Close
 


ITO NA BARKONG PANGDIGMA NG PILIPINAS AT ANTI-SUB HELICOPTER NAGPATROLYA NA SA WEST PHILIPPINE SEA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#westphilippinesea #philippinenavy ##brpantonioluna
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 03:46
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ipinakalat na ng Philippine Navy ang dalawang moderno at may kakayahang asset nito ng missile equipped at anti-submarine warfare,
00:11.3
ang frigate na BRP Antonio Luna at ang partner nito na AW159 Anti-Submarine Helicopter para palakasin ang kakayahan ng western command na nakabasi sa Puerto Princesa sa Palawan.
00:25.7
Ilang araw lang ang nakalipas ang Armed Forces of the Philippines ay nagpadala ng Marine Battalion Landing Team at ang Marine Amphibious Ready Unit nito upang palakasin ang puwersang militar sa Palawan na estrategy kong tinitiyak ang kaligtasan, siguridad at pagunlad ng lalawigan.
00:44.2
Nauna nang nagsilbi ang Marine Battalion Landing Team sa Palawan noong 1995, paglaban sa mapanirang aktibidad sa kabaligiran tulad ng illegal lagging, illegal fishing at smuggling.
00:57.5
Matapos may talaga sa Patikol Sulu noong 1997 ay nakabalik na sa probinsya ang unit na ito.
01:05.7
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Westcom na ang dalawang anti-submarine assets na ito ay dumating na sa lugar ng responsibilidad nito.
01:14.7
Ang dalawang tandem ng platform ng anti-submarine warfare na ito ay nakadeploy na sa western border ng bansa para sa maritime at sovereignty patrols na nagsisiguro ng epektibong maritime presence partikular sa West Philippine Sea.
01:31.2
Hindi binanggit o wala sa post kung kailan dumating ang frigate at helicopter sa Westcom area para sa siguridad.
01:38.7
Sinabi ng Westcom na ang deployment ng BRP Antonio Luna at ang anti-submarine helicopter ay kumakatawan sa isang full mission deployment para sa Philippine Navy.
Show More Subtitles »