Close
 


MANIKANG MALIGNO
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SOCIAL MEDIA LINKS: https://bio.link/tinagalog YT: https://www.youtube.com/channel/UCoy1i2lmidpXRK_UypZsiOg FB: https://www.facebook.com/KaTinagalogYT IG: https://www.instagram.com/tinagalogyt/ TikTok: https://vm.tiktok.com/ZGJBmMc5a/ Twitter: https://twitter.com/tinagalogyt MORE THAN FACTS (daollarz@gmail.com) https://bio.link/mtf https://www.facebook.com/themorethanfacts Ligalig bio.link/ligalig https://www.facebook.com/LigaligByTinagalog https://www.youtube.com/channel/UCkY4kBBQnQv3e6n6l7NPdqA Orange and Friends https://bio.link/oaf ig: orangeandfriends tt: orangeandfriends fb: https://www.facebook.com/theorangeandfriends
TINAGALOG
  Mute  
Run time: 06:10
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Minsan mas nakakatakot pa ang totoong naganap kisa sa kwento ng produkto ng imahinasyon.
00:06.7
Samahan niyo ako sa segment natin sa araw na ito.
00:09.8
Ang Pasko ay isa sa pinaka kinasasabikang panahon lalo na ng mga bata.
00:14.3
Iba ang sayang hatid ng araw na ito lalo na sa buong pamilya.
00:18.3
Kaya naman ang Pasko ng 2013 nang matanggap ng anak nitong si Emily Madonia
00:24.5
ang regalo niyang lilaruan sa pinakamamahal na supling niya.
00:28.4
Ganun na lamang ang tuwa nito na nakitang kita sa mata ng anak niya.
00:32.6
Ito ay dahil ang laroang natanggap nito galing sa kanya ay ang manika na pinaka-aasam-asam niya.
00:39.6
Ito ay ang paborito niyang karakter sa cartoons na pelikula na walang iba kung hindi ang manikang si Elsa.
00:46.7
Sabik na nilaruan ito ng bata habang masaya ring pinanonood ni Emily ang reaksyon ng kanyang supling.
00:53.5
Nakaprogram ito na umawit ng mga theme song mula sa pelikula.
00:57.4
Let it go, let it go sabi ng manika.
01:00.5
Paulit-ulit itong gagawin ng manika sa tuwing pipindutin ito sa liig ng anak niya.
01:05.5
Walang mintisang pag-awit nito, basta lang may baterya at syempre pipindutin niya.
01:11.1
Lumipas ang ilang mga buwan at ito ay naging dalawang taon
01:14.7
lang minsan ay maglinis si Emily sa silid ng anak niya.
01:18.2
Nang taong 2015, hindi sinasadyang natapik niya ang manika na si Elsa.
01:24.1
Sa gulat ng ina, bigla na lamang kumanta ang manika ng Let it go
01:28.4
ngunit pasalit-salit ito sa lingwahe ng Espanyol at ng Ingles.
01:33.6
Maiging ininspeksyo ng ina ang laruan upang maibalik ito sa salitang Ingles
01:38.7
ngunit wala itong boton para doon.
01:41.2
Sa isip ng ina, baka naman nasira na ang laruan.
01:44.6
Lumipas pa ang maraming taon, 6 na taon na nasa kanila na ang manika na si Elsa.
01:50.7
Misa na sa kwarto ang ngayon ay dalaga na niyang anak.
01:53.8
Narinig nito na kumakanta ang manika na si Elsa.
01:57.3
Ito ay kahit pa ito ay nakasara.
02:00.3
6 na taon na nga pala, niminsan ay hindi pa niya ito nabubuksan upang palitan ng baterya.
02:06.6
Kaya naman katakataka na ito pa rin ay gumagana.
02:09.3
Nang subukan buksan ito ng inang si Emily, napansin nito na kinakalawang na ang loob
02:15.2
ng pinaglalagyan ng baterya.
02:17.8
Si Elsa ay malamang natuluyan na nasira na.
02:21.5
Ngunit sa gulat ng ina, ito ay bigla na lamang muli na kumanta.
02:25.4
Sa pagkakataong ito ay wala nang baterya ang manika na si Elsa.
02:30.6
Sa isip-isip ni Emily na baka naground si Elsa, kaya naman ang taong 2019 ay napagdesisyonan
02:36.3
na nila na ang manika ay itatapo na.
02:39.2
Kaya naman dahil Desyembre at nagninyenyebe, inilagay ito ni Emily sa basurahan sa loob
02:44.6
ng tahanan, saka kinabukasan ay inilabas ito, ito ay malayo sa likod ng kanilang basurahan.
02:51.6
Ngunit hindi basta-bastang iiwan sila ng manika na si Elsa.
02:56.4
Lumipas ang tatlong linggo, nagulat ang ina na pagdating niya galing sa pamilihan,
03:02.4
nakaupo sa salas nila ang manikang tatlong linggo na siya mismo ang nagtapon.
03:08.4
Agad netong tinawag ang dalagang anak at maiging tinanong kung kinuha niya ba si Elsa
03:13.3
mula sa basurahan sa likod ng kanilang tahanan.
03:16.9
Ngunit ayon sa supling neto na hindi-hindi nila gagawin ang bagay na iyon.
03:20.8
Masyadong malamig sa labas at malayo ang basurahan, hindi nila iyon basta-basta maaabot
03:27.3
at mas lalong hindi nila daw iyon gagawin.
03:30.5
Sa pagkakataong tong si Elsa ay hindi na kumakanta ng Ingles pa,
03:35.2
tanging lengguwahi na lang ng Espanyol ang binibigkas ng sirang manika.
03:40.0
Dahil dito ay nakialam na ang padre de familia,
03:42.7
agad niya itong binalot sa itim na plastik dalawang beses na ito ay sinelyuhan,
03:48.0
saka sa likurang bahay, sa kailaliman ng basurahan, ito ay kanya na inilagay.
03:53.9
Pinanood pa neto ang pagdaan ng basura upang kunin ang itinapon niyang itim na supot
03:59.6
na laman ay ang nakakatakot na laruan.
04:02.8
At dahil nga na saksihan mismo ng mata nila na talagang wala na si Elsa,
04:07.0
lumipas ang ilang linggo ay nakalimutan na nila ito.
04:10.6
Lumisan ang buong mag-anak upang magbakasyon,
04:13.3
ngunit sa kanilang pagbabalik sa tarangkahan na kanilang pintuan,
04:17.2
naabutan na nagihintay sa kanila ang manika na si Elsa.
04:21.5
Sa puntong ito napag-isip-isip ng pamilya na baka naman may nananakot na sa kanila.
04:26.1
Kaya naman dinampot ni Emily ang manika at saka maiging ininspeksyon
04:30.9
Nalambot ito dahil ang mga marka na nakuha ng manikang si Elsa
04:36.0
mula sa paglalaro ng noon ay batang anak pa niya.
04:39.6
Lahat ay naroon pa.
04:41.2
Sa pagkakataong ito sa Taranta ay ipinadala ni Emily ang manika sa kaibigan nito
04:46.0
na nag-aaral ng paranormal.
04:48.4
Ito ay malayong malayo sa estado na kanilang tinitirahan.
04:52.2
Sinilyuhan niyang maiging si Elsa at hindi na niya nilagay pa ang adres niya.
04:57.0
Ayon sa kaibigan ni Emily na si Chris Hogan na tinali niya ang manika sa harapan ng jeep niya
05:03.2
at doon ay oobserbahan niya.
05:05.4
Dagdag ni Chris na sa oras na may maganap na kakaiba.
05:08.3
Talaga naman na may gagawin siya upang hindi na muling ang manika ay makagambala pa.
05:14.2
Habang sinusulat ko ang kwetong ito mga katinagalog ko
05:17.5
ang manikang si Elsa ay nasa truck pa rin ni Chris
05:20.4
at hindi pa nakakabalik sa dati na pinanggalingan na pamilya niya.
05:24.8
Mga katinagalog ko, sa tingin po ba ninyo ay talagang nagmumolto ang manikang ito?
05:29.9
O talaga namang may nananakot lang sa pamilya?
05:32.7
Isulat po ang inyong salubihin sa comment section sa ilalim
05:35.7
upang sama-sama po na ito ay ating basahin.
05:38.9
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa segment natin sa araw na ito.