Close
 


Paano Nahanap Ng CIA Si Osama bin Laden
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Part 2 - Paano Napatumba Ng SEAL Team Si Osama bin Laden: https://youtu.be/WVfYBoRcg9Y Moobly Merch: https://www.lazada.com.ph/shop/moobly-merch Luna Sharpshooters Merch: https://www.lazada.com.ph/products/i3915082338.html Wag kalimutang mag subscribe para laging update sa mga bagong videos: http://bit.ly/8moobly SUBSCRIBE AND FOLLOW Facebook: https://www.fb.com/moobly.tv FB Group: https://www.fb.com/groups/moobly YouTube: http://bit.ly/8moobly Instagram: https://instagram.com/mooblytv #military #wanted #crime
Moobly TV
  Mute  
Run time: 19:02
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Abu Tabad, Pakistan. May naglalakad na lalaki sa isang maputik na kalsada. Maya-maya pa ay dumating na siya sa isang malaking compound at pumasok. Tila isang normal na araw lang ito para sa lalaki. Pero lingid sa kanyang kaalaman, may nagmamasid sa kanya at ito ang hudyat ng katapusan niya.
00:20.0
Ang lalaki ay miyembro ng isang terrorist group at ang binadalaw niya sa loob ay ang pinakakilala at pinakakinatakotang terorista sa kasaysayan. Walang iba kundi si Osama Bin Laden. Sa videong ito, pag-uusapan natin ang origin story ni Bin Laden at ang isang dekadang manhunt sa kanya.
00:41.0
Ipinanganak si Osama Bin Laden noong March 1957 sa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ang pang-17th sa 52 na anak ni Mohammed Bin Laden, isang immigrant mula sa Yemen na nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company sa buong kingdom ng Saudi.
01:06.0
Sa madaling salita, lumaki si Bin Laden sa isang napakayaman na pamilya. Bata pa lang ay isa ng devoted Muslim si Bin Laden. Para sa kanya, higit pa sa isang relisyon ang Islam.
01:18.0
Habang nag-aaral sa college, naging idolo ni Bin Laden ang radical pan-Islamist scholar na si Abdullah Azam. Para kay Azam, kailangang magsagawa ng jihad o holy war ang bawat Muslim sa mundo upang makagawa sila ng iisang Islamic State.
01:36.0
Nagustuhan ni Bin Laden ang ideyang ito at dito nagsimula ang kanyang galit sa impluensya ng western countries sa kanyang mga kapatid na Muslim.
01:46.0
Noong 1979, sinugod ng Soviet Union ang Afghanistan. Agad na nagpunta si Bin Laden sa Peshawar, isang syudad sa border ng Afghanistan, at sumali sa digmaan.
01:58.0
Ayon sa mga balita, hindi naman talaga lumaban si Bin Laden at sa halip ay tumulong sa mga financial needs ng rebels, syempre dahil mayaman naman sila.
02:08.0
Di nagtagal, nakapag-recruit na din sila ng mga radical na binata upang sumali sa grupong nagsasagawa ng jihad. Bumoo sila ng mga camps kung saan nag-training ang mga sundalo nila.
02:19.0
Dito na ipamalas ni Bin Laden ang kakaibang impluensya na meron siya bilang isang pinuno.
02:27.0
Dito rin niya napagtanto na posibli palang isagawa ang pan-Islamism o ang unity ng mga Muslim sa ilalim ng isang Islamic country.
02:36.0
Ibat-iba ang pagtanggap ng mga Muslim sa kakaibang plano ni Bin Laden.
02:41.0
May iba na sumuporta sa kanyang ipinaglalaban habang karamihan naman ay hindi sumangayon at kinundina ang kanyang ekstremismo.
02:50.0
Noong 1988, binuo ni Bin Laden ang Al-Qaeda. Layunin pa rin itong magsagawa ng jihad para sa pan-Islamism pero sa pagkakataong ito, hindi na military campaigns kundi terrorism acts na ang isasagawa ng grupo.
03:06.0
Noong una ay nagpunta si Bin Laden sa Saudi Arabia upang ituloy ang paghakot ng pera sa kanyang kakaibang misyon. Subalit, walang sumuporta kay Bin Laden.
03:17.0
Nang sumiklab ang Gulf War, pumingin ang tulong ang Saudi Arabia sa US na siyang mas nagpagalit pa kay Bin Laden.
03:25.0
Para sa kanya, ang presensya ng mga Amerikano sa kanyang holy land ay isang insurto sa kanyang relisyon kahit na andyan sila upang tumulong.
03:33.0
Ginusto niyang patunayan na ang kanyang grupong Al-Qaeda at hindi ang US ang tunay na pinakamakapangyarihan at nag-iisang hari sa mundo.
03:43.0
Noong 1992, unang umataki ang Al-Qaeda, nagpasabog sila ng isang bomba sa isang hotel sa Yemen kung saan maraming American troops ang nakatira.
03:53.0
Ang mga sundalong iyon ay papunta sa Sumalia para sa isang peacekeeping mission.
03:59.0
Noong 1993, nag-train si Bin Laden ng ilang Sumali rebels at binigyan sila ng mga armas.
04:05.0
Nakapatay ang mga rebels na ito ng 18 American servicemen sa Mogadishu.
04:10.0
Sa taon ding iyon, nangyari ang unang pagbomba sa World Trade Center sa Amerika.
04:16.0
May isang bomba ang sumabog sa parking garage ng building na siyang nakapatay ng anim na tao.
04:22.0
Ayon sa mga balita, ang mastermind ng bombing ay nag-train sa isang Al-Qaeda camp.
04:28.0
Noong 1995, isa na namang bomba ang sumabog sa isang military base sa Saudi kung saan pito ang namatay.
04:36.0
Matapos ang isang taon, isang truck bomb din ang nagpasabog sa Khobar Towers, isang military residence sa Daran.
04:44.0
Kayunpaman, sa mga panahon iyon, konti lang ang kumilala sa threat ng Al-Qaeda at ni Bin Laden.
04:50.0
Sa katunayan, umabot pa hanggang 1995 bago bumuo ang CIA ng isang Bin Laden unit na may codename na Alec Station.
05:00.0
Binubuo ito ng mga agents na may backgrounds analysis at operations.
05:05.0
Ang analysis department ang mag-iexamine ng kaso upang malaman nila ang mga posibleng gawin ng grupo sa mga susunod na taon.
05:12.0
Ang operations team naman ang magpupunta sa field upang magkolekta ng impormasyon at kumuha ng mga assets na pwedeng mag-espya sa Al-Qaeda.
05:22.0
Noong 1998, umatake na naman ang Al-Qaeda.
05:26.0
Gamit ng kanilang truck bombs, pinasabog ng grupo ang U.S. embassies sa Kenya at Tanzania.
05:32.0
Labindalawang Amerikano lang ang namatay pero dalawang daang locals ang nadamay at nabawian ang buhay.
05:39.0
May mga nakakakilala na sa pangalang Bin Laden pero hindi pa ito isang kilalang pangalan na tulad ng kina Pablo Escobar o Adolf Hitler.
05:48.0
Noong 2001, siniguro ni Bin Laden na makikilala na siya ng buong mundo.
05:54.0
September 11, 2001, nang hijack ang Al-Qaeda ng apat na aeroplano.
06:01.0
Dalawa sa mga planes na ito ang binanggan ng grupo sa World Trade Center sa New York.
06:08.0
Ito ang pinakamalaking atake na naranasan sa kanilang mainland pagkatapos ng Pearl Harbor.
06:14.0
May mga suicide bombers din na pumasok sa building upang masigurado na talagang mapapatumba nila ito.
06:20.0
Lahat ng mga pasahero ng aeroplano ay namatay.
06:23.0
Ayon sa mga datos, halos 3,000 katawang namatay sa kilalana natin ngayong 9-11 bombing.
06:31.0
Libu-libu pa ang nagtamu ng injury at mga long-term effects sa kanilang katawan.
06:35.0
Ang isa sa apat na aeroplano ay binanggan ng Al-Qaeda sa Pentagon, habang ang panghuli naman ay nag-crash sa isang field sa Pennsylvania.
06:45.0
Ayon sa mga balita, ang aeroplano nito ay dapat ibabanggan ng grupo sa U.S. Capitol, pero nabigo sila.
06:52.0
Matapos ang ilang buwan, situbukan na namang atakihin ng Al-Qaeda ang U.S. sa pamamagitan ng kanilang member na si Richard Raid.
07:00.0
Noong December 2001, sumakay si Raid sa isang flight mula sa Paris papunta sa Miami.
07:07.0
Ang hindi alam ng marami ay may plastic explosives pala siya sa kanyang sapatos na balak niyang pasabugin habang nasa aeroplano pa siya.
07:16.0
Sa kabutihan palad, nahuli siya ng isang attendant habang sinusubukan niyang sindihan ang fuse ng bomba.
07:23.0
Napigilan ng mga otoridad si Raid at dinagtagal ay nalaman din nila na miyembro pala ito ng Al-Qaeda.
07:30.0
Noong 2001 ay kilala na hindi lang ng U.S. kundi ng buong mundo si Bin Laden.
07:36.0
Agad siyang naging public enemy number one at nagkaroon ng $25 million bounty ang kanyang ulo dahil sa dami ng casualties sa ginawa niyang pagbomba.
07:47.0
Agad na umaksyo ng U.S.
07:49.0
Nagsagawa sila ng cruise missile attacks sa Sudan at Afghanistan upang targetin ang mga Al-Qaeda camps sa mga bansang ito.
07:55.0
Siyempre, gusto din nilang matamaan si Bin Laden sa kanilang mga pag-atake.
08:00.0
Sa kasamaang palad, hindi nila nahanap ang leader ng Al-Qaeda.
08:04.0
Naging mailap na si Bin Laden dahil alam niyang pinaghahanap na siya ng U.S.
08:08.0
at kung magiging kampante siya, mahuhuli rin siya sa cruise missile attacks sa Sudan at Afghanistan na tinatarget ang Al-Qaeda camps.
08:17.0
Noong March 2002, nagkaroon ng malaking breakthrough ang U.S. sa kaso ni Bin Laden.
08:22.0
Nahuli nila ang isa sa mga pinuno ng Al-Qaeda na si Abu Zubaydah.
08:27.0
Malaki ang contribution ni Zubaydah sa grupo dahil siya ang namamahala sa kanilang training camps.
08:33.0
Noong una ay hindi talaga nagsasalita ang terorista.
08:36.0
Subalit, matapos ang ilang hardcore interrogations, napilitan na itong ihayag ang mga sikreto at galaw ng Al-Qaeda.
08:44.0
Binuking ni Zubaydah ang mga plano ng Al-Qaeda, ang mga membro nito at ang kanilang iba't-ibang camps.
08:50.0
Dito na nagsimulang gumuho ang Al-Qaeda mula sa mga atake ng U.S.
08:56.0
Marami sa membro ng CIA Bin Laden group na Alex Station ang naging targeting officers.
09:02.0
Bawat isa sa kanila ay nakafocus sa isang mahalagang membro ng Al-Qaeda
09:07.0
at dahil dito dahan-dahan nang nahuhuli o napapatay ng U.S. ang iba't-ibang leaders sa ilalim ni Bin Laden
09:14.0
at isa na dito si Khalid Sheikh Mohammed.
09:16.0
Gayunpaman, hindi pa rin nila machempuhan ang pinakapinuno.
09:21.0
Pagkatapos mag-declare ng gera ang U.S. laban sa Al-Qaeda, nagpalipat-lipat ng tirahan si Bin Laden.
09:28.0
Tumitira siya sa isang safehouse sa Afghanistan ng ilang buwan at pagkatapos ay lumilipat na naman sa iba pang safehouse.
09:35.0
Doon siya nagtago sa mountain ranges ng Tora Bora, Pakistan.
09:39.0
Nang malaman nito ng U.S., agad nilang inatake ang lugar.
09:42.0
Tumagal ng dalawang linggo ang Battle of Tora Bora pero sa huli ay hindi pa rin nila nahuli ang mailap na leader ng Al-Qaeda.
09:50.0
Isa sa kanila mga tinarget ay ang Al-Qaeda leader na si Abu Musab al-Zarqawi.
09:56.0
Si Zarqawi ang pinuno ng Al-Qaeda present sa Iraq.
09:59.0
Marami siyang mga ginawang krimen tulad ng suicide bombings at ilang hostage executions.
10:05.0
Kakaiba si Zarqawi sa ibang mga Al-Qaeda leaders.
10:07.0
Hindi nakabase sa kanilang relisyon at jihad ang kanyang mga galaw.
10:12.0
Hindi rin siya katulad ng marami sa leaders na educated.
10:15.0
Gusto lang niyang maghasik ng lagim dahil natutuwa siya dito.
10:19.0
Kahit ilang beses na siyang pinagsabihan ni Bin Laden ay hindi pa rin siya sumusunod.
10:24.0
Kaya naman nagpadala si Bin Laden ang isa sa mga leader ng grupo sa pangalang Hassan Gul sa Iraq upang kontrolin si Zarqawi, na agad namang nalaman ng CIA.
10:34.0
Dinampot na mga otoridad si Gul upang i-interrogate.
10:38.0
At matapos ang mahabang interrogation, nasabi niya ang pangalang Abu Ahmed Al-Quaidi, na siyang courier ng grupo.
10:47.0
Isang mahalagang impormasyon ito para sa manhunt kay Bin Laden.
10:51.0
Pero alam na mga otoridad na ang Al-Quaidi na pangalan ay isa lamang alias, isang napaka-common na pangalan sa Middle Eastern.
10:59.0
Kumbaga sa Pilipinas, ang pangalang Ahmed Al-Quaidi ay pangarang Juan de la Cruz.
11:05.0
Pero hindi nagtagal ay nalaman din nila ang tunay na pangalan ng courier, si Ibrahim Said Ahmed.
11:12.0
Upang makasiguro, tinanong ng mga otoridad ang isa sa mga Al-Qaeda leaders na nasa custody nila, si Khalid Muhammad.
11:19.0
Namutla si Muhammad nang banggitin ang interrogator ang courier, at agad itong nag-deny sa importansya ng pangalan.
11:25.0
Doon nila nalaman na totoo at mahalaga ang impormasyon na nakuha nila.
11:30.0
Agad nilang hinanap si Ahmed, pero hindi nila ito hinuli kaagad at hinayaang gumalaw.
11:36.0
Nagmasid lang ang CIA sa mga galaw ni Ahmed hanggang sa nagpunta ito sa isang napakalaking compound sa Abbottabad.
11:44.0
Ilang taon din silang nagmasid kay Ahmed na pabalik-balik sa lugar na ito.
11:49.0
Kakaiba ang compound na ito.
11:50.0
Masyadong malaki, lalo na para sa lokasyon nito.
11:54.0
Halos eight times ang laki ng compound kumpara sa mga bahay na matatagpuan sa lugar.
11:59.0
May napakataas din itong bakud na may barbed wires na nakalagay sa ibabaw.
12:04.0
Halos isang buong fortress ang itsura ng compound.
12:08.0
Tila may binabahay itong importanteng bagay.
12:12.0
O baka isang importanteng tao.
12:14.0
Mataas ang bahay sa loob ng compound at makikita mo mula sa labas na may makapal na seven-foot wall ang pangatlong balcony nito na siyang pwedeng makatakip ng isang napakataas na tao kabilang na ang 6-4 na Sibinladen.
12:32.0
Isa pang kadudaduda sa compound na ito ay hindi nila nilalabas ang kanila mga basura upang kunin ang mga garbage trucks na katulad ng kanila mga kapitbahay.
12:41.0
Sahalip, sinusunog lang nila ito sa loob.
12:45.0
Dito na nagsuspecha ang mga otoridad na Sibinladen ang nagtatago sa compound.
12:50.0
Agad nilang sinurveillance ang lugar.
12:53.0
Sa mga sumunod na buwan, marami silang nakitang pumapasok at lumalabas mula sa compound.
12:59.0
Ilan sa mga ito ay mga kilalang Al-Qaeda members.
13:03.0
Pero hindi nila nakita mismo ang leader ng grupo.
13:05.0
Bago sila gumalaw, kailangan muna nila ng malakas na ebidensya.
13:10.0
Syempre, hindi sila pwedeng pumasok lang sa compound at hindi rin nila pwedeng itrap Sibinladen gamit ang electronic tactics dahil wala namang signal sa lugar.
13:20.0
Kung Sibinladen man ang nasa loob nito, sigurado sila na dala ni Sibinladen ang kanyang mga asawa at mga anak.
13:27.0
Kaya naman, ginamit nila ang kilalang doktor na si Dr. Shaquille A. Freeman.
13:31.0
At nakapasok ito sa compound.
13:34.0
Dahil mamimigay ito ng vaccination sa mga bata, nakakuha ng DNA samples si Dr. A. Freedie.
13:40.0
Pero hindi sigurado kung nagmatch nga ba ang samples sa mga hinahanap nila.
13:45.0
Pero marami sa mga CIA agents ang naniniwalang ito ang big break na hinihintay nila.
13:51.0
Na nahanap na nila ang pinagtataguan ni Osama Bin Laden.
13:55.0
Nagkaroon ng delays ng pag-aksyon sa kaso ni Bin Laden.
13:59.0
Nag-focus si President Bush sa gera sa Iraq.
14:02.0
At wala nang masyadong ingay ang ginagawang paghahanap sa mga Al-Qaeda members.
14:06.0
Lumipas ang ilang taon at naging tahimik na ang manhunt para kay Bin Laden.
14:11.0
Umatake ang grupo sa ilang parte ng mundo.
14:14.0
Pero hindi na sila nagkaroon ng isang matagumpay na major attack na katulad noong 9-11.
14:18.0
Naging tahimik din si Bin Laden.
14:20.0
Sa katunayan, marami ang naniniwala na patay na si Bin Laden.
14:24.0
May mga nagsasabing natamaan ito ang sa mga cruise bombings na ginawa ng U.S.
14:29.0
habang naniniwala naman ang ilan na namatay ito dahil sa isang kidney disorder.
14:34.0
Isang kwento na kumalat mula sa kampo ni Bin Laden.
14:37.0
May mga nilalabas man na video ang Al-Qaeda ni Bin Laden
14:40.0
pero matagumpay nila ang iyong mga bantayan na kaso na binabatay.
14:44.0
May mga nilalabas man na video ang Al-Qaeda ni Bin Laden
14:48.0
pero marami ang naniniwala na body doubles lang ito.
14:51.0
Kayunpaman, itinuturing pa ring threat ng CIA si Bin Laden
14:56.0
at nagpatuloy lang ang kanilang pagmamasid sa compound.
14:59.0
Noong 2009, pinalitan ni Barack Obama si George W. Bush bilang presidente.
15:05.0
Dito na naungkat muli ang kaso ng notorious na leader ng Al-Qaeda.
15:10.0
Tahimik man sa publiko ang kaso,
15:11.0
marami nang nagawa ang mga otoridad sa kanilang pagmamasid sa compound.
15:16.0
Siniguro nila na makikita nila ang lahat ng angles at possibilities
15:21.0
na pwede nilang gamitin para sa planong ambush.
15:24.0
Dahil napakalaki ng compound,
15:26.0
marami din ang mga angles na nakita ng mga otoridad sa pagpasog dito.
15:31.0
Nagpalipad sila ng drone upang makita ng buo ang bawat sulok ng compound.
15:36.0
Pinangalanan nila ang mission na Operation Neptune Spear.
15:39.0
Layunin nilang hulihin si Bin Laden kung susuko ito.
15:43.0
Pero kung hindi, ay may permiso silang patayin ito.
15:46.0
Unang pinag-usapan ng mga involved sa gagawing mission,
15:50.0
kasama na si President Obama, ay kung paano nila aatakihin ang compound.
15:54.0
May ilan na nag-suggest na bombahin na lang nila ang compound.
15:58.0
Pero umalma si Obama dito.
16:00.0
Kung may madadamay na civilians sa pagsabog,
16:03.0
siguradong tatanggapin nito ng Pakistan bilang act of aggression
16:06.0
at mababali ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
16:10.0
Hindi rin nila alam kung may bunker ba si Bin Laden sa compound.
16:14.0
At kung meron, malaki ang posibilidad na makakaligtas ito at makakatakas.
16:20.0
Napagtanto nila na kailangan nilang gawin ang mission
16:23.0
ng hindi nalalaman ng Pakistani government.
16:26.0
Sasabihin na lang nila ito pagkatapos.
16:29.0
Kailangan nilang mapasok ang compound ng tahimik
16:32.0
at sa loob nila isasagawa ang mission.
16:34.0
Pinag-usapan din ang grupo kung sino ang magsasagawa ng operation
16:38.0
at napagtanto nila na ang SEAL Team 6 ang pinaka-perpektong mga sundalo para dito.
16:44.0
Pinili ng grupo ang 25 na pinaka-magagaling at pinaka-experienced na SEALs.
16:50.0
Lahat sila ay may 10 or more na deployment sa Afghanistan
16:54.0
at may matatalas na border infiltration skills.
16:57.0
Siyempre, ang mga SEALs na napili
16:59.0
ay aral din sa iba't ibang foreign languages na pwede nilang magamit para sa mission.
17:05.0
Pagdating sa mga napiling SEALs, agad silang sumabag sa matinding ensayo.
17:10.0
May nakahanda ng compounds sa kanilang training na parehong-pareho ng Kaib Bin Laden.
17:15.0
Inatasan silang i-infiltrate ito at pasukin ang mataas na building
17:19.0
habang nakikipaglaban sa maraming gwardiya.
17:22.0
Sa simulations na ito, mas magiging handa ang mga SEALs sa kanilang mission.
17:26.0
Kahit nagtetraining na, hindi pa rin alam ng mga SEALs kung sino ang target nila
17:32.0
at nanatili itong sikreto.
17:34.0
Pero noong nalaman na nila, lahat sila ay pumalakpak at nag-cheer.
17:38.0
Alam nila ang mga krimen ni Bin Laden
17:41.0
at isang matinding karangalan sa kanila ang paghuli o pagpatay sa kilalang terorista.
17:46.0
Handa na ang lahat at isa na lang ang hinihintay,
17:50.0
ang signature ni President Barack Obama.
17:52.0
Mahirap ang disisyon na ito.
17:54.0
Ang bansang pinagtataguan ni Bin Laden ay ally ng Amerika
17:58.0
at importanteng panatilihin na maganda ang kanilang relasyon sa Pakistan.
18:02.0
Kung hindi magtatagumpay ang mission,
18:05.0
malalagay lang ang relationship na ito sa isang malaking risk para sa wala.
18:09.0
Siyempre, may malaking pananagutan din siya
18:12.0
kung mapapahamak ang mga SEALs na magsasagawan ang mission.
18:16.0
Tinignan ni Obama ang plano.
18:18.0
Binasa itong muli at pagkatapos ay pinirmahan.
18:20.0
Aprobado na ang mission ng Neptune Spear.
18:23.0
Nasa kamay na ng SEAL Team 6,
18:26.0
ang isang dekadang manhunt kay Bin Laden.
18:29.0
Kaya ang tanong, ano kaya ang mangyayari sa mission ito?
18:32.0
At paano nila ito gagawin?
18:34.0
Siguraduhin naka-subscribe at naka-on na ang iyong notification bell
18:37.0
dahil sa susunod naming video ay tatalakayin natin
18:40.0
kung paano isinagawa ng malupit na SEAL Team ang Operation Neptune Spear.
18:50.0
Thank you for watching!