Close
 


Bakit si ALEXANDER THE GREAT ang Pinaka Mahusay na Heneral sa Kasaysayan
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Si Alexander the Great ang tinaguriang pinakamahusay na military general sa kasaysayan. Paano nga ba niya ito nagawa? Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #history #war #world
Moobly TV
  Mute  
Run time: 11:52
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
May malaking pagsabog na sinundan ng kidlat, na tulala si Queen Myrtale habang pinagmamasdan itong tumama sa kanyang tiyan bago kumalat ang apoy sa paligid at mawala.
00:11.0
Lingid sa kanyang kaalaman, si King Philip ay nananaginip rin na sinelyuhan niya gamit ang imahe ng leon ang tiyan ng Reyna. Ngayon, ang unang gabi nila bilang mag-asawa,
00:21.0
ngunit napagtanto nila na hindi magiging ordinaryo ang kanilang anak, na isulat na ang kanyang kapalaran at siya ay magiging magiting.
00:29.0
Si King Philip II ang hari ng Macedonia, lupain sa norteng bahagi ng Greece na tinaguri ang rising power dahil sa lakas ng hukbong sandatahan nito.
00:40.0
Bagamat siya ay 28 taong gulang na, hindi siya nagdalawang isip na pakasalaan ang nooy 18 taong gulang na si Myrtale mula sa kahariyan ng Epirus.
00:50.0
Isa lamang ang nais niya ngayong gabi. Ito ay ang makabuo ng kanyang tagapagmana upang patakbuhin ang lumalawak niyang kahariyan.
00:58.0
At hindi siya nabigo, dahil sa mga oras na ito ay ibinigay sa kanya ang kanyang hinihiling.
01:04.0
Noong araw na ipinanganak ang tagapagmana ay may tatlong balitang natanggap si King Philip.
01:09.0
Una ay nanalo ang kanyang general na si Parminion sa isang labanan.
01:13.0
Pangalawa, nanalo sa Ancient Greek Olympics ang kanyang mga kabayo. Dahil dito ay pinangalanan na Olympias ang rey ng si Myrtale.
01:21.0
Sa araw na rin na ito ay nasunog ang templo ni Artemis sapagkat umalis daw ito upang saksihan ang kapanganakan ng tagapagmana ni King Philip.
01:30.0
Ang bata ay walang iba kundi si Alexander III, ang tinaguriang pinakamahusay na military general sa kasaysayan.
01:38.0
Ngunit paano niya ito nagawa?
01:40.0
Pinanganak sa Pella, ang capital city ng Macedonia noong 1356.
01:44.0
Lumaki si Alexander sa paniniwala na nagmula siya sa angkan ng mga magigiting na heneral at sundalo.
01:50.0
Ang kanyang ina ay sinasabing apo ng magigiting na bayani na si Achilles, at ang kanyang ama naman ay kamag-anak ng demigod na si Hercules.
01:59.0
Bukod dito ay sinasabi rin na bago pa ikasal si Myrtale o Olympias kay Philip II, ay buntis na ito sa anak nila ni Zeus, ang hari ng mga Greek gods.
02:09.0
Kaya naman ganun na lamang ang kanilang panaginip.
02:12.0
Gayunpaman, pinalaki si Alexander bilang tagapagmana ng Macedonia.
02:17.0
Bata pa lang ay nakitaan na siya ng angking katapangan.
02:20.0
Isang araw ay may isang stallion na ibinigay sa kanyang amang hari.
02:24.0
Wala ni isa sa mga sundalo o pinakamagaling nahinente ng kanyang ama ang nakapagpaamo rito.
02:30.0
Agad na nakuha ng kabayong atensyon ng noon ay labindalawang taong gulang na si Alexander.
02:35.0
Tumayo ang prinsipe at ipinahayag na siya ang makakapagpaamo sa kabayo.
02:40.0
Pinagtawanan lamang siya ng ama at ng mga opisyal, hinamon ni Haring Philip ang anak na patunay ng kanyang sinasabi.
02:48.0
Hindi naman ito inatrasan ni Alexander.
02:50.0
Pigil-hinga siyang pinanood ng mga opisyal, sundalo at ng sariling ama.
02:54.0
At tama nga, si Alexander lang ang nakapagpaamo sa itim na stallion.
02:59.0
Matapos makita ang galing nito sa pangangabayo, ay biglang humiyaw si King Philip.
03:05.0
Anak, maghanap ka ng kaharyaan na mas nararapat sa isang magiting nakagaya mo.
03:10.0
Dahil ang Macedonia ay masyadong maliit para sa iyo.
03:14.0
Pinangalanan ni Alexander ang kabayo na Bucephalus.
03:17.0
Ang kabayong ito na ang makakasama niya sa halos lahat ng digmaan.
03:21.0
Kalaunan ay ipapangalan niya dito ang syudad kung saan namatay si Bucephalus.
03:27.0
Sa kabila ng kanyang galing na pagtanto ni King Philip na ang tingin pa rin sa kanila ng mga taga-Greece,
03:33.0
lalo na ng mga taga-Athens ay mga barbaro dahil sa kanilang pagsasalita.
03:38.0
Nais ni King Philip na gawing ganap na Greek si Alexander upang hindi siya maliitin ng mga taong pinamumunuan niya.
03:45.0
Sa edad na 13 hanggang 16 ay nagpatuloy siya sa pag-aaral kasama ang anak ng mga aristokrat ng Macedonia
03:52.0
sa ilalim ng guru at Greek philosopher na si Aristotle.
03:56.0
Habang nag-aaral ay dito na natagpuan ni Alexander ang mga magiging kaibigan at kasama sa digmaan.
04:02.0
Isa sa pinakamatalik niyang kaibigan ay si Hephaestion na pinaghinalaan din na naging male lover ng prinsipe.
04:09.0
Nung siya ay 16 na taong gulang na, sinundo na siya ng kanyang ama sa paniniwalang handa na si Alexander na mamuno.
04:17.0
Pansamantala siyang naging regent of Macedonia upang makaalis si King Philip at may pagpatuloy ang pagsakop sa buong Greek peninsula.
04:26.0
Kasagsagan ng kanyang pamamahala nang umatake ang mga meidi, ang grupo ng tao mula sa Thrace, Greece.
04:32.0
Tinipo ni Alexander ang natitirang sundalo ng ama sa Macedonia at tinalo ang mga ito.
04:38.0
Pinatawag ni King Philip si Alexander pagkatapos ng labanan upang tulungan siya natalunin ang nagsanipwersa mga city-state ng Greece.
04:47.0
Sa Battle of Chaeronea, unang naging leader ng cavalry si Alexander.
04:51.0
Sa tulong niya ay natalo nila ang pinakamalakas na hukbong sandatahan sa panahon ito, ang hukbo ng mga thieves.
04:58.0
At napatay ang 150 pairs of male lovers o tinatawag na sacred band of thieves at tuluyan nang ang nasakop ni King Philip ang buong Greece.
05:08.0
Si Alexander ang tinaguri ang Hero of Chaeronea at pagkatapos ng labanan ay nanatili siya sa Athens at nakipagkasundo sa mga Athenians.
05:17.0
Ito ay strategy ni King Philip sapagkat kailangan niya ang hukbo ng Athens para sa kanyang planong pagsakop sa noon ay pinakamalaki at malawak na imperyo sa buong mundo, ang Persia.
05:29.0
Hindi nagtagal ay natanggap ni Alexander ang liham mula sa inang si Olympias na nagsasabing diniborso na siya ni King Philip upang magpakasal sa isang aristokrat na babae mula sa Macedonia.
05:40.0
Ito ay dahil sa paniniwala ng mga taga-Macedonia na dapat ang tagapagmana ay purong Macedonian at ang reyna ay hindi tagaibang kaharihan.
05:49.0
Si Olympias ay mula sa Epirus kaya't agad niyang nadama na nanganganib ang kanyang pwesto at maging ang kasiguraduhan na si Alexander ang magiging susunod na hari.
05:59.0
Mula pagkapanganak ay sinigurado na ni Olympias na sa anak mapupunta ang trono. Nilaso niya ang kapatid ni King Philip upang hindi ito maging banta.
06:08.0
Ngunit ngayon na magkakaroon na ng bagong reyna at pusibling tagapagmana na purong Macedonian na paniguradong papanigan ng lahat, tiyak na wala ng kapangyarihan si Olympias.
06:19.0
Pansamantalang umalis ang mag inapatungong Epirus, ngunit bumalik din agad sa Macedonia si Alexander.
06:25.0
Sa mismong selebrasyon matapos ang kasal ni King Philip sa bago nitong asawa na si Cleopatra Eurydice,
06:32.0
Tumayo ang tiyuhin ng bagong reyna at matalik na kaibigan ni King Philip na si Atalus at nagsabing,
06:45.0
Uminit ang ulo ni Alexander sa narinig sapagkat parang pinapalabas na siya ay hindi totoong tagapagmana.
06:51.0
Binato niya ang hawak na baso ng alak sa general at sinagot ito,
06:56.0
Tingin mo ba sa akin na isang bastardo?
06:58.0
Uminit din ang ulo ng looy-lasing na King Philip at sinubukang huguti ng kanyang espada upang saktan si Alexander.
07:05.0
Ngunit sa labis na kalasingan ay natumba ito bago paman makalapit sa prinsipe.
07:10.0
Tinuro ni Alexander ang ama at sinabing,
07:13.0
Ito ba ang lalaking pupunta patungong Asia? Paano niya ito gagawin?
07:17.0
Ni hindi nga niya kaya maglakad para lumipat ng sofa.
07:20.0
Taong 336 BC, sa mismong salu-salup pagkatapos ikasalang kapatid ni Alexander na si Cleopatra,
07:27.0
sa tiyuhin nito na hari ng Epirus ay pinatay si King Philip ng kanyang mismong bodyguard.
07:32.0
Nahuli ang pumatay, bagamat pinaghihinalaan na si Olympias talaga ang may gawa nito.
07:38.0
Hindi naman nakapagtataka na matapos mamatay ni King Philip ay pinapatay rin ni Olympias si Cleopatra Eurydice,
07:44.0
ang bagong reyna at maging ang anak nito.
07:47.0
Sinigurado naman ni Alexander na wala ng ibang hahadlang sa kanyang pag-angkin sa trono.
07:52.0
Pinatay niya ang mga maaaring maging banta sa pwesto at tinultukan ang mga rebeliyon sa iba't ibang bahagi ng Greece.
07:59.0
Matapos linisi ng kahariyan, sinimulan na niya ang tuparin ang pangarap ng ama,
08:04.0
ang masakop ang mortal na kaaway ng Greece noon pa, ang Persian Empire.
08:09.0
Sa edad na dalawampu ay nagsimula ang paglalakbay ni Alexander habang iniwan ang pamamahala sa Macedonia,
08:15.0
sa matalik na kaibigan ng ama na si Antipater.
08:18.0
Sinakop ni Alexander ang Phoenicia,
08:21.0
pinasok ang Egypt at itinatag ang siyudad ng Alexandria,
08:25.0
na siyang naging tahanan ng pinakamalaking koleksyon ng libro sa siyensya, medisina at filosofiya noong panahong ito.
08:32.0
Napasakamay niya rin ang Mesopotamia at tuluyang natalo ang hukbo ng Persia, kasalukuyang Iran.
08:39.0
Hindi siya tumigil dito at nagpatuloy pa hanggang India.
08:43.0
Ngayon ay nasakop na niya ang halos kabuuan ng kinikilalang mundo sa panahong ito.
08:49.0
Ngunit kahit minsan ay hindi natalo si Alexander.
08:52.0
Palagi siyang nananalo sa labanan dahil dito ay tinagurian siyang pinakamahusay na military general sa kasaysayan.
09:00.0
Pagkadating ng kanyang hukbo sa India ay nagsimula na silang magreklamo.
09:05.0
Halos sampung taon na rin ang inabot ng kanilang paglalakbay at lahat sila ay pagod na at gusto nang umuwi sa Macedonia.
09:12.0
Gustuhin man ni Alexander na magpatuloy ay wala na rin siyang nagawa at nagsimula na silang maglakbay pabalik.
09:19.0
May lawak na 3,000 milya ang kabuuan ng kanyang kahariyan na pa sa ilalim niya ang Egypt, Mesopotamia, Greece at napabagsakang Persia.
09:29.0
Lahat ng ito ay nangyari nang siya ay nasa edad na 20 hanggang 32 taong gulang lamang.
09:35.0
Sa kanyang paglalakbay pabalik kay nagkasakit si Alexander.
09:38.0
Sa pagmamadali na gumaling ay inabuso niya ang paginom ng gamot na naging sanhi ng paglala ng kanyang karamdaman.
09:45.0
Binawian siya ng buhay sa Babylon noong 323 B.C. sa edad na 32.
09:52.0
Hindi na siya nakauwi at naging palaisipan kung saan inilibing ang kanyang bangkay.
09:57.0
Namatay si Alexander habang pinagbubuntis pa lamang ng kanyang paboritong asawa na si Roxanne ang kanilang anak.
10:04.0
Hindi rin niya nahabili ng maayos ang kahariyan.
10:07.0
Ito ang naging sanhi upang mag-away-away ang kanyang mga heneral sa kung sino ang susunod na magiging hari.
10:13.0
Sa huli ay pinaghatihan nila ang kahariyang nabuo.
10:16.0
Si Lysimachus sa Asia Minor, Casander sa Macedonia at Greece, Ptolemy I sa Egypt.
10:23.0
Siya ang nagsimula sa Ptolemic Dynasty sa kanyang angkan magmumula sa Cleopatra VII ng Egypt.
10:29.0
Si Seleucus I ni Cator naman ang namahala sa Seleucid Empire sa Mesopotamia, Levant at bahagi ng India.
10:38.0
Hindi naman nabigyan ng pagkakataon ng anak niya na si Alexander IV na mamuno.
10:43.0
Pinapatay ito kasama ang inang si Roxanne at ang lola na si Olympias.
10:48.0
Ngunit bakit nga ba itinuring na The Great si Alexander?
10:52.0
Una na dito ay ang lawak ng imperyo na nabuo niya.
10:55.0
Nagawa niya ang pagisahin at pagsamahin ng iba't ibang lupain.
10:58.0
Dahil dito ay nagkaroon ng cultural trade, ito ay ang pag-import at export ng mga cultural goods na nakakapagpaunlad sa isang lugar.
11:06.0
Siya rin ang naging dahilan upang lumaganap ang filosofiya at kulturang Griego kung saan nagmula ang karamihan sa ating kasalukuyang pananaw.
11:14.0
Kabilang na ang demokrasya.
11:16.0
Naging inspirasyon siya ng mga leader sa Europa, particular na ni Napoleon Bonaparte.
11:21.0
Malaki ang naging influensya niya sa pagbuo ng kasaysayan ng ating mundo.
11:25.0
Ang kanyang pananakop ang nagbigay daan sa paglaganap ng kaalaman sa siyensya mula sa Greece patungo sa mga Arab at mula Europe patungo sa iba't ibang bansa na sinakop ng European countries kabilang na ang Pilipinas.
11:46.0
Tapos tapos din ang notification bell.