Close
 


Bakit Napakaraming Matataba Sa Bansang Nauru?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Dahil Sa Ipot ng Ibon ay YUMAMAN Ang Bansang Ito - PAANO? - https://youtu.be/fjhxO4X8zL0 Bakit sobrang daming matataba sa Nauru? Ang Nauru ay nangunguna sa listahan ng mga bansang may napakaraming obese na mamamayan sa buong mundo. Number 1 din ang bansa sa dami ng mga taong may sakit na type 2 diabetes sa mundo. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted b
Awe Republic
  Mute  
Run time: 07:01
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Siya si Kenneth Brumlee.
00:02.0
Nung dinela siya sa hospital,
00:04.0
dahil sa kanyang laki ay hindi na siya kumasya sa kanilang pintuan
00:08.5
at kailangan panggibain ang dingding ng kanilang bahay upang siya'y mailabas.
00:14.0
Ang kanyang timbang ay umabot sa 468 kilograms.
00:18.5
Ngunit hindi siya ang pinakamabigat na tao sa kasaysayan
00:22.5
dahil ang may hawak ng Guinness World Records
00:25.0
ay si John Brower Minok na umabot ang timbang sa 635 kilograms noong 1978.
00:32.0
Kasing bigat ng sampung tao na may tig 63 kilograms ang timbang.
00:37.0
Si John at Kenneth ay parehong taga-Amerika.
00:40.5
Ngunit alam mo ba, hindi ang US ang bansang may pinakamaraming overweight na mga tao.
00:46.5
Surprisingly, isang maliit at mahirap na bansa
00:50.0
ang nangunguna sa listahan ng mga bansang may napakaraming obese na mamamayan sa buong mundo.
00:56.5
At ito ay ang Nauru.
01:04.5
Number one din ang bansa sa dami ng mga taong may sakit na type 2 diabetes sa mundo.
01:10.5
Marami ang nagkakaroon ng heart disease at high blood pressure.
01:15.0
Kunti lang din ang mga taong nabubuhay ng lagpas 60 years old sa isla.
01:20.5
At ang itinuturong dahilan ng katabaan ay ang minahan.
01:24.5
Bakit kaya?
01:28.0
Ang Nauru ay isang maliit na island country na matatagpuan sa hilagang silangan ng Australia.
01:34.5
Ang isla ay may total land area na 21 square kilometers.
01:39.0
Ang buong bansa ay kasing laki lang ng Makati City.
01:42.5
Tahanan ito ng nasa 12,511 katao as of 2021.
01:48.5
Maliit na bansa pero malaki at mabigat na problema ang kinakaharap nito.
01:54.0
Ayon sa datos ng Our World in Data,
01:56.5
ang Nauru ang nangunguna sa listahan ng bansang may napakaraming overweight at obese
02:02.5
na mamamayan with respect sa populasyon ng bansa noong 2016.
02:07.5
88.5% ng populasyon nito ay overweight o di kaya'y obese.
02:13.5
Ang datos ay nakuha base sa BMI o Body Mass Index ng mga tao sa lugar.
02:19.5
Ayon sa CDC, natutukoy ang BMI ng isang tao sa pagkalkula ng kanilang weight in kilograms divided by height in meters squared.
02:30.0
Ang BMI na may tuturing na healthy ay nasa 18.5 to 24.9 lamang.
02:36.5
Kung ang BMI ng isang tao ay 25 pataas, kinoconsider ito bilang overweight.
02:42.5
At kapag 30 pataas naman ay maituturing na itong obese.
02:47.0
Pero bakit nga ba humantong sa ganito ang timbang ng mga mamamayan ng Nauru?
02:52.0
Ano ba ang nangyayari sa loob ng bansa?
02:56.5
Alam mo ba, ang Nauru ay naging kilala sa storya nitong rugs to riches and from riches to rugs again.
03:03.5
Noong 20th century, ang Nauru ay isang dating mahirap na bansa at naging instant rich dahil lamang sa mineral na phosphate.
03:12.5
At alam niyo ba kung saan ito nakuha?
03:15.0
Sa ipot o dumi ng ibon.
03:17.5
Taong 1906 nang magsimulang magkaroon ng kabikabilang minahan ang Nauru,
03:23.0
na kinabang rin ang mga bansang Australia, New Zealand at United Kingdom sa phosphate ng Nauru.
03:29.5
Dahil dito ay naging lubhang marangya ang pamumuhay ng mga Nauruans.
03:34.0
May mga tumigil sa kanilang trabaho, namili ng mamahaling sasakyan at magagarang bahay.
03:40.0
Sa sobrang yaman nga daw ng mga Nauruans ay ginagawang toilet paper ang mga dulyar sa halip na i-invest.
03:47.5
Ito ay ayon sa isang residente.
03:50.0
Ang malaking kita mula sa mina ng phosphate ang naglukluk sa Nauru bilang pangalawa sa pinakamayamang bansa sa buong mundo.
03:58.0
Noong 1975, ang GDP per capita nito na $50,000 ay pumapangalawa sa Saudi Arabia.
04:06.0
Pero makalipas ang ilang taon, hindi lubos akalain ng mga Nauruans na mawawala sa kanila ang lahat.
04:13.5
May separate video po kami na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng phosphate sa mundo na siyang naging dahilan sa pagyaman ng Nauru.
04:21.5
At pinaliwanag din namin dito kung bakit bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
04:26.0
Paano ang dating isa sa pinakamayamang bansa sa mundo ay isa na sa pinakamahirap ngayon?
04:32.0
Kung gusto niyong malaman ang buong kwento, ilalagay po namin ang link sa description at comment section.
04:39.5
Ang biglaang pagyaman ng Nauru ay meron palang mabigat na kapali.
04:44.0
Ang yamang hatid ng mina ang sya rin unting-unting sumira sa malusog na pamumuhay ng mga Nauruans.
04:51.0
Dahil sa pagmiminan na sira ang malaparaisong isla,
04:55.0
ang mga mamamayan ay nagkasya na lamang sa naiwang 4.2 kilometers na coastline na maaaring tirahan.
05:02.5
Nasa 80% ng lupa ng bansa ay hindi na maaaring taniman, habang 40% ng marine life ay nawala dahil sa pulusyon.
05:12.0
Ngayon, halos 100% na dumidepende na lamang ang Nauruans sa mga imported foods na kadalasan ay galing Australia.
05:20.5
Ang mga sariwang prutas, gulay at isda ay napalitan ng instant noodles, twinkie bars, burger, pizza at mga dilatang spam at tuna.
05:30.5
At alam naman natin hindi ito masustansya.
05:33.5
Maging ang tubig ay iniimport, kaya mas mura pang bumili ng mga soda drinks kaysa sa malinis na inuming tubig.
05:41.5
Dietang nakaasa sa mga processed foods.
05:45.5
Deaktibong pamumuhay dahil sa tila pagkalulong sa karangyaan.
05:49.5
At pati na rin ang paniniwalang ang katabaan ay simbolo ng karangyaan.
05:54.5
Lahat ng mga ito naging dahilan kung bakit nakamit ng Nauru ang distinksyon bilang may pinakamaraming obese na mamamayan.
06:03.5
At hatid ng distinksyong ito ay ang piligro sa kanilang kalusugan.
06:07.5
Ang Nauru ang may pinakamataas na insidente ng type 2 diabetes sa mundo, kung saan 40% ng Nauruans ay diabetic.
06:16.5
Bagamat may mga programang inilulunsan ang gobyerno gaya ng paghikayat na mag-ersisyo, hindi sapat ang pondo ng gobyerno para itoon sa healthcare.
06:26.5
At noong 2006 ay naubos na ang phosphate.
06:30.5
Pansamantalang karangyaan ang naging hatid ng pagmininas sa Nauru.
06:34.5
Pangmatagalang pinsala naman sa kalikasan at kalusugan ang naging bunga nito.
06:39.5
Mapait na realidad na sanay mag-iwan sa atin ang aral na anumang sobra sa yaman man o timbang ay walang mabuting kahihinatnan.
06:49.5
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon, pakicomment po ng yes.
06:53.5
This is your Ati O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!