Close
 


Ano nga ba ang kaibahan ng IQ at EQ?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCNaQMcnWvx95j7OG3217IMg/join Follow SMNI News Viber & Telegram Community Get updates via Viber: https://bit.ly/3od1x76 Join us on Telegram: https://t.me/joinchat/cUkfwNmbtT4yYTg1 Wag kalimutang mag-JOIN at mag-SUBSCRIBE sa ating Youtube channel Click the link to Subscribe: 👇👇👇👇👇👇👇👇👇 https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1 📺 Watch Us On Digital TV SMNI News Channel FREE TV on Ch. 39 Manila, Ch. 39 Butuan, Ch. 39 Roxas, Ch. 38 Vigan, Ch. 37 Isabela, Ch. 35 Laoag, Sky Cable Ch. 162 Manila. Sky Cable Ch 46 Davao and Cignal Ch. 186 💻📱 Online at www.smninewschannel.com #TruththatMatters #roadto2millionsubs #SMNINews Visit us on : http://www.smninewschannel.com Visit us on : https://www.facebook.com/SmniNews/ Visit us on : https://www.facebook.com/DZAR1026/ Follow us on : https://www.instagram.com/smninewschannel/ Tiktok: www.tiktok.com/@smninewsofficial
SMNI News
  Mute  
Run time: 06:48
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
S-M-N-I
00:03.5
Truth that Matters
00:06.0
Iba't iba, kanya-kanya tayo ng galing, kanya-kanya tayo ng ating tinatawag na multiple intelligences.
00:12.5
Alam nyo, kailangan pag-usapan natin yung iba't ibang sukatan ng galing ng tao.
00:18.0
Marami yan. Merong IQ, EQ, AQ, SQ, at meron pang DQ.
00:23.0
Hindi natin pwedeng tapusin lahat diyan. Naba isang oras na usapan yan?
00:26.5
Gusto ko muna ipakilala sa inyo yung IQ
00:29.5
at gusto kong ipakilala rin sa inyo yung EQ.
00:32.5
At sa susunod na mga kabanata natin, pag-uusapan naman natin yung mga ibang Q na yan.
00:38.0
Pag-uusapan natin yung SQ, yung Adversity Quotient, Spirituality Quotient,
00:42.5
at yung mahalaga sa panahon ngayon, yung Digital Quotient, yung DQ na tinatawag.
00:47.5
Pero pag-usapan natin ang IQ.
00:49.5
Alam nyo ang IQ, yan po'y binakilala sa atin noong 1905.
00:54.0
Naku, matagal-tagal na ang nagpakilala sa atin yan,
00:56.5
ang apelido si Diney at siyempre si Simon.
01:00.5
Sila ang pinagsimulan noong pagsusukat ng galing ng mga bata
01:04.0
para malaman kung kumusta yung kanilang Intelligence Quotient.
01:08.5
May formula po yan.
01:10.0
Ang formula po ng IQ ay nasusukat sa pamamagitan noong tinatawag nating Mental Age,
01:16.5
anong kakayanan ng utak mo at noong Chronological Age para sa edad mo,
01:22.5
i-multiply po yan ng isan daan at makikita mo yung iyong IQ level, IQ rate.
01:28.5
Ito po'y isang test.
01:29.5
Maaari po kayong pumunta sa mga Psychometrician, sa mga Psychologist.
01:34.5
Sasagot lang kayo ng mga tanong at malalaman nila kung anin yung inyong Chronological Age.
01:39.5
Siyempre alam natin ang edad mo, yung iyong Mental Age,
01:43.5
kukumpyutin nila at sasabihin nila ang IQ mo.
01:46.5
At ang IQ po, pag mas mababa pa sa 70, merong 70, merong 80, may 90, may 110,
01:54.5
meron naman pong ang IQ 120, 130, 140.
01:59.5
Ano bang ibig sabihin ng mga IQ na ito?
02:02.5
Pag masyadong mababa ang IQ mo below 70, ito po yung tinatawag natin na Very Low IQ.
02:08.5
Yan po yung bahirap matuto.
02:10.5
Pag naman nasa 70, yan po ang tinatawag na Borderline.
02:13.5
Ikaw nga ay nandun ka sa balag ng alanganin.
02:17.5
Pag ikaw ay 80 ang IQ, mababa po yan, Low IQ.
02:21.5
Pero pag 90 up to 109, yan po yung tinatawag natin, Average IQ.
02:26.5
Karamihan po sa atin, nandito sa IQ na ito.
02:28.5
Pero pag ang IQ mo ay 110,
02:31.5
abay maganda-ganda, Above Average ka.
02:34.5
Okay, Above Average.
02:36.5
Pero pag ang IQ mo 120, Superior ang tawag diyan.
02:40.5
Pag 130, yan ay Above, Very Superior ang tawag, Very Superior.
02:45.5
At pag 140, yan yung tinatawag natin mga genius, mga henyo.
02:49.5
Alam nyo si Albert Einstein daw po ang IQ ay 140.
02:53.5
Yan sila Bill Gates, yan sila Mark Zuckerberg.
02:57.5
Ang IQ niyan mga 150.
02:59.5
Si Einstein ay 160 daw ang IQ.
03:02.5
Ngayon, ang tanong, nung dumating ang panahon na nakilala natin ang IQ,
03:07.5
nagsimula po yan nung 1990.
03:09.5
Pinakilala po yan sa atin, ang apelido na nagpakilala sa atin yan,
03:13.5
si Mayer at saka si Salovey.
03:15.5
Pero nakilala natin ito ng lubos nung lumabas ang libro nung 1995 ni Daniel Goleman.
03:23.5
Pinakilala sa atin doon.
03:24.5
At dito niya sinabi na hindi masyadong mahalaga ang IQ.
03:28.5
Ang mas mahalaga daw itong EQ, Emotional Intelligence.
03:33.5
Paano mo ginagamit? Paano mo nakokontrol?
03:37.5
At paano ka nagiging alipin ng sarili mong emosyon?
03:41.5
At ang tatandaan nyo po, tatlo po ang basehan yan.
03:45.5
Self-awareness.
03:46.5
Kilala mo ba ang nararamdaman mo?
03:49.5
Kilala mo ba ang sarili mo?
03:51.5
Alam mo ba kung galit ka?
03:53.5
Alam mo ba kung hindi ka galit? Kung masaya ka?
03:55.5
Kailangan alam mo yun.
03:57.5
Kasi dito mo masusukat kung kaya mo siyang kontrolin.
04:01.5
Self-regulation.
04:03.5
May mga tao, alam nyo, hindi nilang nakokontrol ang galit nila.
04:06.5
Kaya pag galit sila, nagagawa nila mga bagay na hindi nila dapat ginagawa.
04:10.5
Kasi nga wala silang self-regulation.
04:12.5
At syempre, mahalaga na yung taong mataas ang EQ, alam niya ang kanyang motivation.
04:18.5
Bakit niya ginagawa ang isang bagay.
04:20.5
Ito po yung nasa loob ng tao.
04:22.5
Yung kanyang kakayanan na kilala niya, nakokontrol niya, nare-regulate niya,
04:27.5
at alam niya ang motivation niya para sa kanyang emosyon.
04:30.5
Pero tandaan niyo po, ang emosyon ang ginagamit natin sa pakikipagkapwa.
04:35.5
Kaya siguro sinasabi na talagang itong EQ mas mahalaga kesa dito sa IQ.
04:40.5
Kasi mataas nga ang IQ mo, hindi ka naman marunong makibagay sa tao sa paligid mo,
04:44.5
eh malamang alam mo na kung saan ka pupulutin.
04:47.5
Ngayon, ano po ba itong nasa baba, itong interpersonal?
04:50.5
Ito po yung tinatawag nating empathy.
04:52.5
Alam nyo ang empathy, yan po yung nararamdaman mo,
04:56.5
ang nararamdaman ng iba, na sa loob ka ng sapatos ng iba,
05:00.5
subalit, objective ka pa rin.
05:03.5
Nararamdaman mo ang nararamdaman ng iba,
05:06.5
kung kaya't hindi ka nagiging judgmental,
05:09.5
dun lang sa nararamdaman mo, kung hindi sa mas objektibong pananaw sa sitwasyon.
05:14.5
At syempre, ito po yung pakisama.
05:17.5
Ang tawag po sa atin yan, pakisama.
05:19.5
Pero ang tawag po sa libro ni Goldman yan, social skills.
05:22.5
Marunong kang makisama.
05:23.5
So, sino yung mga tao na mataas ang emotional intelligence?
05:26.5
Yun yung kilala niya, ang sarili niya, at ang nararamdaman niya,
05:30.5
na ko-control niya, ang kaya niyang gawin, kaya niyang sabihin, kaya niyang isipin,
05:34.5
at alam niya kung anong gusto niyang mangyari.
05:37.5
Alam niya ang motivation niya.
05:39.5
Yan ay sa interpersonal.
05:41.5
Pero sa intra-personal, sa loob mo.
05:44.5
Pero sa interpersonal, nararamdaman niya ang nararamdaman ng iba,
05:48.5
at pinapahalagahan niya yun, at marunong siyang makisama sa iba.
05:52.5
Ngayon, nakilala niyo na po si IQ, pinakilala ko na sa inyo sa EQ.
05:57.5
Si EQ, sa susunod ng mga episodes natin,
06:00.5
pag-uusapan natin yung AQ, Adversity Quotient.
06:03.5
At ang pinakamahalagang pag-uusapan natin sa susunod,
06:06.5
yung bago, yung tinatawag nating BQ, yung Digital Intelligence.
06:11.5
Dahil yan po ang utak, ang talino na ginagamit mo
06:15.5
pag ikaw ay nasa social media pag gumagamit ka ng artificial intelligence
06:19.5
at sa bakabagong panahon ng 4th Industrial Revolution.