Close
 


ANG LIHIM NI HENERAL GOYO | Gregorio del Pilar
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Si Gregorio H. del Pilar ay isa sa pinaka batang Filipino General ng Pilipinas noong digmaan ng Pilipinas at America. Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv English contents: https://bit.ly/mooblyworld #bayani #philippines #history
Moobly TV
  Mute  
Run time: 13:45
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
May mga lihim sa kasaysayan na sa dyang tinatago upang manatiling bayani ang tingin natin sa mga ninuno.
00:07.2
Ang kwento ng Batang Heneral, ang matapang na si Del Pilar ay isa na rito, ngunit anong nga ba ang katotohanan?
00:14.8
Magsisimula ang kwento ni Goyo sa San Jose, Bulacan, kung saan siya ipinanganak.
00:19.8
Panglima sa anim na magkakapatid, pamangkin siya ng propagandista at editor ng La Solidaridad na si Marcelo H. Del Pilar.
00:28.9
Bagamat mula sa mayamang angkan at may dugong gatmaitan, naging mahirap ang buhay ng pamilya ni Goyo.
00:35.5
Noong bata pa ay nagbibenta siya ng kakanin upang makatulong sa pamilya.
00:40.3
Nakapag-aral siya sa Ateneo de Manila sa tulong ng kanyang tiyahin at asawa nito na si Diodato Arellano, ang pinakaunang Supremo ng Katipunan.
00:50.0
Natapos niya ang bachelor's degree noong 1896 at ninais na ipagpatuloy ang pag-aaral sa School of Arts and Trades upang maging maestro de obras,
01:00.1
ngunit nahinto noong sumikla ba ang revolusyon.
01:03.1
Nasa dugo ni Goyo ang pagiging makabayan at matapang, kaya hindi nakakapagtaka na noong umuwi siya sa Bulacan ay sumali din siya kaagad sa revolusyon.
01:13.5
Kasama si Del Pilar sa mga 3,000 na mga revolusyonaryong nagbarcha papuntang Paumbong, Bulacan at nagtatag ng pamahalaang militar.
01:22.6
May mga nagsasabi rin na nandoon siya sa Cry of Balintawak.
01:26.6
Noong December 1896, formal na sumama sa kilusan si Goyo noong sumali sa army ni Eusebio Roque o maestro Eusebio sa Cacarong de Sili sa Pandi, Bulacan.
01:38.5
Isinulat niya sa kanyang diary, araw ng Pasko noong 1896 ang kaganapan sa kanilang pag-iensayo.
01:46.1
Nagtipon kaming lahat upang alalahanin ang kapanganakan ng Panginoon.
01:50.5
Tinaas namin ang mga bandera, pinaputok ang mga kanyon bilang pagbibigay-pugay sa KKK.
01:57.2
Pagsapit ng hapon, kita ang saya sa mukha ng mga sundalo habang nagsasanay.
02:02.9
Sa mga ulap, narinig namin ang masigasig na hiyaw, Vivan los Filipinos.
02:08.9
Napasok ng mga Espanyol ang Cacarong noong bagong taon ng 1897.
02:13.9
Sampu lamang ang natira sa mga dumipensa, kabilang dito si Del Pilar, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Julian at kanilang mga kamaganak.
02:23.4
Dito unang nasubok ang batang sundalo.
02:26.6
Nadaklisan ng bala sa nuo si Goyo dahil sa pagpupumilit na huwag iwanan ang kampo kahit na tumakas na si Maestrong Sepio.
02:34.6
Umatras sila mula sa Cacarong at pumunta sa Montalban.
02:38.6
Dahil sa kanyang kabayanihan, tumaas ang ranggo ni Goyo sa lieutenant.
02:43.1
Umabot sa dalawang linggo ang pananatiling niya sa Montalban bago bumalik sa Bulacan kung saan siya sumali sa army ni Adriano Gatmaitan.
02:52.6
Dito ay nagsilbi siya bilang kapitan.
02:55.8
Natural ang katalinuhan at pagiging madiskarte ni Goyo.
02:59.3
Dahil nais niyang magkaroon ng Mauser, isang uri ng baril na higit na mas maganda kaysa sa kanyang Remington, gumawa siya ng nakakamanghang paraan.
03:09.3
May isang pari na may kasamang kazadores na papuntang Malolos.
03:13.8
Ang kazadores ay mga gwardya na tumutulong sa mga gwardya sivil sa pananatili ng peace and order.
03:21.0
Habang naglalakbay ang grupo ay mag-isa silang tinambangan ni Del Pilar.
03:25.5
Binaril niya ang isang kazadores dahilan upang tumakbo ang pari at natitira ang kazadores na kasama.
03:32.5
Dito ay nakakuha siya ng isang Mauser at apat na sakong pera.
03:37.0
Inutos niya na bigyan ng 50 pesos ang mga sundalong may asawa at 25 naman sa mga wala.
03:43.5
Ang natira ay pinambili niya ng mga kumot para sa sundalo.
03:47.5
Dito nagsimulang sumikat ang pangalan ni Goyo.
03:50.7
Higit pa na nagpasikat sa Binata ay ang pagsalakay nila sa isang Spanish garrison sa Paumbong
03:57.2
kung saan matagumpay silang nakakuha ng 14 Mausers.
04:02.2
Sa kwentong ito siya nakilala ni Aguinaldo at itinaas ang kanyang ranggo sa lieutenant colonel.
04:08.2
Para i-celebrate ang kanyang promotion, gumawa si Del Pilar ng sariling flag.
04:13.2
Dito na nagsimula ang magandang samahan ni Aguinaldo at Del Pilar.
04:17.2
Naging favorite ng presidente ang Binata.
04:19.9
Halata naman ito sa kung paano niya itrato si Goyo.
04:23.4
Kasama si Del Pilar sa mga pumirma sa provisional constitution ng Republika ng Biak na Bato noong November 1.
04:30.9
Noong pinirmahan ang Pact of Biak na Bato na naging dahilan para ma-exile si Aguinaldo
04:36.7
at ang kanyang mga kasamahan, isa si Goyo sa sinama ni Aguinaldo sa Hong Kong.
04:42.2
Panoorin ang aming video tungkol kay Aguinaldo upang mas maintindihan.
04:46.4
Noong bumalik si Aguinaldo sa Maynila para ipagpatuloy ang revolusyon,
04:50.4
ginawa niyang dictator of Bulacan at Nueva Ecija si Goyo.
04:54.4
Nagpakitanggilas naman si Goyo sa general.
04:57.4
Nag-organisa siya ng batalyon sa Bulacan at nagpadala ng grupo sa ilalim ni Pablo Texon sa Nueva Ecija.
05:05.4
June 24, 1898, sumurrender ang mga Espanyol sa Bulacan.
05:10.4
Si Goyo ang tumanggap ng kanilang pagsuko
05:13.4
Noong ding araw na iyon ay ibinaba ang bandila ng Spain at itinaas ang bandila ng Pilipinas.
05:20.4
Nagkaroon ng selebrasyon ang mga Bulaceno para kay Goyo.
05:24.4
May kanta pa na inalay kay Del Pilar na kinumpos para lang mismo sa okasyon.
05:30.4
Sunod din na sumurrender ang mga Espanyol sa Nueva Ecija.
05:33.4
Tatlong batalyon pa ang inorganize ni Del Pilar at tuluyan siyang itinaas ni Aguinaldo sa ranggong general.
05:41.4
Nasaan siya sa mga pinakabatang general noong panahon ng revolusyon?
05:45.4
Ang pinakabata ay si General Manuel Tinio.
05:48.4
May tuturing si Goyo na crush ng bayan.
05:51.4
Gwapo, matalino, bata at higit sa lahat, general.
05:56.4
Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya?
05:59.4
Kung hindi nga daw siya namatay ng maaga, ay baka natalo niya pa si Rizal sa dami ng kanyang girlfriend.
06:05.4
Elegante ang kanyang tindig at maayos.
06:08.4
Suot ang pinakamagandang boots at nakasakay sa puting kabayo.
06:12.4
Bawat bayan na madaanan niya ay meron siyang miniligawan.
06:16.4
Ayon nga sa isang TV host, Instagramable ang mga posts ni Goyo noon sa kamera.
06:22.4
Ngunit hindi lahat kay Del Pilar ay maganda.
06:25.4
Ang hindi alam ng lahat ay mahilig si Goyo sa mga pamahiin.
06:29.4
May dala siyang mga anting-anting at minsan ay pinagutos na huwag pakialaman ang isang simbahan.
06:35.4
Matapos hindi lumubog sa ilog ang batong pinakuha niya mula rito.
06:40.4
Tinawag rin ni Jose Alejandrino si Goyo na mayabang.
06:44.4
Noong inauguration ng Congress of Malolos,
06:47.4
sakay ng kanyang kabayo sa gitna ng plaza at sa harap ng presidente at Congress of Malolos
06:54.4
ay sinigawan ng batang general si General Isidoro Torres.
06:58.4
General Torres, kapag utos ni General Del Pilar, wala kang pakialam. Maliwanag!
07:04.4
Malamang ay narinig niyo ang liniyang ito sa pelikulang Goyo, The Boy General.
07:09.4
Ayon kay Alejandrino, magkatabi lamang ang bayan kung saan nakakampo si Del Pilar at Luna
07:15.4
ngunit ni Minsan ay hindi ito lumapit sa general at tanging sa president lamang tumatanggap ng utos.
07:22.4
Hindi lang dito nagtatapos ang hindi pagkakasundo ni General Luna at Del Pilar.
07:27.4
Sa sobrang pagiging malapit ni Emilio Aguinaldo at General Del Pilar sa isa't isa,
07:32.4
inutusan ni Aguinaldo si Del Pilar na hulihin si Luna, dead or alive, dahil sa salang treason.
07:39.4
Noong June 4, 1899, bago lisani ni Aguinaldo ang Nueva Ecija upang pumunta sa Angeles.
07:47.4
Sinunod ito ni Del Pilar at pumunta ng Pangasinan kung saan nakakampo si Luna
07:52.4
ngunit nahuli na siya dahil nakalis na ang general patungong Nueva Ecija at napatay sa Kabanatuan.
08:00.4
Ayon sa journalist at national artist na si Nick Joaquin, kung hindi lang dahil sa distansya,
08:06.4
malamang ay isinulat sa ating kasaysayan si Goyo bilang sala rin sa pagkamatay ni Luna.
08:12.4
Siya rin ang napagutusang hulihin sina Jose at Manuel Bernal, ang aide de camp ni Luna.
08:18.4
Tinuro sila ng nakababatang kapatid nito sa dagupan sa bahay ng mga nable Jose.
08:24.4
Dito niya nakilala si Remedios Nable Jose, ang kanyang huling pag-ibig.
08:30.4
Nanatili sa dagupan si Del Pilar sa loob ng limang buwan mula June 7 hanggang November 1899.
08:38.4
Naging tahimik ang limang buwan ngunit sa halip na gamitin ito sa paghahanda para sa pagsalakay ng mga Amerikano,
08:45.4
naging abala sa mga fiesta at pag-ibig si Goyo.
08:49.4
November 1899, napasakamay ng mga Amerikano ang Tarlac.
08:54.4
Tumahakas ang Republika papuntang Bayambang patungong Santa Barbara.
08:58.4
Ilang linggong naglakbay ang grupo ni Goyo kasama ang presidente at pamilya nito hanggang sa makarating sa bayan ng Concepcion.
09:06.4
Inakyat nila ang kabundukan ng Mount Tirad at bumaba sa komunidad ng Angake kung saan sila nagpahinga ng isang linggo.
09:14.4
Noon ay wala nang maisip na paraan si Del Pilar kung hindi gumawa ng plano upang bigyan ng panahon ang pagtakas ni Aguinaldo sa mga Amerikano na ngayon ay nakahabol na sa kanila.
09:28.4
Dito tinipon niya ang 60 na sundalo mula sa dating army ni Luna at sariling grupo upang magbukay ng trench sa Tirad Pass
09:37.4
para pansamantalang mapigilan ang mga Amerikanong sundalo habang tumatakas ang Republika.
09:44.4
Alam ni Del Pilar ang pangalim na kaakibat ng kanyang misyon.
09:48.4
Isinulat niya sa kanyang diary noong December 2, ilang oras bago siya mamatay.
09:54.4
Pina sa ilalim sa akin ng general ang isang platoon ng mga sundalo at inutosan akong ipagtanggol ang pasong ito.
10:01.4
Alam ko na hindi magiging madali ang trabahong ibinigay sa akin.
10:05.4
Gayunpaman, pakiramdam ko ay ito na ang pinakamaluwal hating sandali ng aking buhay.
10:11.4
Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa inang bayan.
10:14.4
Wala nang mas hihigit pa na sakripisyo.
10:17.4
Tinuring na impregnable ang Tirad Pass dahil sa hirap nitong akyatin.
10:21.4
Kita mula sa posisyon nila Del Pilar ang bawat galaw ng kalaban kaya't naniwala siyang mananalo ang grupo.
10:28.4
December 2, 1899.
10:31.4
Nagganap ang labanan sa pagitan ng 60 na sundalo ni Del Pilar
10:35.4
laban sa humingkit limang daang sundalo mula sa 33rd Volunteer Infantry Regiment sa ilalim ni Major Peyton C. March.
10:44.4
Sinubukan ng mga Amerikano na akyatin ang Tirad,
10:47.4
ngunit hindi sila makalusod dahil sa pagpapaulan ng balang ng mga Pilipino mula sa taas.
10:54.4
Isang Pilipino na nanggangalang Honorio Gallo
10:57.4
ang nagbigay ng direksyon sa mga Amerikano sundalo kung paano akyatin ang buntok.
11:02.4
Noong nakarating sila sa tuktok,
11:04.4
nagkaroon sila ng maayos na posisyon upang ipitin ang mga sundalong Pilipino.
11:09.4
Isa-isang natumba ang mga sundalo ni Del Pilar.
11:13.4
Umabot lamang ng 6 na oras ang inkwento.
11:16.4
Sa 60 na sundalo, 8 lamang ang nakaligtas at 52 ang namatay, kabilang na si Del Pilar.
11:24.4
Taliwas sa kwento na namatay si Goyo habang sakay ng kanyang kabayo.
11:28.4
Namatay ang batang Heneral dahil hindi ito nakinig sa payo ng kanyang mga kasamahan.
11:34.4
Ayon sa testimonya ng kaibigan at aide de camp ni Del Pilar na si Vicente Enriquez,
11:40.4
mula sa tuktok kung nasaan ang upper trench ay natanaw ni Enriquez ang mga Amerikano.
11:45.4
Nang malaman na maaaring makita ang mga kalaban mula sa anggulong ito,
11:49.4
ay agad na tumungo si Del Pilar sa pinanggalingan ni Enriquez.
11:53.4
Pagkadating ay muling narinig nila Enriquez ang putukan.
11:57.4
Sumenya sa mga sundalo kay Del Pilar na halos nasa taas na nila ang mga Amerikano
12:02.4
kung kaya't ipinagutos niya munang magtigil sa pagpaputok.
12:06.4
Habang nakatayo mula sa tuktok ng bundok ay sinubukan ni Goyo na pag-aralan ang mga kalaban sa baba.
12:12.4
Habang ginagawa niya ito ay tinamaan siya ng bala mula sa likod.
12:17.4
Isa pang testimonya ay nagmula kay Telesforo Carrasco,
12:20.4
nakasama rin ni Del Pilar sa labanan at ang nag-escort kay Aguinaldo sa Cervantes.
12:26.4
Namatay si Del Pilar habang nakatayong pinagaaralan ang mga kalaban sa baba.
12:31.4
Pinagutos niya ang tigil putukan.
12:33.4
Sa mga oras na ito ay sinabihan siya ni Carrasco na mag-ingat sapagkat nanganganib ang kanyang buhay
12:40.4
habang inaabutan siya nito ng carbine, isang uri ng baril.
12:44.4
Dito ay bigla na lamang tinamaan ng bala mula sa likod ang general.
12:48.4
Nang matagpuan ng mga Amerikano ang labi ni Goyo, ay kinuha nila lahat ng pagmamayari nito.
12:54.4
Mga alahas na laging niyang dala, uniforme at maging ang sulat ng kanyang huling pag-ibig.
13:00.4
Tanging underwear na lang ang natira sa kanyang damit.
13:03.4
Ilang buwan na ang makalipas, sumorender si Aguinaldo sa mga Amerikano at nanumpa sa bandila ng Amerika.
13:10.4
Sa kabila ng kanyang mga kamalian, naging matapang si Goyo sa pagtatanggol sa Republika.
13:16.4
Ang aral mula sa kwentong ito ay kailangan nating tingnan ang mga itinuturing nating bayani bilang tao na may kahinaan,
13:23.4
may mga sikreto at pagkakamali.
13:26.4
Sa ganitong paraan lamang nungus nating maiintindihan ang kasaysayan nating mga Pilipino.