Close
 


Bahay na Brutal: Matatapos Na! (How to Cool Your Tropical Home Naturally?)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Matatapos na ang Bahay na Brutal Project! Ipapasilip ko muna sa inyo ng konti bago natin tapusin. Abangan nyo pa rin yung finale video para kumpletong-kumpleto na! Sa ngayon i-share ko din sa inyo kung paano namin pinalamig naturally ang tropical home na ito. Doon naman sa mga curious tungkol sa SRC Panels and interested gumamit nito sa mga projects ninyo, Here's How To Contact SRC Panels: (02) 8-939-5893 09073409336 SRC Int'l Panel System, Inc. Plant: LBRDC Special Economic Zone, (formerly Victoria Wave Special Economic Zone) Brgy.186, North Caloocan City Para sa higit pang information about Architecture, construction and project management, subscribe to my channel and like my Facebook page! Marami pa akong videos na ready for your learning and viewing pleasure! Para sa iba pang video topics about design and materials, watch the following videos: About Roofing: https://www.youtube.com/watch?v=ZKM9yXfv-N4 https://www.youtube.com/watch?v=5VUGQV9lCXo https://www.youtube.com/watch?v=kfun1y18fQ8&t=13s ht
Architect Ed
  Mute  
Run time: 15:54
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Isa yun namang magandang araw para matuto. Welcome back sa Youtube or sa Facebook page natin.
00:06.2
Ako po si Architect Ed.
00:08.2
Puntahan natin yung bahay na brutal. Habang piniprepare namin sya sa completion.
00:14.6
Naglinis-linis na ngayon doon.
00:16.6
Kasi may mga furniture na.
00:18.6
Apasilip ko sa inyo. Pero gagawa natin talaga ito ng content na bongga.
00:24.6
Sa ngayon gusto ko kasing ishare sa inyo ano yung ginawa namin para yung bahay na yan yung tropical.
00:31.6
Yung tropical na bahay na yan ay maging malamig na hindi na kailangan pang mag aircon.
00:38.6
Ano yung mga methods at techniques na ginawa namin para mas maging mapresko, maaliwalas, malamig yung bahay na yan.
00:48.6
Ngayon lahat naman tayo ay nakaka experience ng init dahil nasa tropical na country tayo.
00:54.6
So yung mga bahay natin ay nasa tropical na setting.
00:59.6
Tuturing natin na lahat ng bahay dito sa Philippines ay tropical homes.
01:04.6
Paano natin sya mapapalamig?
01:06.6
Check this out.
01:19.6
Subscribe to Architect Ed!
01:30.6
Hindi ka pa subscribe dito sa YouTube at hindi ka pa nagla like sa Facebook page na Architect Ed, gawin mo na.
01:36.6
Marami na tayong nagawang lecture videos, nasa more than 300 na.
01:39.6
Pwede mong balikan kung hindi mo pa napapanood at matuto tungkol sa architecture, construction, and project management.
01:46.6
Ang pinakauna na kinonsider namin ay yung material.
01:50.6
Material ng shell. Yung shell, yung walls, at saka yung roof.
01:54.6
Dapat insulated.
01:57.6
Hindi natin masyadong napapansin yung insulation.
01:59.6
Ang ini-insulate lang natin normally, bubong.
02:02.6
Pero dito sa project na ito, yung walls ay insulated.
02:07.6
Kasi ang ginamit naming material, hindi hollow black.
02:11.6
Hindi sya concrete na ordinary.
02:13.6
Ang ginamit naming material sa wall, lahat ng walls, ay EPS sandwiched panels.
02:20.6
SRC panels, yung ginamit namin dito.
02:25.6
Kasi yung SRC panels, insulated sya ng EPS o Expanded Polystyrene.
02:32.6
Alam nyo na yan, kung tagal na kayong nanonood dito sa channel namin, marami na tayong content about SRC panels.
02:39.6
Kung hindi nyo pa napapanood, first time ninyong narinig yung SRC panels na ito, o yung EPS sandwiched panels, may mga previous videos tayo tungkol dyan.
02:47.6
Pwede nyo yung balikan.
02:49.6
So dahil insulated yung walls, nabablack natin yung heat na galing sa loob.
02:55.6
At yung malamig na hangin na nasa loob, hindi na sya lalabas.
03:03.6
Kasi nandun lang sya. Naka-contain sya doon sa interior space.
03:08.6
So dahil insulated yung walls, malaki ang chance na hindi uminit yung loob.
03:15.6
At yung ginamit namin technology nga dito na EPS sandwiched panels, o yung SRC, ang framing naman namin ay steel, high beam.
03:26.6
Kung hindi nyo pa napanood yung video ko tungkol sa mga earlier stages ng pagkukonstruct namin itong bahay na ito, itong bahay na brutal,
03:37.6
check nyo itong video na nandyan sa playlist natin. Search nyo na lang kung paano namin sya ginawa.
03:44.6
So yung EPS sandwiched panels, o yung SRC panel, ay malaki ang na-contribute para ma-maintain namin na malamig yung interior ng bahay kahit walang aircon.
03:57.6
Sa totoo lang, yung mga bedrooms may aircon sya. Pero kapag binuksan mo yung aircon ng ilang hours, sa madaling araw pwede mo nang patayin.
04:08.6
At yung lamig nya hindi magbabago kasi na-contain na doon sa insulated na walls.
04:16.6
Kaya kung gusto nyo iba pang information tungkol dito sa material na ito, yung EPS sandwiched panels, o SRC panels, manuwari nyo yung mga previous videos ko about it.
04:26.6
Isa pang ginawa namin ay nag-maximize kami ng openings.
04:32.6
Ginamit namin yung halos 90% ng exterior walls, hindi masiguro 90, siguro mga 75% ng perimeter walls namin ay open or operable by the use of windows.
04:48.6
Sliding windows, sliding doors na glass, at yung paborito nating gamitin yung windows, yung Jalousies.
04:57.6
So itong mga windows na ito, hindi lang sya glass na nakafix. Operable sya, nabubuksan sya.
05:10.6
Dahil nga Jalousie, more than 90% ng hangin pumapasok pati natural light. So in that way, nasi-circulate yung hangin.
05:25.6
Isa pang ginawa namin ay high ceiling, pero hindi lamang basta-basta high ceiling yung ginawa. Kasi kung high ceiling lang at wala namang openings doon sa mga mataas na part ng walls, wala rin.
05:41.6
Yung mainit na hangin kasi umaakit yan. So kung high ceiling lang yung gagawin mo, wala namang pupuntahan yung hot air, wala rin, mainit din.
05:50.6
So ang ginawa namin ay high ceiling sya, at yung mga walls na malapit sa ceiling, mayroon din syang Jalousies. At nabubuksan din yung mga Jalousies na yon.
06:01.6
Paano mabubuksan yung mga Jalousies na yon yung mataas? Nag-introduce kami ngayon ng catwalk, catwalk paikot. Itong catwalk na ito, ang purpose lang talaga nito, bukod sa aesthetics, ay yung mabuksan yung Jalousies na nandoon sa higher portion ng walls namin, na nandoon nga sa malapit sa high ceiling.
06:23.6
So nagsisirculate yung hot air, natitimpla yung hot and cold air dahil malaki yung space na paglalaroan nya. Yun yung nagagawa kapag high ceiling ka at mayroon kang mga mataas na windows o titawag nating clerestory windows na itong ginamit namin Jalousie clerestory windows.
06:44.6
At para mas ma-maximize pa yung pag-circulate ng air, gumamit kami ng ceiling fans. Mataas yung ceiling namin at doon ay nilagay namin yung malalaki naming ceiling fans. Ano ba nagagawa ng ceiling fan?
07:01.6
Ang ceiling fan, nasisirculate niya yung hangin sa isang malaking space. At mas maganda yung ceiling fan ang gagamitin mo kasi nasa ibabaw siya. So yung mainit na hangin doon sa itaas, pupulabugin niya yun para lumabas. Tapos ang nagagawa kasi ng fan, pinapaikot niya yung air at yung air nagpapaging comfortable sa pakiramdam natin.
07:29.6
Nagkakaroon ng cooling effect. Hindi naman talaga napapababa yung temperature pero yung hangin kasi pumupunta sa balat natin at dahil doon nagiging comfortable tayo. Ano bang nagagawa kapag yung hangin ay pumupunta sa balat natin?
07:47.6
Tandaan natin na yung balat natin ay nagpe-perspire merong pawis at yun yung mechanism ng katawa natin para magpalamig, magpawis. At kapag yung pawis na yun ay nag-stay sa katawa natin, makakaramdam tayo ng init. Ang alinsangan ng pakiramdam natin. So dapat yung pawis na yun mag-evaporate siya, mag-escape.
08:11.6
Kaya kapag may hangin, natutuyo yung pawis natin. Habang naturally nagpapalamig yung katawa natin, naglalabas siya ng sweat, tinutulungan naman ang hangin na matuyo yung balat natin.
08:27.6
Kasi pag nag-stay dyan yung pawis, mainit sa pakiramdam natin. Lalo tayong maiinitan. Liba nga kapag may damit tayong nilabahan, gusto natin magpatuyo, wala tayong dryer, anong gagawin natin? Isasampay natin diba? Kahit na wala tayong dryer, makahanginan siya.
08:45.6
O minsan nga, nilalagay natin sa electric pan yun. Naglaba tayo ng pan yun, lalagay natin sa electric pan. Kasi tinataboy ng hangin yung moisture. Kaya natutuyo siya. So ganun din yung nangyayari sa katawa natin kapag nadadampean tayo ng hangin. At yun yung ginagawa ng sealing pan.
09:03.6
At syempre, malaki rin ang magagawa kung may mga halaman ka. Kung may puno na dun sa lote mo at magtatayo ka ng bahay, maganda nga o huwag mong putulin. I-trim mo lang.
09:14.6
Kahit dito sa site namin, dito sa bahay na Brutal, meron kaming malalaking puno ng mangga. Yung isa, tinira namin. At yung puno ng mangga na yun ay nasa gitna ng bahay. Nasa lanay. Kaya nagpuprovide siya ng extra shading.
09:31.6
Kasi nga dahil puro jalosis yung bahay, itong puno ng mangga na ito nagbibigay ng extra na shading. Itinrim lang namin siya kasi nga makakasira naman sa bahay kung hindi namin ititrim. At yung dagta ng puno, mahirap din linisin. So talagang itinrim din namin siya.
09:50.6
So kung may pagkakataon kang magtanim ng puno, gawin mo yun. Makakatulong yun para magkaroon ng microclimate management sa property mo. Kung hindi ka naman makapagtanim ng malaking puno, maglagay ka ng mga shrubs o halaman sa paso na pwedeng pagmulan ng oxygen. Makakatulong yan para mas malamig yung temperature, mas presko yung mga tropical houses natin.
10:20.6
Kaya yung mga bahay natin na tropical houses, yan ang pwede natin gawin para mapalamig siya naturally. Siyempre pwede pa rin natin gamitan ng mga pantulong para lalo pang mapalamig.
10:37.6
Kapag pipili tayo ng aircon, piliin natin yung mas matipid na klase para hindi tayo masyadong gumastos. Yung fans naman, pwede natin piliin kung pwede, kung mataas yung ceiling natin, pwede tayo mag ceiling fan.
10:56.6
Wall fan, desk fan, lahat ng klase ng fan. Ang importante lang talaga yung hangin, iikot siya. Dapat may openings yung bahay mo, may mga bintana. Generous na amount ng openings na mga bintana para yung hangin na paikuti ng fan ay malamig, hindi siya mainit.
11:20.6
Kasi yung mainit na hangin, nailabas niya na, naitaboy niya na, at wini-welcome niya yung mga malamig-lamig na breeze sa labas. At yan lang muna, abangan nyo yung susunod na content natin. Kasi talagang ipapakita natin yung kabuuan itong bahay na Brutale. Maraming maraming salamat po sa pag support ninyo palagi dito sa channel natin. Sana patuloy po kayong manood, i-share, i-like itong mga contents natin.
11:50.6
At hanggang sa susunod, kita-kita po tayo uli. Ingat po tayo lahat, ako po si Architect Ed. Bye!
12:20.6
Thank you for watching!
12:50.6
Please subscribe to my channel!
13:20.6
Please subscribe to my channel!
13:50.6
Please subscribe to my channel!
14:20.6
Please subscribe to my channel!
14:50.6
Thank you!
15:50.6
Thank you for watching!


See more of Tagalog.com by logging in
Join for the free language discussion group, flash cards, lesson tracking and more.