Close
 


PAANO NAGING PRESIDENTE NG RUSSIA SI VLADIMIR PUTIN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Don't forget to Subscribe: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #mooblytv
Moobly TV
  Mute  
Run time: 06:58
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Paano naging Russian President si Vladimir Putin?
00:03.6
Napakainit ngayon nang usapin tungkol sa Russia at Ukraine.
00:07.0
Sa balita, makikita kung paanong sunod-sunod na inatake ng Russia ang Ukraine.
00:11.6
Dito mas lumutang ang pangalan ni Russian President Vladimir Putin.
00:16.0
Halos dalawang dekada nang nakaupong presidente si Putin
00:19.8
at isa siya sa mga pinakamagkapangyarihan at kinatatakutang lider sa buong mundo.
00:24.6
Bakit kaya? At saan nga ba nagmula si Putin?
00:28.4
Isinilang si Putin noong 1952 sa Leningrad USSR.
00:32.2
Siya ay nag-aral ng abugas siya sa Leningrad State University.
00:36.0
Isa sa kanyang tutor at mentor ay si Anatoly Sobchak
00:39.8
na co-author ng Constitution of the Russian Federation.
00:43.2
Sa loob ng halos labing-anim na taon,
00:45.4
siya ay nagsilbi bilang Foreign Intelligence Officer sa KGB o Committee for State Security.
00:51.2
Kasama na dito ang kanyang anim na taon na paglilingkod sa Dresden, East Germany.
00:56.4
Ang KGB ay parang CIA sa Russia na isang Soviet-era agency.
01:01.0
Ito ay simbolo ng Cold War na naging focus din sa mga spy novels at movies sa United States.
01:07.0
Sa taon 1991, nagletiro si Putin sa kanyang aktibong serbisyo sa KGB bilang lieutenant colonel.
01:13.8
Bumalik si Putin sa Russia para maging member ng Active Reserve
01:18.0
sa International Affairs Section ng Leningrad State University.
01:21.8
Matapos nito, naging advisor si Putin ni Sobchak ang pinakaunang nahalal na mayor sa St. Petersburg.
01:29.0
Sa sobrang tiwalan ni Sobchak kay Putin,
01:31.4
siya ang naging kanang kamay nito at naging pinakaunang deputy mayor noong 1994.
01:37.4
Imagine, dating deputy mayor, ngayon ay isa ng presidente.
01:42.4
Di lang basta presidente, kundi isa sa mga pinaka kinatatakutan na leader sa buong mundo.
01:49.0
Pero syempre, meron ding tao na nakapagpapalambol sa puso ng isang leader na gaya ni Putin.
01:54.8
Noong 1983, ikinasal si Putin sa isang flight attendant na si Lyod Mila.
02:00.2
Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng dalawang anak, si na Maria at Katerina.
02:05.2
Ngunit nag-divorce din sila noong 2013.
02:07.8
Meron ding balibalita na may anak si Putin sa dating Russian gymnastics champion na si Alina Kabaeva.
02:13.8
Taong 1996, lumipat si Putin sa Moscow.
02:17.4
Siya ay pumasok bilang deputy ng chief administrator ng Kremlin na si Pavel Borodin.
02:23.0
At dahil naging malapit siya kay Leningrader Anatol Chubayes, siya ay napromote sa administrative position.
02:29.6
Taon-taon, tumataas ang posisyon ni Putin.
02:32.6
Noong 1998, ginawa siyang director ng Federal Security Service ni President Boris Yeltsin.
02:38.8
Ilang buwan lang ang nakalipas, siya ay naging secretary ng Security Council.
02:43.0
Noong 1999, inapoyin siya ni Yeltsin bilang prime minister ng Russia.
02:48.8
Nang siya ay maupo bilang prime minister, tumaas ang kanyang public approval ratings.
02:53.2
Matapos niyang ayusin ang military operation ng bansa, laban sa mga rebelde, nang check niya.
02:58.8
Nagustuhan ng publiko ang kanyang pagiging leader at kung paano siya gumawa ng desisyon under pressure.
03:04.4
1999, nang biglang nag-resign si Yeltsin at si Putin ang naging acting president.
03:10.2
At dahil kuha na ni Putin ang publiko, hindi siya nahirapan at nanalo noong March 2000 elections na mayroong halos 53% na boto.
03:19.4
Ang pagsugpo sa korupsyon at matibay na ekonomiya ang kanyang pangako sa Russia.
03:24.8
Dito na ginawa ni Putin ang napakadaming reforma sa Russia.
03:28.6
Pagkaupo sa pwesto, agarang kinuha ni Putin ang kontrol at kapangyarihan sa 89 regions at republics ng Russia.
03:35.6
Nahati din ito sa pitong bagong federal districts.
03:38.6
Bawat distrito ay mayroong representative na inappoint ni Putin.
03:42.2
Tinanggal naman niya ang karapatan ng mga regional governors na umupo sa federation council, ang upper house ng Russian parliament.
03:49.2
Isa sa mga binigyang pansin ni Putin ay ang mga tinatawag na oligarchs sa kanilang bansa.
03:54.2
Ito ang mga mayayaman at mga tycoons sa kanilang bansa gaya ng mga malalaking media outlets.
03:59.8
Tahas ang ipinasara ni Putin ang mga media outlets na ito at siya din ang nagpasimula ng mga criminal proceedings sa mga matataas na tao.
04:07.8
Marami ding hinarap na mahihirap na sitwasyon si Putin.
04:11.2
Gaya na lang ng terrorist attacks sa isang theater sa Moscow na pinangunahan ng mga rebelde mula sa Chechnya at mga guerilla attacks laban sa mga Russian troops.
04:20.2
Noong 2002, idineklara ni Putin na tapos na ang military campaign pero mataas pa rin ang bilang ng mga namamatay.
04:27.8
Kilala din si Putin na hindi takot sa Estados Unidos.
04:31.2
Noong 2001, mariing kinontra ni Putin ang disisyon ni U.S. President George W. Bush na ipawalang visa ang 1972 Anti-Ballistic Missile Treaty.
04:41.2
Bilang tugun sa September 11 attacks sa U.S. noong 2001, nakipagtulungan ang Russia sa isang U.S.-led campaign laban sa mga terorista.
04:49.4
Ilan sa mga ginawang tulong ng Russia ay ang pagpapagamit nila ng kanilang airspace para sa mga in-search and rescue operations at para sa humanitarian purposes.
04:59.0
Lumaban din si Putin kasama sinang German Chancellor Gerhard Schroeder at French President Jacques Chirac noong 2002 to 2003 sa U.S. at British plans na gumamit ng dahas para mapatalsik sa pwesto si Saddam Hussein sa Iraq.
05:13.4
Kapansin-pansin naman ang pag-angat ng ekonomiya ng Russia noong 1990s, kaya't hindi naging mahirap para sa kanya na maupo ulit sa pwesto noong March 2004.
05:23.4
Taong 2007, marami ding pwesto ang naipanalo ng kanyang partido na United Russia, pero kinuestion naman ng mga international observers at ng Communist Party of the Russian Federation ang resulta ng eleksyon.
05:36.4
At sa isang constitutional provision na nagpapababa kay Putin sa pwesto noong 2008, sinundan siya ni Dmitry Medvedev.
05:44.4
Pero hindi nawala sa eksena si Putin. Dahil sa power switching operation, siya ay naitalaga naman bilang Prime Minister.
05:51.4
Apat na taon ang nakalipas na ihalal siyang muli bilang Pangulo. Taong 2018, nakuha din niya ang kanyang ikalawang re-election.
05:59.4
Sa loob ng halos dalawang dekada, nasigurado ni Putin na hawak niya sa kanyang kamay ang kapangyarihan hindi lang sa gobyerno kundi maging sa korte at media.
06:10.4
Isang kumpas lang niya ay mapapakulong niya ang isang opposition na politiko, journalists o kahit nasino.
06:17.4
Maging ang pagiging malaya sa impormasyon o internet ay ipinagbabawal din ni Putin.
06:22.4
Ang mas nakakatakot pa dito, pumirma si Putin ang executive order na nagpapahintulot sa kanya na tumakbo para sa dalawang karagdagang anim na taong termino.
06:32.4
Sa gitna ng mga isyo ng human rights, mga gyera at paglabag sa rule of law, isa bang efektibo at magaling na leader si Vladimir Putin para sa iyo?
06:52.4
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.