Close
 


Pagkakaiba ng adversity quotient at digital quotient, paano nga ba ito nakaaapekto sa buhay ng tao?
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SMNI ENTREPINOY REVOLUTION Join this channel to get access to perks: https://www.youtube.com/channel/UCNaQMcnWvx95j7OG3217IMg/join Follow SMNI News Viber & Telegram Community Get updates via Viber: https://bit.ly/3od1x76 Join us on Telegram: https://t.me/joinchat/cUkfwNmbtT4yYTg1 Wag kalimutang mag-JOIN at mag-SUBSCRIBE sa ating Youtube channel Click the link to Subscribe: 👇👇👇👇👇👇👇👇👇 https://www.youtube.com/c/SmniNews?sub_confirmation=1 📺 Watch Us On Digital TV SMNI News Channel FREE TV on Ch. 39 Manila, Ch. 39 Butuan, Ch. 39 Roxas, Ch. 38 Vigan, Ch. 37 Isabela, Ch. 35 Laoag, Sky Cable Ch. 162 Manila. Sky Cable Ch 46 Davao and Cignal Ch. 186 💻📱 Online at www.smninewschannel.com #TruththatMatters #roadto2millionsubs #SMNINews Visit us on : http://www.smninewschannel.com Visit us on : https://www.facebook.com/SmniNews/ Visit us on : https://www.facebook.com/DZAR1026/ Follow us on : https://www.instagram.com/smninewschannel/ Tiktok: www.tiktok.com/@smninewsofficial
SMNI News
  Mute  
Run time: 07:31
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
S.M.N.I. Truth That Matters
00:06.0
Saan sinusukat ang ating mental age versus chronological age?
00:11.0
May katagalan na yan, magsasagot ka, kukumpyuti ng psychometrician at psychologist,
00:16.0
bibigyan ka ng number, malalaman kung nasaan ka, mataas ba o mababa ang IQ mo.
00:21.0
Pero napakilala rin sa atin ang EQ, yung emotional intelligence,
00:25.0
kung saan nakikita yung mastery mo ng sarili mo at ng relasyon mong nagagawa para sa iba.
00:32.0
Ngayon, ang pag-uusapan natin, yung pinangako ko, yung usapang AQ.
00:37.0
Ano ba yung AQ? Adversity Quotient.
00:40.0
Gano kakatibay sa mga balakid na dumarating tayo sa buhay?
00:44.0
Mas patibay pa daw ito kesa sa EQ.
00:47.0
At pag-uusapan natin ang makabago, ang DQ.
00:52.0
Alam nyo, sabi ni Stoltz nung mga 1990s, 1994, 1990 something,
00:59.0
pinakilala po niya sa atin ang AQ.
01:02.0
At nagbigay siya ng napakadaling paraan para maalala natin kung anong ibig sabihin ng AQ.
01:10.0
Adversity Quotient.
01:12.0
At ang binigay niya ay yung acronym na CORE.
01:15.0
C-O-R-E. At may ibig sabihin yan.
01:19.0
Ang sinabi ni Stoltz, mas madali daw natin malulusutan, matatawiran ng mga balakid sa buhay natin
01:25.0
kung tayo ay merong kontrol.
01:28.0
Ang itatanong natin sa sarili natin, kung tayo may problema, kontrolado ko ba ang problema nito?
01:33.0
Kasi kontrolado ko ang problema nito.
01:35.0
Teka muna, bakit ko tatambayan ang problema?
01:37.0
Eh pwede ko namang tawiran ito, pwede ko namang tapusin kasi kontrolado ko.
01:41.0
Tama, mas titibay ka kung titignan mo kung anong parte ng problema ang kaya mong kontrolin.
01:48.0
Ito namang isa, yung O naman ay may kinalaman sa origin.
01:52.0
Saan ba nang gagaling yung balakid na yan?
01:55.0
Saan ba nang gagaling ang iyong pinagdurusahan na adversity?
01:59.0
At hindi lang yung origin, kailangan sino bang may ari nito?
02:03.0
Sino ba ang may ari nito at sino bang maapektuhan nito?
02:07.0
Yun po, importante. Kasi kita nyo nga naman, kung ang origin ng problema ay ikaw,
02:11.0
kung ang origin ng balakid ay ikaw,
02:13.0
abe, ba't hindi mo kayang kontrolin? Ba't hindi mo kayang tanggalin?
02:16.0
Pero kung ibang tao, medyo mahihirapan tayong tawiran yan.
02:20.0
At yung ownership, sino ba talaga may ari niyan?
02:22.0
Pag ikaw may ari niyan, you take the responsibility, you take the accountability to go beyond it and to go above it.
02:28.0
Ano naman yung R?
02:30.0
Ang R po ay yung reach.
02:32.0
Ano bang nararating ng problema ito? Hanggang saan siya nakakarating?
02:36.0
Yung bang problema mo sa negosyo, nakakarating sa pamilya mo?
02:40.0
Nakakarating ba yan sa higaan ninyong mag-asawa?
02:43.0
Nakakarating ba yan sa seguridad ng pamilya mo?
02:45.0
Halimbawa po, yung aking Facebook ay nahack.
02:48.0
Ang tanong doon, kontrolado ko ba? Hindi ko po kontrolado yun.
02:52.0
Sino ba ang may ari nung social media account na yun?
02:55.0
Ako. Ako ang may ari sa aking nagumpisa.
02:58.0
Pero ang tanong, saan ba nanggaling ang problema?
03:00.0
Hindi ko alam.
03:01.0
Pero ang reach niya, sabi ko, saan ba ito nakakarating?
03:04.0
Yung problemang ito.
03:06.0
Medyo naapektuhan niya ang negosyo ko
03:08.0
kasi yung aking mensahe sa aking mga followers,
03:11.0
hindi ko na magawa kasi 1.2 million po ang followers noon.
03:14.0
So medyo matindi ang reach noon.
03:16.0
Pero susunod natin dapat maintindihan,
03:19.0
yung ating endurance.
03:21.0
Okay. Gano katagal na itong inyong pinagdurusahang ito?
03:25.0
Mayroon dalawang baga yan.
03:27.0
Pag yan masyado nang matagal,
03:29.0
pwedeng masyado nang matagal ang epekto,
03:31.0
malawak na, malalim na ang epekto nito sa inyo.
03:34.0
Pero pag ang epekto, minsan, pag bagong dating ito,
03:37.0
mas may impact sa'yo.
03:39.0
Pero minsan naman, pag tumatagal, nakakasanayan mo na.
03:42.0
Ngayon, ang sinasabi po ni Stoltz na may kinalaman sa
03:45.0
adversity quotient,
03:47.0
mas kaya mong harapin, tawiran,
03:50.0
at bigyan ng solusyon ang pinagdaraanan mo,
03:53.0
mga balakid at mga problema,
03:55.0
kung siya'y kontrolado mo,
03:57.0
kung alam mo kung saan ito nagmumula at sinong may-ari nito,
04:00.0
at kung kaya mong limitahan ang pwedeng maging epekto nito sa buhay mo,
04:04.0
at kung kaya mong paiksiin ang epekto nito
04:07.0
sa pananatili sa buhay mo.
04:10.0
Ngayon, pag-usapan naman natin ng DQ.
04:12.0
Abay, nababagay po ang usapang DQ
04:15.0
sapagkat ang pinag-uusapan po ng DQ,
04:17.0
ang ibig po sabihin ng DQ,
04:19.0
ay Digital Intelligence.
04:22.0
At ang sinasabi ng Digital Intelligence,
04:24.0
o DQ, o Digital Quotient,
04:27.0
meron daw tayong mga kakayanan.
04:29.0
Ito'ng tinatawag nating mga competencies.
04:32.0
Ito'y competencies ng kaya mong talino,
04:35.0
cognitive, ang talino mo.
04:38.0
Ang kakayanan mong technical.
04:40.0
Ikaw ba marunong magbukas ng computer?
04:42.0
Ikaw ba marunong mag-troubleshoot ng computer?
04:45.0
Ikaw ba marunong mag-save, mag-download, etc.
04:49.0
Yung technical mong kakayanan.
04:50.0
Ang isa pang tinatawag natin, yung metacognitive.
04:53.0
Ang metacognitive naman, yung kakayanan mo mag-isip.
04:56.0
Ito yung talino mo, ito yung kakayanan mo mag-isip.
04:59.0
At yung susunod, yung naa-apektohan na sa inyo,
05:02.0
yung tinatawag nating socio-emotional.
05:06.0
Kasi minsan, masyado ka nang apektado
05:09.0
ng mga social media activities mo.
05:11.0
Pag-ising mo sa umaga at walang maraming nag-like ng post mo
05:14.0
bago ka matulog, malungkot ka.
05:16.0
Ay parang hindi naman yata nararapat yun.
05:18.0
Ang pagsasama-sama ng kakayanan mong ito
05:21.0
sa paggamit, sa use, sa pang-control
05:26.0
at sa pag-create ng technology,
05:30.0
yan po ang tinatawag nating digital intelligence.
05:36.0
Pag-usapan natin, isa-summarize ko ito.
05:39.0
Ikaw ay matalino sa larangan ng digital.
05:43.0
At ikaw ay tatawagin ng mataas ang iyong DQ
05:46.0
kung meron kang kakayanan sa isip,
05:49.0
kakayanang technical, kakayanang mag-isip
05:52.0
at kakayanang makontrol ang iyong relasyon at ang iyong emosyon
05:56.0
para maggamit, makontrol at makagawa ng teknolohiya.
06:02.0
Yan po ang pinag-uusapan sa DQ.
06:04.0
Pero huwag niyong kakalimutan sa DQ,
06:06.0
meron po itong importanteng pagsasama-samahin
06:10.0
at yan ay walang iba kung hindi yung human values.
06:14.0
Okay, human values.
06:16.0
Kumusta ang values mo
06:18.0
para sa ganun maggamit mo ng tama,
06:21.0
makontrol mo ng tama
06:23.0
at makagawa ka ng tamang teknolohiya
06:25.0
na makakatulong sa mundo,
06:29.0
sa iyong komunidad na ginagampanan,
06:31.0
sa buhay mo, sa trabaho mo.
06:33.0
Ngayon, hindi po tayo pantay-pantay ng talino.
06:37.0
Merong matalino sa IQ.
06:40.0
May magaling sa EQ na sabi nilang importante.
06:43.0
Para sa tagumpay, may mga taong matibay.
06:46.0
Matibay talaga.
06:47.0
Kahit anong dumating na problema, babangon
06:49.0
at talagang tatakbo at patuloy sa buhay.
06:53.0
At meron namang magaling sa larangan ng teknolohiya.
06:56.0
Ikaw, mamili ka.
06:57.0
Saan ka magaling?
06:58.0
Mataas ba ang IQ mo?
06:59.0
Ang EQ mo?
07:00.0
Ang AQ mo?
07:01.0
Ang IQ mo?
07:02.0
O ang DQ mo?
07:03.0
Mas magandang pare-parehong pag-aralan mo ito.