Close
 


PT2 NG PAGSILIP SA TITANIC
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 09:05
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Sa pelikulang binigyang buhay ni James Cameron sa pamamagitan ni Jack at Rose na akit ang buong mundo, eto ay sa tunay na kwento ng Titanic.
00:09.9
Ang ikakwento ko at makikita nyo ay ang totoong barko na siya namang pinagbasehan ng direktor upang maisabuhay niya ang kwento nitong si Jack at Rose, ang Balkonahe.
00:21.6
Tinatawag ang parte na ito bilang ang boat deck kung saan mapapansin dito matatagpuan ang mga lifeboat ng barko.
00:29.2
Ang mga tilabag gate na makikita ay ang harang upang tanging ang mga opisya lamang ng barko at ang mga pinakamayayabang pasahero lamang ang maaaring doon ay makapunta.
00:40.3
Kaya naman sa pelikula, dito makikita unang nag-usap si Jack at Rose, ngunit sa totoong kaganapan ay ni hindi ito maaaring lapitan ni Jack dahil bawal sila sa bahaging ito ng barko.
00:53.2
Hindi rin siya pwedeng sumigaw na I am the king of the world. Dito rin nagkumpulan ang mga pasahero ng papalubog na ang barko. Ito ay upang mailigtas nila ang sarili mula sa tiyak na kamatayan, ang swimming pool.
01:07.5
Kabilang ang Titanic sa mga kauna-unahang barko noon na mayroong swimming pool.
01:12.6
Kasama na ng swimming pool ay ang sauna, ang gymnasium at tanging ang mga first class lamang na pasahero ang maaaring gumamit sa liguan ito.
01:21.6
Ang bahaging ito ng barko ang kahuli-hulihang pinasok ng tubig nang lumubog ang barkong RMS Titanic, ang tiyahan.
01:29.9
Kung maaalala ang kuha sa pelikula kung saan ang ina ni Rose ay kausap ang kontesa sa pagpaplano sa kasal niya at paparating itong si Margaret Brown, ito ang lugar na iyon na isinabuhay naman nitong si James Cameron.
01:44.0
Dito tumambay ang mga pinakamayayaman sa barko para makapagtsa. Ngunit bukod doon, tambayan din ito ng mga don.
01:51.7
Maaari silang doon ay uminom na mga nakalalasing na mamahaling mga inumin. May shake din na gawa sa pinakamahal na uri ng prutas at syempre ang mainit at mamahalin na uri ng tsokolate, ang hagdan.
02:05.8
Ito naman ang itsura ng hagdan na dinadaanan ng mga third class na mga pasahero. Hindi man ito kasing bongga ng nasa first class ay hindi rin naman ito mukhang masama, ang estasyon.
02:17.5
Sa kuhang ito ninyo makikita ang silid kung saan humihingi ng tulong ang Titanic sa mga barko na malapit sa kanila upang sila sana ay masakluluhan. Sa dalawang barkong malapit, isa lamang ang nagmalasakit. Ito ay ang RMS Carpathia, ang mga lifeboat.
02:35.4
Mga katinagalog ko, ito po ang mismong mga lifeboat na dapat ay magsasalbapasana ng mga marami na mga buhay pa. Sa kasawiang palad, dapat ang sakay nito ay higit sa 70 pasahero, ngunit ang iba ay 28 lamang ang isinakay.
02:52.1
Sa lugar na ito, nagiiyakan at huling nagkita ang mag-aama, mag-iina, anak, asawa na mga sawing palad na hindi nakaligtas sa paglubog ng RMS Titanic. Naglaho lahat ng lifeboat matapos na idaong ito sa baybayin. Ang iba ay inumit, ang iba naman ay pinirapiraso upang gawing souvenir ng mga tao, ang mga nakaligtas na pasahero.
03:16.4
Ang litratong ito ay kuha mismo matapos ang paglubog ng Titanic. Ito ay ang mga nakaligtas na pasahero na nasa barko na ang RMS Carpathia. Sila ay nagpapatuyo na at nagpapaaraw pa. Sila ay papunta sa New York, sa bansang Amerika na orihinal naman sana na ang destination nila. Ang mga tagapagligtas ang RMS Carpathia.
03:38.8
Napakalaking tulong ng ginawa ng mga kalalakihang ito sa litrato. Sila ay ang tumugon sa tawag ng Titanic kahit pa sila ay dalawang oras ang layo mula sa kanila. Ang kapitan na si Arthur Rostron na nasa gitna ay ipinatawag ng White House at binigyan pa ng mataas na parangal. Ang mga nakaligtas at paglilitis.
04:00.3
Sakuhang ito mga katinagalog kung makikita ang mga nakaligtas na crew ng Titanic. Hinihintay nila na matapos ang hearing tungkol sa kung sino ang may sala at kung sino dapat ang mananagot sa malaki na trahedya. Hinihintay ng mga nakaligtas na tripulante kung sino ang may responsibilidad na magbayad sa kanila. Ang kapitan na walang pakialam.
04:23.2
Dalawang barko ang nakatanggap ng tawag ng Titanic. Ang isa ay ang RMS Carpathia na dalawang oras ang layo mula sa SS California. Kung nagmadali ang RMS Carpathia upang tulungan sila, ang mas malapit na barko na ang SS California ay walang ginawa. Mas malapit sila sana, mas maraming makaliligtas. Ngunit pinili ng kapitan ito na si Stanley Lord na huwag na sila napakialaman.
04:50.8
Kaya imbis na mailigtas agad nila ang mga daang daan na buhay pa, ay mas binatamis nito na panuorin lamang ang kaganapan. Matapos lumabas ang katotohanan ito sa imbestigasyon, sinibak sa puwesto itong si Stanley at buong buhay nito na ikinahiya ang kanyang desisyon na huwag tumulong ang mga katawan na nawawala.
05:13.0
Ayon sa bilang, 1,503 ang mga dokumentadong pasahero na nasawi sa paglubog ng RMS Titanic. Ngunit tanging 340 lamang ang mga katawan na kanilang nakuha na palutang-lutang. Ito ay dahil sa life jacket na suot-suot nila.
05:30.9
Kaya naman nawawala pa po ang 1,163 na mga katawan. Ayon sa mga teorya ng mga eksperto na malamang kasama ang mga katawan nila sa paglubog ng Titanic sa ilalim ng karagatan. Kaya naman kinuconsider na na ang barkong RMS Titanic na nakalubog sa dagat ay isang malaking bakal na simenteryo.
05:54.4
Ang unang biktima, 15,000 ang trabahador na bumuo ng RMS Titanic. Walo ang buhay na kinuha nito, hindi pa manasasayaran ng tubig ng karagatan. At ang pinakaunang biktima ay ang 15 taong gulang na si Samuel na taga Ireland. Ito ay ng ikasampunang Abril ng taong 1910. Ito ay nang madulas siya sa hagdan at mahulog. Tumama ang kanyang ulo at nabasag ang kanyang bungo.
06:21.6
Ito naman ay ang naging sanhi ng kanyang kaagaran na pagkasawi, ang yelo. Ang tipak na yelo na tumapos sa paghahari ng Titanic sa karagatan ay nagmula pa sa tipak na nabuo ng ika 3,000 bisipa. Upang mas madaling maintindihan, ang tipak ng yelong ito ay isang libong taon na nanakalutang sa karagatan bago pa ipinanganak sa Heso Kristo. Ang buhay sa 3rd class.
06:47.6
Kung mapapadpad sa 3rd class mga katinagalog, bago pa tayo sumakay ay pipila pa tayo ng napakahaba. Ito ay dahil sa 700 pasahero ng 3rd class, lahat tayo ay iisa-isahin upang inspeksyonin kung meron tayong karamdaman o empeksyon sa katawan. At ang importante sa lahat ay kung tayo ba ay may kuto. Ang katre na ating hihigaan ay dobol dek, may kutso naman at unan at kumot. Ngunit walang punda at sapin.
07:16.7
Paghahatian nating 700 pasahero ang dalawang paliguan, ang 6 na palikuran para sa lalaki at 6 na palikuran para sa babae.
07:25.8
Ayon sa mga eksperto, nasa tindi ng kalagayan ng pagkasira ng Titanic sa ilalim ng karagatan, malamang na ngayong 2030 ay tuluyan na ito na mawawala at kahit kailan ay hindi na maaari na masilayan pa. Kaya naman bukod sa kwento sa likod ng trahedya, limitado na ang panahon na maaari na ito ay masilayan pa.
07:47.7
Ngayong 2030 ay malamang nawala ng matitira pa sa barko, kaya naman may mga tao na bago pa ito tuluyang mawala ay pupuntahan na nila ito. Ngunit trahedya ang naganap ng isang pampasaherong sasakyang pandagat ang nagtangkang pumunta sa libingan na RMS Titanic ay nawala.
08:05.9
Kalaunan sila ay idineklara na nasawi, kaya naman kasama na sila sa mga aalayan ng bulaklak sa ilalim ng karagatan, kabilang na sila sa numero ng mga biktima.
08:17.6
Mga katinagalo ko maraming maraming salamat po sa pagsama ninyo sa pagsilip natin sa nakaraan na hindi na nating kailangan pang itaya ang ating buhay. Magkita kita pong muli tayo sa mga susunod pang makabuluhan ng mga talakayan.