Close
 


NAKU, DALAWANG FRIGATE NG RUSSIAN PACIFIC FLEET PUMASOK SA PHILIPPINE SEA, ANU ANG PAKAY NITO?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
#russia #philippinesea #taiwan
JOHN REPS
  Mute  
Run time: 03:03
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Dalawang barkong pangdigma ng Russian Pacific Fleet ang pumasok sa katimugang bahagi ng Philippine Sea
00:06.0
upang magsagawa ng mga gawain bilang bahagi ng isang long-range sea passage na iniulat ng Interfax News Agency ng Rasya noong Martes.
00:15.0
Ayon sa Interfax News na ang mga barkong pangdigma na ito ng Rasya ay magsasagawa ng mga maniobra na may pagpapakita ng presensya ng hukbong dagat sa Rion ng Asia-Pacific
00:27.0
at bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga pakikipagsosyo.
00:31.0
Walang karagdagang detalye kung ano ang pangalan o mga numero ng barko ang kasangkot pero ayon sa Defense Ministry ng Taiwan, ito ay dalawang frigates.
00:41.0
Dumaan ito malapit sa Suao kung saan mayroong Taiwanese Naval Base bago dumiretsyo patungo sa karagatang sakop ng Pilipinas.
00:50.0
Bilang tugon ay nagpadala ang militar ng Taiwan ng mga fighter jets at mga barko upang magbantay at i-activate ang mga shore-based missile system nito.
01:00.0
Ang Philippine Navy naman ay wala pang inilabas na pahayag kaugnay sa pagpasok ng dalawang Russian frigates sa karagatang sakop ng Pilipinas.
01:10.0
At sa ibang balita naman isang aktibong missile corvette ng Indian Navy ang papunta sa Vietnam bilang regalo.
01:18.0
Ito ang unang barkong pangdigma na binigay ng India sa Vietnam.
01:22.0
Ang domestically built INS Kirfan ay umalis sa silangang baybayin ng India noong Merkoles sinabi ng Indian Navy.
01:31.0
Pinapalakas ng India at Vietnam ang kanilang ugnayan sa mga nakalipas na taon na may espesyal na pagtutok sa depensa dahil ang dalawang bansa ay nag-aalala sa lalong mapamilit na China.
01:44.0
Noong 2020 matatandaang ang India ay nagbigay din ng isang Russian-made diesel-electric submarine sa Myanmar, Sana All.
01:53.0
Ang barkong pangdigma na binigay ng India sa Vietnam ay kinumisyon noong 1991 at inirisenyo at ginawa sa loob ng bansang India.
02:02.0
Nilagyan ito ng medium range at close range na armas, chaff launcher at surface-to-surface missile.
02:09.0
Samantala sinabi ni Chinese Defense Ministry Li Xiangfu noong Martes na handa ang China na makipagtulungan sa Vietnam upang palakasin ang mataas na antas ng komunikasyon at kooperasyon.
02:22.0
Ibang klase talaga ang China.
02:24.0
Well yan muna ang bagong balita na hatid ko sa inyo ngayon.
02:28.0
Bilang supporta sa channel na ito ay ilike lamang a video at magsubscribe. Maraming salamat!
02:39.0
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.