Close
 


TITANIC ANG HULI NILANG HANTUNGAN
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 09:56
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Marami ang nagulandang nang pumutok ang malita ng isang sasakyang pandagat na papunta sana sa lumubog na barko na ang RMS Titanic
00:08.7
na may lulang apat na mga pasaherong turista at ang mismong kapitan nito na nagmamayari ng kumpanya ay di na nila matagpuan pa
00:16.7
Ito ay matapos nitong pumailalim sa karagatan linggo ng madaling araw, nito lamang June
00:22.4
Sila ay lulan ng dalawampu at isang talampakang sasakyang pandagat na pinangalanan nila na ang Titan
00:28.4
Ito naman ay ang pagmamayari ng kumpanya na ang Ocean Gate Expedition, ito ay tinatagnaman ng CEO nila na si Stockton Rush
00:36.8
Ngayong mas malinaw na ang kaganapan at lumabas na nga sa embestigasyon ang tunay na naging sanhi ng kanilang wala sa oras na kamatayan
00:45.6
Marapat naman po na ito ay mas malinaw na ikuwento sa inyo, isang oras at apatnapotlimang minuto matapos na pumailalim ang Titan
00:54.0
Habang naghihintay ang mag-ina ng bilyonaryong Pakistani na si Shaz Zadada Wood kasama ang anak nitong dalaga, ito ay sa mismong barko ng Ocean's Gate
01:04.2
Bigla na lamang na nawalan sila ng komunikasyon, kagad na naalarma ang mga taohan
01:09.6
Ngunit pinili nila na huwag magpanik dahil alam nila na kung anot-anuman ay may siyemnapuat-anim na oras ng supply ng oxygen naman ang Titan
01:19.3
Ito ay higit pa sa sapat para sa lahat ng mga sakay nito
01:23.1
Ngunit ayon mismo sa mga taohan na tila ba may narinig sila na malakas na tunog mula sa karagatan
01:29.9
Matapos ang halos ilang oras na paghihintay at bigong pagkontak mismo sa Titan, napagpasyahan na nila na itatawag na nila ang nakababahalang kaganapan sa mga otoridad
01:42.0
Dito nagsanib puwersa na ang bansang Canada at Amerika upang hanapin ang nawawalang pampasaherong sasakyang pandaga
01:49.9
Ang paghahanap nila ay gastos ng mamamayan ng Amerika mula sa buwis na binabayaran nila
01:56.4
Ayon sa mga opisyal ng Amerika, umabot ang gastos sa paghahanap sa 1.5 million dollars o katumbas naman ito halos ng 83 milyong piso
02:07.9
Hindi naman nagkomento tungkol sa kung sino ang gumastos ang bansa ng Canada
02:13.0
Nang ikadalawampu at dalawa ng June Thursday, may narinig na paulit-ulit nakalampag ang mga taga-navy na nagmumula sa kalaliman ng karagatan
02:23.8
Ito ay sa mismong pwesto ng Titanic, kaya naman inakala nila na buhay pa ang hinahanap nila na limang mga pasahero
02:32.5
Nang ikadalawampu at tatlo ng June Biernes ng umaga, dumating ang pinangangambahan ng lahat ng pamilya, ubos na ang hangin sa loob ng Titan
02:42.5
Ayon sa mismong mga opisyal ng Coast Guard ng Amerika, labing pitong mga malalaking turnilyo sa labas ang nagseselyo sa mga pasahero nito sa loob
02:52.8
Kaya naman lumutang man sila, kung hindi makikita agaran ay tiyak na masasawi din sila
02:59.2
Hindi na nila maaaring mabuksan ang Titan mula sa loob
03:03.3
Ilang oras pa lamang matapos nasabihin na malamang ay nasawina ang mga sakay ng Titan, ay lumutang ang likurang bahagi ng sasakyang pandagat at maging ang tapakan nito
03:14.8
Naghudyat na malamang ay wala ng pag-asa na may nakaligtas pa alinman sa lima
03:21.1
Ayon sa Batikang Direktor na si James Cameron, tatlong po at tatlong beses siya na nakarating mismo sa Titanic
03:28.9
Siya mismo ang nagdesenyo ng kanyang sasakyang pandagat na paulit-ulit na bumaba sa mismong barko ng Titanic nang wala namang naging kahit ano naaberiya
03:38.8
Ang biyahay papunta sa mismong lumubog na barko ay lagpas dalawang oras at dalawang oras din naman pabalik
03:45.4
Ayon kay James na nang marinig niya ang balita na may narinig ang mga tripulante ng Ocean Gate na tunog mula sa ilalim ng karagatan
03:53.5
Alam na nito na wala ng pag-asa pa na makitang buhay ang mga kaibigan niya rin na hinahanap nila
04:00.2
Dagdag ni James na hindi siya nagkulang ng paulit-ulit na pagpapaalala sa yumaong CEO ng kumpanya na si Stockton na hindi ligdas ang kanyang sasakyang
04:11.1
Hindi ligdas ang ginagawa mo at huwag mo nang ituloy ang mga binabalak mo
04:16.1
Hindi lamang si James Cameron ang sumulat kay Stockton, marami din mga kumundinah na mga opisyal na Navy sa plano ng CEO ng kumpanya
04:25.4
Lalo na nang nalaman nila na gagawing pampasahero ang sariling disenyo ng sasakyang pandagat na ang Titan
04:32.5
Ang Ocean's Gate ay hindi naman bago sa paglusong papunta sa Titanic
04:36.7
Sa katunayan sila ay ang isa sa mga kumpanyang binabayaran upang lumusong sa ilalim mismo ng karagatan upang maghanap ng kagamitan sa Titanic at mag-imbestiga pa
04:47.4
Ngunit wala namang tao na kasama
04:50.0
Ang paglusong at kadalasa naman ay ginagamita nila ng de-remote control na sasakyang pandagat ng kumpanya
04:58.0
Kasama sa lumabas sa imbestigasyon na napakahaba ng pila na mga listahan ng mga taong nakaskedul na bumaba sa Titanic gamit ang sasakyan na ang Titan
05:08.6
Pangatlong paglusong na ito ng Titan papunta sa Titanic, naging matagumpay naman ang nauna na dalawa
05:14.9
Nakalusong at nakaahon sila nang walang naging kahit na ano naaberiya
05:20.0
Sa naganap na itong marami ang nagtataka kung bakit napili na mga bilyonaryong ito na isugal ang buhay nila
05:26.6
Para lamang sa isang napakadelikado na paglalakbay na kung totoo siya naman ay hindi naman talaga nila kinakailangan pa
05:33.6
Kung baga nagbayad ka na ay baka mamatay ka pa
05:36.8
Ayon sa mismo naman na tagapagsalita ng kumpanya na ang Roman at Erica
05:41.9
Isang kumpanya na ang membership mga katinagalog ko ay limang milyon kada taon
05:47.2
Samahan ito ng mga pinakamayayaman sa buong mundo
05:50.6
Ang mga kliyente daw nila o mga miyembro nila ay hindi na daw uubrah
05:55.2
Sa pagpunta lamang sa pinakamamahal na dalampasigan o kahit pa sa pinakamamahal na mga lugar
06:02.1
Nagahanap na sila ng mga bagay na ngayon lamang nila maaari daw na maranasan
06:07.0
Katulad ng pagpunta sa kalawakan o hindi naman kaya ay masilip ang kasaysayan
06:11.8
Ito ay ang sa pamamagitan na pagpunta nga sa lumubog na barko na ang RMS Titanic
06:17.7
Dagdag nito na may pinirmahan sila na kasulatan na alam nila ang panganib na kaakibat ng kanilang paglalakbay
06:24.6
Tatlong beses na isinulat sa kontrata na maaaring ang biyahin na ito ay ikamatay nila
06:31.0
Lahat ng apat na pasahero, lahat sila ay kusang loob na pumirma
06:35.5
Ang kakaibang kagalakan ng mga bago at mga delikadong paglalakbay
06:40.2
Ang nakaakit sa mga bilyonaryo na katulad ni Hamish Harding
06:44.4
Upang isugal ang buhay niya at masilip lamang ang kasaysayan
06:48.5
Ang ilan sa mga matagumpay nitong naarok ay ang South Pole Mariana Trench
06:53.7
Narating din ito ang kalawakan sa kayang Blue Origin
06:57.7
Ang kanyang huling salita sa kanyang tweet na malamang sila na ang huling babyahe sa Titanic
07:02.4
Dahil na rin sa sama ng taglamig sa bansa ngayong 2023
07:07.1
At talaga namang mga katinagalog ko na sila na nga ang huli ngayong 2023
07:12.9
Samantalang kung kakaibang thrill ang habol nitong si Hamish Harding
07:17.0
Iba naman ang dahilan ng binatang si Solomon
07:19.7
Ayon mismo sa ina nito at kapatid na ayaw na ayaw ni Solomon na sana ay sumama
07:24.9
Talaga daw na iba ang nararamdaman nito na kaba
07:28.2
Ngunit dahil ito ang naisip niyang regalo para sa kanyang ama ay sumama na siya para sa Father's Day
07:35.3
Nagdadalawang isip man ay tumuloy pa rin ang binata
07:38.2
Kasama niya ang ama na hindi na nakaahon pa
07:41.4
Ayon sa mga nag-iimbestiga at mga espesyalista
07:45.0
Ang kaibahan ng sasakyan ng batikang direktor na si James Cameron
07:48.9
At ang sasakyang pandagat na Titan
07:51.4
Ay bukod sa materialis ay kaakibat ni James ang mga taga-gobyerno ng Amerika
07:57.4
Ang mga espesyalista
07:59.2
Kung papaanong hindi lamang makarating ng maayos sa pinaglubugan ng Titanic
08:04.2
Kundi kung papaano ding ligtas na paulit-ulit na sila ay makabali
08:08.6
Kahit kailan ay hindi nagpasakay si James Cameron ng sibilyan sa sasakyang idinisenyo niya mismo
08:15.2
Inabot po siya ng 7 taon
08:17.4
Dahil ayon mismo sa direktor, alam na alam niya ang panganib
08:21.0
At hindi niya nanaisin na may madamay na iba
08:24.3
Kung sakaling pumalpak ang sariling disenyo niya
08:27.7
Mga katinagalog ko, ano po ang masasabi ninyo?
08:30.2
Kanino kayang kamalian ang nangyaring ito?
08:32.6
Sa may-ari ba?
08:33.7
O sa mga pasahero na nakaiintindi naman na sumusugal sila sa matinding panganib?
08:39.9
Isulat po ang inyong salubin sa comment section sa ilalim
08:43.1
Upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin
08:46.5
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito
09:46.5
Outro