Close
 


Bakit si ANDRES BONIFACIO ang unang PANGULO NG PILIPINAS
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly Andres Bonifacio Ang supremo ng Katipunan at ang ama ng rebolusyon. Bakit siya ang dapat kilalaning pinaka unang Pangulo ng Pilipinas? SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #andresbonifacio #president #pilipinas
Moobly TV
  Mute  
Run time: 23:32
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Andres Bonifacio, ang pinakaunang presidente ng Republika ng Pilipinas?
00:06.0
Matapang, revolusyonaryo, supremo.
00:10.0
Tuwing naririnig natin ang mga salitang ito, isang tao lang ang naiisip natin.
00:15.0
At yun ay ang bayaning si Andres Bonifacio.
00:19.0
Napag-aralan man natin si Bonifacio noong tayo ay nasa elementary o high school.
00:24.0
Marami pa rin tayong hindi alam sa buhay ng matapang na bayaning.
00:27.0
Paano nga ba nagsimula ang pagiging revolusyonaryo ni Bonifacio?
00:32.0
Bakit na paaga ang kanyang pagkamatay at higit sa lahat?
00:36.0
Dapat nga ba siyang itinuring bilang ang pinakaunang presidente ng Pilipinas?
00:41.0
Sa video na ito, sasagutin natin ang mga tanong sa kwento ng buhay ni Gat Andres Bonifacio.
00:49.0
Bago tayo magpatuloy sa ating kwento, huwag mong kalimutan na mag-like sa video at mag-subscribe sa channel.
00:55.0
Kung gusto mo pang makakita ng mga video katulad nito, balik na tayo.
01:00.0
Si Andres Bonifacio E. de Castro ay ipinanganak noong November 30, 1863 sa Tondo, Manila.
01:07.0
Siya ang panganay sa anim na anak ni Santiago Bonifacio at ni Catalina de Castro.
01:13.0
Marami sa atin ang nakakakilala kay Bonifacio bilang isang bayani na nanggaling sa mahirap na pamilya.
01:19.0
Pero sa totoo, noong bata siya, hindi naman ganung kahirap ang kalagayan ng kanyang pamilya.
01:24.0
May magandang trabaho ang mga magulang ni Bonifacio. Isang half Spanish mestiza ang kanyang ina at nagtatrabaho bilang supervisor sa isang cigarette factory.
01:34.0
Habang ang kanyang ama naman ay isang mananahi at isang government official na nagtatrabaho bilang staff sa office ng gobernador Silio.
01:43.0
Nag-aral si Andres sa Guillermo OsmeƱa School sa Cebu at tumabot ng katumbas sa second year high school sa school system natin ngayon.
01:52.0
Noong 1883, nag-iba ang buhay ng magkapatid na Bonifacio nang magkasakit ang kanilang ama ng tuberculosis.
02:00.0
Upang makatulong sa kanilang pamilya, nagsimula ang kumawa si Andres at kanyang mga kapatid na mga baston at abanico upang ibenta sa labas ng simbahan.
02:10.0
Noong 1885, ipinanganak ang pinakabunsong kapatid ni na Andres pero ikinamatay ito ng kanyang ina.
02:18.0
Matapos ng sampung taon, pumanaw naman si Santiago Bonifacio sa murang edad na 22. Ulila na ang ating bayani.
02:28.0
Dahil siya ang panganay sa magkakapatid, si Bonifacio ang tumayong breadwinner ng pamilya kaya napilitan siyang itigil ang kanyang pag-aaral.
02:37.0
Nakapagtrabaho siya bilang mensahero sa isang kumpanya at naging ahente para sa mga foreign commercial firms sa Maynila.
02:45.0
Naging bodigyero din si Bonifacio para sa J.M. Fleming and Company na pagmamayari ng isang German national. Hindi siya nagbuhat sa bodega pero siya ang nagmanage ng warehouse inventory nito.
02:58.0
Naranasan din ni Bonifacio na maging part-time theater actor at lumabas sa ilang moro-moro plays.
03:05.0
Ginampanan niya ang papel ni Bernardo Carpio, isa sa mga karakter sa isang Tagalog folklore.
03:12.0
Wala mang formal education si Bonifacio, hindi ito nakapigil sa kanya na palawaki ng kanyang kaalaman. Mahilig magbasa si Bonifacio ng mga libro tungkol sa politics at society.
03:24.0
Nagbasa siya ng mga libro tungkol sa buhay ng mga U.S. presidents, natapos sa mga nobelang Les MisƩrables ni Victor Hugo,
03:32.0
siyempre No Limit Angere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, at nagbasa ng History of the French Revolution.
03:40.0
Sa mga pagbabasanyang ito, namulat ang pagkamakabayan ni Bonifacio at ang nagtulak sa kanya na tumulong para makalaya ang Pilipinas mula sa kamay ng mga baniyaga.
03:52.0
Noong 1882, nakilala ng 29 anos na Andres ang kanyang magiging asawa na si Gregoria de Jesus.
04:01.0
Hindi man sang-ayon ang mga magulang ni Gregoria sa kanilang relasyon noong una, natanggap din nila si Bonifacio at nagpakasal ang dalawa matapos ang mahigit pumulang isat kalahating taon ng pagiging magnobyo.
04:14.0
Hindi sikreto na si Andres Bonifacio ay isang malaking tagahangan ni Dr. Jose Rizal. Siyempre, natapos niya nga ang dalawang libro ng ating pambansang bayani.
04:24.0
Kaya naman, noong July 3, 1892, nang itayo ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina sa Tondo, agad na sumali si Bonifacio sa grupo.
04:35.0
Nayunin ang Liga na magtulungan at magkaisa ang mga Pilipino sa kanilang mga ipinaglalaban.
04:42.0
Subalit, tatlong araw lamang matapos mabuo ang grupo, inaresto si Rizal ng mga Espanyol at ikinulong sa dapitan.
04:50.0
Kinabukasan nang malaman nito ni Bonifacio, agad silang nagpulong ng kanyang mga kasamahan at sa gabi ng July 7, 1892, tuluyan nang nabuo ang kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.
05:07.0
Layunin nito ang palayasi ng mga Espanyol sa mga lupa ng inang bayan at makamit ang punay na kalayaan sa pamamanggitan ng paghihimagsig.
05:17.0
Para sa isang sinaunang grupo, may maganda at maliwanag na sistema at istruktura ang Katipunan.
05:23.0
May mga kataas-taasang sangguniyan ito na pinamumunuan ang mga sangguniyang bayan na pinamamahalaan naman ang mga sangguniyang balangay.
05:32.0
Ngunit sa mga pinakaimportanteng bagay, nagtitipon ang mga pangulo ng mga sangguniyan at kataas-taasang sangguniyan upang mabuo ang kataas-taasang kapisana.
05:44.0
Habang tinawag naman asangguniyang lihim ang kanilang sistemang pangkatarungan, isang totoong sistemang pangdemokratiko,
05:51.0
may mga sangay ang Katipunan sa iba't ibang probinsya ng Pilipinas tulad ng Batangas, Laguna, Cavite at iba pa.
06:00.0
Marami sa mga Katipuneros ay mga ordinaryong manggagawa habang ang mga pinuno naman ay mga kilalang tao sa kanikanilang munisipalidad.
06:09.0
Kilala natin si Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan pero hindi siya ang naging unang pinuno ng grupo.
06:16.0
Una nang namuno sina Giudatto Aureliano at Roma Anbasa bago pa man maging ganap na pinuno si Bonifacio noong 1895.
06:26.0
Sa katulayan, sa pumunong ito ni Bonifacio nagsimulang maniwala ang mga tao na dapat kilalanin si Andres Bonifacio bilang ang pinakaunang presidente ng Pilipinas.
06:38.0
Sa mga panahon iyon, kinamit na mga Katipunero ang terminong haring bayan katagalugan para sa pamahalaang katagalugan na itinayo nila.
06:48.0
Ang bayan, ang hari at walang sino mang individual lalo na mga banyagang Espanyol ang mas importante dito.
06:56.0
Noong 1897, isang dokumento ang inilabas ni Bonifacio, may pirma niya ito at sa ibaba ng kanyang pangalan makikita doon ang titulong Pinuno ng Haring Bayan.
07:08.0
Ayon sa isang historyan na si Dr. Mila Guerrero, sa mga panahon iyon, kinamit na mga Pilipino ang terminong haring bayan bilang panghalip sa terminong republika.
07:20.0
Ibig sabihin, dahil naging pinuno si Bonifacio ng haring bayan ng katagalugan bago pa itinuring na presidente si Aguinaldo, si Bonifacio dapat ang kilalanin pinakaunang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
07:35.0
May dalawang mga sinuunan dokumento na nagsusuporta sa interpretasyon na ito ni Dr. Guerrero.
07:41.0
Ang una ay ang memoir ng sekretarya ni Emilio Aguinaldo na si Carlos Ronquillo.
07:47.0
Nakalagay doon na sa biyak na bato sa San Miguel Bulacan itinatag ang ganap na haring bayang katagalugan ni Aguinaldo at ng kanyang mga tauhan.
07:58.0
Kitang-kita na ginamit ni Ronquillo ang salitang haring bayan ng katagalugan bilang panghalip sa terminong republika ng Pilipinas.
08:07.0
Siyempre, papapansin nyo na nilagyan niya ng salitang ganap ang kanyang pahayag, isang paraan na ipakita ang kanyang suporta kay Aguinaldo bilang ang unang presidente.
08:18.0
Sa ginawa niyang ito, para na rin niyang sinabi na noon si Bonifacio pa ang pinuno, hindi pagganap ang haring bayang katagalugan.
08:27.0
Ang ibang dokumento ay mula sa dakilang lumpo na si Apolinario Mabini.
08:32.0
Ang dokumento na isinulat ni Mabini ang naging bataya ng Organic Decree na siyang nagtatag ng Kongreso ng Malolos at mga LGUs sa panahon ni Aguinaldo sa gobyerno.
08:43.0
Sa dokumento, makikita din na ginamit ni Mabini ang terminong haring bayan sa paglarawan niya sa Republika ng Pilipinas.
08:53.0
Ano sa tingin nyo? I-comment nyo sa iba ba ang iyong mga sagot.
08:56.0
Balik na tayo sa buhay ni Andres.
08:59.0
Sa loob ng Katipunan ay nakilala ni Bonifacio ang isa sa mga matalik niyang kaibigan at tagapayo na si Emilio Jacinto.
09:07.0
Sa tulong ni Pio Valenzuela na itayo ni Jacinto ang opisyal na pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.
09:14.0
Sa pamagat pa lang ay makikita na ang pangunahing diwa at layuni ng Katipunan.
09:19.0
Nakapagsulat ng ilang mga artikulo si Bonifacio para sa pahayagan, kabilang na ang isang tula na pinamagatan niyang, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.
09:29.0
Nang unang lumabas ang Kalayaan noong Marso 1896, agad itong pumatok sa mga Pilipino at umani ng marami pang mga miembro ng Katipunan na galing sa iba-tibang parte ng Pilipinas.
09:43.0
Tulad ng Visayas at Mindanao, mula sa tatlong daang miembro nito noong January 1896, lumobo ang Katipunan sa mahigit kumulang 35,000 na miembro pagdating ng Agosto 1896.
09:58.0
Subalit habang lumalaki ang grupo, mas napapansin na din sila ng mga Espanyol, may hinala na ang mga banyaga tungkol sa isang grupo na balak maghimagsik laban sa kanila.
10:10.0
Nakumpirma ang kanilang hinala ng isang miembro ng Katipunan ang nagsabi sa isang prayle, si Padre Mariano Gil, tungkol sa balak na revolusyon ng mga Katipunero.
10:22.0
August 1986, sinugod na mga Espanyol ang Jario de Manila, at doon ay nakahanap sila ng ilang ebidensya at mga selyo ng Katipunan.
10:32.0
Sa galit ng mga Espanyol, marami sa mga taga Maynila ang ikinulong nila. Agad na nagpatawag ng pulong si Bonifacio para sa mga Katipunero.
10:42.0
Noong August 23, 1896, sa Pugadlawin sa Balintawak, gumawa ng simbolikong aksyon ang grupo.
10:50.0
Sabay-sabay nilang pinunit ang kanilang mga sedula, ang simbolo ng kanilang pagkaalipin at tuluyan ng kumalas sa kapit ng mga banyagang sumakop sa inang bayan.
11:02.0
Kilala natin ito ngayon bilang the Cry of Pugadlawin. Kinambukasan nagpasya ang grupo na simulan na ang himagsikan sa katapusan ng buwan.
11:13.0
Bilang Supremo, nagtalaga na si Bonifacio ng mga grupo at mga pinuno sa pag-ataking magaganap, bago pa man dumating ang araw ng paghuhukom.
11:23.0
Nakainkwentro na ng grupo ni Bonifacio ang mga gwardya sibil sa ilalim ni Teniente Ross sa Pasong Tamo noong August 26.
11:32.0
May mga Katipunero din na nakainkwentro ng mga kalaban sa Malabon at Kaloocan. Sa lahat ng mga labanan ito, nanalo ang mga Katipunero.
11:42.0
Sa gabi ng August 29, 1896, sumugod na ang mga Katipunero sa Maynila. Dala-dala ang kanyang pinagkakatiwalaang revolver, pinamunuan ni Bonifacio ang pagsalakay.
11:55.0
Kaunting kalaman bago tayo magpatuloy, kung maririnig natin ang pangalang Andres Bonifacio, agad papasok sa ating isip ang isang taong nakakami sa Chino,
12:05.0
may nakataling pulang panyo sa kanyang leeg at may dalang bolo, ang imahe ng isang tunay na Pilipinong bandirigma.
12:12.0
Ito din ang nakikita natin sa mga litratong nagre-representa sa kanya at sa malaking estatwa na nasa Manila sa liwasang Bonifacio.
12:21.0
Pero ang totoo, hindi bolo ang armas na kadalas ang ginagamit ni Bonifacio noong revolusyon, kundi isang revolver.
12:30.0
Sa labanan sa San Juan del Monte, kung saan pinamunuan ni Bonifacio ang pag-atake sa isang Spanish artillery, makikita na baril ang dala-dala ng Supremo.
12:40.0
Napatunayan din ito sa eleksyon na naganap sa Tejeros Convention para sa pagpili ng bagong opisyal para sa grupo.
12:48.0
Nang may bumastos kay Bonifacio, hinugot niya ang kanyang baril. Pero maghintay lang kayo saglit at darating din tayo sa buong kwento niya.
12:56.0
Okay, balik na tayo. Sa lakas na pwersa ng mga katiponerong sumugod sa Maynila, agad nilang natalo ang mga Espanyol sa Mandaluyong at nakuha ang munisipyo nito.
13:08.0
Noong August 30, lumaban din ang hukbo sa San Juan del Monte. Hindi natakot si Bonifacio sa labanan.
13:15.0
Nakipagpalitan sila ng putok, nakipagtagisa ng bolo, dumaloy ang dugo pero ipinagpatuloy pa rin ng mga katiponero ang laban.
13:25.0
Ang araw na ito ay kilala natin ngayon bilang ang labanan sa pinaglabanan. Maraming nasawing katiponero sa araw na iyon.
13:33.0
Gayunpaman, nagulat pa rin ang mga Espanyol sa pwersa at giting sa pakikipaglaban ng mga anak ng bayan.
13:41.0
Kaya naman, agad na nagdeklara si Gobernador General Ramon Blanco ng Batas Militar sa walong lungsod na hinala nila ay may presensya ng mga katiponero.
13:53.0
Ang mga lungsod na ito ay ang Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Maynila, Cavite, Laguna at Batangas.
14:04.0
Ang walong lungsod na ito ang magsisilbing walong sinag ng araw sa ating watawat.
14:10.0
Unti-untimang nagtatagumpay ang paghihimagsik ng mga katiponero, nagkakaroon din ng mga dipagkakaintindihan sa loob ng grupo.
14:19.0
Ang dalawang grupo na sangkot dito ay ang Sangguniang Bayan ng Magdiwang at ang Sangguniang Bayan ng Magdalo.
14:26.0
Dito pumasok sa eksena si Emilio Aguinaldo. Si Aguinaldo ay naging parte ng mga Magdalo noong Marso 1896,
14:34.0
nang may bumastos kay Aguinaldo noong bago pa lamang siya na membro, si Bonifacio ang nagtanggol sa kanya.
14:41.0
Mula noon ay naging maganda na ang relasyon ng dalawa. Sa huling mga buwan ng 1886 nanalo na sa mga labanan sa Cavite ang dalawang grupo.
14:52.0
Isa sa mga dahilan nito ay dahil kumuha ang dalawang grupo ng iba pang mga tao na hindi membro ng Katipunan upang mas lumakas pa ang kanilang puwersa,
15:02.0
pero habang tumatagal ay mas lumala pa ang tensyon na namamagitan sa dalawang grupo.
15:08.0
Noong March 22, 1897, nagtipon-tipon ng mga lider ng revolusyon kabilang na ang Supremo na si Andres Bonifacio sa Friar Estate sa Tejeros upang marisolba ang problema ng dalawang grupo.
15:23.0
Para sa mga magdiwang, si Mariano Alvarez ang pinuno habang ang pinsan naman ni Emilio Aguinaldo ang namuno sa Magdalo, si Baldomero Aguinaldo.
15:33.0
Matagal na na nagdebate ang mga lider ng pulong hanggang sa napagdesisyonan nilang maghalal na mga bagong opisyal sa Katipunan.
15:41.0
Bagamat siya pa rin ang pinuno ng Katipunan, pumayag si Bonifacio dito.
15:46.0
Pero bago pa man magsimula ang eleksyon, siniguro ni Bonifacio sa mga tao sa kapulungan na kung ano ang risulta ng butuhan, kailangang respetuhin nito ng lahat.
15:58.0
Unang pinagbutuhan ang bagong presidente ng grupo at sa tulong ng mga Magdalo, nanalo si Emilio Aguinaldo.
16:06.0
Nangyari ito kahit wala si Aguinaldo sa pulong dahil lumalaban siya sa DasmariƱas.
16:12.0
Gayunpaman, nirispeto ni Bonifacio ang risulta.
16:16.0
Nagpatuloy ang eleksyon hanggang sa nanalo si Bonifacio bilang direktor ng interior ng Katipunan.
16:23.0
Dito na nagsimula ang gulo.
16:26.0
Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang membro sa pangalang Daniel Tirona ang nagreklamo sa pagkapili kay Bonifacio para sa posisyon.
16:37.0
Ayon kay Tirona, hindi madali ang trabaho ng isang direktor del interior at kailangan isang abogado ang humawak sa posisyon ito.
16:46.0
Binanggit ni Tirona ang abogadong si Jose del Rosario at inihayag na hindi ito kaya ng isang ordinaryong manggagawa na hindi maayos ang pinagaralan na tulad ni Bonifacio.
16:57.0
Hindi nagustuhan ni Bonifacio ang pambabastos ni Tirona, binunot niya ang kanyang baril at itinutok ito kay Tirona.
17:05.0
Nagkakagulo na sa pulong, kaya bilang pangulo ng nangyaring kumbensyon, pinawalangbisa ni Bonifacio ang naganap na pulong at eleksyon.
17:14.0
Umalis siya sa pulong sa paniniwalang siya pa rin ang Supremo ng Katipunan. Pero para sa naiwang mga delegado, si Emilio Aguinaldo na ang bagong presidente.
17:26.0
Naniwala si Aguinaldo sa mga delegado kaya agad siyang nanumpa bilang bagong presidente ng revolusyon noong March 23, 1897.
17:37.0
Ito ang simula ng katapusan. Dalawang maggiting na bayani na naniniwalang sila ang pinuno ng himagsikan. Dapat ay isa lang ang matitira.
17:49.0
Sa kanyang pagganap bilang presidente, may nakapagsabi kay Aguinaldo na si Bonifacio ay isang traidor, isang ahente ng mga prayle na naglalayong ipahamak ang mga katipunero.
18:01.0
Pinag-isipan nito ni Aguinaldo at naisip niya na pusibling totoo ito dahil walang ginawang aksyon si Bonifacio para sa Cavite. Hindi ito totoo.
18:11.0
Noong April 6, 1897, pinotektahan ni Bonifacio ang Cavite mula sa mga Espanyol at binigay pa ng kanyang mga tauhan ang kanilang mga armas sa mga Magdalo upang makalaban sila.
18:25.0
May nakapagbalita din kay Aguinaldo na ipinasunog ni Bonifacio ang isang buong nayon at isang simbahan nang hindi sila magbigay ng mga probesyon sa grupo ni Bonifacio.
18:36.0
Noong April 25, 1897, inatasan ni Aguinaldo si Colonel Agapito Bonzon na hulihin si Bonifacio sa kanyang kapo sa baryo ng Limbon, Indang.
18:49.0
Pagdating nila sa Indang, magiliw silang sinalubong ni Bonifacio, pinatuloy at binigyan ng mga sigarilyo. Kinabukasan, palihim na umatake sina Colonel Bonzon at pinagbabaril ang mga tauhan ni Bonifacio.
19:03.0
Nang marinig ito ni Bonifacio, pumagit na siya sa labanan, inudyok niya ang kanyang mga tauhan na itigil ang paglaban dahil sila ay magkakapatid na Tagalog at dapat ay hindi sila nag-aaway.
19:15.0
Agad na binaril si Bonifacio ng mga tauhan ni Bonzon at natamaan ang Supremo sa kaliwa niyang balikat. Inatake din siya ng itak ng isa pang sundalo at nasugatan siya sa leeg.
19:28.0
Dinala si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio sa naik. Dahil mahina na si Bonifacio sa kanyang mga natamong sugat, dinala siya sa naik sa isang duyan.
19:39.0
Ipinasok ang magkapatid sa isang makipot at madilim na silid, gawa sa bato ang kanilang kulungan at matagal bago pa pinakain ang magkapatid.
19:49.0
Noong May 1, 1897, sa isang bahay sa Maragondon, itunuloy ang paglilitis ng magkapatid. Inakusahan si na Bonifacio ng pagnanakaw ng pera ng Katipunan at pagplanong pagpatay sa bagong presidente na si Emilio Aguinaldo.
20:06.0
Sa huli, kahit walang matatag na ebidensya, guilty ang hatol nila kay Bonifacio at pinatawa ng Supremo ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril.
20:19.0
Noong May 10, 1897, dinala ang magkapatid na Bonifacio sa bundok ng Maragondon at doon, sa pamumuno ni Lazaro Macapagal, pinagbabaril ang dalawa hanggang sa sila ay namatay.
20:34.0
Sa mahabang panahon, yun ang pinaniwalaan natin, pero may iba palang istorya ayon kay General Guillermo Masangkay.
20:43.0
Ayon sa general, isa sa mga tauhan mismo ni Macapagal ang umamin na si Procopio lamang ang binaril sa Maragondon, isang malaking etak ang ginamit upang patayin si Bonifacio.
20:56.0
Nang pinag-aralan ang mga labi ni Andres Bonifacio, makikita na may fracture ang bungo nito, isang patunay sa sinabi ni General Masangkay.
21:05.0
Sa mga sumunod na taon, sinuportahan din ang teorya na namatay sa etak si Bonifacio ng maraming Filipino historians, pati na ang great-great-grand-nephew mismo ni Bonifacio na si Atty. Gary Bonifacio.
21:20.0
Marami sa mga Pilipino ang naniniwala na si Emilio Aguinaldo ang nagpapatay kay General Antonio Luna at pati na rin sa bida ng kwento natin ngayon na si Andres Bonifacio.
21:31.0
Ang pinakaiba sa dalawa, buong pusong itinanggi ni Aguinaldo ang partisipasyon niya sa pagkamatay ni Luna.
21:38.0
Pero malugod niyang inamin na siya ang nagpapatay kay Bonifacio at sa kapatid nitong si Procopio.
21:45.0
Sa isang liham na inilabas ni Aguinaldo noong March 22, 1948, isang araw bago ang kanyang kaarawan, inamin niya na siya ang nagutos na ipapatay ang magkapatid na Bonifacio.
21:58.0
May Certification of Authenticity ang liham mula sa sikat na manunulat na si Teodoro Agoncillo at pinablish ito sa kanyang librong Revolt of the Masses.
22:09.0
Ang Consejo de Guerra man ang nagpataw ng kamatayan sa magkapatid, bilang kumandante at pangulo, si Aguinaldo pa rin ang huling magdidesisyon sa parusang ibibigay sa dalawa.
22:21.0
Sa huli na pagdesisyonan niyang ipatupad ang pataw na kamatayan dahil sa kanyang isip, ito ang makakabuti para sa pagpapatuloy ng himagsikan.
22:33.0
May tuturing mang trahedya ang maagang pagkamatay ni Andres Bonifacio, nagbunga naman ang himagsikan na kanyang sinimulan.
22:41.0
Sa bawat putok ng kanyang baril at hampas ng kanyang bolo, unti-unting nabasag ang kadenang binalod sa atin ng mga banyaga, utang natin ang ating tinatamasang kalayaan kay Andres Bonifacio,
22:54.0
ang Supremo ng Katipunan at ang Ama ng Revolusyon.
23:00.0
Nagustuhan niyo ba ang kwento ni Andres Bonifacio? Dapat nga ba siyang itinuring bilang ang pinakauna presidente ng Pilipinas?
23:08.0
Ano ang masasabi niyo sa desisyon ni Aguinaldo na ipatupad ang hatol na kamatayan kay Bonifacio? Tama ba ito o mali?