Close
 


PBBM, ininspeksyon ang housing project sa Pampanga
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
PBBM, ininspeksyon ang housing project sa Pampanga; pangakong tugunan ang backlog ng pabahay, muling iginiit Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCNaQMcnWvx95j7OG3217IMg/join Follow SMNI News Viber & Telegram Community Get updates via Viber: https://bit.ly/3od1x76 Join us on Telegram: https://t.me/joinchat/cUkfwNmbtT4yYTg1 Wag kalimutang mag-JOIN at mag-SUBSCRIBE sa ating Youtube channel Click the link to Subscribe: 👇👇👇👇👇👇👇👇👇 https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1 📺 Watch Us On Digital TV SMNI News Channel FREE TV on Ch. 39 Manila, Ch. 39 Butuan, Ch. 39 Roxas, Ch. 38 Vigan, Ch. 37 Isabela, Ch. 35 Laoag, Sky Cable Ch. 162 Manila. Sky Cable Ch 46 Davao and Cignal Ch. 186 💻📱 Online at www.smninewschannel.com #TruththatMatters #roadto2millionsubs #SMNINews Visit us on : http://www.smninewschannel.com Visit us on : https://www.facebook.com/SmniNews/ Visit us on : https://www.facebook.com/DZAR1026/ Follow us on : https:/
SMNI News
  Mute  
Run time: 06:14
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
S.M.N.I. Truth That Matters
00:30.0
Ayon naman sa Department of Human Settlements and Urban Development. Si Kreseling Katarong magpabalita.
01:00.0
Sa kanyang talumpati, muling iginilit ni Pangulong Marcos ang pangako nitong tugunan ang backlog ng pabahay sa Pilipinas sa ilalim ng pambansang pabahay para sa Pilipino Housing o 4PH Program.
01:15.0
Isa po ito sa mga proyekto na natalagang tinutukan natin dahil alam po natin ang bigat ng problema sa kakulangan ng pabahay sa ating bansa.
01:28.0
Pinasalamatan naman ng Pulong Ehekutibo ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD, ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando at ang Social Housing Finance Corporation sa pangunguna sa proyekto.
01:40.0
Kasabay nito ibinida ng Pangulo na marami ng groundbreaking ceremonies ng housing project ang naumpisahan na ng Pamahalaan.
01:47.0
Marami na po tayong groundbreaking ceremonies na nasimulan. Ang site inspection na ito, aparte lamang ng proseso upang matiyak natin na maitayo ang mga pambansang pabahay para sa mga Pilipino.
02:01.0
Ang Crystal Peak Estates na matatagpuan sa Barangay Del Carmen ay isang 9.8 na hektaryat na multi-story project.
02:10.0
Ang Crystal Peak Estates po ay magiging tahanan ng 10,250 pamilyang Pilipino na walang tirahan. Magtatayo po tayo sa proyekto nito ng 27 gusali mula 12 hanggang 25 palapag, bawat isa.
02:32.0
Nagtatampok ito ng iba't ibang amenities para sa social at physical wellness tulad ng mga shophouse, commercial area, basketball court at swimming pool.
02:40.0
Lubos namang nagpasalamat si San Fernando Pampaga Mayor Vilma Caluag sa Pamahalaan sa natulang pabahay project.
02:47.0
Maraming maraming salamat po sa inyo mahal naming Pangulo. Naway maging simula po ito ng sunod-sunod pang magandang programang pabahay ng ating gobyerno, hindi lamang para sa mga Fernandinos kundi para sa bawat pamilyang Pilipino.
03:11.0
Bukod sa proyektong pabahay sa San Fernando, ang housing project sa kalapit nito na Minalin at Candaba ay iniharap din sa Pangulo ng kanikanilang mga Local Chief Executive na anila ay maaring pakinabangan ng mahigit 10,000 kapampangan mula sa iba't ibang sektor.
03:25.0
Ang St. Andrews Residences ay itatayo sa isang 5.7 hektaryang lupain sa Barangay Mandasig, Candaba, Pampanga. Ito ay bubuuin ng 18 mid-rise buildings na may humigit kumulang 5,000 units.
03:38.0
Sa kabilang banda, ang Minalin Housing Project ay ilalagay naman sa 7 hektaryang lupain sa Barangay Santa Maria kung saan may 24 low and medium-rise buildings ang itatayo na may kabuang mahigit 5,000 housing units.
03:51.0
Ang tatlong housing project ay makabuluhang babawasan ang malaking pangangailangan sa pabahay sa Pampanga. Ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na tugunan ang 6.5 million baklag ng pabahay sa bansa.
04:05.0
Nagpahayag naman ang kagalakan si Pangulo Marcos sa sabay-sabay na paglulunsan ng mga proyektong pabahay ng pamalaan sa naturang nalawigan.
04:12.0
Sa ngayon, mahigit 150 Memoranda of Understanding o MOU ang nilagdaan ng housing agency sa ilalim ng programa, na isa sa gawa sa 28 lokasyon sa buong Pilipinas.
04:24.0
Ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4PH Program ay isa sa mga prioridad na programa ng kasalukuyang administrasyon. Layunin ang programang ito na magpapatayo ng isang milyong pabahay kada taon hanggang matapos ang anim na taong termino ni PBBM bilang Pangulo.
04:40.0
Magtulungan po tayo, pairali natin ang bayanihan sa lahat ng oras. Sa ating pagkakaisa, tiyak akong hindi lang mabubuo ang ating mga pangarap ng pabahay.
04:52.0
Samantala, inihayag naman ang DHS Unit Chief na posibleng matapos at magamit na ang 100,000 housing units sa susunod na taon.
05:03.0
In next year, sa tingin namin may ma-deliver na bahay talaga na nakatayo, more than 100,000 by next year. Kasi iba na tatayo ang pa eh. Iba kasi may 12-story, 25-story. Patka 25-story, makabot ang almost 2 years. But 12-story, almost 1 year in a half.
05:25.0
Sa tanong naman tungkol sa mga hamon na kinakaharap sa pagtatayo ng mga pabahay, sinabi ni Acuzar na mahira para sa kanila na maghanap ng island lands kung saan itatayo ang mga unit.
05:36.0
Ngayon pa man, tiwala pa rin si Acuzar na makakamit ng gobyerno ang target na 6 million sa loob ng termino ng Administrasyong Marcos.
05:45.0
Para sa Diyos at sa Pilipinas kong mahal, Cressy Lingkatarong, SMNi News.
05:55.0
Also visit our official social media accounts and join our community on Viber and Telegram.