Close
 


Ito pala ang 8 DAHON na DAPAT MONG KAININ dahil sa NAPAKARAMI NITONG BENEPISYO!
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ito pala ang 8 DAHON na DAPAT MONG KAININ dahil sa NAPAKARAMI NITONG BENEPISYO! #masustansyangpagkain #masustansyangulam #masustansyanggulay =================== Tools/Course I use to GROW my Youtube Channel: Tube Mastery and Monetization: 👉👉 https://bit.ly/tubemasterybymattp TubeBuddy:👉👉 https://www.tubebuddy.com/teytelly Envato Elements:👉👉 https://bit.ly/envato_elements_teytelly =================== References https://hort.extension.wisc.edu/articles/carpetweed-mollugo-verticillata/ https://www.eattheweeds.com/carpetweed/ https://extension.psu.edu/carpetweed https://www.flowersofindia.net/catalog/slides/Thread-Stem%20Carpetweed.html#:~:text=Medicinal%20uses%3A%20Thread%2DStem%20Carpetweed,%2C%20constipation%2C%20and%20reduce%20hangover. https://ijapr.in/index.php/ijapr/article/view/1812 https://myland.decorexpro.com/tl/prochee/list-paporotnika.html https://www.tacticaltravelers.com/think/pako-edible-fern-philippines/#:~:text=Pako%20is%20the%20local%20term,fiddlehead%20fern%E2%80%9D%20bei
Tey Telly
  Mute  
Run time: 08:47
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang pagkain ng mga dahon o leafy green vegetables ay maganda sa ating kalusugan.
00:05.2
Ito ay nagtataglay ng high nutrients na nakakatulong upang mapanatiling malusog ang pangangatawan.
00:11.6
Kaya kung ikaw ay naghahanap ng masustansyang dahon na pwedeng sangkap sa mga niluluto mo,
00:17.4
ito ang walong dahon na dapat mong kainin dahil sa napakarami nitong benepisyo.
00:22.8
Number one, dahon ng maligoso.
00:25.4
Ang maligoso o papait at kilala rin sa tawag na green carpetweed ay madalas nagawing abraw ng mga ilokano.
00:33.4
Pahaba na may bilugang dulo ang mga dahon nito at nagbubunga ng maliit na puting bulaklak kapag tag-init.
00:40.0
Pwede mo rin itong igisa o kaya gamitin pampalasa sa vegetable soups.
00:44.8
Medyo mapait nga lang ang lasa nito at advisable kainin kapag mainit.
00:49.8
Dahil pag lumamig na ito ay naku sobrang pait talaga.
00:53.4
Ayon sa mga pag-aaral, ang maligoso ay may medicinal properties dahil sa taglay nitong phyto-constituents
01:00.8
tulad ng terpenoids, saponins at flavonoids.
01:04.4
Kaya maaari itong kainin upang malunasan ang lagnat.
01:08.0
Ang pagkain ng dahon ng maligoso ay nakakatulong ding maibsan ang constipation, hangover at ubo.
01:15.4
Number two, dahon ng pako.
01:17.8
Malimit na tumutubo malapit sa sapa at ilog, ang pako o edible ferns ay isang uri ng halaman na walang bulaklak at buto.
01:26.4
Ito rin ay tinatawag na tagabas, eletso o kaliskis ahas at may ibat-ibang uri ng species.
01:33.8
Dahil may ibat-ibang uri ng pako, dapat maging maingat sa pagpitas nito.
01:38.8
Ang fiddleheads o young ferns ay ang edible part ng pako dahil bata pa ang dahon nito.
01:45.2
Madalas itong ihain na fresh salad, ginataan o side dish.
01:49.6
Ito ay kinaklassify na green leafy vegetable at ginagamit ding sangkap pang luto sa Thailand at ilang parte ng Indian subcontinent.
01:58.8
Ang dahon ng pako ay mayaman sa calcium, iron at phosphorus.
02:03.2
Mayroon din itong taglay na thiamine o vitamin B na nakakatulong maibsan ang vitamin B deficiencies.
02:10.6
Ang pako offering ay vitamin A rich food, kaya pinupromote nito ang healthy eyes, skin at respiratory system.
02:19.4
Number 3, Talbos ng Sayote
02:22.2
Ang sayote o chayote ay isang edible plant na mababa ang carbohydrates at mataas ang fiber.
02:29.6
Ang talbos nito ay madalas igisa at ipares sa pritong isda o iba pang karne.
02:35.6
Technically, ang sayote ay isang prutas, ngunit kadalasan itong ihain as a vegetable dish.
02:42.2
Pero alam mo ba, ang talbos ng sayote ay kasing sustansya rin ng nasabing prutas.
02:48.4
Dahil sa taglay nitong high amount ng vitamin C, fiber at folate, ang talbos ng sayote ay ginagamit din sa Asian, Central at South American medicine.
03:00.0
Ang sayote ay nakakatulong upang maibsan ang urinary retention.
03:04.8
Samantala, ang talbos ng sayote ay sinasabing nakakatulong sa pagtunaw ng mga kidney stones upang maibsan ang atherosclerosis at hypertension.
03:15.8
Number 4, Dahon ng Gabi
03:18.2
Ang edible corn ng gabi ay tinatawag na taro.
03:21.6
Ito ay pinaniwala ang isa sa earliest cultivated plants at madalas gamitin pang palapot sa sinigang.
03:29.2
Samantala, ang dahon ng gabi o elephant ears ay ginagamit na ornamental plants dahil ito ay hugis puso.
03:37.6
Maliban doon, ang dahon ng gabi ay isang delicacy sa Bicol region kung saan nagmula ang vegetable dish na laing.
03:45.8
Ito ay may dried taro leaves, coconut milk, chili at dried anchovy o shrimp.
03:51.6
Pero ano nga ba ang health benefits na makukuha sa dahon ng gabi?
03:56.0
Ang dahon ng gabi ay low calorie green leafy vegetable na mayaman sa potassium, folate, fiber at vitamin A at C.
04:05.6
Ito rin ay nagtataglay ng calcium, iron, phosphorus at magnesium.
04:10.8
Kaya naman mainam kainin ang dahon ng gabi for a balanced diet.
04:14.8
Number 5, Talbos ng Kamote
04:17.6
Ang talbos ng kamote o sweet potato leaves ay available all season at tumutubo na hindi kinakailangan ng sobrang pangangalaga.
04:26.6
Ito ay nagtataglay ng nutritional benefits.
04:29.6
Madalas itong gawing side dish sa iba't ibang uri ng pagkain o tea upang palakasin ang immune system.
04:36.6
Ang talbos ng kamote ay mayaman sa vitamin C, B, A, K, B6 at B-carotene.
04:44.2
Ito rin ay nagtataglay ng calcium, folic acid, iron, niacin, protein, riboflavin, thiamine at zinc.
04:53.0
Ang talbos ng kamote ay mayroon ding anti-diabetic compounds na nakakatulong sa pagpapababa ng blood glucose level.
05:01.4
Pinupromote rin ito ang healthy heart, eyes at bones.
05:05.4
Mayroon din itong antioxidants at anti-mutagenic compounds na tumutulong bawasan ang pagdami ng cancer cells.
05:14.0
Lastly, ang talbos ng kamote ay may anti-coagulant component na tumutulong sa katawan upang makarecover ng mabilis sa mga hiwa, pasa at blood clotting problems.
05:26.4
Number six, dahon ng ampalaya.
05:29.0
Kilala rin as bitter gourd o bitter melon, ang ampalaya ay magandang kainin ng mga taong anemic dahil ito ay nakakatulong sa pagdagdag ng dugo sa katawan.
05:39.6
Ang dahon ng ampalaya ay pwedeng i-boiled, stewed, o saute.
05:44.0
Napakasustansya nito dahil ito ay nagtataglay ng vitamin A, vitamin C, at iron.
05:50.6
Ang extract ng ampalaya ay nagtataglay ng polypeptide B, isang component kagaya ng insulin.
05:57.8
Kaya naman ito ay mainam kainin upang mabawasan ang glucose sa dugo.
06:02.6
Maaari rin itong gawing tea dahil sa taglay nitong medicinal properties.
06:07.2
Sa ibang bansa, ginagamit din ang dahon ng ampalaya na antiviral aid upang maibsan ang symptoms ng malaria, measles, diabetes, at hypertension.
06:18.8
Number seven, dahon ng kangkong.
06:21.4
Ang kangkong ay malimit na isinasahog sa sinigang, ginagawang adobo, o tinitimplahan ng oyster sauce.
06:28.6
Kagaya ng ibang dahon na aking inirekomenda, ang kangkong ay hindi kailangan ng sobrang pangangalaga.
06:35.0
Napakasustansya nito at napakarami ng benepisyo para sa ating kalusugan.
06:39.8
Mayaman nito sa calcium, fiber, iron, at vitamin A, C, at K.
06:45.6
Ang kangkong ay mayroon ding potassium at electrolytes dahil ito ay tumutubo sa semi-aquatic environment.
06:52.6
Nakakatulong ito sa pagreduce ng blood pressure, nagbibigay ng immunity laban sa cancer, at ini-improve ang vision.
07:00.8
Maari rin makatulong ang kangkong sa pag-boost ng immunity, paggamot ng skin diseases, pag-aid sa bowel movement, at pang-iwas sa constipation.
07:10.4
Ayon sa pag-aaral, nakakatulong din ang kangkong sa mga taong may liver problems at diabetes.
07:16.8
Number eight, dahon ng malunggay.
07:19.2
Ang malunggay ay superfood na ilang siglo nang ginagamit dahil sa health benefits na hatid nito.
07:25.4
Tinagurian ng mga scientist ng Miracle-3,
07:28.2
ang malunggay ay nagtataglay ng anti-inflammatory properties at antioxidants na efektibong pangontra sa stress, nakakapagpabata, at nagpapalakas ng immune system.
07:39.4
Ito rin ay nagtataglay ng calcium, folate, iron, magnesium, phosphorus, at zinc.
07:45.8
Mayaman din ang malunggay sa vitamin A, C, B6, thiamine, riboflavin, niacin, at folate.
07:53.6
Kaya naman napakaraming health benefits ng malunggay, tulad ng pagmanage ng blood glucose at pinapabilis ang paggaling ng sugat.
08:02.0
Ang dahon ng malunggay ay mainam din na gamot sa anemia, at nakakatulong sa pagproduce ng maraming gatas sa mga nursing mothers.
08:09.8
Magandang lunas din ito sa digestive problems at nagbibigay proteksyon sa infection, inflammation, at arsenic toxicity.
08:18.2
Pinopromote ng malunggay ang healthy bones, skin, hair, at nervous system.
08:23.6
Talaga namang napaka-healthy ng malunggay para sa ating kalusugan.
08:27.4
So there you have it. I hope makatulong ang video na ito para sa iyo.
08:31.6
Ikaw, alin sa mga dahon na ito ang madalas mong kainin?
08:35.6
Meron ka bang tanim na mga ito sa iyong bakuran?
08:38.6
I-share mo naman yan sa ating comment section sa baba.