* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Taong 2018 nung pumutok ang Bulkang Kilauea sa Island of Hawaii.
00:09.4
Nilamo ng lava nito ang 700 na kabahayan at 48 kilometers na kalsada.
00:30.0
Taong 2022 naman nung pumutok ang Mauna Lua, ang pinakamalaking aktibong bulkan sa mundo.
00:41.4
Naglabas ito ng sulfur dioxide at ibang nakalalasong gas na napakadelikado kapag nalanghap ng tao.
00:49.4
Dahil nga aktibo ang mga bulkan na ito, kahit anong oras ay posibli itong sumabog.
00:55.4
Pero sa kabila ng panganib, ang isla ay tahanan ng nasa 200,629 katao as of 2020.
01:04.2
Marami ang hindi umaalis at marami pa rin ang patuloy na bumibili ng lupa at nagtatayo ng bahay malapit sa mga bulkan.
01:13.0
Ano kaya ang dahilan bakit mas pinipili nila ang buwisbuhay na tirahan?
01:19.8
Ang Hawaii ay isang estado ng Amerika. Binubuo ito ng walong major islands.
01:26.6
Ang mga isla ay bahagi ng isang hanay ng mga bulkan na nagsimulang mabuo mahigit 70 milyong taon na ang nakalilipas.
01:35.0
Nagsimulang sumabog ang mga bulkang ito sa sahig ng Pacific Ocean hanggang mabuo ang mga isla matapos ang ilang ulit na pagsabog.
01:43.6
Kaya ang walong pangunahing isla ng Hawaii ay binubuo ng 15 na bulkan at 6 dito ay aktibo.
01:51.2
Isa sa mga isla at ang pinakamalaki sa lahat ay ang Island of Hawaii o mas kilala sa tawag na Big Island o tinatawag rin Hawaii.
02:01.0
Sa islang ito rin makikita ang dalawa sa maituturing na pinakaaktibong bulkan sa buong mundo, ang Kilauea at Mauna Lua.
02:10.0
At karamihan sa mga residenti ay nakatira malapit sa mga mapanganib na bulkang ito.
02:15.6
Ayon sa pagtatala ng United States Geological Survey, simula 1912 hanggang 2012 ay may halos 50 pagsabog na ang Kilauea.
02:26.0
Kaya ang Kilauea ang itinuturing na pinakabata at pinakaaktibong bulkan sa Hawaii.
02:32.0
At noon ngang 2018 nung sumabog ang bulkang Kilauea ay nagdulot ito ng matinding pagbabago sa lupain ng Hawaii.
02:40.0
Ang madalas na pagsabog ng Kilauea ay karaniwang nakakaapekto sa tinatawag na East Rift Zone at ang lava ay dumadaloy patungong karagatan.
02:49.2
Pero kakaiba ang naganap noong May 3, 2018 nang ang bitak ng pagsabog ay nabuksan sa isang subdivision, ang Lailani Estates.
02:59.4
Ang mga sumunod na araw ay nabalot ng paglindol, pagsabog at tuloy-tuloy na pagdaloy ng lava.
03:06.4
Nianig ang isla ng magnitude 6.9 na lindol habang patuloy na dumadaloy ang kumukulong lava.
03:14.0
Ang naging pinsalan ng pagsabog ay ang pagkawasak ng 700 natirahan ng higit sa 2,000 na mamamayan.
03:21.4
Binalot ng lava ang 48 kilometers na kalsada at merong 875 hektarya ng bagong lupa ang nabuo sa isla.
03:31.0
Pero hindi rin magpapatalo sa bagsik ang itinuturing na pinakamalaking aktibong bulkan sa buong mundo, ang Mauna Lua.
03:39.2
Sakop nito ang mahigit kalahating lupain ng Hawaii so napakalaki talaga nito.
03:44.4
Simula 1843 ay mayroon na itong 34 na pagsabog.
03:49.0
Ang huling pagsabog ng Mauna Lua noong 1984 ay tumagal ng 22 days at umabot sa loob ng humigit-kumulang 7.2 kilometers ng Hilo,
03:59.0
ang pinakamalaking sentro ng populasyon sa isla ng Hawaii.
04:03.0
November 27, 2022, matapos ang halos apat na dekadang pananahimik, ay muling nagpamalas ng galit ang bulkan.
04:12.0
Ang pwersa ng pagsabog ay nagpatalsik ng kumukulong lava ng hanggang 30 to 60 meters pataas.
04:19.0
Piligro din ang hatid ng VAG or volcanic smog na binubuo ng sulfur dioxide at iba pang volcanic gases.
04:27.0
Mabuti na lamang at ang lava ay di inaasahang dadaloy patungo sa mga kabahayan,
04:33.0
kaya ang kalapit na subdivision na Hawaiian Ocean View Estates ay nakaligtas sa piligro.
04:39.0
Nakaligtas man ang ilang kabahayan, hindi maikakailang mananatiling buhay ang piligro.
04:45.0
Pero bakit nga ba pinipili pa rin ang mga Hawaiians na manirahan malapit sa bulkan?
04:53.0
Hanggang ngayon ay meron pa rin mga taong nakatira malapit sa bulkan
04:57.0
ang ayaw lumikas sa kabila ng banta sa kaligtasan.
05:01.0
Ilan ito sa kanilang mga dahilan.
05:05.0
Maraming residente ang nagsasabing mahalaga ang bulkan para sa kanilang pamumuhay.
05:10.0
Maraming umaasa sa geothermal energy na nakukuha sa bulkan.
05:14.0
Sinasabing ang lupain sa paligid ng bulkan ay mayaman sa mineral deposits na mainam sa pagtatanim.
05:21.0
Panghatak rin sa mga turista ang mga bulkan, dahilan para lumago ang mga negosyong may kinalaman sa turismo
05:28.0
gaya ng mga hotel, restaurant at gift shop, murang lupa at pabahay.
05:34.0
Sinasabing kasalanan din daw ng gobyerno ng Hawaii kung bakit nalagay ang mga tao sa ganitong piligro.
05:40.0
Hanggang ngayon ay hinahayaan at pinahihintulutan ng mga opisyal
05:45.0
ang pagpapatayo ng mga subdivision sa danger zones.
05:49.0
Mura din kasi ang mga lupa at pabahay dito.
05:52.0
Kaya marami ang naeengganyong bumili at tumira dito.
05:56.0
Naging abot kaya ang mga bahay para sa maraming nangangarap na magkaroon ng sariling tahanan.
06:01.0
Kaya naman para sa mayor ng Hawaii County na si Mitch Roth,
06:05.0
mahirap din daw basta nalang pagbawalan o paalisin ang mga tao sa kanilang tinatawag na American Dream.
06:12.0
Kaya sa kabila ng $107M na pondo na inilaan ng Department of Housing and Urban Development
06:20.0
para bilhin ang mga bahay na naapektuhan ang pagsabog ng Kilauea noong 2018,
06:25.0
ay marami pa rin tumatangging iwan ang kanilang tahanan.
06:29.0
Sa ilalim ng programa,
06:31.0
aabot sa $230,000 ang maaring ibigay sa mga bahay na naapektuhan ang pagsabog,
06:38.0
habang $22,000 naman para sa mga bakanteng lupa.
06:44.0
May ilan din na walang pinansyal na kakayahan para lumipat at maghanap ng ibang matitirahan,
06:50.0
at meron ding handang isakrepisyo ang kaligtasan para sa ganda at maayos na komunidad
06:56.0
na hatid ng mga lupaing malapit sa bulkan.
06:59.0
Noong December 13, 2022,
07:02.0
idiniklara ng Hawaiian Volcano Observatory
07:05.0
ang pagtigil ng pagsabog ng Mauna Lua,
07:08.0
at noong March 7, 2023,
07:10.0
ay tumigil na rin sa pagsabog ang bulkang Kilauea.
07:14.0
Tahimik man ang mga bulkan, nananatiling mapanganib ang mga ito.
07:18.0
Pansamantalang natigil man ang mga pagsabog,
07:21.0
buhay pa rin ang panganib.
07:23.0
Kaya importante na maging alerto pa rin ang mga residente
07:27.0
sa muling paggising ng mga bulkang nagnangalit.
07:32.0
kaya mo kayang tumira malapit sa aktibong bulkan?
07:35.0
Pakilagay ang inyong opinion sa comment section.
07:38.0
This is your Ati O from our Republic.
07:40.0
Hanggang sa muli and stay awesome!