Close
 


ANG PULANG LAMPARA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 10:33
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Nang taong 2004, itong si Mitch ay nasa pinalna na semestre ng kolehyon na pinapasokan niya.
00:06.5
Ito ay sa Estado ng Louisiana, sa Bansa ng Amerika.
00:10.6
Doon itong nakilala ang kaklase niya na si Kayla.
00:13.8
Ayon kay Mitch na sa unang masilayan pa lamang niya,
00:17.2
itong si Kayla ay alam na alam na niya na siya ang tangig babae para sa kanya.
00:22.2
Umabot naman ng ilang buwan ang panunuyo ng binata sa mailap naman na dalaga.
00:27.6
At ang dalawa ay nagka-mabutihan na nga.
00:30.2
Sa loob ng dalawang taon ay nagpakasal naman silang dalawa.
00:33.4
Napagpasyahan nila na sila ay mananatili na lamang sa Louisiana.
00:37.9
At doon nila tutuparin ang mga naging plano nilang dalawa.
00:41.7
Agad naman na nagdalang taong kanyang esposa.
00:44.6
Sabay nilang pinalaki ang kanilang naging anak na babae.
00:48.1
Matapos pa ang dalawang taon ay muli itong si Kayla ay nagdalang tao.
00:52.5
At sa pagkakataon naman ito ay nagsilang siya ng supling na babae.
00:57.2
Sa panahon ito naging maayos na ang naging takbo ng kanilang trabaho.
01:01.3
Malaki din naman ang kanyang kinikita.
01:03.3
Kaya naman nagpasya sila na patigili na ang may bahay nito sa kanyang pagtatrabaho.
01:09.0
Ito ay upang matutukan niya ang lumalaki na na kanilang pamilya.
01:13.2
Sadyang mahal na mahal ni Mitch ang kanyang buong pamilya.
01:16.9
Lalong-lalo na ang dalawang mga supling niya.
01:19.8
Kahit na anong abalan ito sa trabaho,
01:22.0
ay may panahon ito upang laruin at aliwin ang kanyang dalawang supling.
01:26.9
Sa paggawin ito kung hindi niya sinasamahan ang mga ito na manood ng telebisyon,
01:31.7
ay kinakalaro naman niya ang mga ito sa video games.
01:35.3
Madalas naman na sila ay nilalambing ng kanilang mapagmahal na ama.
01:39.7
Bago ito ay pumasok sa trabaho, ay pupuntahan muna nito sa silid ang kanyang mga anak
01:44.8
at sa kasandaling panonoodin sila sa kanilang masarap na pagkakahimbing.
01:49.4
Perpekto ang buhay ni Mitch sa kanyang mga mata.
01:52.3
Wala ng araw siya na mahihiling pa.
01:55.1
Pagsapit ng kaarawan ng kanyang bunso,
01:57.3
matapos ang abalang araw ng pagkahanda para sa party nito,
02:01.8
ay nairaos naman nila ang kasayaan at wala naman na naging aberya.
02:06.2
Napasalampak ang patang patang ama sa sofa sa kanilang sala,
02:10.6
upang sana doon siya makapagpahinga.
02:13.7
Ngunit habang nakaupo, napansin nito sa gilid ng paningin niya ang isang pula na lampara.
02:19.8
Kakaiba ang lamparang ito dahil tila ba ito ay malabo sa kanyang paningin.
02:24.4
Agad naman itong nilapita ni Mitch upang mabuti na suriin.
02:28.4
Doon ito natanto na tanging ang lampara lamang na ito ang malabo.
02:32.4
Ito ay sa kabuoan ng bagay na nakapaligid sa kanya.
02:36.2
Lahat ng ibang gamit at mga muebles lahat ay malinaw na malinaw.
02:40.6
Samantalang ang lampara kahit pa ang ilaw na inilalabas nito ay talaga naman na napakalabo.
02:46.8
Dahil dito kinuskos nitong si Mitch ang kanyang mga mata at saka paulit-ulit na kumurap pa.
02:52.8
Ngunit hindi pa rin nagbabago ang paningin niya.
02:55.0
Malabo talaga ang pulang lampara.
02:58.0
Napagpasyahan ni Mitch nasubukang huwag intindihin ang nakikitang malabong lampara.
03:02.6
Kaya naman ito ay bumalik sa sofa at saka binuksan ang telebisyon.
03:06.8
Malinaw naman ang napapanood niya.
03:09.0
Ngunit habang mas lalo nitong pinipilit na huwag pansinin ang pulang lampara.
03:13.8
Sadyang inaagaw nito ang atensyon niya.
03:17.0
Pinatay ni Mitch ang telebisyon at saka muling nilapitan muli na naman at sinuri ang lampara.
03:22.8
Sa isip-isip niya na wala naman siyang kahit kailan na naging problema sa paningin.
03:28.0
Perpekto ito at walang grado ang kanyang mga mata.
03:31.6
Saka sumagi sa isip niya na baka naiistrok siya o hindi naman kaya ay may bumara o pumotok sa ugat ng ulo niya.
03:39.4
Lito man at saka malapit na itong tuluyan na mataranta ay saka naman pumasok ang kanyang mag-iina.
03:46.4
Ito ay sa loob ng bahay nila.
03:48.4
At dahil malinaw nga sila sa paningin niya na pagpasahan nitong si Mitch
03:52.4
na hindi na lang niya sasabihin sa kanyang pamilya ang kakaibang lampara na pula.
03:57.4
Sabay-sabay silang kumain ng masaya.
03:59.6
Inihatid niya ang kanyang supling sa kanilang mga silid.
04:02.8
Sinabi ni Mitch sa sarili niya na siya mismo ang aalam sa hiwaga ng malabong pula na lampara.
04:09.6
Saka naman ito ay sasabihin niya sa kanyang may bahay na si Kayla.
04:13.2
Matapos na saglit na pagkukulitan nilang mag-aama ay pumasok na ito sa silid nila na mag-asawa.
04:19.6
Ngunit habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maalis sa isip ni Mitch ang kakaibang pula na lampara.
04:25.6
Kaya naman bumangon ito at saka na naman tinungumuli ang kanilang sala
04:29.8
kung saan nga naroon ang mas malabo pa na pula na lampara.
04:34.4
Sa pagkakataong ito, bukod sa napakalabo na, ngayon ang lampara ay nakabaliktad na.
04:40.6
Kaya naman ito ay mas tinitigan pa niya.
04:43.4
Nag-iiba-iba na ito ng hugis at anyo.
04:46.2
Bumabaliktad ito at saka mas lalo pa na ito ay palabo ng palabo pa.
04:51.4
Kinabukasan, naabota ng may bahay nitong si Mitch na si Kayla
04:55.4
ang mister na nahihimbing sa sofa sa kanilang sala.
04:59.2
Ginising nito ng marahan ng mister at saka tinanong kung ano ang nangyayari sa kanya.
05:04.6
Sumagot lamang si Mitch na hindi maganda ang kanyang pakiramdam
05:08.6
kaya naman hindi mo na siya papasok sa opisina.
05:11.6
At dahil mukhang hindi naman talaga maganda ang tindig ng kanyang asawa
05:16.2
ay pumayag na lamang si Kayla sa tinuran ng mister niya.
05:19.8
Sa kabila ng mas tumitinding kakaibang mga kaganapan
05:23.2
hindi pa rin naman sinabi ni Mitch sa kanyang esposa ang tungkol sa pula na lampara.
05:28.6
Ang isang araw ay naging tatlong mga araw na.
05:32.0
Walang hinto itong si Mitch sa pagkatulala sa pula na lampara.
05:35.8
Buong maghapon ay nakaupo ito sa sala at titignatitig sa malambo na pula na lampara.
05:42.2
Ang kakaibang inaasal naman ito ay nakapagpaalarma sa nag-aalala na na asawa niya.
05:47.8
Lalo pa kahit na anong pilit at tanong niya kay Mitch kung ano ang problema
05:52.6
ay pawang katahimikan lamang at pagkatulala ang isinasagot nito sa kanya.
05:58.2
Sa pagpipilit, sinabi ni Mitch sa esposa na hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.
06:04.0
Dumating sa punto sa pagkatulala ni Mitch ay hindi na ito nakasasagot sa tanong ng kanyang asawa.
06:10.0
Sa desperasyon ay agad na tumawag si Kayla ng doktor
06:13.2
at habang ito ay nasa telepono sa isang kisap mata
06:17.2
ang hugis ng lampara ay mas lumaki at mas naging mayabong na.
06:22.0
Hanggang saang lampara ay kinakain na ang buo kabahayan nila.
06:26.0
Sunod-sunod na mga tili at boses ang narinig ni Mitch na umalingaungaw
06:30.4
sa hindi malamang direksyon ang pinagmumulan.
06:33.8
Hanggang sa mas luminaw ang mga boses kung saan saang direksyon ito ay nagmumula sa isang kisap mata.
06:40.0
Naramdaman ni Mitch ang sakit na nagsimula sa ulo
06:43.6
na kahit kailan ay hindi pa niya nararanasan sa buong buhay niya.
06:48.2
Ito ay sobrang sakit at hindi niya nga maidilat ang kanyang mata.
06:52.6
At sa paghugot niya ng isang napakalalim na hininga
06:56.2
sa wakas na idilat niya na ang kanyang mga mata.
07:00.0
Sa pag-ikot ng kanyang paningin nagis na niya
07:02.8
na siya ay nakabulagda sa daanan
07:05.4
sa harap ng gusali ng kolehyo na kanyang pinapasukan
07:09.4
at siya ay napapalibutan ang mga tao
07:12.0
na talaga namang takot na takot na nakatingin sa kanya.
07:15.4
Hindi niya alam kung anong ginagawa niya sa lugar na yun
07:18.0
kung bakit siya ay nakabulagda
07:20.0
at bakit siya ay nagising sa kanilang eskwelahan.
07:23.6
Sa pagkakataong to naalala niya
07:25.6
ang kanyang may bahay na si Kayla
07:27.6
at ang kanyang mga dalawang anak.
07:29.8
Ngunit bago pa niya lubusang maintindihan
07:32.2
ang lahat na mga nangyayari sa kanya
07:34.4
ay dalawang pulis ang bumuhat sa kanya
07:37.0
at sa kapakaladgad na siya ay dinala
07:39.8
sa mobil na sasakya nila.
07:41.8
Habang nasa umaandar na sasakyang pangpatrolya
07:44.4
ay pagalit nitong tinanong ang kapulisan
07:46.8
kung alo ba ang nangyayari?
07:48.2
Nasaan na ang asawa niya at ang dalawang mga anak niya?
07:51.8
Sinagot naman siya ng isa sa dalawang pulis
07:54.6
na hindi nila alam kung nasaan na ang hinahanap niya na pamilya.
07:58.6
Ang tanging alam nila na siya ay sinugod
08:01.2
ng isa sa mga varsity o mga manlalaro ng football
08:05.2
sa kanilang eskwelahan
08:06.6
na naging sanhi naman na mawalan siya ng balanse
08:10.2
at tumama ng dalawang beses ang ulo niya
08:13.2
sa matigas na konkretong simento ng daanan.
08:17.6
At ayon sa kanila,
08:18.6
may ilang minuto na nawalan siya ng malay
08:21.6
kaya sila ay tinawag at dumating
08:23.6
upang siya ay dalhin sa pinakamalapit na paggamutan
08:27.6
sa ospital na lamang niya na pagtanto
08:29.6
na hindi totoo ang lampara,
08:31.6
hindi totoo ang kanyang asawa na si Kayla
08:34.6
at mas lalong hindi totoo ang dalawang supling na mahal na mahal niya.
08:39.6
Ang buhay na inakala niya na sa kanya
08:42.6
ay lahat hindi naman palatotoo.
08:45.6
Hindi kailanman nangyari ang kahit isa sa nabanggit ko,
08:49.6
mga katinagalog ko.
08:50.6
Lahat ito ay halusinasyon na dulot ng pagkakabagok niya.
08:55.6
Sa ospital nakita nila na walang naging seryosong resulta
08:58.6
ang matinding pagkakabagok ng ulo niya
09:01.6
at makaraan lamang ang ilang araw
09:03.6
sa wakas ay nakalabas na rin siya ng ospital
09:06.6
na tila ba siya ay nagdahilan lamang.
09:09.6
Ngunit nahulog si Mitch sa labis na depresyon
09:12.6
at pagkawalay sa pamilya na inaakala niya ay totoo.
09:16.6
Dumating sa punto na kailangan nito na dumaan sa matindi pang therapy
09:20.6
upang ipaliwanag sa kanya na hindi nangyari ang buhay na inaakala niya
09:25.6
na kanyang buong buo na naaalala.
09:28.6
Ito ay pawang paglalaro lamang ng sarili niyang isipan sa kanyang katawan.
09:34.6
Sa ngayon, makalipas ang ilang taon,
09:36.6
ayon kay Mitch, halos hindi na niya maalala ang itsura ng asawa at mga anak niya.
09:42.6
Ngunit dagdag niya na paminsan-minsan sa kanyang panaginip ay nakikita pa rin niya
09:47.6
ang ngayon daw ay limang taong gulang niya na anak na lalaki at kinakausap siya.
09:53.6
Ngunit hindi naman daw niya maintindihan ang salitang sinasabi nito sa kanya.
09:58.6
Mga katinagalog ko, aling parte ng kwentong ito ang siya naman na ikinabigla niyo?
10:03.6
Isulat po ang inyong sagot sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
10:10.6
Mga katinagalog ko, maraming maraming salamat po sa pagsama niyo sa isa na nabang segment natin sa araw na ito.