Close
 


Hindi Pwedeng Sunod Sunoran Ang Pilipinas Sa Gusto Ng Estados Unidos, Ilang Opisyal Pumalag
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#afghan #refugees ##afghaninPhilippines
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 11:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Yan ang tanong. Baka may duda din sila. Kaya magduda rin tayo at manigurado.
00:08.0
Dahil sa magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos,
00:12.0
nakatanggap ang Pilipinas ng kahilingan mula sa Estados Unidos na maghost
00:17.0
o pansamantala muna ang kupkupin ng mga Afghan.
00:24.0
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez sa ilalim ng panukala,
00:28.0
Ang mga Afghan na nagtrabaho sa gobyerno ng US ay bibigyan ng special immigration visa na ipoproseso sa isang pasilidad sa Pilipinas.
00:37.0
Ang impormasyon na natanggap sa ngayon ay mayroong humigit kumulang 50,000 na kinabibilangan ng mga pamilya ng mamamayang Afghan.
00:47.0
Ang Presidente ng Estados Unidos na si Joe Biden ay nanatiling nakatoon sa libu-libong magigiting na Afghan na tumayo sa tabi ng Estados Unidos sa nakalipas na dalawang dekada.
00:59.0
Umalis ang US at mga kaalyadong puwersa sa Afghanistan noong 2021 upang wakasan ang pinakamahabang digmaan na inilunsad pagkatapos ng mga pag-atake noong September 11, 2001.
01:17.0
10,000 Afghan ang tumaka sa kanilang bansa sa magulong paglikas noong August 2021.
01:24.0
Marami sa nakipagtulungan sa napatalsik na gobyernong suportado ng kadluran ay dumating sa Estados Unidos na naghahanap ng resettlement sa ilalim ng isang espesyal na programa sa visa ng emigrante.
01:37.0
Ngunit libu-libu rin ang naiwan at naghihintay na maproseso ang kanilang mga visa.
01:44.0
Iginiit naman ang mga pinuno ng Taliban ng Afghanistan na walang pinsalang darating sa sino mang nakipagtulungan sa mga kapangyarihang kanluran o dating pamahalaan.
01:55.0
At hinihikayat nito ang mga umalis na bumalik at tumulong sa muling pagtayo ng kanilang bansa.
02:01.0
Ngunit ang ibang Afghan ay ayaw ng bumalik sa kanilang bansa.
02:05.0
Kaya naman pakiusap ng Amerika sa Pilipinas ay pansamantala munang tanggapin dahil hindi naman sila magtatagal sa Pilipinas.
02:14.0
Sa pakiusap na yan ay pumalag ang ibang mga senador dahil karamihan daw sa mga Afghan ay mga sundalo.
02:21.0
Umiiwas ang Pilipinas na baka bumbahin ng mga Taliban ang kanilang mga tinutuluyan dito sa bansa.
02:27.0
Sa madaling salita ay madadamay ang Pilipinas.
02:31.0
Bilang mamamayang Pilipino ay magtataka tayo dahil sa lawak ng Amerika ay dito pa na piling ilagay sa Pilipinas.
02:39.0
Narito at panuurin natin ang pahayag ni Senadora Aimee Marcos.
02:44.0
Nakakatakot pag nakinig ka kasi mukhang malabo pa naman yung plano.
02:49.0
Mabuti na lang nabulatlat sa publiko para mapagusapan ng maigi kasi napakadaming tanong.
02:56.0
Apakalabo, baka magtamba yun ng matagal, hindi ma-approve sa Amerika.
03:00.0
Lahat ng Pilipino may experience tungkol sa American visa.
03:04.0
Yung visa lang pan-tourist kaya hirap-hirap.
03:06.0
Minsan nade-deny. E talaga naman hindi maaasahan na mabibigyan sila ng special immigrant visa.
03:13.0
Ito special na immigrant pa sa diyang visa ang galing sa Amerika.
03:18.0
Ang pagkaalam ko sa UAE, Qatar, Middle East, nung nagkaroon ng processing na ganito, nandun lang sila sa loob ng US base.
03:28.0
Hindi sila gumalaw ever.
03:30.0
Pakatapos yung SIV nila o visa nila pre-approve na.
03:36.0
Kaya hindi na sila tumagal sa mga bansang yun.
03:39.0
Kung bakit hindi tinuloy na lang na ganoon. Sana tuloy-tuloy.
03:43.0
Ang alam ko din sa US, nagkaroon ng ganito sa Virginia sa National Convention Center,
03:49.0
pinuprocess nila direkta. Yung taga-kabul lilipad sa Washington, dun na.
03:55.0
Kung tutuusin, yun dapat ang mangyari. Mga empleyado naman ito ng Amerikano.
04:01.0
Bakit hindi nila pangalagaan? Yan ang tanong.
04:04.0
Baka may duda din sila. Kaya magduda rin tayo at manigurado.
04:13.0
Q. May experience in seeking immigration status?
04:18.0
A. I'm aware of the humanitarian parole provided by the US government and last year they declared they would no longer be giving it to Afghanis.
04:34.0
So ano yung special visa na sinasabing ibibigay?
04:39.0
Dahil ang alam namin kung humanitarian parole ka lang, katulad ng pamilya ko, wala kang status sa America, wala kang residence, wala kang papeles, wala kang maski ano.
04:51.0
Tapos nakasuhan pa kami ng todo-todo. Yung ba talaga ang parole?
04:59.0
Q. Concern na hindi sila temporary?
05:02.0
A. Yes. Ang kinatatakutan natin, napakalabo ulang-una sino sila.
05:07.0
Hindi naman naging empleyado ng Pilipino government, hindi natin kakilala yan. Niminsan nakita natin yung mga yan.
05:15.0
Baka naman mababait at talagang inaapit. Tumulong tayo bilang refugee sila kung refugee sila.
05:22.0
Pero ang sinasabing ngayon, hindi sila refugee, empleyado sila ng mga Amerikano.
05:28.0
E, papano natin malalaman kung maayos na mga tao ito o kung nakakapraning ba, kung may sleeper cell dyan?
05:37.0
At hindi maiiwasan kung naging mga empleyado ng Amerikano ito, hindi ba tayo magiging target ng mga pro-Al Qaeda, mga ISIS sympathizers at ang Pilipinas naman ang malagay sa peligro?
06:07.0
At hindi sila open arms for all refugees throughout the world. But again, as has been repeated throughout the hearing, hindi sila refugee.
06:38.0
Ang atin na lamang lahat ng katanungan ng ating mga kababayan ay dapat sagutin. Dapat maliwanag ang proseso kung talagang negosasyon na ba ito, talaga bang sumangayon na tayo sa mga Amerikano?
06:54.0
Kaya pinag-uusapan na ang edukasyon, transportation, ang kanilang DOST. May nakakanervious na bakit hindi sinasabi sa atin, pumayag na ba lahat ng LGUs, ayaw na ba ang TARAC, Pampanga, Clark, Subic, at lahat ng iba't iba pang LGU na masasakit nito?
07:24.0
So over this nalaman lang natin na nagkaroon ng meeting at pinagtakahan namin, naka-ilang meeting na pala hindi pa binubunyag sa publiko, wala pang press statement at sa pagkaakala ng EDFA wala daw negosyon. Pero yung ibang ahensya naman sinasabi negosyon na yun kasi nagpulong-pulong na sila ng 3 beses mahigit.
07:54.0
Q1. Kung meron silang nakikita possible threat sa pagpasok ng mga Afghan nationals, hindi ba ito enough reason para ihold muna o talagang huwag ayunan ng Pilipinas ang request ng US?
08:24.0
At masabi ng lahat kung ano yung kanilang pangamba, yung suggestion nila, baka meron maganda na mapaguntahan ito. Hindi natin kini-question kapag refugee talagang okay. Apat na nga ang nag-apply na Afghan mula 2021. Matagal na po ito panahon ni Presidente Quezon.
08:54.0
At sa United Nations at Vietnam noong kapanahonan ng withdrawal ng US doon, wala tayong katanungan tungkol sa refugee. Parating open door, open arms welcome ang Pilipinas sa lahat ng pinagtataboyan sa mundo.
09:24.0
... na baka maging target ang Pilipinas ng mga kagalit o kaugnay ng Al-Qaeda, ng Taliban. Alam naman natin may pro-ISIS factions sa rebels sa Mindanao. Kaya importante na nagkakaintindihan tayo at alam natin ang mga pangamba ng bawat sektor."
09:54.0
... Kasi mukhang hilaw pa at napakaraming detalye pati kung sino ang kausap natin dito, wala pang naka-assign, hindi alam maskin ng DFA kung sino yung chief of mission ng Amerikano na gagawa ng vetting. Biglang naging Washington D.C. Parang ang labo yata."
10:24.0
"... It is the duty to the public and to the Senate to conduct a transparent and public hearing as thorough and comprehensively as possible. Dahil alam naman natin ang libaliwanag ng Constitution, ang disisyon tungkol sa foreign policy nasa kamay ng Pangulo."
10:54.0
... Paano ang visa nila habang nasa Pilipinas? Parang malabo pa, hindi pa klaro kung empleyado sila ng Amerikano dapat sa Amerikano na sila. E paano naman kung nandito sila sa Pilipinas, kung magkaroon ng aksidente madamay sila dito sa Pilipinas, pananagutan ba natin yan? Kung madamay ang Pilipino at binira ang Pilipinas dahil sa kanila, paano naman tayo? Paano natin pagtatanggol ang sarili? Yun lamang ang kinakailangan pag-usapan."
11:24.0
"... Ang mahirap hanggang hindi ako nag-file noong June 8, noong aking resolusyon, niminsan natin narinig ito. Ngayon alam nalang lahat at sana talagang alamin natin ang mga detalye para yung pinakamagandang kaayusan ang gawin para sa Pilipinas."