Close
 


Paano Nahanap Ng CIA Si Osama bin Laden
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Part 2 - Paano Napatumba Ng SEAL Team Si Osama bin Laden: https://youtu.be/WVfYBoRcg9Y Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Merch: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Wag kalimutang mag subscribe para laging update sa mga bagong videos: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #military #wanted #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 19:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Abu Tabad, Pakistan. May naglalakad na lalaki sa isang maputik na kalsada. Maya-maya pa ay dumating na siya sa isang malaking compound at pumasok. Tila isang normal na araw lang ito para sa lalaki. Pero lingid sa kanyang kaalaman, may nagmamasid sa kanya at ito ang hudyat ng katapusan niya.
00:20.0
Ang lalaki ay miyembro ng isang terrorist group at ang binadalaw niya sa loob ay ang pinakakilala at pinakakinatakotang terorista sa kasaysayan. Walang iba kundi si Osama Bin Laden. Sa videong ito, pag-uusapan natin ang origin story ni Bin Laden at ang isang dekadang manhunt sa kanya.
00:41.0
Ipinanganak si Osama Bin Laden noong March 1957 sa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ang pang-17th sa 52 na anak ni Mohammed Bin Laden, isang immigrant mula sa Yemen na nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company sa buong kingdom ng Saudi.
01:06.0
Sa madaling salita, lumaki si Bin Laden sa isang napakayaman na pamilya. Bata pa lang ay isa ng devoted Muslim si Bin Laden. Para sa kanya, higit pa sa isang relisyon ang Islam.
01:18.0
Habang nag-aaral sa college, naging idolo ni Bin Laden ang radical pan-Islamist scholar na si Abdullah Azam. Para kay Azam, kailangang magsagawa ng jihad o holy war ang bawat Muslim sa mundo upang makagawa sila ng iisang Islamic State.
01:36.0
Nagustuhan ni Bin Laden ang ideyang ito at dito nagsimula ang kanyang galit sa impluensya ng western countries sa kanyang mga kapatid na Muslim.
01:46.0
Noong 1979, sinugod ng Soviet Union ang Afghanistan. Agad na nagpunta si Bin Laden sa Peshawar, isang syudad sa border ng Afghanistan, at sumali sa digmaan.
01:58.0
Ayon sa mga balita, hindi naman talaga lumaban si Bin Laden at sa halip ay tumulong sa mga financial needs ng rebels, syempre dahil mayaman naman sila.
02:08.0
Di nagtagal, nakapag-recruit na din sila ng mga radical na binata upang sumali sa grupong nagsasagawa ng jihad. Bumoo sila ng mga camps kung saan nag-training ang mga sundalo nila.
Show More Subtitles »