Close
 


Brunei - Ang Bansang Walang Tax, Free College At Mga Hospital
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Brunei, napakaliit na bansa ngunit bakit sobrang yaman. Mas malaki pa dito ang probinsya ng Occidental Mindoro. Libre ang mga hospitals, free ang mag-aral sa College at hindi kinakaltasan ang mga empleyado ng personal INCOME TAX. Ngunit sinasabing napaka korap daw ng kanilang pinuno. Ang malaking bahagi ng yaman ng brunei ay napupunta lamang sa bulsa ng kanilang hari na si Sultan Bolkiah. Alamin ang detalye sa videong ito. Manood ng iba pa naming awesome videos: PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U 9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as cr
Awe Republic
  Mute  
Run time: 08:59
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Welcome to Brunei, isang maliit na bansa na nasa bandang ibaba ng Palawan.
00:06.0
Mas malaki pa ang probinsya ng Occidental Mindoro, tahana ng kakaibang unggoy na Provoscis monkey.
00:14.0
Maliit man, ngunit napakayaman nito. As of June 2023, nasa 11th place sa listahan ng pinakamayamang bansa sa mundo kung GDP PPP per capita ang pagbabasehan.
00:27.0
Napakaganda daw mamuhay sa bansang ito. Libre ang mag-aral sa college, libre ang magpagamot sa mga ospital, at higit sa lahat, hindi mababawasan ng tax ang sahod mo dahil walang income tax dito.
00:42.0
At alam nyo ba, napakamura ng gas dito. 0.53 Brunei Dollars o nasa 21 pesos per liter lamang.
00:50.0
Noong bago pa nga magpandemic, ay nasa 0.30 Brunei Dollars lamang ito o nasa 11 pesos per liter.
00:58.0
Mas mahal pa nga daw ang mineral water kaysa gasolina doon. Kaya naman halos lahat ng tao doon ay may mga sariling sasakyan.
01:07.0
Isipin nyo nga, isang bahay, isang family, siguro may average 3 or 5 cars.
01:12.0
Ayon sa kababayan nating OFW, malinis, safe at peaceful daw sa Brunei. Ngunit hindi lahat ay positibo tungkol sa Brunei. Nababalot din ito ng mga skandalo at aligasyon ng korupsyon.
01:26.0
Sultan, worth more than 20 billion dollars, the absolute ruler of Brunei.
01:32.0
Nobody is gonna set foot in that damn hotel!
01:35.0
People being stoned to death. Hello!
01:37.0
Sinasabing ang malaking bahagi ng yaman ng Brunei ay napupunta lamang sa bulsan ng kanilang hari na si Sultan Bolquia.
01:45.0
Sa katunayan noong 1997 ay naging pinakamayamang tao ito sa buong mundo na may net worth na 38 billion dollars.
01:54.0
Natalo niya si Bill Gates na nasa second place lamang.
01:59.0
55 years nang namumuno si Hasanal Bolquia sa Brunei at dito siya ang batas.
02:05.0
Binansag ang The Playboy Sultan. Meron pang ang nailabas na documentary at libro tungkol sa kanyang pambababae.
02:13.0
Maluhu daw ang lifestyle ng Sultan mula sa pagtatapo ng ingranding party sa Amerika kung saan gumasta siya ng 1 million dollars,
02:22.0
20,000 dollars o 1.1 million pesos para lang sa isang haircut sa London hanggang sa napakaraming koleksyon ito
02:31.0
ng mga mamahaling sasakyan tulad ng Rolls Royce, Lamborghini at Ferrari.
02:37.0
Ayon sa pahayagang mirror.co.uk, nasa 7,000 daw lahat ang luxury cars ng Sultan at 300 dito ay mga Ferraris.
02:47.0
Ngayon paman hindi kumpirmado kung totoo nga ba ang impormasyon na ito.
02:52.0
Ayon naman sa Business Insider, mayroon daw 500 na mga Rolls Royce ang Sultan
02:58.0
at dahil dito hawak niya ang Guinness World Records na may pinakamaraming Rolls Royce.
03:04.0
Sa estimated 4 billion dollars o nasa 224 billion pesos lahat ang halaga ng kanyang koleksyon ng mga sasakyan.
03:12.0
Ngunit sa kabila ng sinasabing labis na yaman ng Brunei at marangyang buhay ng Sultan,
03:17.0
may mga nagsasabi na tila hindi yata na ibabahagi ang yaman ng bansa sa lahat ng mga mamamayan ito
03:25.0
dahil may mga Bruneians na lugmuk pa rin sa kahirapan.
03:29.0
Saan ba galing ang yaman ng bansa?
03:35.0
Ang Brunei ay kilala sa opisyal na tawag na Brunei Darussalam.
03:39.0
Makikita ang bansa sa isla ng Borneo. Kahati nito sa isla ang bansang Malaysia at Indonesia.
03:46.0
Meron lamang populasyon na nasa 441,000 katao noong 2021.
03:52.0
Pero small but terrible kung maituturing dahil maliit man ang bansang ito ay malaki naman ang income nito.
03:59.0
Napakaliit lang ng utang ng Brunei. Noong 2021, ang public debt ay 2.51% lamang ng kanilang GDP
04:08.0
kumpara sa Pilipinas na ang public debt ay 60.5% ng GDP.
04:14.0
At ang yaman ng bansa ay galing sa maitim na likwid na ito.
04:19.0
Black gold, liquid gold o mas kilala sa tawag na petroleum.
04:25.0
Ang bansa ay may malaking deposito ng oil at natural gas.
04:30.0
Kabilang ang Brunei sa top five oil producers sa Southeast Asia.
04:35.0
At ang yamang ito ay ibinabalik sa tao sa pamamagitan ng libreng edukasyon at healthcare.
04:41.0
Buko dito, hindi sila kailangang kaltasan ng tax para pondohan ang mga programa ng gobyerno.
04:47.0
Walang ipinapatupad na personal income tax deduction sa mga locals at mga foreigner na nagtatrabaho sa Brunei.
04:54.0
Hindi mo po problemahin ang mataas na tuition dahil libre ang edukasyon hanggang college.
05:00.0
Kahangahan nga rin ang libreng programang pangkalusugan.
05:04.0
Maganda ang programang pangkalusugan na tinatawag nilang one patient, one record electronic data management system.
05:12.0
Dahil madaling ma-access ang health records ng pasyente, mas mabilis at mahusay rin nagagawa ang pangangalaga at pagbibigay lunas sa pasyente.
05:21.0
Marahil naisip nyo na siguro magandang tumira sa Brunei dahil sa mga binipisyong ito.
05:27.0
Para sa mga nagbabalak ng mag-migrate sa Brunei, alamin muna natin kung talaga nga bang hayahay ang buhay sa Brunei.
05:35.0
Ayon sa ilang mga OFWs na nagbabahagi ng kanilang karanasan sa pagtatrabaho sa Brunei, may igpit na ipinagbabawal dito ang porn at alak.
05:46.0
Hindi mo ma-access sa internet ang mga porn sites dito.
05:49.0
Ipinagbabawal din dito ang pag-celebrate ng Pasko in public.
05:54.0
Pero may mga Christian na simbahan naman pa rin.
05:57.0
At kapag panahon naman ang fasting, ang mahuling kumakain ay huhulihin.
06:02.0
Pwede namang kumain sa loob ng bahay ninyo, huwag lang sa public areas.
06:06.0
Naging kontrobersyal din ang batas na ipinatupad noong April 2014 na nakabase sa batas ng Sharia o Islamic Law.
06:15.0
Isa sa ipinagbabawal ng batas na ito ay ang pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapwa-lalaki.
06:21.0
Kapag may testigo at sapat na ebidensya na sila ay nagkasala, ang parusa ay stone to death.
06:28.0
Babatuhin hanggang sa mamatay ang isang tao.
06:31.0
Stone to death din ang parusa sa mga mahuhuling nagkasala ng gaya ng adultery, rape at extramarital sexual relations.
06:40.0
Maging si George Clooney ay itinuturing itong labag sa human rights at nananawagan pang i-boycott ang hotel na pagmamayari ng Brunei.
06:49.0
Dahil sa mga tunigsan na natanggap ng bansa globally dahil sa batas na ito,
06:54.0
noong 2019 ay nagpahayag si Sultan Bolquia na magkakaroon ng moratorium upan samantalang hindi pagpapatupad ng death penalty.
07:03.0
Problema rin ang korupsyon na kinasasangkutan pa ng kapatid ng Sultan na si Prince Jeffrey Bolquia.
07:10.0
Sinasabing habang pinamunuan niya ang Brunei Investment Agency,
07:14.0
ay $40 billion ang nakuha sa account ng ahensya at questionable kung saan napunta ang pera.
07:22.0
Ang perang ito ang pusibling nagamit sa maluhong pamumuhay ng prinsipe.
07:27.0
At para sa bansang nagpapatupad ng kamatayan sa kasalanang adultery,
07:31.0
hindi rin katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng ibat-ibang babae ng Sultan at prinsipe.
07:37.0
Noong 1997, ang dating Miss USA na si Shannon Marketic ay kinasuhan ang Sultan at prinsipe
07:44.0
dahil siya at anim pang ibang babae ay pinuwersang maging sex slaves.
07:49.0
Tila nga wala talagang perpekto sa mundo.
07:52.0
Bagamat kahangaha nga ang mga binipisyong natatamasa ng mga Bruneians,
07:56.0
sa kabila naman nito ay ang walang habas na paglustay sa kaban ng bayan.
08:01.0
Habang ipinapatupad ang mga striktong batas,
08:04.0
ang mga pinuno naman nito ay malayang nakakagawa ng mga immoral at iligal na gawain.
08:11.0
Nagustuhan nyo po ba ang video natin ngayon? Kung oo, ay mag-comment ng yes.
08:17.0
By the way, nais po namin magpasalamat sa inyong walang sawang suporta, mga ka-awesome!
08:22.0
Shoutout diyan kina Florendo Garcia, Renren Corsino Paran,
08:27.0
Florida Lanat Ordiales, Rioben Besmonte Basmayor, at Joshua Gaon Bornell.
08:34.0
Salamat din sa ating mga top fans,
08:37.0
Karacuchi Zyrie, Giselle Tan Divino, Salvador Caldito, at Antonio Balano III.
08:44.0
At salamat rin po sa mga nagbigay ng stars, Sarah C. Fernandez at Beth Canasa.
08:50.0
Maraming salamat mga ka-awesome!
08:52.0
This is your Ati O from our Republic. Hanggang sa mali and stay awesome!