Close
 


Ito pala ang MATINDING DAHILAN Bakit Marami ang Kumakain ng KAMOTE sa Buong Mundo!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ito pala ang MATINDING DAHILAN BAKIT Bakit Marami ang Kumakain ng KAMOTE sa Buong Mundo! Pag-usapan natin ang mga benefits at side effects ng pagkain ng kamote or sweet potato! #kamotehealthbenefits #kamotebenefits #kamote #masustansyangpagkain #masustansya =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== References: https://pharmeasy.in/blog/ayurveda-uses-benefits-side-effects-of-sweet-potato/ https://www.wellcurve.in/blog/sweet-potato-benefits-and-nutrition-facts/ https://www.medicalnewstoday.com/articles/281438#risks =================== Ang Tey Telly ay maghahatid sa inyo ng mga makabuluhang kaalaman sa lahat ng klase ng halaman (houseplants, outdoor plants, indoor plants, lucky plants, fruits, herbs, spices, etc) na tinagalog para lubos nyong maintindihan. Naguupload din k
Tey Telly
  Mute  
Run time: 06:25
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang kamote ay isang staple food hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang parte ng mundo.
00:05.8
Ito ay puno ng fiber, vitamins, potassium, at iba pang essential nutrients na kailangan ng katawan para manatiling malusog.
00:13.8
May iba't ibang laki at uri ang mga kamote,
00:16.7
ngunit lahat ay naglalaman ng antioxidants at nutritional values para sa mas malakas na immunity, memory power, vision, at digestion.
00:25.9
Pwede mong ilaga lang, gawing minatamis, o kaya gawing roasted ang kamote.
00:30.3
May iba naman na naglalagay ng diced sweet potatoes sa salad o kaya sopas.
00:34.7
Maliban sa culinary uses ng mga kamote, mahalaga rin malaman ang health benefits nito
00:40.0
katulad ng number one, pinapanatiling maayos ang gut health at digestion.
00:45.0
Dahil mayaman sa soluble fiber at insoluble fibers ang kamote, maganda ito para sa digestion.
00:52.0
Ang pagkain nito ay nagpaparami ng lactobacillus at bifidobacterium sa tiyan na mabisang lunas sa irritable bowel syndrome o IBS at diarrhea.
01:01.9
Sa bawat 100 grams ng kamote, may 3 grams ng fiber kang makukuha.
01:06.6
Ngunit hindi rin magandang masobrahan sa pagkain ng kamote dahil maaaring magdulot ito ng stomach issues.
01:13.4
Number two, mabisang protection sa mata.
01:16.2
Dahil sa taglay na betacarotene ng kamote, ito ay mabisa rin pamprotekta sa mata laban sa free radical damage.
01:23.5
Dagdag pa dito, ang kamote ay mabisa rin panlaban sa xerophthalmia o ang pagkabulag dahil sa vitamin A deficiency.
01:31.7
Mayaman sa vitamin A ang kamote, ngunit ang pagkain nito ng sobra ay maaaring mauwi sa liver damage dahil sa vitamin A toxicity.
01:41.0
Sa kada 100 grams ng hilaw na kamote ay mayroong 14,187 international units ng vitamin A.
01:49.9
Number three, pinapababa ang insulin sensitivity.
01:53.7
Kung meron kang insulin sensitivity, mainam na kumain ng kamote para mapataas ang iyong dietary fiber at mapababa naman ang glycemic index ng iyong katawan.
02:05.3
Ang pagkain ng kamote ay mainam para sa mga diabetic sapagkat tumutulong itong imanage ang blood sugar sa katawan.
02:13.3
Ayon sa mga eksperto, ang mga diabetic ay dapat kumain ng kalahating serving ng isang medium-sized sweet potato.
02:21.1
Based sa nutritional value, ang 100 grams ng kamote ay nagtataglay ng 3 grams ng fiber.
02:28.0
Samantala, ang glycemic index ng kamote ay 54, kung saan masyadong mababa.
02:34.3
Number four, nakakatulong sa blood pressure level.
02:37.8
Dahil mayaman sa magnesium at potassium ang kamote, ito ay mabisang pampababa ng chance ang magkaroon ng hypertension, stroke, at iba pang severe coronary problems.
02:49.8
Para maachieve ang mas efektibong blood pressure management, maaaring lagyan ng sinamon ang iyong nilagang kamote.
02:57.3
Ang kada 100 grams ng kamote ay mayroong 25 grams ng magnesium at 337 grams ng potassium.
03:05.3
Number five, nakakatulong sa weight loss.
03:08.3
Ang kamote ay mayroon ding pectin o soluble fiber na nakakatulong bawasan ang food intake habang pinapataas ang satiety o pagkabusog.
03:18.6
Ibig sabihin, ang pagkain ng kamote ay nakakabusog at hindi kaagad makakaramdam ng gutong kaya ito'y maganda sa nagpapapayat.
03:27.6
Ang calorie content ng kamote ay mababa at madali itong ibagay sa iyong diet upang maging mas mabisa ang iyong weight loss journey.
03:36.6
Kung gusto mong maiwasang tumaba, mainam na kumain ng baked or boiled sweet potatoes.
03:42.1
Ang calories ng 10 grams ng hilaw na kamote ay 86 habang ang dietary fiber nito ay nasa 3 grams lamang.
03:50.1
Number six, maganda para sa balat.
03:53.1
Alam mo rin bang nakakaganda ng balat ang pagkain ng kamote?
03:57.1
Ang sweet potato ay mainampanlaban sa hyperpigmentation at photoaging.
04:03.1
Mayaman ito sa vitamin A, C, at E na kailangan para sa healthy at glowing skin.
04:09.1
Pwede kang gumawa ng face mask, gamit ang yogurt at kamote upang mapanatili ang youthful glow.
04:16.1
Ilan sa mga side effects ng pagkain ng maraming kamote ay, number one, gallbladder at kidney stones.
04:23.1
Dahil sa mataas na oxalate content ng kamote, maaari kang magkaroon ng gallbladder at kidney stones sa araw-araw na pagkain nito.
04:32.1
Kaya dapat limitahan ang pagkain ng kamote kung ikaw ay may kidney problem.
04:37.1
Number two, heart problems.
04:39.1
Kung kakain ng maraming kamote, baka tumaas ang potassium level mo.
04:44.1
Maaari rin itong maawi sa heart attack at hyperkalemia o potassium toxicity.
04:50.1
Mahalagang iwasan ang pagkain ng maraming kamote sa kasong ito.
04:54.1
Number three, stomach issues.
04:57.1
Kung ikaw ay may iniindang stomach discomfort,
05:00.1
dapat iwasan ang pagkain ng kamote dahil sa taglay nitong manitol na maaaring magdulot ng bloating, stomach aches, at diarrhea.
05:09.1
Number four, blood sugar problems.
05:11.1
Sa mga diabetic, maaaring tumaas ang blood sugar level kahit mababa lamang ang glycemic index ng kamote.
05:19.1
Pwedeng kumain ng kamote ngunit kailangan itong limitahan sa isa o dalawang pirasong maliliit.
05:25.1
Ang recommended intake per day ng kamote ay hindi lalagpas sa tatlo o apat na piraso dahil sa mataas na content nito ng sugar at carbohydrates.
05:35.1
Dagdag pa dito, importanteng bantayan ang iyong potassium intake lalo na kung meron kang kidney problem.
05:42.1
Maaaring maawi sa severe complications ang pagkain ng sobrang kamote.
05:47.1
Noong 2019, naitala ng Environmental Working Group ang kamote bilang ika-31 na maaaring contaminated ng pesticides.
05:56.1
Sa kabila ng mga panganib na maaaring maidulot ng pagkain ng sobrang-sobrang kamote, mas marami pa ring benepisyo ang pwede mong makuha.
06:04.1
Marahil iniisip mo na nakakapagpaotot lang ang kamote kung kaya't ayaw mong kumain ito.
06:10.1
Sa totoo lang, maganda sa katawan ang paglabas ng masamang hangin kaya huwag kang mailang kumain ng kamote.


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.