Close
 


ITO NA, BARKONG PANGDIGMA NG FRENCH, DUMAONG SA MAYNILA.
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#fslorraine #frenchnavy #philippinenavy
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 04:08
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dumating na ang French Navy Destroyer na F.S. Lorraine sa Maynila para sa isang port visit at serye ng mga aktividad na naglalayong palakasin ang alyansang militar sa pagitan ng France at Pilipinas.
00:16.0
Ang barkong pangdigma na ito ng France ay kasama ng U.S. Strike Group na naglayag sa South China Sea, kasama ang limang barko ng U.S., dalawa sa Japan at isa sa Canada na pinangungunahan ng nuclear-powered aircraft carrier na USS Ronald Reagan.
00:34.0
Ayon sa ulat ng JME News at Manila Bulletin, ito ay upang ibahagi ng France ang kaalaman nito sa rehyon ng Indo-Pacific na naglalayong magambag ng panrehyong siguridad sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga projecting assets mula sa mga islang-ion sa rehyon.
00:52.0
Ayon sa French Embassy sa Maynila, darating ngayong araw sa bansa si Rear Admiral Geoffroy D'Andine, ang Joint Commander ng French Armed Forces sa Asia-Pacific Zone.
01:03.0
Makikipagpulong si D'Andine sa mga opisyal ng militar at diplomatikong Pilipinas habang pinapalawak ng Pilipinas ang ugnayang militar nito sa Kanluran.
01:14.0
Dagdag ng French Embassy, bago dumating sa Pilipinas ang barko ay suma sa ilalim ng F.S. Lorraine sa long-duration deployment mula noong April 3 bago siya i-commission upang ibiripay ang mga kakayahan nitong militar.
01:28.0
Ang barko ay pinamamahalaan ng isang batikang crew na may kakayahang magsagawa ng mga operasyon sa lahat ng uri ng kapaligiran.
01:37.0
Ang F.S. Lorraine ang nagsasanay rin para sa aircraft carrier escort, anti-submarine warfare at paglaban sa mga bantasahing papawid.
01:46.0
Dahil ang Asia-Pacific ang center of gravity para sa pagdeploy ng F.S. Lorraine ay nakikipag-ugnayan nito sa ilang strategic partner ng France tulad ng Japan at Estados Unidos.
01:59.0
Sagayoy nakakatulong ito upang palakasin ang interoperability at mutual understanding ng mga hukbong dagat.
02:06.0
Gayon din ang mga ugnayan na nagbubuklod sa France sa mga kasosyong ito pati na sa Pilipinas.
02:12.0
Sinabi ng embahada ng ilang araw na pananatili ng barkong ito sa Maynila ay magsasagawa ng ilang mga aktibidad sa kooperasyon at magtaas ng antas ng profesional na pagpapalitan sa mga hukbong dagat ng Pilipinas.
02:26.0
Dagdag ng embahada ang mga regular na pakikipag-ugnayan sa mataas na antas na ito ay naglalarawan ng interoperability at tiwala sa pagitan ng dalawang puwersa.
02:37.0
Habang mananatili ang F.S. Lorraine sa Maynila, ang USS Ronald Reagan naman na kasama nito ay nasa Vietnam rin para sa isang port visit.
02:48.0
Naghiwahiwalay ang mga barkong ito at sa ngayon ay wala pang inilabas na pahayag ang Japan kung nasa na ang dalawang barkong ito kasama ang Canadian Destroyer.
02:58.0
Samantala sa isang pahayag noong Merkules ng Philippine Navy, ipinakita ng Joint Task Force Karagatan ng Philippine Navy ang kanila mga assets para sa maritime patrol,
03:08.0
ang BRP Condrado Yap, C-90 Aircraft at Philippine Air Force AP-50 sa Philippine Rise na kilala rin bilang Binham Rise upang isecure ang maritime domain ng bansa at nagsagawa ng seremonya ng pagtaas ng bandila.
03:25.0
Sinabi ni Lt. Gen. Stephen PariƱo, Philippine Air Force Commanding General na ang pagpapalakas ng airpower ng bansa ay mahalaga sa kakayahan ng bansa na ipagtanggol ang territorial land, water at airspace nito.
03:40.0
Sa pagtugon sa territorial na isyo ng bansa, ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga kasalukuyang uso at teknolohiya tulad ng mga unbanned aerial system, artificial intelligence at space capabilities.
03:56.0
At yan muna ang bagong balita na hatid ko sa inyo ngayon. At bilang suporta sa channel na ito ay ilike lamang ang video at magsubscribe. Maraming salamat po!