Close
 


GELO | PAPA DUDUT STORIES DRAMA
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
SUBSCRIBE TO MY 2nd CHANNEL https://www.youtube.com/channel/UCoKGAsi3RTrg-7Mm7kGPcPg FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS FACEBOOK: https://www.facebook.com/DJPapaDudut TWITTER: https://www.twitter.com/PapaDudut INSTAGRAM: https://www.instagram.com/PapaDudut EMAIL: papadudutstories@gmail.com To be notified with Papa Dudut Vlogs, Kindly click the 'BELL' button & the 'SUBSCRIBE' button. Hi Guys! I'm Papa Dudut, radio announcer. Welcome to my channel. I hope you like my videos, it is made with extra love and efforts for you. Send your stories at papadudutstories.gmail.com Got something for me? Rangsiman Thai Massage Bedrock Place 11 Dahlia Ave, Novaliches, Quezon City, 1118 Metro Manila Camera used to film: Canon EOS M6 Mic: Edutige ETM 008 and Edutige ETM 001 Editing Software: iMovie Please like, share and comment. It helps support this channel, and I would really appreciate it! Also, I try to respond to EVERY comment, so please join the conversation #PapaDudut #PapaDudutStories #MrLoveStories #Mu
Papa Dudut
  Mute  
Run time: 18:36
Has AI Subtitles



Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Ang masamang bisyo ay kailangang iwasan habang maaga pa.
00:04.3
Dahil sa oras na tayo ay malulong dito, mas mahihirapan na tayong makaahon.
00:10.8
At pwedeng maging dahilan ito para masira ang buhay natin, pati ng buhay ng ating mga mahal sa buhay.
00:18.9
Dear Papa Dudut,
00:21.0
Lahat tayo ay may pagkakamaling na gagawa sa ating buhay.
00:25.2
Mga pagkakamali na minsan ay huli na para itama pa.
00:29.2
Kaya nga may kasabihan na palaging nasa huli ang pagsisisi.
00:33.3
Ay Papa Dudut at sa mga kastorya nating nakikinig ngayon.
00:37.4
Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Jello.
00:40.7
34 years old at nagtatrabaho sa isang factory.
00:45.0
Mahira para sa akin ang gawin ng sulat na ito.
00:49.0
Lalo na at ang parting ito ay ang hirap balikan talaga sa alaala ko.
00:54.8
Solong anak lamang ako ng parents ko at ng making spoiled brad, Papa Dudut.
01:00.0
Lahat ng gusto ko ay kaagad kong nakukuha, lalo na kong material na bagayon.
01:07.5
Pareho kasing negosyante ang mga magulang ko.
01:11.4
Marami silang pera at naibigay ng mga pangalang.
01:15.6
At mayroon na ako ng mga mga mga pangalang.
01:18.9
Pareho kasing negosyante ang mga magulang ko.
01:22.9
Marami silang pera at naibigay ang mga mga material na pangangailangan ko.
01:29.6
Pero hindi sapat para lumaki ako ng maayos na bata.
01:34.3
Oo, nabibili ko lahat ng gusto ko.
01:38.3
Pero hindi kasi kasama doon ang oras ng mga magulang ko.
01:45.2
Palagi silang busy sa mga trabaho nila.
01:48.6
Palaging naka-out of town o out of the country.
01:52.8
Kaya lumaki ako nakasama ang mga barkada ko.
01:57.3
Sila ang naging pamilya ko.
02:00.4
Sandalan at nagbigay ng presensya bilang mga kapatid.
02:06.4
Ayon nga lang ay hindi sila naging mabuting ehemplo para sa akin.
02:11.4
Kasi halos lahat ng barkada ko may masamang bisyo.
02:17.3
Ano yung masasamang bisyo?
02:19.9
Alak, sigarilyo at pinagbabawal na gamot.
02:26.0
Nagsimula ako sa patikim-tikim ng alak at sigarilyo hanggang sa nagustuhan ko na ito.
02:33.4
Ang pinagbabawal na gamot ang pinakainiwasan ko sa lahat.
02:39.2
Kasi alam ko na ito ang pinaka makakapegto sa akin.
02:43.0
Dito masisira ang buhay ko.
02:45.5
Kahit anong pilit ko ay hindi ko yun tinikman.
02:49.9
Kaya lang nang sumabit ang birthday ko noong 14 years old ako ay parehong wala silang mami at daddy sa bahay.
02:57.2
Nagpaparty na lamang ako sa mga kaibigan ko at sinagot ko lahat ng alak, ulutan at yosi.
03:04.5
Sobrang sama ng loob ko noon at nagpakalunod talaga ako sa alak.
03:10.1
At sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tumikim ng droga sa kauna-unahang pagkakataon.
03:20.3
Totoo pala yung sinasabi nila na kapag natikman mo na ito,
03:24.5
ay mahihirapan ka ng tigilan dahil hahanap-hanapin ang sarili mo.
03:30.1
Yun ang nangyari sa akin papadudot.
03:34.3
Nalulung ako sa paggamit nito hanggang sa maging drug addict na ako.
03:40.4
Nang malaman ni daddy at mami ang tungkol doon, ay galit na galit sila sa akin at pinahinto ako sa pag-aaral.
03:47.6
Nagpabalik-balik ako sa rehab para lamang mawala ang masamang bisyo ko na ito.
03:54.4
Ilang taon pa ang lumipas, nag-decide na ako na magtinuna.
03:58.5
Dahil pagod na akong sirain ang buhay ko.
04:01.7
Pagod na akong gumawa ng mga bagay para lamang mapansin ni na mami at daddy.
04:09.0
Bumalik ako sa pag-aaral pero nag-transfer sa ibang school papadudot.
04:13.7
17 years old ako.
04:16.0
Pero nasa 3rd year high school ako.
04:19.9
Ako na ang pinakamatanda sa klase namin kaya nahihiya talaga akong makihalubilo.
04:25.0
Mabuti na lamang at nakilala ko si Jelai.
04:28.6
Ang tahimik mo naman?
04:30.7
Hindi ka naman pipi?
04:32.6
Hindi ka ba talaga palasalita?
04:35.0
Tanong ni Jelai habang naka-lunch break kami.
04:38.9
Umiling lamang ako.
04:41.4
Grabe kahit pagsagot lang ng oo at hindi, hindi mo magawa.
04:46.4
Ano nga ulit ang pangalan mo?
04:49.3
Isa sign language mo rin?
04:51.2
Tanong pa niya.
04:53.2
Jello Tugonko
04:56.3
Alam ko gusto ko lang marinig ang boses mo.
04:59.7
Thank you kasi finally ay nagsalita ka na rin Jello.
05:03.4
Wika ni Jelai na may magandang ngiti sa mga labi.
05:08.8
Nakakatawa no?
05:10.7
Magkatulog pa yung pangalan namin pero sobrang mag-iba kami ng ugali.
05:15.2
Kung anong ingay niya sa classroom ay yung lamang tahimik ko sa buong klase namin palagi.
05:21.3
Tapos siya pa ang lapit ng lapit sakin para maging close kaming dalawa.
05:26.4
Kaya dahil sa kakulitan niya ay unti-unti kaming naging close na dalawa.
05:32.9
Madalas na kaming magkasama sa recess o lunch break.
05:37.4
Tinutulungan niya ako sa mga subject na nahihirapan ako.
05:42.0
Nang dahil kay Jelai ay nagsisimula na akong makabawi sa mga grades na binagsako doon sa inalisang ko na school.
05:51.6
Hanggang sa nakagraduate na nga kami ng high school.
05:55.6
Ang sayang sa pakiramdam na nagawa ko talagang magbago noon, Papa Dudut.
06:01.9
Naisip ko na hindi ko magagawa yun kung hindi dahil kay Jelai.
06:06.8
Siyang naging tulay at liwanag ko hanggang sa makatong tunga ko sa kulihyo.
06:15.2
Papa Dudut, second year college na kami nang maging magkarelasyon kami ni Jelai.
06:20.6
Ilang buwan ko siyang niligawan pero sinabi niya sakin
06:24.7
na matagal na rin daw siyang may gusto sakin.
06:28.2
Sadyang pinigilan niya lamang ang nararamdaman niya kasi priority niya ang pag-aaral.
06:34.8
Pero dahil gusto niya na maging secured na kami sa isa't isa,
06:39.2
sinagot na niya ang panliligaw ko kahit na hindi pa ako nakikilala ng mami niya.
06:45.5
Dumating ang araw na sinabi niya na nagigilty raw siya at gusto niyang makilala na ako ng mami niya.
06:51.3
Gusto niyang malaman na nito ang tungkol sa aming dalawa.
06:56.4
Kabado man ako, siyempre pumayag ako sa gustong mangyari ng girlfriend ko.
07:02.0
Good afternoon po ma'am.
07:03.9
Ako po si Jello.
07:05.5
Pakilala ko sa sarili ko.
07:08.3
Matagal na kitang gustong makilala.
07:10.2
Ang sabi lang ng anak ko ay busy ka raw palagi sa mga lakad mo.
07:14.1
Ang wika ni tita.
07:16.8
Ganun na nga po ma'am.
07:18.4
Medyo kinakabahang wika ko.
07:21.6
Alam mo ba ang responsibilidad ni Jellai dito sa pamilya?
07:26.8
Panganay siya sa apat na magkakapatid at sa oras na makatapos siya ay tutulungan niya akong mapag-aral ang mga kapatid niya.
07:34.8
Kaya hindi siya makakapag-asawa ka agad at...
07:38.5
Ma, si Jello, boyfriend ko, ang putol ni Jellai sa sinasabi ng mama niya.
07:44.3
Nagulat ako doon kahit yun naman talaga ang dapat na mangyari.
07:49.6
Tita, alam ko po lahat ng tungkol sa responsibilidad ni Jellai sa pamilya ninyo.
07:55.1
Nangangako po ako na tutulungan ko siya na matupad yun sa abot ng aking makakaya.
08:00.0
Nakasloob na wika ko.
08:02.9
Saglit na tumahimik si tita bagong umiti sa amin.
08:07.2
Alam ko naman ang tungkol sa inyo dahil ikaw lang Jello ang kaunaunahang lalaki na dinala ni Jellai sa bahay na ito.
08:14.0
Kaya umaasa ko na aalagaan mo siya at tutuparin mo ang pangako mo.
08:18.8
Wika pa niya.
08:21.6
Papadudod si Jellai ang naging inspirasyon ko para magsumikap ako sa pag-aaral.
08:27.3
Gusto ko na makapagtapos at matupad ang mga plano namin sa buhay.
08:34.2
Kaya lang nasa third year ako
08:36.8
nang muli akong mapabarkada sa ibang kaklasiko.
08:41.3
Napansin ka agad yun ni Jellai at sinabihan niya ako na lumayo sa mga ito.
08:46.6
Dahil kilala rao ang mga ito na basagulero sa school namin.
08:52.5
Pero hindi ako nakinig kasi masarap kasama ang mga barkada kong si Edward.
08:58.0
Alam ko na mabisyo sila.
09:00.4
Ayos lang naman yun hanggang sa umatenda ko ng birthday party ni Edward.
09:05.4
At nang araw na yun ay muli akong nakatikim ng droga.
09:10.0
Sabi ko isang beses lang pero naulit ng isa pa.
09:13.6
Naulit, nang naulit, nang naulit hanggang sa bumalik na ako sa dating si Jello na addict sa bato.
09:21.9
Nang malaman nyo ni Daddy, siyempre, galit na galit sila sa akin lalo na at nasa fourth year na ako noon.
09:29.2
Hindi nila ako pinahinto pero nagsunod-sunod ng bagsak ako sa mga grades ko hanggang sa ako na mismo muling umayaw sa pag-aaral.
09:38.8
Ilang beses akong kinumbensin ni Jellai na tapusin ang college.
09:43.4
Pero sadyang sabog na ang uta ko noon.
09:46.9
Wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang magpakasarap sa buhay.
09:52.5
Sa araw ng graduation ni Jellai ay hindi ako nakapunta sa kanya kasi sobrang lango ako sa bato at sa alak.
09:59.8
Pero nang maging okay na ako ay kinausap ko siya, kinabukasan at nagsori ako sa kanya.
10:05.7
Akala ko ay magagalit siya pero kaagad niya rin akong tinatawad.
10:10.5
Sobrang bayt talaga ng girlfriend ko na minsan ay hindi ko na alam kung bakit gano'n na lamang siyang kabait sa akin.
10:18.6
Sinukuha na ako ng halos lahat ng tao sa paligid ko, pwera na lamang sa kanya.
10:25.0
Palagi niyang sinasabi sa akin na alam niyang kaya ko ulit magbago.
10:30.5
Kaya ko kasi minsang ko na raw nagawa yun.
10:34.4
Sinusubukan ko naman noon pero sobrang hirap papadudod.
10:38.8
Sobrang hirap bitawan ng ipinagbabawal na gamot.
10:45.3
Papadudod dumating sa point na pinalayas na ako ng mga magulang ko sa bahay namin
10:51.5
dahil ayaw na raw nilang madamay sa kalukohan na ginawa ko.
10:58.5
Kung hindi ko raw kayang tigilan ang bisyo ko ay titigil na raw sila sa pagiging isang magulang sa akin.
11:06.2
Doon naman nag-decide si Jelay na magsama na kami sa isang bahay.
11:10.5
May trabaho noon si Jelay sa isang maganda at kilalang kumpanya.
11:14.8
Magkasama kami sa isang bahay pero sa kanya lamang nanggagaling lahat ng mga pangastos.
11:22.0
Wala kong kahit na magkano'ng naiaambag.
11:25.2
Si Jelay din talaga ang nag-suggest na magsama na kami sa isang bahay dahil
11:30.4
baka raw magbago ako kapag nagsama na kami ng halos mag-asawa na.
11:36.4
Actually, papadudod dahil sa set up na yon,
11:39.8
ay nagsimula akong makaramdam ng pagkasama kay Jelay at sa relasyon namin.
11:46.1
Para bang nagsasama na lamang kami dahil sa obligasyon niya sa akin bilang girlfriend ko.
11:54.1
Sang kagaling?
11:55.8
Seryosong tanong ni Jelay nang makauwi ako ng bahay.
12:00.6
Diyan lang sa bahay ng barkada,
12:02.8
wika ko habang pilit na tinatago ang kalasingan ko.
12:07.6
Kina Edward na naman.
12:10.2
Jelo, hindi ba ang sabi ko sayo iwasan mo na ang mga barkada mo na yan?
12:15.6
Sila na nga ang dahilan kung bakit bumalik ka sa paggamit ng bawal na gamot eh.
12:19.7
Hindi mo pa rin sila malayuan?
12:22.0
Naiinis na wika ni Jelay.
12:25.5
Alam mo pare-pareho lang kayo ng mga magulang ko eh.
12:28.8
Pare-pareho lang kayo na hindi ako naiintindihan.
12:32.1
Naiinis na sigaw ko.
12:35.6
Hindi ako kapare-pareho ng magulang mo.
12:39.0
Jelo, dahil ako niminsan hindi kita sinukuan.
12:44.8
Hindi kita sinukuan kahit pagod na pagod na ako sayo.
12:48.5
Sana naman ay maisip mo na may hangganan din ang pagod na nararamdaman ko.
12:54.3
Sana mayisip mo na subukan man lang sanang tulungan ang sarili mo.
12:59.2
Subukan mo man lang Jelo na ikaw naman ang magangat ng sarili mo.
13:04.4
Naiiyak na sabi pa ni Jelay.
13:07.3
Pumasok na siya sa kwarto at padabog na sinarado ang pinto.
13:11.6
Dahil sa pagtatalo namin nayon, sa sofa muna ako natulog.
13:17.4
Tanghali na nang magising ako.
13:20.0
Wala na sa bahay si Jelay at nakapasok na sa trabaho.
13:25.5
Pero nagawa niya pa rin ipaghanda ako ng almusal sa may lamesa.
13:29.9
Sa pagkakataon na yon ay muli ako nag-guilty.
13:33.2
Naisip ko na bakit nga ba pinahihirapan ko ang babaeng mahal ko?
13:37.6
Bakit palagi ko na lamang sinasaktan si Jelay?
13:41.6
Napaluhan na lamang akong mag-isa habang inaalala ang mga naging sakripisyon niya para sakin.
13:48.5
Ilang saglit pa akong tumulala bago ako nagsimulang kumilos.
13:54.8
Nilinis ko ang buong bahay, naglaba ako at diniligan ang mga alagang halaman ni Jelay.
14:01.2
Hapo na nang matapos ako sa ginagawa ko.
14:04.8
Nagpaplano na akong isipin kung ano ang ulam na lulutuin ko para sa dinner.
14:10.1
Gusto kong isorpresa si Jelay.
14:13.3
Gusto kong magsori sa kanya at iparamdam na sobra akong nagsisisi.
14:17.9
Sa pananakit na ginawa ko sa kanya.
14:21.2
Pero isang tawag sa cellphone ko ang sisira ng mga plano ko na gusto kong gawin.
14:27.6
Nang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko na Jelay ang tumatawag ay kaagad ko yun na sinagot.
14:34.0
Pero isang hindi-pamilyar na boses ang nakausap ko ng mga oras na yon.
14:39.1
Jelo, sorry to inform you pero...
14:42.8
Wala na si Jelay.
14:45.1
Inatake siya ng brain aneurysm habang nagkatrabaho sa opisina?
14:51.3
Wala na siya, Jelo?
14:53.9
Wala na?
14:56.9
Napaluhod ako ng mga oras na yon, Papa Dudut.
15:00.1
Hindi ako makapaniwala na yung naging isang babae na hindi sumuko sa akin ay wala na.
15:06.0
Sumuko na sa buhay niya.
15:08.8
Sobrang laki ng pagsisisi ko noon na hanggang ngayon kahit na ilang taon na ang nakakalipas ay dala-dala ko pa rin.
15:17.6
Ang hirap kasi hindi man lang ako nakapagsori sa kanya.
15:21.7
Ang sakit kasi hindi ko man lang siya napasalamatan.
15:26.6
At sobrang bigat kasi at hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahan.
15:33.0
Kung gaano ako kaswerte na siyang babaeng minahal ko at minahala ko ng sobra.
15:40.2
Papa Dudut, hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang sulat ko na ito dahil nababasa na ito ng mga luha ko ngayon.
15:48.5
Pero kung nasaan man si Jelay ngayon ay gusto kong malaman niya na hanggang ngayon ay siya pa rin ang nag-iisang tinitibok ng puso ko.
15:56.9
Tungkol naman po sa pagkakaroon ko ng bisyo ay inihinto ko na po yon Papa Dudut.
16:03.6
Alang-alang sa babaeng, minsan ay nagmalasakit at naniwala sakin na kaya kong magbago.
16:12.3
At para na rin sa sarili ko.
16:17.2
Lubos na gumagalang Jello
16:20.9
Maikli lamang ang oras natin sa mundong ito at hindi natin yon dapat na sinasayang sa mga walang kabuluhan na bagay para wala tayong pagsisihan sa bandang huli.
16:32.4
Sulitin din sana natin ang mga oras na pwede pa natin makasama ang ating mga mahal sa buhay.
16:38.8
Iparamdam natin sa kanila kung gaano sila kaimportante sa atin.
16:44.6
Para sa oras na mawalaman sila ay wala tayong kahit na anong bagay na pagsisisihan.
16:50.4
Ang buhay ay mahiyawagat
16:56.1
Laging may lungkot at saya
17:02.2
Sa Papa Dudut stories
17:06.7
Laging may karamay ka
17:15.2
Mga problema ang kaibigan
17:21.3
Dito ay pakikinggan ka
17:27.5
Sa Papa Dudut stories
17:32.2
Kami ay iyong kasama
17:39.9
Dito sa Papa Dudut stories
17:43.7
Ikaw ay hindi nag-iisa
17:51.3
Dito sa Papa Dudut stories
17:56.1
May nagmamahal sa'yo
18:04.1
Papa Dudut stories
18:10.9
Papa Dudut stories
18:16.9
Papa Dudut stories