ASTIG na Pandepensa ng Israel Laban sa IRAN.
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Labanan ng Israel at Iran
00:17.0
Nagsimula pa ilang dekada na ang nakararaan
00:21.0
Sa tulong ng kanya-kanyang mga aliyado sa politika at sa ekonomiya
00:25.0
Hanggang ngayon ang dalawa ay nagbabanatan pa rin sa tinatawag na Shadow War
00:30.0
Kamakailan lang gumawa ang militar ng mga hudyo ng kauna-una ang Hypersonic Interceptor
00:36.0
Upang hadlangan ang banta ng Iran na wawasakin ang Estado
00:41.0
Anong gulo kaya ang haharapin ang buong mundo kung sakaling bumagsak ang Iran Nuclear Deal?
00:48.0
Siguradong magugulat ka sa mahala-alaman mo
00:52.0
na ang mortal na magkaaway ngayon ay nuoy matalik na magkaibigan
00:58.0
Mayroong mga naniniwala at marami din naman ang naghihinala
01:22.0
Naging laman ng balita ang tenagoryang Iran Nuclear Deal
01:37.0
Dahil sa mga gulo na nagaganap ngayon sa gitnang silangan
01:41.0
Ito ang kasunduan na lilimitahan ang Iran sa paggawa ng sandata nuklear
01:47.0
Kapalit nito ang tulong mula sa kanluran at ang pagtanggal sa mga sanctions na nagpapahirap sa ekonomiya ng bansa
01:55.0
Ang kasunduan ay sineportahan ng mga nasyon kasama ng China, Russia, Estados Unidos at marami pang iba noong taong 2015
02:06.0
Subalit matapos lamang ang ilang taon, maraming pangyayari ang nasaksihan na naging daylan kung bakit tumiwalag ang Amerika sa kasunduan
02:15.0
Hindi raw sumusunod ang Iran sa agreement at pinatawan muli ito ng mga karagdagang sanctions
02:21.0
Dahil sa nangyayari, inakusahan naman ng mga Iranians na hindi raw mapapagkatiwalaan ang Amerika
02:28.0
Kaya nagpatuloy ito sa paggawa ng sandata nuklear
02:32.0
Ngayong taong 2023, sinusulong muli ang pagbalik ng Iran Nuclear Deal
02:39.0
Ano ang kinalamaan ng bansang Israel dito?
02:42.0
Upang maunawaan ang ugnayan ng dalawa, kailangang bumalik muna noong mga taong 1960s, kung saan ang namumunong sa bansa ay si Muhammad Reza Shah
02:54.0
Simula nung ito ay umupo sa pwesto ng taong 1941, kapalit ng tanyang ama, pinagpatuloy ni Reza ang pagtaguyod sa kaunlara ng Iran
03:04.0
Pero para lubosang maaisapatupad nito ang balak, kailangan mo nang tanggalin ang mga kumukontra
03:10.0
At isa nga sa pinalika sa bansa ay ang Islamic leader na si Ayatollah Khomeini, isang mabokang kalaban ng administrasyon
03:19.0
Bagamat mayroong malilit na oposisyon laban sa gobyerno, hindi ito naging sagabal sa mga pagbabago
03:26.0
Sa una ay kinatuwa ng taong bayan at ng mga tagakaluran na mga reforma sa social security, pagbigay ng patas na oportunidad sa mga kababaihan
03:36.0
At iba pang gawa para sa modernization ng dating Persya, at dito pumapasok ang Estado ng Israel
03:44.0
Matapos ang Six Day War ng 1967 kung saan natalo ng mga Hudyo ang kowalisyon ng mga Arabo mula sa Egypto, sa Syria at Jordan
03:54.0
Mas lalong ikinamuhi ng mga Muslim ang Israel
03:58.0
Malaking balita ito noon, sino nga ba naman ang hindi hahanga na tinalo ng malilit na militar ang tatlong bansa sa loob ng anim na Arab
04:07.0
Dahil dito, naging kilala sa gitnang silangan ng kakaihan ng Israel
04:11.0
Tamang tama naman ito sa mga reforma na isinasagawa sa Iran
04:15.0
Sino pa ba makakatulong pagdating sa militar?
04:18.0
Siyempre, yung nanalo sa Six Day War
04:21.0
Dito nagsimula ang ugnayan ng dalawa
04:24.0
Bukod sa pagpapalakas ng militar ng Iran, maraming Hudyo ang may pera na maaaring makatulong sa ekonomiya ng makabagong Persya
04:33.0
Ika nga nila, two birds with one stone ang nagawa ng Iran
04:38.0
Mula noon nagbukas ng pintuan ng bansa sa isanarang libong mga Hudyo
04:43.0
Negosyante, mga politiko at mga sundalo, tinuring na kaibigan ang mga Israelita
04:51.0
Pero, ikinagalit ito ng maraming Muslim
04:56.0
Ang naganap noon sa bansa ay hindi sinangayunan ng maraming Muslim
05:00.0
Bakit nga naman kumakampi ang Iran sa mga Hudyong nang agaw ng teritoryo sa lupain ng Palestina?
05:06.0
Ganun paman, maganda ang trato ng gobyerno sa mga Hudyo
05:10.0
Habang ang poot ng oposisyon sa administrasyon ay napupuno
05:14.0
Bukod doon, alam na mga Muslim na kung may mga Hudyo, may mga Amerikano
05:20.0
Isa itong peligro sa gitnang silangan dahil bukod sa hindi lahing Arab ang mga Iranians, maraming hindi Muslim sa loob ng bansa
05:29.0
Kaya ang dating kakampi ni Reza Shah, yung ibang Muslim ay unti-unting bumabaliktad
05:35.0
Siyempre, kaninipa ba aaliyado ang mga Muslim? Kung hindi, sa kapatid nilang Muslim din
05:42.0
Pero hindi lang religiyon ang pinag-uusapan dahil maraming tao ang naghihirap noon na hindi nasangayon sa kamay na bakal ni Muhammad Reza Shah
05:51.0
Sa harap ng pagkakaibigan ng pamahalaan ng Iran at ng mga Hudyo, mayroong namumuong revolusyon sa likod nito
06:11.0
BAKIT GUMAWA ANG ISRAEL NANG HYPERSONIC INTERCEPTOR?
06:23.0
Taong 1979 nagganap ang Iran Revolution kung saan napatalsik si Muhammad Reza Shah at ang upo sa pwesto ay ang nagbalik na si Ayatollah Khomeini
06:41.0
Kinilala itong Supreme Leader ng Iran at nabuhay ang Islamic Republic of Iran
06:48.0
Yung taong din ngayon itinaguyod ni Khomeini ang araw ng Al-Qud na taon-taon tuwing huling Biyernes ng Ramadan tinatanawang paghihirap ng mga Palestinyan sa kamay ng mga Hudyo
06:59.0
Ang pagsilang ng Islamic Republic ng Iran ay sinimulang suportahan ng maraming bansa sa gitnang silangan at ng iba't-ibang grupo
07:09.0
Ang piligro ng makabagong Persya at impluensya ng kanluran sa gitnang silangan ay malapit ng magwakas sa lupain
07:17.0
Paglipas ng maraming taon mas lumakas ang paghawak ng Islam sa Iran at unti-unting nagsialisan ang maraming Hudyo
07:26.0
Tuloy ang naudlot ng mga reforma para sa bansa at nagbalik sa tradisyonal na batas-Islam
07:32.0
Ang pakikipaglaban ng Palestinyan sa Israel ay sinuportahan ng Iran ng maraming dekada, suportang pinansyal at suportang militar
07:41.0
Kahit sa Syria, nagpakita ito ng suporta laban sa Amerika
07:45.0
Naniniwala ang Iran na ang Israel ay ang kamay ng Estados Unidos sa gitnang silangan upang ikalat ang adhikain at kapangyarihan ito
07:54.0
Paglipas pa ng maraming taon, lubusan ang naging magkaaway ang dating magkaibigan
08:00.0
Sino man ang kalaban ng Israel ay kakampi ng Iran
08:04.0
At sino man ang kakampi ng mga Hudyo ay tinuturing na kalaban
08:09.0
Mga kalagit na nang taong 2006, isang anunsyo ang ipinahayag sa Iranian News Channel ng noong presidente ng Iran na si Mahmoud Ahmadinejad
08:19.0
na ikinagulat ng marami at ikinabaala ng Israel
08:24.0
Sinabi ng Pangulo na ang Israel ay ang bandila ni Satanas at ang alam lang nito ay gawin ng utos ng kriminal na Amerika at Inglaterra
08:34.0
Ang akala rao nila na ganun pa rin ang tao, kapareho ng isang daang taon
08:39.0
Pero hindi nila alam na nagbago na ang mundo
08:43.0
Ang sabi ng dating presidente na ngayon nagsalita na raw ang taong bayan
08:47.0
Ang mga Iranians daw ang nangunguna sa paggising ng lahat
08:51.0
Sinabi nito na makikita sa pinakaibabang bahagi ng South America at pinakakanang bahagi ng Asia na isa lamang ang sinisigaw ng lahat ng tao
09:01.0
Ang Kamatayan ng Israel
09:06.0
Ang kinikimkim na galit ng pamahalaan sa Iran ay lumabas na sa lokal na istasyon
09:12.0
Bantana hindi pinaliwala ng mga Hujo
09:15.0
Kaya mula noon nagkaroon ng paghahanda sa worst case scenario na nuclear warfare
09:22.0
Lalo pa na hindi matupad ng maayos ang Iran nuclear deal
09:27.0
Sa bawat lakas ng Iran ay may katumbas na existential threat sa katayuan ng Israel
09:34.0
Batay sa Time Magazine, inilabas na ng Iran ang bago nitong hypersonic missile na tinawag nilang Fata o Mananakop
09:44.0
Napakabilis na missile na makaabot sa Israel sa loob lamang ng 10 minuto
09:50.0
Marami ang nagsasabi na maaari itong lagyan ng nuclear warheads upang wasakin ang buong Israel
09:56.0
Piligrong tinugunan naman ng kabilang panig
09:59.0
Ang ulat sa Asia Times na inilabas ng Israel ang kauna-unahan nitong hypersonic interceptor upang labanan ang bantang nuklear mula sa Iran
10:10.0
Binalita din ito sa Eurasian Times na inanunsyo ng Israel ang ground-breaking natugo nito laban sa bantanang Iran ang anti-hypersonic interceptor missile
10:22.0
Sagot na maaaring sumalba sa piligrong pagwasak sa Israel
10:26.0
Totoo man ang bantanang Iran o hindi, marami ang nababahala sa mga kaganapan sa gitna ang silangan
10:33.0
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang labanan ng Palestina at Israel at tuloy-tuloy din ang suporta ng mga kaalyado ng magkabilang panig
10:43.0
Marahil sa inaarap, ang shadow war ay lalong lumala
10:47.0
Ano man ang mangyari, ang tunay na kahihinatnan ay hindi masasabi
10:57.0
Ang init ng shadow war sa pagitan ng Iran at ng Israel kasama ng mga kaalyado nito ay hindi magandang balita kahit kanino
11:05.0
Away na hindi na matapos-tapos dahil walang magkasundo
11:10.0
Ano man ang dahilan o motibo at ano man ang hangarin sa gulo
11:14.0
Walang duda na pabigat na naman ito sa balikat ng madlang tao
11:19.0
At ang masaklapay magdating sa kapangyarihan
11:22.0
Nagiging magkaaway kahit ng magkaibigan
11:28.0
Buksan mo ang iyong isip at hayaang lumalim pa ng lubusan ng iyong pangunawa
11:34.0
Sa mga kasaysayang kapupulutan ng maraming aral
11:39.0
Tandaan, katotohanan ng susi
11:46.0
Sa Tunay Na Kalayaan
12:35.0
Sa Mga Kapag-ibig
12:45.0
Sa Mga Kapag-ibig
12:54.0
Sa Mga Kapag-ibig