.
35:46.1
Nalilisig pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
35:50.2
Napasigaw ako sa sobrang takot.
35:53.2
Nagising si Ruby sa sigaw ko at sa isang kisap mata ay nawala yung babae na nakasuot ng kimono.
36:00.2
Hindi ko na maramdaman ang sarili ko ng sandaling yon papadudot.
36:04.0
Takot na takot-takot at lalamig na parang hihimatayin.
36:07.4
Nanghina ako ng sobrang nang makita ko yung babae.
36:10.6
Sinabi ko kay Ruby ang narinig at nakita ko.
36:13.8
Hindi ako umiiyak, tulog na ako.
36:16.6
Inangabang sinasabi ko sa iyo e, Sheena, itapon mo na kasi yung painting na yan.
36:21.8
May sumpa talaga yan, maniwala ka sa amin, ang sabi sa akin ni Ruby.
36:26.7
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko o papadudot.
36:30.2
Hindi ko na i-expect na magpapakita talaga sa akin yung babae na nasa painting.
36:34.4
Ang naisip kong dahilan kung bakit siya nagpakita sa akin ay dahil ayaw niya na itago ko siya.
36:40.7
Baka ang gusto niya ay nakadisplay siya palagi.
36:43.8
Dahil sa nangyari, hindi ko na inisip na gustong gusto ko na ang painting na yan, papadudot.
36:48.8
Pagka-out ko sa trabaho, kinabukasan ay kinuha ko na yung painting sa ilalim ng aking kama at nagpasama ko kay Ruby sa bahay
36:55.5
kung saan ko nakuha yung painting pero nang makabalik ako roon.
36:59.0
Ay ibang tao na ang nakatira.
37:01.0
Sila na palang nakabili ng bahay.
37:03.7
Sinabi ko sa babaeng humarap sa amin na ang painting na dala ko ay pagmay-ari ng dating may-ari ng bahay.
37:10.2
Ang sabi ko ay ibabalik ko na ang painting dahil wala akong mapaglagyan sa aking bahay.
37:15.0
Yun ang kinatwiran ko kahit ang totoo ay nagdala lamang ng takot yun sa akin at sa ibang tao noong nakakita ng painting.
37:22.1
Pero ayaw tanggapin ang bago may-ari ang painting kahit na anong pilit ko.
37:26.7
Kaya wala akong naging choice kundi ang itapo na lamang sa nadaan na naming basurahan ng painting.
37:32.7
Ang sabi pa sa akin ni Ruby ay dapat sinira ko yung painting pero nakalayo na kami ng sabihin niya
37:38.4
at tinamad na akong bumalik pa.
37:40.4
Napansin naming lahat na nasa apartment na simula nang itapon ko ang painting ay naging magaan na talaga ang pakiramdam sa aming apartment.
37:48.1
Bumalik na yung dating aliwalas noong naroon pa kaming apat bago magkaroon ng pandemic.
37:54.3
Aaminin ko na mabigat sa loob ko na itapon ang painting pero sapat na siguro yung isang beses na naka-experience ako
38:01.4
ng nakakatakot na dahilaan para itapon ko ang painting.
38:06.5
Ayoko ng pangalawahan pa at baka masiraan ako ng ulo kapag nagpakita ulit sa akin yung babaeng na sa painting.
38:13.4
Hanggang dito na labang ang aking kwento papadudod.
38:16.8
Ngayon ay tahimik na ang buhay ko at ng mga taong nakapaligid sa akin.
38:21.7
Siyempre tuwang-tuwang si Mama nang malaman niya ang ginawa ko sa painting.
38:26.6
Hindi na raw siya nangangamba dahil sinunod ko ang gusto niya ang mangyari.
38:33.0
Sincerely yours, Sheena
38:37.2
Mga ka-online, nais kong magpasalamat sa lahat ng mga subscriber ng Kaistorya YouTube channel.
38:45.4
Ito po ay secondary channel ng inyong papadudot at sa lahat po na mga nagshare ng channel na yan maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
38:55.5
May iba po tayong mga komentong nababasa na may pangbabash.
39:01.0
Nais kong i-remind ang lahat ng ating marunood at mga tagapakinig na hindi po natin tinatangkilig ang bashing sa ating YouTube channel.
39:10.8
Maaari po kayong maban sa channel na ito kung magpapatuloy po kayo sa inyong pangbabash.
39:16.0
Samantala, bawat isa sa atin ay may bagay na inaalagaan at iniingatan dahil sa meron po itong tinatawag na sentimental value sa atin.
39:28.2
Pero kung ang bagay na ito ay nagdudulot na ng ligalig at takot sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin ay mas makakabuti kung ito ay bitawan na.
39:38.1
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sarili natin ang palagi nating papakinggan.
39:43.8
Minsan ay maganda rin na marunong tayong makinig sa sinasabi ng ibang tao.
39:49.4
May mga bagay kasi na hindi natin napapansin at ibang tao ang nakakakita.
39:56.2
Tandaan natin na ang bagay ay maaaring mapalitan.
40:00.2
Ang alaala na nakakabit sa bagay ay pwedeng mapalitan ng mas masaya ngunit ang buhay natin at ng mga mahal natin sa buhay ay iisa lamang at hindi mapapalitan kung sakaling mawala.
40:16.8
Minsan mas makakabuti kung pipiliin natin ang kapayapaan ng ating buhay kesa sa mga bagay na hindi permanente.
40:25.8
Hanggang sa muli, huwag kalimutan na mag like, share and subscribe. Maraming salamat po sa inyong lahat!
40:56.7
Mga problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
41:10.3
Sa Papadudud Stories, kami ay iyong kasama.
41:22.8
Dito sa Papadudud Stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
41:34.8
Dito sa Papadudud Stories, may nagmamahal sa'yo.
41:47.3
Papadudud Stories
41:53.3
Papadudud Stories
42:01.3
Papadudud Stories
42:17.3
Papadudud Stories
42:25.3
Papadudud Stories
42:33.3
Papadudud Stories